𝐃𝐋𝐒 1: A DEAL WITH MY SIST...

Od cesemie

183K 3K 1.1K

ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight... Více

𝐈. 𝐀𝐔𝐓𝐇𝐎𝐑'𝐒 𝐍𝐎𝐓𝐄
𝐈𝐈. 𝐈𝐌𝐀𝐆𝐄𝐒
𝐈𝐈𝐈. 𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 1
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 2
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 3
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 4
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 5
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 6
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 7
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 8
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 9
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 10
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 11
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 12
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 13
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 14
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 15
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 16
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 17
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 18
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 19
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 20
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 21
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 22
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 23
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 24
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 26
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 27
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 28
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 29
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 30
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 31
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 32
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 33
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 34
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 35
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 36
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 37
ANNOUNCEMENT
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 38
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 39
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 40
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 41
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 42
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 43
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 44
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 45
𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 46

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 25

2.8K 47 4
Od cesemie

KIERA'S POV

Alas singko ng umaga nung umalis kami ng hotel para pumunta ng Northern Blossom dahil limang oras ang byahe papunta doon mula dito.

Nag almusal na rin kami ni Dwight bago kami umalis ng hotel. Ginawa ko rin ang sinabi niya kahapon na ngayon ko isuot ang dress na ipinabaon ni Mama.

Katulad nung mga nakaraang araw hindi pa rin mawala ang pagkamangha ko sa lugar nung dumating kami doon nung 9:30 am ng umaga.

"And we're here." Sabi nito, kaya sumilip ako sa bintana.

"Woah," manghang usal ko. Nasa mataas na lugar kami kung saan tanaw ko ang Northern Blossom na sinasabi niya.

"Ang ganda," sabi ko pa saka siya nilingon at agad kong napansin ang pamumutla niya.

"Okay, ka lang?" Tanong ko. Kanina ko pa kasi siya nakikitang gano'n. Hindi siya sumagot, kaya idinikit ko ang likod ng palad ko sa noo niya. "Uy, may sinat ka."

"Wala 'yan. Sa klima lang 'yan." Hindi nito pagpansin sa sinabi ko.

"Sure ka?"

Tumango ito saka ngumiti. "Yap."

"Okay, sabi mo e."

Dahil nga sinasabi niya na ayos lang siya, nagpark na kami sa parking area, pagkatapos dumiretso kami sa information desk at nagbayad.

Nagkape na rin kami doon dahil kasama na iyon sa binayaran namin bago kami naglakad patungo sa mga spot.

Punong puno ng iba't ibang bulaklak ang lugar na kinaroroonan namin, pakiramdam ko nasa ibang bansa ako.

"Picturan kita Ke," sabi ni Dwight at lihim akong napangiti do'n.

Ang sarap palang magkaroon ng boyfriend na photographer. Hays! Baka masanay ako, magboyfriend na ako ng totoo.

"'Pag 'yan lang talaga, blurred ewan ko na lang," biro ko. Natawa lang siya, kaya umayos na rin ako.

Pinicturan niya na ako sa iba't ibang anggulo.

"Feel your main character era," tawa ni Dwight habang nagpapatuloy sa pagkuha ng litrato sa akin.

Naglakad lakad lang ako at nilanghap ang sariwang hangin na dumadampi sa balat ko.

Nakakarelax kasi talaga parang lahat ng sama ng loob ko natanggal sa pagdala sa akin ni Dwight dito.

Halos isang oras rin akong ginawang model ni Dwight, kaya nakaramdam ako ng pagod.

"Last na lang beh, do'n sa may sunflower," sabi ni Dwight.

Kahit medyo pagod na ako. Hindi na ako nagsalita at hinila nalang siya patungo doon para matapos na kami. Bahagya akong umupo do'n at hindi nangiti dahil gusto ko munang magpahinga.

"Ganda, sige na, smile na," nakangiting sabi nito. Natawa naman ako sa sinabi niya, kaya napangiti na rin ako.

