The Photographer (COMPLETED)

By JayceeLMejica

801K 26K 3.9K

The Dela Fuente Brothers Book 2: Ethan Race Dela Fuente Ethan Race is every girl's dream boy. Gwapo, hot, at... More

Season 1: Prologue
The Photographer: 1
The Photographer: 2
The Photographer: 3
The Photographer: 4
The Photographer: 5
The Photographer: 6
The Photographer: 7
The Photographer: I Do or I Don't?
The Photographer: 8
The Photographer: 9
The Photographer: 10
The Photographer: 12
The Photographer: 13
The Photographer: 14
The Photographer: 15
The Photographer: The Beginning of an End
Season 2: Prologue
The Photographer: 1
The Photographer: 2
The Photographer: 3
The Photographer: 4
The Photographer: 5
The Photographer: 6
The Photographer: 7
The Photographer: 8
The Photographer: 9
The Photographer: 10
The Photographer: 11
The Photographer: 12
The Photographer: 13
The Photographer: Finale
NEW STORY - The Other Side (Prologue)

The Photographer: 11

22.3K 816 84
By JayceeLMejica

N/N: 


To my readers, nawalan po tayo ng isang magaling na author na si Yortzekai dahil nagkasakit ito at kamakailan ay nagtapos na ang kanyang paghihirap.  Sana bago tayo magsimula ng pagbasa ay ipagdasal muna natin ang kanyang kaluluwa.  Ayun lang, salamat. 


Thank you sa lahat ng nagbabasa!  :)  Sobra akong natutuwa kapag nagco-comment at nagvo-vote kayo hahahaha <3.  Tinignan ko yung date ng pagpublish ko ng His Boyfriend sa kaparehas na bilang na 'to, mabuti na lang sakto ang lahat.  Balak ko kasi na mahaba talaga 'tong kwento na 'to.  Lols. 


Ang maswerteng nabunot ko ngayon para sa dedication ay si AmihanMaxTine, enjoy reading!!!  :)  Thank you at binabasa mo ang gawa ko kahit noon pa sa His Boyfriend <3 


FUN FACT:  Alam niyo ba na si Ethan Race ang huli kong binigyan ng pangalan.  Ang una talaga si Paulo tas sumunod si Ahron (which means warrior, lol) tapos si Howard.   At alam niyo ba kung bakit POV lang ni Ethan ang chapter 1?  Wala kasi akong mapangalan kay Chance noon pero bago maging Chance, Evan talaga ang gusto kong name.  HAHAHAHA.   



The Photographer: 11


"Take a deep breath and jump then fall into me."


ETHAN RACE:


Nakaupo ako sa isang upuan kung saan nakikita ko ang maraming agent na katulad ni Kuya Ahron, nandito ako dahil nalaman niya na dinala ko sa graduation si Chance na isang linggo na ang nakakalipas. Mula sa office ng boss nito, lumabas si Kuya at umupo sa harap ko bago ito umiling.


"You fucked it up, Ethan." Medyo matigas na pananalita nito.


"Why?" Tanong ko at pagalit nitong binato sa'kin ang isang papel.


Binasa ko ang lukot na papel at isa itong call log. Sinasabi ng tumawag na malapit niya ng matunton ang anak niya dahil kahit magpalit pa ito ng apelyido eh matutunton niya ito. Shit, Chance! Nilukot ko ang papel at tumingin ako pabalik kay Kuya.


"There's no need to say sorry Ethan. Isa lang ang gusto kong itanong sa'yo." Bumukaka ito at inilapit ang katawan niya sa'kin.


"Ano?"


"I know na nung highschool kayo you're trying to protect him, even though na sinabi mo ng magkaaway kayo since mga bata pa kayo you still care for him na parang walang nangyari. Ethan Race, I need you to be honest with me, do you love him?"


