Descent to the Underworld

By imakemyowndestiny

94.2K 2.9K 582

Status: On-Hold Chanel Montez was not your typical girl. She actually thought she was cursed. She could see t... More

Descent to the Underworld
Foreword (Read me please)
Dedication
Synopsis
Maps
Part I: Descending to Hell
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Part II: Eight Rings of Hell
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 9

3.7K 157 58
By imakemyowndestiny



"I-I don't really know."

Chanel was being honest. She didn't really know what she really wanted. She was afraid to discover the truth about her identity and the reason why she was in the middle of this situation, here in Hellas dealing with various demons. This was one of the things that she hated about her - being afraid and weak. She was afraid of everything.

"You're still afraid, I see," komento sa kanya ng demonyong nasa kanyang harapan. And this man could see everything about her. Lahat bingo, lahat halos ay tama ang sinasabi nito. He was right. She was afraid. And she didn't know how to begin, where to start.

"Why are you so afraid, Chanel?"

Twice he called her name and it felt weird. Once again, they were talking about her weakness. Why was she so afraid? Hindi niya rin maintindihan. She could feel these intense feelings, anxiety, and every negative vibes inside her body and brain telling her it was better just to keep her inside the cage.

And that was what she felt. She felt like a bird trapped in a cage, always afraid and weak. She was scared of the world out there and the things she could discover. She wondered what was wrong about her. She wondered why she was like this.

She couldn't speak nor answer. What could she say to him?

"Gusto mo bang bumalik sa mundo ng mga tao o gusto mo bang malaman ang pagkatao mo?"

Tumingin siya sa lalaki. Kung babalik siya sa mundo ng mga tao, ano pang babalikan niya? Wala siyang normal na pamumuhay simula't sapul. Lahat iyon ay isang huwad na buhay lamang. There wasn't any truth on every single thing about her. It was all faked.

Ano bang magandang maidudulot kung bumalik siya sa mundo ng mga tao? Paano naman kung malaman niya ang tungkol sa kanyang tunay na pagkatao?

"Do you know who I am?" tanong niya rito. Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip ay nanatili itong nakatingin sa kanya, inoobserbahan ang bawat kilos at ekspresyon niya sa mukha.

"No, I don't," sagot nito pagkatapos ng isang mahabang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"But I can help you, if that's what you want," dugtong nito.

"May kapalit ba?"

Ngumiti ito sa kanya at tumango, "There will always be a price, angel."

"Can I... Can I think about it?"

"Yes, of course. You can stay here in my place," alok nito sa kanya.

"T-thank you," bulong ni Chanel.

She was about to change the topic when she remembered something. She still didn't know what his name was.

"How do I address you?" she asked.

"Master, how about that?" he teased. Muli itong ngumiti at lumapit kay Chanel.

"You mean my name, what is my name? Is that what you want to ask?" tanong nito sa dalaga habang suot-suot pa rin nito ang mapaglarong ngiti nito sa kanyang labi.

"Do you have a name?" tanong ni Chanel at doon muling natawa ng mahina ang lalaki.

"Of course, I do."

"Kung ganoon, anong pangalan mo?"

For one last time, he smiled and leaned on toward her. He touched the tip of her hair and whispered to her right ear, "Night."

Lumayo sa kanya ang lalaki at nagtungo sa pinto. Binuksan niya ito at ang bumungad sa kanya ay isang babaeng nakasuot ng maid uniform. Bagay-bagay ang maikli nitong kulay brown na buhok. This woman standing in front of her was cute. Ngumiti ito sa kanya at yumuko.

"Ito nga pala si Manda, ang head maid dito sa bahay."

Tumingin siya muli kay Night. Nagtataka sa katayuan niya sa mundong 'to, kung anong buhay ang mayroon ang lalaki rito. For sure, hindi ordinaryong mamamayan si Night dito sa Para. There was something about Night that made him different from the rest. Ngunit sa panglawang pagkakataon ay pagkakatiwalaan niya ito.

"Kung mayroon ka pang ibang kailangan, si Manda na ang bahala roon. Sabihin mo lang, she will provide everything you need," pagsisiguro ni Night.