Sa'yo lang susunod crushy. Eme!

Pagkatapos no'n, pinagpahinga niya muna ako bago namin ginawa ang last clip para sa TikTok trend na ginagawa namin pamula kahapon saka niya muling pinalipad ang drone niya para makuhaan ang ganda ng lugar.

Mayamaya pa, napagod na rin siya at nagpahinga muna habang ako naman ay naglakad lakad doon para kumuha ng videos at pictures gamit ang cellphone ko. Hindi nakakasawang kumuha ng videos at pictures sa ganito kagandang lugar.

Nung inikot ko ang camera ko nahagip no'n si Dwight at natawa ako dahil nakita kong pumipitas siya ng wild strawberries na naroon at kinakain niya.

"Kain," tawa ni Dwight.

"Uy, bawal 'yan!" Saway ko sa kaniya at pinanlakihan ko siya ng mata pero dahil may pagkamatigas ang ulo niya, hindi siya nakinig.

"Bawal talaga kapag may nakakita, e wala namang nakakakita," ngisi nito. Totoo ang sinabi niya dahil medyo malayo kami sa ibang turista. Inabutan niya ako ng dalawang pirasong wild strawberry. "Try mo, matamis."

"Piskot ka," sabi ko pero tinanggap ko ang inabot niya at kinain iyon pero nadura ko agad iyon dahil maasim at hindi pa pala hinog iyon.

Tumawa siya ng malakas. Traydor!

"Siraulo ka Dwight!" Sigaw ko sa kaniya. Agad rin siyang nakatunog na hahabulin ko siya kaya tumakba siya at nagpahabol sa akin. Para kaming bata na naghahabulan doon.

Habang hinahabol ko siya, kitang kita ko ang saya sa mukha niya at masaya rin ako sa ginagawa namin.

Mayamaya pa, dahil napagod na ako at nakakahiya na rin sa ibang tao itong ginagawa namin saka nakakasagi na kami ng mga halaman at bulaklak doon-tumigil na ako.

"Sorry beh," tawa pa rin nito nung tumigil siya.

Inirapan ko lang siya.

"Magkapatid nga kayo ni Aulhexa, pareho kayong matigas ang ulo at makulit," Hinihingal na sabi ko. "Kay Tito Ethan kayo nagmana,'no? "

Tumango lang ito, habang nakatawa pa rin. Napailing lang ako nung may makita akong yellow bell flower tingin ko'y nalaglag iyon mula sa sanga niya.

Pinulot ko iyon saka itinago sa likod ko. May naisip kasi akong gawin e.

"Dwight," tawag ko sa kaniya. Agad nman niya akong nilingon mula sa pagtingin niya sa cellphone niya dahil nag vibrate ang cellphone niya. "Kanina mo pa 'ko pinipicturan, ikaw naman ang pipicturan ko, dali."

"Ayoko," agad na tanggi nito.

"Bakit?"

"Nahihiya ako," nasa mukha niya nga.

"Wow, marunong ka pala no'n e pumipitas ka nga ng straw-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bibig ko.

Nagpumiglas ako.

"Dali na, kapag ako sinusunod kita 'pag ako naman ang nag uutos 'di mo 'ko sinusunod," nguso ko saka umarte na nagtatampo.

"Luh," reklamo niya. Inirapan ko nga siya.

"Pogi.. sige na." Pilit ko. "'Pag 'di ka sumunod 'di na 'ko aattend ng birthday ng best friend mo,"

Napakamot ito sa ulo niya, "mabilis lang ah."

Malapad ang ngiti ko nung pumayag siya. Nag peace sign na ito kaya kinuhanan ko na siya pagkatapos mabilis kong inilagay ang bell flower sa likod ng tainga niya dahilan para magulat siya, hindi ko lang siya pinansin at mabilis na kicnlick ang camera ko.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko.