Para kong nakain ang dila ko dahil wala akong masagot. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung ano ang nararamdaman ko. Oo espesyal siya sa'kin pero hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa aming dalawa kung umamin ako. Paano kung ako lang mag-isa ang umiibig sa aming dalawa? Kahit minsan hindi ko naramdaman na naging sweet si Chance sa'kin, hindi nga ako ma-text non kapag nasa trabaho ako.


"I know na simula noong highschool kami kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Pero ngayon alam kong espesyal siya, hindi ko maamin sa kanya na espesyal na siya sa'kin. Hindi ko rin alam kung bakit! Dahil ba 'to sa pride ko bilang lalaki?" Angal ko na ikinailing niya.


"At some point choosing you as his protector is a win or lose situation. Ethan, may feelings ka nga at espesyal sa sa'yo, which is the reason why you're protecting him now pero Ethan you need to assure your feelings dahil maybe sa dulo ayon ang rason para matalo ka at makuha si Chance." Pagpapaliwanag nito sa'kin at tsaka tumingin sa oras na nakasabit sa pader.


"Ethan we're dealing to his father, the drug dealer and a phedophile man. Isipin mo kung ano ang mararamdaman ni Chance if his whole life is a lie. Protect him just like what you did to Ayesha before."


"Hindi ko siya naprotektahan, Kuya. I hope na magawa ko kay Chance ang hindi ko nagawa noon." Kalmado kong sagot sa kanya bago ako tumayo sa kinauupuan ko.


Tumango na ako kay Kuya at tuloy-tuloy na lumabas ng agency nila. Tama nga si Kuya Ethan, lalamunin ako ng nararamdaman ko kung wala itong kasiguraduhan. Tangina. Kinuha ko ang cellphone ko at trinace ang cellphone ni Chance. Alam kong hindi naman siya makakaalis sa bahay dahil sa alarm na mangyayari sa guard, ginagawa ko lang ito para sigurado.


Bago ako sumakay ng elevator eh nakita kong wala ito sa bahay kung hindi nasa isang mall malapit sa condo namin. Paano siya nakalabas?



CHANCE:


Isang linggo ng dumaan ang graduation ko at ngayon na ang unang araw ng April na ikinatutuwa ko dahil summer na. Bago kami maghiwa-hiwalay nila Irish sabi nito na mag-swimming daw kami nila pamintang David, syempre go ako. Pero lahat ng yon ay hindi alam ni Ethan. Dahil alam kong mapapagalitan na siya nila Ahron at Daddy.


Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ito nangyari sa'kin. Ano ba ang tinatago nila na hindi ko pwedeng malaman? Illegal na ba ang negosyo namin kaya kailangan ko ng ibayong proteksyon? Kagabi tinag ako ni Ethan Race dahil friends na rin kami sa Facebook. Nakita ko rin sa picture yung na nakalagay ang kamay nito sa bewang ko.


Napakagat labi ako ng ginawa niya pa itong wallpaper. Gusto ko na talaga mag-assume na meron, alam kong meron! Pero wala akong magawa dahil baka kapag inamin ko, ako lang din ang maging kawawa. Pero kahit na nasa ganito kaming estado, nasasakal ako. Sobra akong nabuburyong sa bahay dahil alam kong bawat gawin ko eh makakarating kay Ethan at maging kay Ahron.


Napatigil ako sa pagsubo ko ng pagkain ng biglang mag-ring ang cellphone sa tabi ng pinggan ko. Akala ko si Ethan pero isang unknown number pala. Ibababa ko sana ito pero na-curious ako bigla, wala namang nakakaalam ng number ko bukod sa mga nakakakilala sa'kin.


Sinagot ko ito.


"Hello." Pambungad nito na maririnig mo ang lalaking lalaki ang boses at mababakas mo na kakagising pa lang nito..


"Who's this?" Nagtataka kong tanong.


"It's me, Terrence!" Medyo masigla nitong sagot sa'kin na ikinakunot ng noo ko.