"Tara na po, Lady Chanel. Ihahatid ko po kayo sa magiging kuwarto mo." Gumilid si Manda at inilahad ang kanyang kamay patungo sa labas. Sa huling pagkakataon ay tumingin si Chanel kay Night.

"If you have any questions, you can find me here," wika nito sa kanya. Tumango si Chanel saka siya tuluyang lumabas ng opisina. Tumingin siya kay Manda at ngumiti.

"Sumunod po kayo sa 'kin."

Tahimik na sumunod si Chanel kay Manda. Malaki ang bahay at maraming pasikot-sikot. Tiyak kahit sino ay maliligaw sa pamamahay na 'to. Nagtungo sila palabas ng pasilyong kanilang tinatahak. Lumabas sila sa pinaka sentro ng pamamahay. Isang magarbong hagdan ang bumungad sa kanya at isang malaking chandelier sa gitna nito. Sa ibaba ay namangha siya sa ganda ng tiles at carpet na kanyang nakita. Kumanan sila sa isa pang pasilyo at tinungo ang daan na iyon. Huminto si Manda sa isang malaking dalawahang pinto at binuksan ito pareho. Isang napakalaki at magarbong kuwarto ang sumalubong sa kanya.

"Ito ang magiging kuwarto ko?" tanong ni Chanel kay Manda.

"Opo, Lady Chanel. Lahat ng gamit sa loob ay inyong pagmamay-ari. Lahat ng kagamitan ay maari ninyong gamitin."

Pumasok ang dalawa sa loob. Nagtungo sa bintana si Manda at hinawi ang kurtina. Mas lalong lumiwanag sa loob ng kuwarto. Sumunod na nagtungo si Manda sa isang pinto. Binuksan niya ito at muling tumingin kay Chanel.

"Nandito naman po lahat ng mga damit na puwede ninyong isuot habang nandito po kayo sa pamamahay ni Master," wika ni Manda.

"Lahat ng damit?" nagtatakang tanong ni Chanel.

Tumango si Manda. "Lahat po ng damit na nandito ay sa inyo, Lady Chanel."

"P-paano-"

"Matagal na naming hinihintay ang pagdating ninyo, Lady Chanel. Kaya't inasikaso na namin ang lahat upang maging maayos ang pananatili mo rito," paliwanag ni Manda.

Natahimik si Chanel.

"Nagugutom po ba kayo? O kaya naman ay mayroon po ba kayong gustong gawin? Sabihin niyo lamang po at lahat po ay ibibigay ko sa inyo," wika pa ni Manda.

Ngumiti ng pilit si Chanel. "Gusto ko munang magpahinga. Maraming salamat, Manda."

"Walang anuman, Lady Chanel. Kung mayroon po kayong kailangan, tawagin niyo lamang po ako."

Naglakad patungo si Manda sa pinto. Bago pa man niya ito isara ay yumuko muna siya sa dalaga at dahan-dahan na isinara ang pinto. Nanatiling nakatayo si Chanel at nakatingin sa pintuan. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya, sa nakikita niya, at lalong-lalo na rito sa kuwarto niya. This room was too big for her and she was all alone here.

Umupo siya sa kama at dinama ang malambot na mattress nito. Ngayon at nandito siya sa pamamahay ni Night, paano niya sisimulan ang dapat niyang gawin dito sa mundong ito? Saan siya magsisimula sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa kanya?

At bago pa man niya makalimutan ang lahat-

Nanlaki ang mata niya sa gulat nang mapagtantong mayroon nga pala talaga siyang nakalimutan.

"Chersh!" ang tanging kanyang naisigaw.



***



Chanel was standing in front of Night's office. Nagdadalawang isip kung papasok ba siya o hindi. Ngunit wala na s'yang ibang alam kung paano iligtas si Chersh sa mga sundalo. Tanging si Night lamang ang makakatulong sa kanya. Ang tanging kanyang ikinababahala ay kapag humingi siya ng tulong kay Night, anong kapalit ang hihingin nito?

Lakas loob siyang kumatok. Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok siya sa loob at agad na hinanap si Night sa loob ng kuwarto. Nakaupo ito sa sofa habang mayroon itong hawak-hawak na wine glass kung saan paubos na ang kanyang iniinom at libro sa kanyang hita. Tumaas ang tingin ng lalaki sa kanyang pagpasok.

