Insane Asylum

By dalgane_moon

1.8K 90 51

A nurse from a surgical hospital was been transferred in an isolated Asylum were she meets insane patients. A... More

Introduction
Prologue
Chapter Two: The Nature Lover
Chapter Three: Misfortune
Chapter Four: Words of Comfort
Chapter Five: Life of a Psychiatrist
Chapter Six: Darkness

Chapter One: Welcome to Asylum

302 14 17
By dalgane_moon

(Trishia's POV)





Hanggang ngayon, sa kabila ng karanasan ko dito sa loob ng operating room, natataranta pa rin ako. Nasa gitna kami ng operation. May heart transplant kaming ginagawa. Ngayon palang, sinasabi ko na sa inyo na nandidiri ako sa dugo. At kung nagtataka kayo kung bakit ako napadpad dito sa hospital. yun ay dahil sa magulang ko. Hindi ko naman ginusto maging nurse. Napilitan lang ako.




"Take off the green sheet covering the operating area." agad ko naming sinunod ang sinabi ni doc.




"Trishia, hand me the buzzsaw to cut the rib cage."




"Here." binigay ko sa kay doc ang pinapakuha nya.




Napapikit nalang ako ng pinutol ni doc yung part ng rib cage ng pasyente. Hindi ko magawang ituon ang atensyon ko sa ginagawa ngayon ni doc. Blood. So much blood. Nanlalambot ang mga tuhod ko at nasusuka ako.




"The lungs and diaphragm are removed. Give me the scalpel."




Agad kong inabot ang syringe.




"Not this Trishia. The scalpel!" parang tunog ng isang thunder ang boses ni doc.




"I-I'm sorry doc. Ito po."




"Niloloko mo ba ako Trishia? This is not scalpel. Bone cutter to!"




Agad na hinanap ng mata ko ang scalpel sa lagayan pero parang nag freeze ang utak ko.




"Doc, ito na po." salita ni Balby, ang nag-iisang kaibigan ko dito. Napatingin ako sa kanya. Binigay nya kay doc ang scalpel at tsaka nya ako tiningnan at nag nod sakin.



"Madaling mamatay ang pasyente sayo. Put yourself together, Trishia. Get ready in removing the heart..."




Ramdam ko ang nag aapoy na mga tingin sa akin ng mga kasama namin dito sa loob ng OR. Hindi ko sila masisisi.




After an hour.




"Napagalitan nanaman ako." binuksan ko ang bottled water na hawak ko at walang tigil kong ininom ang tubig.




"Bakit naman kase syringe yung inabot mo e hindi naman yun ang hinihingi."




"Nasusuka na ako kanina Balby. Andaming dugo yung nasa harap ko."




"Hoy Trishia, ayaw mo pa bang mag resign. Alam naman nating lahat na hindi ka talaga para dito. Mabuti nalang at hindi namatay ang pasyente na inooperahan kanina." alam ko naman. Kahit kelan, hindi ako naging masaya sa trabaho ko bilang nurse. Tsaka maswerte lang ako kanina dahil hindi namatay yung pasyente.




"Gustuhin ko man mag resign pero hindi pwede. Hindi madaling maghanap ng trabaho. Malaki pa babayaran ko sa nilipatan kong apartment." okay naman sana ako dito, wag lang talaga sa operating room.




"Humingi ka na kasi sa daddy mo. Barya lang yun sa kanya."




"Ayokong umasa sa kanya. Tss. Ipipilit lang ako nya na ipakasal dun sa mukhang mongoloid na anak ng business partner nya." cliche man pakinggan pero ganun talaga. Karamihan sa mga businessmen na may malaking kompanya ipapalit sa pera ang kaligayahan nila o kahit pa ng anak nila at isa na dun ang daddy ko.




Tumawa naman si Balby at ilang sandali rin bago siya tumigil. Nakita nya na kasi yung lalaking pinipilit ng daddy ko na ipakasal sakin. Gusto nyo malaman kung anong mukha nya? Wag na. Masisira lang araw nyo. "Yun lang. Kahit ako rin, hindi ko matatagalan yung feeling pogi na lalaking yun." salita ni Balby. "Tiisin mo na lang mga nakikita mong duguan dito."




Nag nod naman ako. May lumapit na nurse samin.




"Trishia, pinapapunta ka sa office ng director."




"Bakit raw?" tanong ko sa kanya. Medyo kinakabahan ako. For sure, na report na ni doc sa director yung kapalpakan ko kanina.




"Hindi ko alam ee. Pero urgent raw."





"Ahh okay. Thank you." ngumiti lang rin yung nurse at tsaka umalis sa harap namin.




Tinap ako sa likod ni Balby. "Goodluck Trishia. Suki ka na dun. Baka huli mo na yan."




Inirapan ko lang si Balby at nag peace sign sya pabalik. Mas lalo akong kinabahan. Baka nga tama si Balby. Baka tanggalin na nila ako.




Dahan dahan lang ang paglalakad ko paakyat sa office ng director namin. Pero bago pa matapos tong story na to, ako nga pala si Trishia. Gaya ng sinabi ko kanina, nurse ang trabaho ko dito. Napilitan lang akong mag aral ng nursing dahil sa daddy ko na walang ginawa kundi kontrolin ang buhay ko. Kaya ng makagraduate ako at makapasa sa licensure examination, naglayas ako. Lalo pa at nalaman kong pinagkasundo ako sa mukhang shokoy na anak ng business partner nya.




Sa office.




"Ho??!! Ma'am, wag naman po. Kailangan ko po ng trabaho." Pagmamakaawa ko sa director matapos kong marinig ang kinatatakutan ko. Mawawalan na ako ng trabaho. Paano ko na mababayaran ang apartment na tinitirhan ko? Saan ako kukuha ng pambili ko ng pagkain?