Tatanggalin niya sana iyon nung pigilan ko siya saka ako lumapit sa kaniya at nagdoupie kami. Nung una ay ayaw niya pa, pero kalaunan ay ngumiti na rin ito sa camera dahil nakita niya na masaya ako, sinakyan niya na rin ang gusto kong mangyari.

Dahil nga nagkadikit ang balat namin naramdaman kong hindi pa rin nawawala ang sinat niya.

"Uy, bakit mas lalong uminit ka ata?" Tanong ko nung matapos kami at naglalakad na kami pasasakyan niya dahil bababa na kami ng bagiuo.

Nakita ko rin na pinakiramdaman niya ang sarili niya.

"Hindi naman, malamig lang talaga dito." Pagsasawalang bahala nito. "Saka gan'yan talaga pag hot," kindat niya pa.

"Hot ka d'yan. Saan?" Nagmake face ako. "Patingin nga."

Itinaas niya ang muscle niya dahilan para ma-emphasize ang biceps niya at maglaway ako pagkatapos naglakad na siya pasasakyan niya at pinagbuksan ako ng pinto.

"'Pag may masakit sa'yo o may nararamdaman ka na para sa'kin magsabi ka lang," pasimpleng porma ko sa kaniya kahit sinabi ko na sa sarili ko kahapon na pipigilan ko na ang sarili kong magkagusto sa kaniya. Hindi talaga nakikinig 'tong puso ko e. Kulit!

"Ano?" nagkaroon ng gatla ang noo ko. Humaharot na nga ako, nabingi ka pang piskot ka! Bahala ka d'yan.

"Wala, sabi ko 'pag may masakit sa'yo magsabi ka sa'kin." Sumakay na ako sa sasakyan ngumiti lang naman siya saka niya ipinagkibit balikat iyon pagkatapos sumakay na rin siya sa driver's seat.

"Ba-bye, atok!" Pagkausap ko sa lugar na iyon tila ba sasagot iyon. Naramdaman ko namang ngumiti lang si Dwight at nagsimula ng magmaneho paalis doon.

Dahil malayo pa ang byahe namin pababa ng Baguio nagkwentuhan lang kami ni Dwight habang nagpapatugtog siya mula sa radio ng sasakyan niya.

Tanghali na nung makababa kami, kaya doon na rin kami nagtanghalian sa Chaya restaurant, where they serve Japanese food.

Sinulit ko ang pagkain doon dahil bukod sa masarap iyon, mahal din. Hindi ako pinalad makapasok sa Japan pero at least nakakain at nakatikim na ako ng Japanese food. Thanks to Dwight.

Dahil nasa Baguio na rin kami. Dumaan na rin kami sa mga tourist spot doon para magpicture. Katulad ko napuntahan na rin pala niya ang Baguio kasama ang mga kaibigan niya, kaya hindi na rin kami gaanong nagtagal doon.

Sa una lang talaga masaya ang isang bagay. Eme!

"Salamat po, sir! Ma'am!" Ani ng tindera ng strawberry jam na binilhan namin—pampasalubong sa mga pamilya namin. Marami pa kaming pinamili bukod doon.

Napangiti ako nung hindi niya na kuhain ang sukli.

"Galante ang ferson, 'pag nagkaanak ako kukunin kitang ninong, para sampung libo secured kada pasko," biro ko nung maglakad na kami papunta ng sasakyan niya.

Tumawa siya. "Luh, bakit ninong lang? Ayaw mo nang magandang buhay para mga anak mo? "

Ilang segundo bago ko nagets ang biro niya pero hindi na ako sumagot at sumakay na sa sasakyan niya dahil ayokong makita niya ang pamumula ng pisngi ko. Pagiging daddy pala nga mga anak ko ang gusto ni Doc!

Nagkibit balikat na lang siya nung hindi ako sumagot at umikot na papunta ng driver's seat.

Tumingin muna siya sa akin saka ngumiti, "So we're going home now. I hope you enjoy this tour."