"Saan mo nakuha ang number ko?" Medyo irritable kong tanong.


"Does it matter? Gusto lang kitang yayain para mag-coffee. I know na hindi maganda ang unang pagkikita natin but I want you to know I'm sorry." Medyo sincere na sagot nito sa'kin.


"Okay you're forgiven. Pero hindi ako pwedeng lumabas ng bahay."


Pero gustong-gusto ko lumabas! Natapos ko na yata lahat ng bagong biling libro ni Ethan at pati na yata photography napapag-aralan ko na.


"I know kaya mo. Gagawa ako ng paraan." Persistent na sagot nito.


**


Dahil sa nakagawa si Terrence ng paraan para i-distract ang guard ng condo ay nakalabas ako agad at nakarating sa main entrance ng walang kahirap-hirap. At ngayon nakaupo na ako sa coffee shop at inaantay ang kapeng inorder namin.


"I thought hindi ka talaga papayag." Nakangiting sabi ni Terrence dala na ang dalawang kape na inorder nito.


"Sadyang bored lang ako sa bahay kaya ako pumayag." Wala sa mood kong sagot at natawa siya.


"Mabuti na lang right timing ako. By the way nabasa mo na ba yung bagong season ng komiks na binabasa mo? Balita ko meron na ah."


Uminom ako ng kape at nakangiting tumango sa kanya.


"Yeah! May bagong season na nga. Paano mo nalaman 'yon? Binabasa mo rin ba?" Tanong ko sa kanya at tumango siya.


"Kaso nasa unang seasons pa lang ako. Wala kasi akong time ngayon para magbasa." Hindi ko sumagot at uminom siya ng kape niya.


"I hope na maging movie na siya no?" Tanong nito.


"YES! Sobrang karapat-dapat na non na maging movie. I'm waiting for that simula noong unang season pa lang!"


"Hahahaha, halatang hindi ka excited no?" Tumawa kami parehas at nagkatinginan mata sa mata.


Bukod sa komiks na pinaguusapan namin. Marami rin akong nalaman tungkol kay Terrence, isa pala siyang scholar ng isang hindi kilalang foster family. He's a good guy. Nasabi rin nito na wala siyang panahon para makipagrelasyon dahil mas tutok siya sa pag-aaral.


Nang matapos ang pagkakape namin sa coffee shop na iyon ay napagdesisyunan na naming umuwi.


"Sigurado ka bang kaya mo mag-isa. Ako na ang maghahatid sa'yo." Pagkukusa nito pero ngumiti lang ako.


"I owe you one. Kaya ko na mag-isa." Nakangiting kong sagot bago kami lumabas ng mall at papalakad sa sakayan.


"Hmm Chance, I remember dati sa newspaper ng college natin, ibang apelyido ang gamit mo. Bakit nagbago?" Usisa nito at natawa ako.


"Mahabang kwento, but either of the two will do. Mapa-Montecillo o Dela Fuente okay lang." Parang may kung anong dumaan sa mata nito pero agad ring bumalik.


"I see. Iwan na kita rito ah. Thank you, Chance!" Tumango ako at pinagmasdan ko itong tumakbo papunta ulit sa loob ng mall.


Nang lumingon ako sa pila ng taxi eh napipi ako dahil nasa harap ko si Ethan Race.


"So pakikipag-date pala ang pinagkakaabalahan mo kapag wala ako."



//COMMENTS//



Continue Reading

You'll Also Like

247K 6.3K 32
Gustav Batalier loathed one guy and only one guy, and that is Malec García. So imagine his shock when he found out that the guy is possessively obses...
1M 35K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
13.4K 1K 23
The Sunset's Boyfriend ********** "Tsk!" Pinigilan ni Haime ang sarili n'ya. Nakayuko pa rin siya sa natutulog na si Irvin. Imbis na halikan si Irvi...
99.5K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...