Celeste Brothers #2 : Hunter...

By JeromeCaliente

76.9K 1.3K 145

Hunter Celeste's story More

Hunter Celeste
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kababanata 3Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10

Kabanata 4

4.7K 119 15
By JeromeCaliente

Kabanata 4

Holding hands.

Hatak hatak ko ang kamay ni Crystel habang tinatakbo namin ang kahabaan ng hallway. Hingal na hingal kami habang tinatakasan ang mga guards na nagronda. Wala kasi kami sa klase namin ngayon. Oo, wala. May balak kasi akong puntahan bago umattend ng klase. Ibibigay ko lang itong explosion box ko para sa aming fifth monthsary. Ngayon lang ako nag effort ng ganito. Being in a relationship in a span of five months is already an achievement!

Sumilip ako sa kanang corridor. Si Crystel ay kinakabahan ding nilingon ang mga hallways kung may mga officers pa bang rumoronda. Ako naman ay kinakabahan dahil baka makita ko si Hunter at makita pa niya ang surprise ko sa kaniya.

"Sige chi, go na! Lagay mo na bago pa dumating jowa mo!" Bulong ni Crystel. Tumango ako at naka squat na naglakad patungo sa mga lockers.

Binuksan ko ang pintuan ng locker ni Hunter. I immediately recognized his locker because of the stickers na bungo at ng name niya. Bumungad ang mga hindi naka ayos na libro at kung ano anong love letters na galing sa mga fan girls niya na agad kong nilakumos. Walang awa ko itong dinakot gamit ang buong palad, di inisip kung maglukot lukot man ang mga ito. Mula sa pinagmulan ng mga sulat ay ipinatong ko ang explosion box na pinagpuyatan at pinagpaguran ko overnight. Nagpalate pa kami para lang makapunta sa campus nila at nagpanggap pang magcacampus tour kahit hindi naman talaga!

"Tapon mo 'to be." Asik ko at binigay ang kalahating love letters kay Crystel.

Walang pag aalinlangan kong tinapon ang ibang love letters. Naglakad na ako paalis ng locker. Hindi pa rin ako nakaka relax nang maayos.

Liliko na sana ako nang mapahinto ako nang bumungad sa akin si Hunter. Pagod ang ekspressyon na nakaguhit sa kaniyang maamong mukha. Tho his lips are looking pale today, and his hair uncomb ang guwapo niya pa ring tignan. Pero bakit kaya siya ganiyan? Its our 5th monthsary. He should be happy! Dapat pa nga gulat dahil binisita ko siya sa campus nila!

"Happy 5th months--."

"Enough with your bullshits Edace." Nilagpasan niya lang ako. Agad na tumambay ang mga luha sa mata ko. Ang kirot ay agad na gumuhit sa puso.

"Hunter!" Tawag ko sa pangalan niya. Di niya ako nilingon ngunit natigilan siya. Si Crystel ay nasa likuran ko at hindi alam ang dapat gawin. Maski siya ay gulat.

"You're just a rebound girl Edace. Isa ka sa mga pitong babae ko na ginagamit ko lang. Nothing serious so stop assuming things alright?" Aniya at pinagpatuloy ang paglalakad.

Naiwan ako roon sa kinatatayuan ko, trying to hold myself together for at any moment I am about to crash. Pilit kong hinawakan ang mga nabasag na piraso sa lugar kung saan sila karapat dapat. But sadly, even the place where it should be was also damaged. Niyakap ako ni Crystel. Di ko iyon natugunan. Pinipilit kong huwag umiyak. Pero huli na nang malaman kong tumutulo na pala ito nang tuloy tuloy palabas ng aking mga mata.

The memories I had with Hunter way back in High school hit my mind nang makita ko siya after all those years na hindi kami nagkita. The wounds aren't fresh anymore. Pero ang mga ala ala ay lubhang napakalinaw.

Walang masyadong pagbabago kay Hunter maliban sa lalo siyang naging guwapo at matipuno. Idagdag pa na mas naging manly looking siya at sopistikado. I bet every women are dying to be on his fiance's position.

"Hija, kwentuhan mo naman ako tungkol sa'yo." Nagbalik ang katinuan ko nang magsalita ang Mama ni Zyche. Oh yes, I already met her.

