ako .. si julie anne san jose ..
simpleng tao ,
mabait naman daw ako sobra ..
maganda naman daw ako
kaya nga madaming nag kakagusto saakin
mapag bigay , kaya nga madami rin akong kaibigan
matalino , kaya nga honor student ako
mapag mahal ,
magada rin ang boses .. kaya nga member ako ng glee club
masaya naman ako ngayon sa buhay ko , dating malungkot ako oo .. pero sumaya ako simula ng makilala ko siya .. ako lang naman ang
ang lihim na umiibig sa matalik ko'ng kaibigan na si elmo ..
si elmo magalona naman
simple lang din ,
masaya siyang kasama
most of the time napapatawa niya ako dahil sa mga jokes niya at yun na nga rin siguro ang naging dahilan kung bakit ko siya minahal eh .
maganda rin ang boses niya , yun din ang isa naming napapagkasunduan at napapaglibangan namin kapag naiinip kami
matalino rin sya oo ..
mabait , kaya ko nga siya naging kaibigan
pero ba't ganun ? hindi ba niya nararamdaman na may pag tingin ako sakanya ? o kaya hindi niya maramdaman dahil hindi ko pinaparamdam ? nasaakin rin ata ang problema talaga eh
ewan ko nga kung may pag ka bakla to ' hindi pa kasi nag kaka girlfriend at wala siya saakin nababanggit na may nililigawan siya
ewan ko ba kung may torpeng lalake , meron din palang torpeng babae ..
mahal ko siya oo ,pero hindi ko kayang i sakripisyo ang pag kakaibigan namin para lang sa sarili ko'ng kaligayahan , hindi ko naman kasi alam kung magugustuhan niya ba ako kapag sinabi ko ba yun
hindi ko alam kung sasaya ba siya kapag sinabi ko yun
hindi ko alam kung magagalit ba siya
hindi ko alam ang magiging reaction niya kaya natatakot ako .
natatkot akong mawala siya saakin ..
siguro sobrang mahal ko na siya ..
pero wala lang din kasi akong lakas ng loob para aminin sakanya
paano ba kase ?
'' ahmm elmo i love you sa english mahal kita sa tagalog '' ganyan ba ?
'' elmo mahal kita sa tagalog i love you sa english ''
viceversa kumbaga
okay na ako sa sitwasyon namin ngayon ,
kuntento na ako na hanggang mag kaibigan muna kami ..
sinubukan ko panga dati na aminin sana sakanya eh kaso hindi siya naniwala tumawa lang siya at sinabing
'' tsk , si julie talaga ang hilig mag joke wag kangang nag bibiro ng ganyan baka patulan kita ''
tapos ayun hindi nalang din ako kumibo alam ko naman na biro lang sakanya ang lahat , hindi kasi siya naniwala ..
hanggang sa pumunta siya sa bahay namin para sabihin na
'' julie , i need you're help ''
'' oh? ano yun ? may problema ka ? ''
''eh wala naman mag papatulong lang sana ako ''
''project ba ? ano ? ''
'' kay triscia ''
'' oh ano meron kay triscia ? ''
'' i like her ''
'' what ? bakit siya pa ? ''
nagulat siya sa reaction ko .kaya dali dali siyang napatingin saakin .. sa mata ko .. napatingin siya agad saakin
'' i mean bakit siya ? tska , ready kana ba ? first time mo manliligaw ah ? ''
'' oo nga eh , alam mo ang bait kasi niya eh tapos ang saya niya kasama ''
aray naman, bkit hindi ko ba siya napapasaya ?
sa lahat naman ng liligawan si triscia pa , bukod kay elmo siya ang isa pa sa malalapit saakin
'' ano japs , kaya mo ba ko ilakad ? ''
'' aist , pag iisipan ko ''
'' please please ilakad mo ko ? ''
hayy naman , hindi ko siya matiis kahit masakit saakin na nag papalakad siya sa kaibigan ko ..
wala akong nagawa kundi ang pumayag sa hiningi niyang pabor
'' oo nga nga ''
matipid na sabi ko
'' thanks julie you're the best ilove you !! ''
tapos inakap niya ko ng mahigpit
tama ba yung narinig ko ? nag i love you siya saakin ?tsk ! kung ano ano nananman yung iniisip ko eh normal lang naman samin ang magsanbihan ng ilove you ,dahil nga mag best friends kami diba ? eh sabay na kami halos lumaki ..
'' ahh wait moe , hindi ako maka hinga ! ''
'' aww sorry , basta thanks tlaga ha ''
'' wala yun ''
'' sige japs , pumunta lang ako dito para sabihin yun kasi may lakad kami nila ate eh , eto nga pala dinalan narin kita ng breakfast alam ko namang tamad ka mag luto eh ''
kinmuha ko yung pag kain
'' tsk , oo na ako na ang tamad mag luto , salamat ahh may suhol kapang dala sige na lumayas kana ''
'' sige ba-bay ''
'' inagat ka ah ''
at dahil humingi ng malaking pabor saakin si elmo , ginawan ko na agad ng paraan iyon .. inilakad ko siya kay triscia at hindi rin nag tagal sinagot siya nito , ang lungkot lang isipin na sa iba siya sumaya , sa iba ko siya nakitang masaya , hindi niya ba kasi ako gusto ? bakit hindi nalang ako ang niligawan niya ?
hanggang naging madalang narin kami magkita at mag kasama pero hindi naman kami mag kagalit
hindi nga niya alam na nasasaktan ako kasi mahal ko siya diba ?
hanggang sa dumating ang araw na napadaan ako sa isang restaurant , elegante at sosyal .
at nakita ko sila na nasa loob habang ako nasa labas .
nakaramdam ako ng pag sikip ng dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko , pinipilit ko namang maging masaya para kay elmo eh
pero hindi ko maiwasang masaktan
haler , siya nga ang puppy love ko
first love ko ,
first crush
first dance
kulang nalang first boyfriend eh
hindi ko alam pero nakatayo lang ako doon hindi ko maiwasang tumitig sakanila ..
mukang seryoso ang pinag uusapan nila pero ang sweet parin nilang tignan ..
hanggang sa hindi ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko ,
umiiyak ako .. hindi ko na yata nakayanan ang nakita ko ..
kaya tumakbo ako .. tumakbo ako papalayo saknila .
gusto kong lumayo .. malayo sakanila ..
pero bigla akong nagulat ng marinig ko ang isang napaka pamilyar na boses
'' japs ''
hindi ako lumingon dahil alam ko kung sino siya
, si elmo ..
tumigil ako sa pag takbo pero hindi parin ako lumilingon sakanya
ayoko'ng makita niya ako'ng umiiyak
pero pumunta siya sa harap ko
'' bakit ka umiiyak ? ''
mukang nag aalala siya
'' bakit ka andito ? ''
tanong niya ko sakanya
'' psssh ikaw ang tinatanong ko eh ''
'' wala to, bakit ka andito ? ''
'' ikaw , bakit ka andun ? ''
huh ? nakita niya ba ako ?
'' nakita kita sa labas ng restaurant . nakatayo at malungkot , hanggang sa makita kita na umiiyak at nag mamadaling tumakbo ''
so nakita niya nga ako ? pano na to ? -____-
--
one shot story sana ito eh . since gabi na bukas ko itutuloy HAHA ! nalibang lang ako . thanks sa mag babasa =))