THE CEO'S MISSING ESPOSA

By silvermixt

289K 1.9K 23

Miguel Wageman he's willing to give up everything for his wife but how? He didn't see her again after the inc... More

THE CEO'S MISSING ESPOSA
SYNOPSIS
CHAPTER 1
silvermixt note:
CHAPTER 2

CHAPTER 3

15.5K 283 8
By silvermixt

Nasa loob ng kaniyang silid si Ceana. Kinuha niya ang gitara at inilagay sa balikat niya ang sabitan saka umupo sa kama. Inumpisahan niya na ang pagtipa ng mga strings nito at kumanta.

Every flick and strum of her fingers to her guitar was accompanied by her sweet voice. Napapipikit na lang siya habang dinadama ang pagkanta. Hindi nakapagtataka kung bakit maraming humahanga sa kaniya at malayo na ang narating niya bilang singer.

Napatigil siya sa pagkanta nang may pumalakpak malapit sa bungad ng pinto ng kwarto niya. Napansin niya ang kaibigan niyang si Dane at napagtantong ito pala ang pumapalakpak. May ngiting sumilay sa labi nito habang pinagmamasdan siya.

"Grabe ka talaga, Ceana! Wala ka talagang kakupas-kupas hanggang ngayon. Bilib talaga ako sa iyo, friend! Pa-autograph naman," biro ni Dane kung kaya't sinapak niya ito. Napadaing naman ito habang hinihimas ang nasaktang balikat. "Ikaw naman, hindi na mabiro."

"Ewan ko sa 'yo, Dane." Tumayo siya mula sa pagkauupo sa kama at isinabit niya ang gitara sa dingding malapit sa closet niya.

"Ay ganoon? Tumigil agad?" tili nito.

"Tumigil ka, bakla! Nakaririndi ang boses mo," sita niya rito habang nakatakip ang mga kamay niya sa tenga. Napatili siya nang bigla siyang sinabunutan ni Dane sa buhok kaya heto sila ngayon sa kama. Nakadagan sa kaniya si Dane habang siya ay nasa ilalim nito at natatawang prinoprotektahan ang mga pag-atake niya. Hindi naman kasi masakit ang pagkasasabunot nito.

Ganito sila kapag sila lang na dalawa ang magkasama. Walang trabahong inaatupag at problema. Tinulak niya ito para makababa na siya sa kama.

"Saan ka pupunta?"

"Kakain. Diyan ka lang, ah? Lalabas na muna ako. Ikaw, hindi ka pa ba gutom?" Akmang lalabas na sana siya ng silid nang bigla siya nitong binangga.

"Aray ko naman! Hinay-hinay rin, Dane!" reklamo niya.

Pinameywangan siya nito. "Oh, ano pang hinihintay mo riyan?" Tinaasan pa siya nito ng kilay.

"Akala ko ba ay diet ka ngayon?" kunot-noong tanong niya.

"Bakit? May sinabi ba ako na hindi ako kakain, ah?" mataray nitong tanong.

Napaismid siya sa palusot nito. Lumabas na lang sila sa suite. Nasa unahan niya si Dane, hindi man lang siya nito hinintay kasi pumasok na agad ito sa elevator. Sumunod din siya at pinindot nito ang button para sa ground floor.

"Itong baklang 'to, ang sarap ilublob sa drum!" bulong niya. Gulat siyang tumingin dito nang bigla siya nitong hinampas ng dala nitong bag nang pabiro.

"Akala mo ba ay hindi ko narinig iyon, babae ka!"

"Nakararami ka na, huh! Oo, babae ako! Eh ikaw, babae ka ba?" nakangising tanong niya sa kaibigan. Napairap ito at napaismid. Napailing na lang siya sa ginawa nito.

Nagsiupuan na sila nang makarating na sa kainan ng hotel sa ground floor. Kaya hindi niya ito nakita kahapon ay dahil nasa kabilang bahagi ito ng gusali. Nalaman niyang masarap ang mga niluluto ng mga chef sa hotel kung kaya't ito ang napili nilang kainan. Sa pagkaaalam ni Oceana ay gwapo ang may-ari nitong hotel at may asawa na.

Kahit mahal ang hotel dito ay worth it naman ang bayad nila. Napakaganda ng service na ibinibigay ng management.

Nagsimula na silang kumain nang dumating na sa kanilang mesa ang in-order nilang pagkain. Ninanamnam niya ang lambot ng karne na sinusubo niya. Ang sarap talaga. Hindi nakasasawa ang lasa.

Nabulunan siya nang bigla siyang hinampas ni Dane at tumili na parang kinikilig na ewan. Natataranta itong hinimas ang kaniyang likod at binigyan siya kaagad ng tubig nang makita ang nangyari sa kaniya.

"Okay ka lang?" nag-aalang tanong ni Dane sa kaniya.

"Kung ikaw kaya ang mabulunan, magiging okay ka ba?" pabalang niyang tanong dito nang mahimasmasan na. Humingi lang ito ng paumanhin sa kaniya.

"Friend, nakita mo ba iyong kanina?" Kumunot ang noo niya sa tanong nito. Bumalik na naman itonsa pagtili. Inikot na lang niya ang kaniyang mga mata.

"Anong nakita ko? Ikaw kaya ang mabulunan, makikita mo pa ba?" Napairap ito sa sinabi niya. "Busy ako sa kauubo kanina." Napasimangot ito sa tinuran niya.

"Buwisit ka. Sayang, Ceana. Hindi mo nakita." Napapitlag siya nang tumili na naman ito sa harapan niya. Tumayo ito at kumukendeng-kendeng. Nagtataka siya sa inaasta ng kaibigan niya.

"Oh my God! Oh my God! I can't believe this! Nakalalaglag talaga ng panty!" Pumipilantik pa ang kamay nito.