We're going home? Bakit ang sarap sa pandinig no'n.

"Syempre naman, sana may next time pa." Alam kong kalabisan ang hiling kong iyon pero sana maulit pa.

"Let see," tumatangong saad niya. "Tara na, kailangan natin makalabas ng bagiuo bago mag-five p.m. para hindi tayo abutan ni Egay."

Tumingin ako sa kalangitan. Medyo makulimlim na nga at mas lalong lumalamig ang paligid. Umaambon na rin kanina.

"Mahirap na rin tumagal dito," muli ko siyang nilingon nung sabihin niya iyon. "Naghihiwalay daw yung mga magjowa na pumupunta dito."

Natawa ako. "Ang tanda mo na naniniwala ka pa sa gan'yan."

He chuckled, "Totoo 'yon 'no. Yung mga kaibigan ko na nagpunta dito kasama yung mga jowa nila-naghiwalay after a month. Double date pa nga sila e. 'Yon sabay silang naging single."

Mas lalo akong natawa sa sinabi niya, kaya napalo ko siya, "baliw nasa magjowa 'yon kung maghihiwalay sila o hindi—teka," mula sa pagkakatapik ko sa kaniya umangat ang kamay ko sa noo niya saka bumaba iyon sa leeg niya.

Pinakiramdan ko siya. "Piskot ka! Ang init mo, nilalagnat ka nga!"

Bahagya niyang inilayo ang mukha niya, saka pinagtuunan ng pansin ang sasakyan niya. Binuhay niya ang makina no'n. "Wala 'yan, lagnat laki lang 'yan saka sa lamig ng panahon, mawawala rin 'to."

"Kapag may nadaanan tayong pharmacy bumaba muna tayo para makabili ako ng gamot mo," ani ko. "Iinom ka ng gamot."

Nakatingin lang siya sa akin saka kumurap kurap at pilyong ngumisi. "Mamá, ikaw ba 'yan?"

Iniripan ko lang siya. "Hindi, pero girlfriend mo ako kaya makikinig ka sa'kin, okay? "

Dahil bakas ang pinalidad sa salita ko tumango na lang siya at nagkibit balikat saka nagsimulang magmaneho at inabutan kami ng bagyo habang nasa byahe.

Mabuti na lang rin at nakalabas na kami ng Baguio nung 4:30 na ng hapon. Dahil sa malakas na ulan, malamig na panahon, at pagod ko hindi ko namalayang nakatulog ako ng mahabang oras.

"Saan na tayo?" Tanong ko sa kaniya nung magising ako. Hindi ko hinintay ang sagot niya at tumingin sa paligid.

Gabi na at nakita kong nasa NLEX na kami. Wala pa ring tigil ang ulan.

"Sabi ko gisingin mo ako kapag may nadaanan kang pharmacy," nakangusong sabi ko.

"Sorry, Ke, ayoko kasing maistorbo ang tulog mo. Kasi alam kong pagod ka." Sagot niya lang.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko nung marinig ko iyon kaya bahagya akong lumapit sa kaniya at muli siyang pinakiramdaman.

Mas uminit siya kaysa kanina. "Mas Lalo kang uminit,"

"Okay lang ako beh."

"Bumili na tayo ng gamot pag nakalabas tayo dito."

"Sige, kapag humina ang ulan."

Tinanguan ko lang siya at nung makalabas kami ng NLEX, ang inaasahan naming pagtila ng ulan ay hindi nangyari sinamahan pa iyon ng kulog at kidlat. Malakas na rin ang hangin sa labas, kaya hindi na kami nakabili.

"Tsk." Pikon na saad ko. Ayaw makisama ng panahon.

"Hayaan mo na beh, malapit naman na tayo sa inyo do'n na lang tayo bumili sa inyo."

Tinanguan ko siya. Baka nga may gamot pa doon sa amin. Ipinagpatuloy niya lang ang maingat na pagmamaneho dahil madulas ang daan gawa ng bagyo.