Her mom is an epitome of a living Virgin Mary. Napakaganda at napaka lambing ng tinig. The femenine eyes that Zyche, kuhang kuha ng kaniyang Ina. The others must from his father na ngayon ay wala dito. Alam kong mayaman ang pamilyang Zobel ngunit bakas sa kanila ang pagiging simple lamang. Mula kay Zyche pa lamang na mas piniling mag aral sa mumurahing unibersidad sa Makati kaysa sa mga prestihiyoso. Katwiran niya ay mas importante sa kaniya ang kalidad ng education.

"Wala naman pong masyadong interesting sa buhay ko Ma'am." Nahihiya akong ngumiti. Nandito kami sa lobby ng gusali at naglalalunch. Dito na lang namin napagpasyahang mag hapunan sa halip na lumabas pa.

"Wag kang magbiro ng ganiyan. Lahat ng tao ay interesting ang buhay. Kaniya kaniyang kwento lang iyan." Ani Tita Alejandra.

Napaisip ako roon. Maybe the only thing that is interesting about me is the fact that I am one of the child that gave luck to my parents. Aside from that? There is nothing special about me. I'm not that talented. Tho I am good at painting, napabayaan ko na ang hobby ko na iyon. It was a hobby way back in high school. But now? I can no longer feel the same attachment that I have before with the paint brushes. Change is constant. There is no thing such as permanent. Pang matagalan mayroon pero ang permanento ay mahirap paniwalaan ngayon. People die, people leave, things get old everything changes. Kaya walang bagay na permanente.

"Alam mo anak, I am so glad that Zyche found a woman like you." Matamis ang ngiti ni Tita Alejandra sa akin. Saglit siyang napatingin kay Zyche. Nilingon ko si Zyche na nakayuko sa pagkain niya, hindi kami pinagtuunan ng pansin. "Ilang beses nang napunta si Zyche sa maling tao. At sa tingin ko ikaw yung tama na hinihintay ko para sa anak k-."

"Ma." Si Zyche.

Nanahimik ang kaniyang Ina. Saglit akong nagtaka sa kung ano ang mayroon at bakit parang may mga bagay akong di alam na dapat kong matuklasan.

Natapos ang dinner kasama ang kaniyang Ina mga bandang alas syete. Nasa veranda ako, hinihintay ang kaniyang mag ina na matapos mag usap dahil mukhang seryoso ang pinag uusapan nila ano man iyon. Malamig ang simoy ng hangin. Ang mga palm trees na nakahilera sa paligid ng veranda ay bahagyang sinasayaw nito. Naglakad lakad ako sa paligid ng veranda. May mga bilog na tables sa bawat paligid, laan para sa mga empleado na nais tumambay dito. Natigilan ako sa paglalakad nang muling masilayan ang pamilyar na mukha.

He is sitting alone. Sa kamay ay ang espresso. Umuusok pa iyon. Ang kaniyang mukha ay puno ng pagka balisa. I can tell. With his blank expression, I don't know why but it is giving me an impression na para bang pasan niya ang mundo.

Nagkunwari akong di siya kilala. Nilagpasan ko lamang siya.

"Don't act like you don't know me lady." There is no physical contact. Pero sa pamamagitan ng salitang iyon ay para bang may pares ng kamay ang humawak sa akin upang mapaatras ako pabalik sa kaniyang kinaroroonan. "Its kinda rude to pass by like that. May pinagsamahan din naman tayo." He smirked. Yet his eyes were sad.

Nangapa ako sa mga salitang bibitawan. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Tila ba'y nagkabuhol buhol ang dila ko. Damn it Ace.

"Hi?" I shrugged.

Pinanliitan niya ako ng mata kasabay ng pag alis niya ng salamin. Inilapag niya iyon sa table. "Its been a year. How many? Seven years? seven freaking years you still don't have any progress. You're still petite."

I rolled my eyes. Same old Hunter. "Yes. Seven years Hunter. Enough time for me to treat you like a stranger."

"Whoops. Oh there. You sound so bitter. Seven years na. Mag move on ka na sa nangyari." He said it like it was just nothing.

I clenched my fist. "I already moved on. Ikaw yata ang hindi."

Umawang ang bibig ni Hunter sa sinabi ko. Nag iwas ng tingin at tinitigan ang kaniyang kape.