"Chanel," tawag sa kanya ng binata.

"Night," bati naman ni Chanel pabalik sa lalaki. "Nakakaistorbo ba ako? Pasensya na kung bumalik ako agad meron lang sana akong-"

"Ano 'yon?" tanong agad ni Night.

"Meron sana akong hihingin na pabor sa 'yo."

Ibinaba ni Night ang wine glass sa lamesa at isinara ang librong binabasa niya. "Pabor," wika nito saka ito napangiti. Lumunok si Chanel nang makita ang pagngiti ng binata. Tama nga bang nandito siya at kay Night humingi ng tulong?

"I'm listening."

Muling napalunok si Chanel at pilit na nagsalita. "M-mayroong nagligtas sa 'kin nang mahulog ako rito sa mundo niyo. Siya 'yong kasama ko sa kainan, kung naalala mo pa."

"Ahh, 'yong mindemon?" tanong sa kanya ni Night. "Anong gusto mong gawin ko sa kanya?"

"B-baka puwedeng iligtas mo rin sana si Chersh- Kasama siya sa pagtakas ko kaya't malamang hanggang ngayon pati siya ay hinuhuli ng mga sundalo."

Hindi alam ni Chanel ang gagawin sapagkat hindi sumagot si Night. Sa halip ay nakatingin lamang ito sa kanya. Dapat ba ay magsalita pa siya? Umalis na lamang? Bawiin ang mga sinabi niya? Masyado bang mahirap ang hinihingi niyang pabor kay Night? Hindi niya mabasa ang iniisip ng binata. Blangko ang eskpresyon nito.

Pumitik si Night at sa isang iglap ay nahulog si Chersh mula sa ere. Lumagapak ang maliit na nilalang sa lapag at agad na tumayo at dinepensahan ang kanyang sarili.

"Ikaw!" sigaw ni Chersh kay Night. "Sabi nga ba't ikaw ang may kagagawan nito! Ilabas mo si Chanel!"

"Chersh!" sigaw ni Chanel nang makita ang maliit na nilalang.

Nanlaki ang mata ni Chersh sa gulat. "Chanel!" sigaw nito pabalik at agad na tumakbo patungo sa dalaga.

"Ayos ka lang ba? Pasensya na at naiwan kita-"

"Tumakas na tayo! Hindi ligtas dito!" sigaw ni Chersh at pilit na hinatak si Chanel palabas ng kuwarto.

"Chersh-Saglit-"

Bago pa man makalabas ng kuwarto ang dalawa, gamit ang kapangyarihan ni Night, sa isang pagpitik ay agad nitong ini-lock ang pinto. There was a magical force that surrounded the whole door. There was no way out. This kind of magic alarmed Chersh. This was not an ordinary trick. This was beyond an ordinary demon's skills and power.

Itinulak ni Chersh si Chanel sa kanyang likod at binigyan ng nakamamatay na tingin si Night.

"Sino ka? At anong kailangan mo kay Chanel?"

Ngumiti sa kanya si Night at nagbato rin ng katanungan, "Ano rin ang kailangan mo sa kanya? Ibebenta mo upang pagkakitaan? Imposibleng tumulong ka nang wala kang pinaplanong masama."

Ngumisi sa kanya si Chersh. "Demonyo tayo. Sa tingin mo ba tutulong ako ng walang kapalit? May kasunduan kami ni Chanel. Eh, ikaw? Anong kailangan mo sa dalagang 'to?"

Tumingin si Night kay Chanel. "There's no need for you to know," sagot nito.

"Chersh." Hinawakan ni Chanel ang balikat ng maliit na nilalang at kinausap ng mahinahon ito.

"Siya ang tinutukoy kong dapat kong hanapin dito sa Hellas. Siya rin ang nagligtas sa 'kin sa mga sundalo."

"Siya rin ang naglagay sa 'yo sa kapamahakan na 'yon. Tandaan mo."

"Alam ko."

Tumingin ang dalawa sa isa't isa, na parang bang nag-uusap ang mga ito at nagkakaintindihan sa pagitan ng tinginan lamang.

"Wala pa rin akong tiwala sa 'yo. Tiyak may masama kang balak kay Chanel. Hindi ka isang ordinaryong demonyo rito sa Hellas. Anong puwesto mo sa palasyo?"