8:30 pm na nung makarating kami sa bahay at tulad ng inaasahan ko walang tao doon dahil nasa ospital sila Mama.

Ipinark niya ang sasakyan niya sa harap ng gate namin para hindi kami gaanong mabasa. Pagkatapos bumaba siya ng sasakyan at ginamit niya ang mga kamay niya para salagin ang ulan. Inalalayan niya rin akong makababa at ginamit niya ang jacket niya para hindi ako mabasa.

Dinalian ko ang kilos ko at kinuha ko ang susi ng gate sa katawan ng puno ng avocado namin kung saan inilalagay ni Mama ang mga spare na susi kapag umaalis sila. Hindi makikita ng iba iyon dahil nasa tagong parte ng katawan ng puno iyon at kami lang mag anak ang nakakaalam no'n.

Nakita kong nagulat siya dahil doon pero hindi ko na lang pinansin iyon dahil kailangan na naming pumasok kasi nababasa na kami ng ulan.

Nung makapasok kami binilisan ko rin ang pagbukas ko ng pinto ng bahay namin para makapasok na kami.

"Thank God," it was him. Pansin ko na ang panginginig nito kaya iniwan ko muna siya sa sala at pumasok ako kwarto nila Mama para kumuha ng bagong tuwalya.

Ilang segundo lang lumabas na rin ako at inabot ko sa kaniya iyon na agad niyang tinanggap. Pagkatapos naglakad ako papunta ng kusina para kuhaan siya ng tubig sa water dispenser pati na rin ng gamot.

"Uminom ka ng tubig," utos ko sa kaniya. Itinigil niya ang pagpupunas sa ulo niya para tanggapin ang tubig na binibigay ko saka niya iyon ininom.

Dahil nga basa ang ulo at upper body niya ako na ang nagpatuloy ng pagpupunas sa ulo niya na siyang ikinagulat niya hindi ko lang naman pinansin iyon.

Marahan kong pinunasan ang ulo niya habang mata sa mata niya akong tinignan gano'n rin naman ako kaya malaya uli ako na makita ang mukha niya.

Mabilis niyang inubos ang tubig na ibinigay ko sa kaniya at kasabay ng pag-aasikaso ko sa kaniya ay ang pagbilis rin ng tibok ng puso ko lalo na nung bumaba ang tingin ko sa mapula niyang labi.

Pumasok sa ala ala ko ang pangyayari kahapon kung saan ginantihan ko siya ng halik.

Muling umangat ang tingin ko sa mata niya at natagpuan kong malalim pa rin ang tingin niya sa akin kaya ako na rin ang nag-iwas ng tingin at iniwan siya para kumuha ng payong para makuha na namin yung mga gamit namin sa sasakyan niya.

Katulad ng dati hindi niya ako hinayaan na ako lang ang kumilos mag isa, tinulungan niya akong mailabas ang mga dala namin.

"Maligo ka, Ke," Sabi niya nung makapasok uli kami sa bahay. "Baka magkasakit ka e."

Tumango lang naman ako. "Ikaw din, uminom ka pa rin ng gamot tapos magpahinga ka. Deretso na ng uwi sa condo mo ah."

Umiling ito. "Uuwi ako ng tagaytay, kailangan kong kunin si Christian Grey, saka kailangan ko rin ipamigay yung mga pasalubong natin doon."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Dalawa hanggang tatlong oras pa ang byahe mula dito bago makarating doon.

"Hindi mo ba nakikita, bumabagyo beh." Sumilip ako sa labas malakas pa rin ang buhos ng ulan. "Uuwi ka pa? May driver naman kayo di ba? Baka p'wedeng hintayin mo na lang siya dito para hindi ka na bumyahe."

"Naka day off si Kuya Edwin," simpleng saad nito.

Nagkibit balikat lang ito at dahil alam kong buo ang desisyon niya. Hindi ko na siya pinigilan.