"So yes, nice meeting you again Hunter. Congratulations, you're engaged. Huwag mo lokohin yan a. Baka iwan ka." I saw him clenching his fist. Oh why. He must love her too much that the thought of her leaving him makes him mad. "Oh well, goodbye." Naglakad na agad ako pabalik sa pinang galingan ko. Sakto namang nakita kong pabalik na si Zyche at hinahanap ako gamit ang kaniyang mga mata. Nakahinga ako nang maluwag. Ang inis ay natunaw.

"Saan ka ba galing?" Tanong ni Zyche. Nagkibit ako ng balikat at pwersahang ngumiti. Iniwas niya ang tingin sa akin at inilapat ang kamay sa aking baywang.

Umalis na kami ng building. And that was the last time that I've been there. And probably the last time that I am going to see Hunter James Celeste again.

Days went by, halos araw araw na kaming magkasama ni Zyche. Helios is not in the background anymore. He don't text me at all unlike before. At kapag nakakasalubong ko siya sa hallway ay hindi naman niya ako tinatapunan ng tingin. I was used to be with him that's why it hurts a little. He is my best buddy. Pero syempre, now that Zyche is always with me, mabilis akong nakaka get over sa pain. Zyche is with me when I'm sad, when I'm worried, when Kuya Terrence is not around to act like a brother for me. He is there when I'm happy. Kaya kung ano man ang nagpush sa kaniya na kilalanin ako, thanks for that.

Meanwhile, my brother is still the same. I really miss the old him. Hindi ko pa rin siya maintindihan kung bakit siya biglang nagka ganoon. Kung ano man iyon, sana malaman ko. Kahit ang magulang ko ay naaepktuhan na dahil dito.

Months passed, sinagot ko na rin si Zyche. Naging pursigido naman si Zyche sa panliligaw sa akin. Pinakilala ko na rin siya kay Mama at Papa. My parents like him. Everything was perfect. Everything was in their right places. Wala akong regrets na sumubok ako uli. Alam kong hindi ako masasaktan si Zyche. Nagtapos kami ng college nang kami pa rin. We both built a dream that we are planning to fulfilled someday. If only my same old brother would return, magiging perfect na ang lahat. Ngunit limang buwan na ang lumipas, wala pa ring pagbabago si Kuya. Limang buwan na ang lumipas, wala pa rin kaming alam, kung saan nagpunta ang dating siya.

"Babe are you coming here tonight? Nagprepare si Mama ng dinner. She wants me to invite you." Wika ni Zyche sa kabilang linya. Nagpapatuyo ako ng buhok sa tapat ng electric fan habang katawagan si Zyche.

"Of course. Kumain ka na ba?" Tanong ko.

"Oo naman. How 'bout you?"

"Already done, magbibihis na lang then I'm going to Crystel's house."

"Aight. I love you, ingat." He said sweetly.

"I love you too."

Nagbihis na ako ng casual dress. Hindi na ako babalik dito, didiretso na ako sa bahay nila Zyche upang magdinner. Tinanaw ko si Kuya na nakaupo sa kaniyang kama at nakayukong nagbabasa ng diyaryo. Naghahanap ata ng hiring. Hindi natapos ni Kuya ang college because of his problems that he is not willing to tell us. Umalis na agad ako ng kwarto as if wala akong ibang kasama. It hurts to pretend like you never know your brother. Pinalis ko kaagad ang nararamdaman sa dibdib at bumaba patungong sala.

"Trapik be. Sorry ha? Wala kasi kaming kotse." Sarkastiko kong sabi kay Crystel habang katawagan siya. Nag iintay na ako ng masasakyang bus patungo sa kanila.

"Oo na oo na. Text mo ko Ace kapag nandoon ka na sa tapat nung junkshop namin ah. Sunduin kita." Aniya.

"Ok. Bye be." Pinatayan ko kaagad siya ng tawag at tinuon ang pansin sa pag aabang ng masasakyan. Siksikan dito sa terminal at mainit pa. Paunahan pa minsan makasakay.

Nagpalinga linga ako sa paligid upang alamin kung may paparating pa bang bus. Ngunit natigilan ako nang may mamataan. Nanliit ang mga mata ko nang makita ang boyfriend ni Crystel na may kaholding hands na iba. Bumilis ang tibok ng puso ko sa intensidad ng emosyon na naramdaman. 

Continue Reading

You'll Also Like

46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
322K 25.3K 5
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...