Umiling si Night, "Wala akong puwesto sa palasyo."

"Kung ganoon, anong katuyuan mo? At bakit may ganyan kang klaseng kapangyarihan? Tanging mga tao lamang na galing sa isang mayaman na pamilya o may puwesto sa palasyo ang mayroong ganyang klaseng lakas," wika ni Chersh, punong-puno ng pagdududa.

"Tama ka sa isang bagay. Galing ako sa pamilya ng Herenz," sagot ni Night.

"Herenz?" pagdududa muli ni Chersh.

"Imposible. Walang taga-pagmana si Lord Herenz," dugtong ni Chersh.

"Kailangan ko ba talagang ikuwento ang buhay ko para lamang maniwala ka?" tanong ni Night. "Ikaw, Chanel? Nagdududa ka rin ba sa 'kin?"

Nakakasunod si Chanel sa usapan ng dalawa. At gusto ring malaman ni Chanel ang tungkol sa pagkatao ni Night. Nang sa ganoon ay mapanatag siya kahit papaano. Hindi naka-imik si Chanel kaya't nagpatuloy si Night.

"Inampon ako ng pamilya ng Herenz. Simula no'n ay tumira ako sa puder nila. Nagtungo ako sa akademya kaya't nakapag-aral ako ng mahika," paliwanag ng binata.

Natahimik si Chersh. Mukha namang totoo ang sinasabi nito sapagkat nabalitaan niya ring mayroong inampon si Lord Herenz upang maging taga-pagmana ng kanyag ari-arian. Si Lord Herenz ang isa sa pinaka mayaman na nilalang rito sa Para. Siya ang may-ari ng port dito sa Para pabiyaheng Rivetia. Mapa transport o cargo ay si Lord Harenz ang nagpapatakbo nito. Kung si Night nga ay ang batang inampon nito, kung ganoon ay hindi nga basta-basta ang lalaking nakaupo sa kanilang harapan. Isa ito sa mga bigatin na nilalang sa Para.

"Naniniwala na ako. Slight," wika ni Chersh. "Ako nga pala si Chersh. Isang mindemon sa Silver Labyrinth," pagpapakilala ng maliit na nilalang sa lalaki.

"Night," pagpapakilala naman ng binata sa maliit na nilalang.

Tahimik lamang na nakatingin si Chanel sa dalawa. Habang nag-uusap ito ay isa lamang ang tumatakbo sa isip niya. Hindi man niya maintindihan ang katayuan ng Lord Herenz na kanilang pinag-uusapan, hindi pa rin mawala sa isip ni Chanel ang mga nangyari sa kanya sa mundo ng mga tao.

Ang Shadow, itim na bagwis, at si Night.

Sa hindi malaman na dahilan, hindi siya naniniwala sa paliwanag ng binata sa kanila. Pero sa ngayon, sasakyan niya muna ito.

Ngumiti siya sa dalawa. "Mukhang okay na? May malabo pa ring bang pagkakaunawaan?"

Inirapan ni Chersh si Night at tumingin kay Chanel. "May pagkain ba rito?"

"Gutom ka na ba?" tanong ni Chanel.

"Malamang. Hindi natin naubos 'yong pagkain dahil sa isang nilalang d'yan," parinig ni Chersh.

Natawa ng mahina si Night. "Manda," tawag nito sa dalaga.

Bumukas ang pinto. Nakatayo si Manda doon at muling inilahad ang kanyang kamay palabas. "Sumunod po kayo sa 'kin para sa inyong hapunan. Ito ay nakahanda na sa hapagkainan."

"Magaling! Magaling!" Pumalakpak si Chersh habang ito ay naglakad palabas.

Muling tumingin si Chanel kay Night at ngumiti, "Maraming salamat."

Tumango at ngumiti lamang sa kanya ang binata. Sumunod na rin siya kay Chersh at naglakad palabas ng kuwarto. Habang nasa pasilyo ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Chanel. Isang napaka delikadong bagay nitong pinasok niya at alam niyang huli na ang lahat upang makaalis at makawala pa.

She just had to survive by all means.

By all means.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 187K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
31.5K 1.2K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...