May dumaan na emosyon sa mukha niya habang tinitignan ako para bang may gusto siyang sabihin sa akin, malamlam na rin ang mata niya dahil nga hindi maayos ang pakiramdam niya.

Naawa naman ako nung maalala ko na kapag umuwi siya sa mansyon nila o sa condo niya walang mag asikaso sa kaniya. He's been an independent man since he was eighteen, hindi rin niya madalas kasama sila Tito since busy ang mga iyon sa negosyo.

Huminga ako ng malalim.

"Magpatila ka muna ng ulan dito," agaw ko sa atensyon niya. Nakita kong nasiyahan naman siya, pero agad rin nawala, iyon nung ituloy ko ang iba ko pang sasabihin. "Mayamaya ka na umalis kapag mahina na ang ulan, maliligo lang ako."

Katulad kanina ay tumango lang ito saka tahimik na naupo sa sofa at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng ulo niya kaya naman pumasok na ako sa kwarto namin para kumuha ng damit pamalit.

"Dwight, gusto mo bang magpalit ng damit?" Sigaw ko sa kaniya.

"Hindi na, hindi naman ako basang basa."

Nagbaling ako ng tingin sa wall clock. 9:15 pm na. Sana humina na ang ulan.

Nung makakuha ako ng damit nagpaalam muna ako sa kaniya saglit na maliligo lang ako. Tumango lang naman siya saka nagcellphone pagkatapos dumiretso na ako sa CR para makaligo.

Dahil malamig nga, nagligong pato lang ako at nakaayos na na lumabas ng CR. Naabutan ko lang naman siyang nakatingala sa graduation toga picture ko na nakasabit sa pader ng kwarto naming magkakapatid.

Hindi ko na lang iyon pinansin dahil napansin kong medyo humina na ang ulan.

"Gusto mong kumain muna?" Tanong ko.

Nilingon niya na ako saka siya umiling. "Uuwi na ako, humina naman na ang ulan."

"Okay," simpleng sagot ko. Pinakatitigan lang ako nito parang may gusto talaga siyang sabihin sa akin. Handa na sana akong magtanong pero hindi ko nagawa dahil nag ring ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa namin.

Agad ko ring sinagot iyon nung makita kong si Mama ang tumatawag.

"Ma," ani ko sa kabilang linya saka ako lumapit ka Dwight para kunin ang tuwalya na inaabot niya. Nagpasalamat rin siya ng walang boses na tinanguan ko lang.

"Anak, nakauwi na kayo?"

"Opo Ma, kanina pa hong eighty-thirty. Pero aalis rin po agad kami."

Nakita kong kumunot ang noo ni Dwight nang marinig niya iyon.

"Gabi na saka bumabagyo, saan pa kayo pupunta?"

"Sa mansyon nila Dwight sa Tagaytay po,"

"Bakit doon pa? Gabi na anak," huminga ako malalim.

Nakatingin lang sa akin si Dwight, habang kausap ko si Mama.

"Opo, pero kailangan niya po kasing pumunta doon para kunin yung sasakyan niya."

"Kasama ka pa? "

Nag iwas ako ng tingin kay Dwight. "Sasamahan ko po siya, may sakit ho kasi si Dwight."

Natahimik si Mama ng ilang segundo.

"Ganoon ba?"

Tumango ako na para bang nakikita ako ni Mama sa harap niya.

"Kailangan ko po siyang samahan, wala po kasing mag aasikaso sa kaniya," saad ko saka tinignan si Dwight. "Kailangan ko pong samahan yung boyfriend ko."

Nakita kong natigilan si Dwight, ganoon rin si Mama sa kabilang linya. Nakagat ko ang labi ko.

"Boyfriend mo na si Dwight?" Tanong ni Mama na para bang sinisigurado niya kung tama ang narinig niya.

"Opo ma,"

Alam kong nabigla siya pero hindi ko na pinansin iyon at naglakad na patungo sa mga kwarto para isarado ang mga iyon at maghanda para sa pag alis namin.