"Hoy, Dane! Tumigil ka riyan. Maraming nakatingin sa atin ngayon!" sita niya at itinuro ang mga kumakain sa kabilang table. Marami na silang nakukuhang atensyon dahil sa inaasta ng kaibigan. Hindi pa rin ito natinag. "Dane naman, tumigil ka! Ayaw ko ng kaibigang baliw," biro niya rito. Tumingin ito sa kaniya nang masama at tumigil na rin ito nang humupa na ang pagtitili.

"Hindi mo ba talaga nakita?" Umupo na ito at tumingin sa kaniya.

"Hindi nga! Ang kulit!"

"Alam mo, friend, ang gwapo niya talaga!" nangangarap nitong sabi habang kumikislap pa ang mga mata. Napasimangot si Dane nang may naalala. "Kaya lang iyong kasama niya..." sabi nito saka huminto ito at napaismid, "ang sarap sabunutan." Akmang sasabunutan siya ni Dane nang tinutukan niya ito ng hawak niyang kutsilyo.

"Sige. Subukan mo, tingnan natin kung hindi maputol ang mga daliri mo nang dahil dito sa hawak ko." Napasinghap ito at mabilis na ibinaba ang mga kamay. Alam niyang may mga nakikinig sa kanilang bangayan sa paligid dahil naririnig niyang natatawa ang mga ito.

"Ay huwag, friend. Kawawa ang mga precious hands ko. Alam mo iyan," umaarte nitong sabi. Hindi na lang niya ito pinansin at ipinagpatuloy na lang niya ang kinakain niya.

"Ipagpatuloy ko na lang ang naudlot kong pagroromansa sa gwapo kanina na nakita ko. Grabe ang gwapo talaga ni Miguel Wageman. Makalaglag ng panty talaga."

Napatigil siya sa pagsubo nang marinig niya ang pangalan na binanggit nito.

Bakit pamilyar sa kaniya ang pangalan na iyon?

Bakit biglang bumilis ang pintig ng puso niya?

Ipinilig niya na lang ang kaniyang ulo para mawala ito sa kaniyang iniisip. Nilantakan na lang niya ang dessert na nasa mesa.

"Hmm! Ang sarap talaga!" sambit niya nang naubos na ang kinakain niyang banana split.

"Ano nga iyong sinabi mo kanina? Ang sarap sabunutan ng babae? Sino?" nagtatakang tanong niya at inabot ang French bread. Napasimangot ito sa kaniya.

"Tama ka, ang sarap talaga sabunutan ng babae na kasama ni Miguel Wageman. Kung makalingkis ay parang tuko, takot maagawan." Pinagkrus pa nito ang mga braso at umismid. Iyan na naman ang pangalan na iyon. Nababahala talaga siya sa nararamdaman niya ngayon.

"Okay ka lang ba, Oceana? Parang nababalisa ka riyan?" biglang tanong nito at hinawakan siya nito sa balikat.

"Y-yes, I'm fine," alanganing sagot niya

Maski siya ay hindi sigurado sa sagot niya kung bakit iba ang pakiramdam niya nang marinig niya ang pangalan ng lalaki.

"Are you sure?" naniniguradong tanong nito. Tumango lang siya pero si Dane ay may pagdududang tingin ang ipinukol sa kaniya.

"Okay," sukong sabi nito.

Alam niyang nagdududa pa rin ito sa kaniya at alam niyang hindi ito titigil hangga't hindi nito nalalaman kung ano'ng nangyayari sa kaniya.

"Sige na. Kain ka na riyan. Maggo-grocery pa tayo." Tumango lang ito at nagsimula na g kumain nang tahimik.

***

Miguel Wageman was having fun talking with Lucia. He never thought that Lucia was a kindhearted person. Nandito sila ngayon sa Freud Deluxe Hotel and Restaurant. Tinawagan kasi siya nito at gustong magpasamang kumain dito sa paborito nitong restaurant.

Ayaw niya sanang sumama rito dahil marami pa siyang gagawin sa opisina ngunit nagpumilit ito. Kung hindi siya sasama ay hindi ito kakain ng breakfast at sandali lang naman daw kung kaya't pumayag na lang siya sa offer nito.

Umupo na sila nang may lumapit sa kanilang waiter para bumati at kunin ang kanilang order. Sinabi niya rito kung ano ang gusto niyang kainin. Napatingin siya kay Lucia nang hindi pa ito umo-order at pansin niyang natulala ito at namumutla habang nakatingin sa kaniyang likuran.

"Are you okay, Lucia? Why are you so pale?" sunod-sunod niyang tanong dito na may halong pag-alala ang boses. Mahinang tinapik niya ang pisnge nito. Napakurap ito saka tumingin sa kaniya.

"Tara na. Sa iba na lang tayo kakain," natatarantang sabi nito at bigla siyang hinila patayo palabas ng restaurant. Nagtataka man siya sa inaasta nito ay nagkibit-balikat na lang siya.

Pagkarating nila sa parking lot ay sumakay na rin sila sa sasakyan at kaagad naman niyang tinanong kung saan nito gustong kumain. Nang sumagot na ito ay saka naman niya pinaandar ang kotse.

***

Continue Reading

You'll Also Like

78.5K 1.2K 18
FICTIONZONED-iyon daw ang tawag sa mga kagaya ni Kirshen na nai-in love sa mga fictional hero. Pero wala siyang pakialam. Masaya na siyang magmahal n...
3.5M 154K 145
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
644K 402 1
Dahil sa sakit na naramdaman ni Henry Escobar sa babaeng minahal nagbago siya. He became ruthless, playboy jerk and doesn't believe in love. Para sa...
85.1K 110 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