Isinampay ko rin ang tuwalya na ginamit ni Dwight sa hanger.

"Parang ang bilis naman anak," natawa ako sa sinabi ni Mama. Kung alam niya lang na hindi naman talaga nanligaw si Dwight at pagpapanggap lang ito.

"Patatagalin ko pa po ba? Si Dwight na po 'yon," biro ko saka nakatawang humarap ako kay Dwight. Bakas pa rin ang gulat sa mukha nito.

"Naku, teka anak, kausapin ka daw ng Papa mo."

Napapikit ako dahil doon. Narinig ko pang nagmamadali pa si Papa na kausapin ako.

"Kiera,"

"Pa,"

"B-boyfriend mo na 'yang si Dwight?" Matigas na tanong nito mukhang galit ito, pero pinapakalma niya pa rin ang sarili niya.

Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Dwight na nakatingin rin sa akin.

"Opo, boyfriend ko na po siya." May paninindigan na saad ko.

"Ibigay mo kay Dwight ang cellphone mo, kakausapin ko siya," dahil masunuring anak ako ibinigay ko nga kay Dwight iyon para makapag usap sila pero ini-loud speak ko iyon.

"Dwight," said Papa.

"Hello po," sagot ni Dwight habang nakatingin pa rin sa akin.

"B-boyfriend ka na ng anak ko?"

"Opo Tito, totoo po 'yon."

"Anong ginawa mo bakit girlfriend mo na ang panganay ko?" Mataas na ang boses ni Papa. Tsk!

"Wala ho," tumawa ito. "Nadala ko lang ho sa kagwapuhan ko."

Wala lang akong imik habang tinitignan siyang magbiro kasi hindi naman talaga biro na may itsura nga siya.

"Aba talagang!" Seryosong saad ni Papa. Narinig ko lang naman na tumawa si Mama sa kabilang linya.

"S-sabihin mo, nagtabi na kayo sa kama?" Deretsong tanong ni Papa.

"Papa!" Sabay na alma namin ni Mama. Alam kong nagulat rin si Dwight.

"Pang, ano ka ba hindi mo dapat tinatanong 'yan, isa pa hindi natin pinalaking gano'n si Kiera."

"Hindi nga, pero si Dwight, hindi natin sigurado."

"Wala hong nangyari Papa, gusto ko lang pong magkajowa kasi 24 na ako! Big girl na po ako, kaya dapat nagjojowa na ako." putol ko sa ibang sasabihin ni Papa. Imbis na mainsulto dahil sa sinabi ni Papa, natawa lang si Dwight.

"Gusto ko po si Dwight," napatigil rin naman agad si Dwight nung idagdag ko iyon habang nakatingin sa kaniya saka ako ngumisi para agad na mapalitan ang emosyon sa mukha ko. Kahit pa totoo iyon.

Hindi alam ni Dwight ang sunod niyang gagawin, natagpuan niya na lang ang sarili niya na sumasali sa usapan.

"Katulad po ng ipininangako ko sa inyo, hindi po kami nagtabi ni Kiera sa kama," tinignan ako ni Dwight. "Sayang nga ho e."

Agad ko siyang hinampas dahil sa biro niya ngumisi lang naman ito.

Muli kong narinig na tumawa si Mama.

"Ayos kang bata ka ah!"

"Joke lang po tito."

"H-humanda ka kapag nakita kita." Pananakot ni Papa na agad na sinaway ni Mama.

"Pang, huwag mong takutin si Dwight, alam mong mabuti siyang tao, kasi kung hindi una pa lang hindi ka na papayag na tangayin niya yung panganay mo at tama na 'yang pagpoprotekta mo sa panganay natin. Matanda na 'yang si Kiera, dapat nga nagaasawa na 'yan e." Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Dwight. "Sabi ni King sa akin noon, na kapag bente singko na siya at wala pa daw s'yang boyfriend mag mamadre na lang s'ya, gusto mo ba 'yon?"

Napanganga ako nung marinig ni Dwight iyon at pinipigilan nito ang tawa nito.

"Mama!" Sigaw ko.

"Bakit? Sinabi mo naman talaga sa'kin 'yon ah."

"Aish!" Inagaw ko ang cellphone ko kay Dwight.

"Hindi ko po sisiraan yung tiwala niyo Tito, hindi ko po 'yon magagawa sa pamilya ko." salita ni Dwight parang may humaplos naman sa puso ko nung marinig ko iyon.

Nanahimik ang nasa kabilang linya.

"Pa, Ma, aalis na po kami para hindi kami abutan ng ulan sa daan-" paalam kong muli.

"Dwight," si papa iyon.

"Po?"

"'W-wag mong sasaktan 'yang anak ko, kapag sinaktan mo 'yan, lilitsyunin kita. Magaling akong maglechon," bahagyang natahimik si Dwight saka tumingin sa akin pero dahil alam kong malabo namang mangyari iyon dahil sa damdamin ang nakataya sa deal namin na ito hindi ko na hinayaan sumagot si Dwight.

"Papa, malolowbat na po ako, explain ko na lang po pagpunta ko po d'yan. Ba bye po. I love you po!" Pagdadahilan ko saka pinatay ang tawag.

Alam ni Dwight na nagsinungaling ako kila Papa.

"Bakit?" Inosenteng tanong ko.

"Bakit hindi mo ako hinayaang sumagot?" He looks upset.

"Kailangan pa ba?" Nag iwas ako ng tingin sa kaniya saka siya nilampasan. "Ayoko lang na masaktan sila Papa, ayoko silang mag expect na hindi mo ko masasaktan kasi alam naman natin na nagpapanggap lang tayo. Ayoko ring mangako ka sa kanila. ayoko lang.."

Hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko nung sabihin ko iyon.

"Yung sinabi mo kanina na gusto mo ako, did you mean it?" Napatigil ako sa tanong niya, inisip ko muna ang sasabihin ko bago sumagot.

"Hindi. Dahilan ko lang 'yon para hindi na sila magtanong saka ginagawa ko lang ang nasa contract, umarte na parang artista." Muling pagsisinungaling ko at dahil nakatalikod ako sa kaniya hindi ko nakita ang itsura niya mabuti na rin iyon.

Kinuha ko na ang sling bag na nakasabit sa likod ng pinto namin at naglagay ng importanteng gamit doon.

"Halika na baka abutan pa tayo ng bagyo," aya ko sa kaniya.

"Talagang sasama ka sa'kin?"

Nilingon ko siya saka tumango. Kahit malamlam ang mata nito, maaliwalas naman ang mukha niya.

"Oo, di ba sabi mo, aalagaan naman kita kapag nagkasakit ka? Ito na."

"I was joking when I said that." I know. I just shrugged, and he just pouted.

"Mahirap akong biruin Dwight, tinototoo ko," biro ko rin.

"Thank you kasi pinakilala mo akong boyfriend mo."

"You're welcome," nagkibit balikat lang ako. Ginawa ko lang naman kasi iyon para hindi na rin kami mahirapan makitungo sa mga magulang ko.

"Tara na bebeboy," tawa ko. Napailing lang naman siya at umalis na kami dahil masyado ng gabi.

Nauna na siyang lumabas ng bahay at nakasunod lang ako sa kaniya habang pinagmamasdan siya.

Bigyan niyo ko ng dahilan para hindi magustuhan si Dwight.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.7M 71.8K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
414K 616 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
175K 6.6K 55
(ʀᴇɪɴᴄᴀʀɴᴀᴛɪᴏɴ sᴇʀɪᴇs 1) Lalaine died in a car accident on her way to her sister's shop. but when she woke up she was already on the rooftop, she tho...
183K 3K 50
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...