"Marami na ang mga doktor ang nagrereklamo tungkol sayo. Hindi mo raw kaya ang trabaho dito."




"Pagbubutihan ko pa trabaho ko ma'am. Mag aaral ako sa bahay, magpapakabait nako, tapos.." hindi nya na ako pinatapos sa sasabihin ko.




"Stop being childish Trishia. You have done enough." Halos umiyak ako ng dugo sa kinatatayuan ko ngayon. Nagpatuloy sya sa pagsasalita.




"Hindi ko rin naman gusto na may mapahamak na pasyente dito. Hospital to. We oath to save lives, not to take one."




"Pero ma'am.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ko. Agad kong pinunasan ito at nakita ko sa mga mata niya ang awa.




"Well, may alam akong trabaho na pwede sayo." She suggested. Agad naming napawi ang kalungkutan ko sa mga narinig ko.





"T-talaga po?" kahit papaano may liwanag ulit, mabubuhay pa ako.




"May alam akong hospital na nagha'hire ng mga nurses. Malayo ang location pero maganda ang sahod doon. Kung gusto mo, gagawan kita ng recommendation."




"Sigeh po ma'am. Ano po bang klase ng hospital yun? Ganito rin po ba?"




"It's basically a Mental Health Hospital."




Nanlaki ang mga mata ko. Mas hindi ko ata kayang magtrabaho dun.




"Ma'am. Parang awa nyo na, wag nyo na po akong tanggalin sa trabaho ko. Please!" I pleaded.




"Hindi kita tatanggalin. Ililipat lang kita."




"Wag po dun ma'am. Nakakatakot po dun."




"I'm being too considerate na sayo Trishia and yet puro reklamo ka pa rin." Tama nga naman sya. Ako pa tong may lakas ng loob magreklamo, ako na nga itong tinutulungan. 




"I'm sorry po." paumanhin ko.




"By the way, internship dun. Dun ka titira."




"WHAT?" - me




**




Coffee shop..




"My ghad! Mental hospital? Alam ko ang hospital na yun. Sobrang layo tsaka walang ibang bahay na malapit dun." Salita ni Balby matapos kong sabihin yung napag usapan namin ng director.




Naiisip ko palang yung mukha ng mga magiging patients ko, napapakunot nalang ang noo ko.






"Ewan ko kung kakayanin kong humarap sa mga baliw!" uminom ako ng konting coffee sa cup ko. Naiistress ako.




"Hi mo nalang ako sa kanila hah." Pabiro nyang sabi. Funny.




"Isama na kaya kita. Baliw ka."






"Haha! Baka mabaliw ka dun Trishia hah." Sabay inom nya ng kape nya.




"Waahh. Ayoko talaga dun." Pinatong ko ang panga ko sa dalawang kamay ko.




"Umuwi ka na kasi sa inyo. Madali lang solusyon dyan sa problema mo."




Mas ayokong umuwi sa amin.






"Hindi na. Kakayanin ko to. Papatunayan ko sa daddy ko na hindi ko kailangan pera nya!"




"Taray. Text text nalang tayo hah. Mamimiss kita."




"Mamimiss din kita Balby."




Lumipas ang ilang araw, tuluyan na akong nalipat sa isang mental hospital malayo sa syudad.




"Welcome to Asylum." Bati sakin ng matangkad na lalaki. Maputi sya at nakasuot ng American suit. Mukhang nasa mid 30's palang ang edad nya. May kasama rin syang babae na kasing age nya lang rin tignan. "I'm Paul. The Hospital Director of this institution."



"Hello po." Bati ko sa kanila, trying to have a good impression.






"This is Lean. Sya ang secretary ko at sya na bahalang magtour sayo dito."




Secretary lang pala. Pero bagay sila.




"Trishia, right? Sunod ka saken." Napaka angelic ng face nya.




Tumango lang ako. Una nya akong nilibot sa ward 1 and ward 2.




Kinikilabutan ako habang pinagmamasdan ang mga pasyente na parang mga hayop kung kumilos. I have never been in such a horrifying place like this.




May iba na kinakalbo ang sarili nila. May naghuhubad. May tumatalon talon sa higaan nya. May tumatawa ng mag-isa na parang may kausap sya kahit wala naman. May gumugulong sa sahig. May isa namang pasyente na hinahampas ng mahina ang ulo nya sa pader. Mas lalo akong kinikilabutan sa ibang pasyente na nakatingin sa akin.




Para akong pumasok sa impyerno na walang daan palabas. I am afraid. So much afraid. I cannot even imagine myself working inside this nasty sinister hospital.




So this is the Asylum.




Pagkatapos ay dumiretso kami sa kitchen.




"May bago pala tayong nurse dito." Salita nung lalaking di katangkaran na naka chef's uniform.




"Hay nako Elwell. Mas maganda parin ako dyan." Kontra nung beki. Nakasuot din ito ng chef's uniform. Pero ang kapal ng foundation na suot nya.




"Hello!" may kumaway naman sakin na matangkad na babae na may maikling buhok. Cook din sya base sa suot nya.




Ngumiti lang ako sa kanila.




"Trishia, sila si Elwell, Mercy at Darwin. Sila yung mga Dieticians dito. Sila yung naghahanda ng menu para sa mga pasyente at sa'ting mga nagtratrabaho dito. Guys, sya si Trishia. Bagong nurse."




"I'm the queen of this kitchen. And I warmly welcome you to my kingdom!" salita ni Darwin, yung beki. Lumapit siya sa akin at nagbeso. Natuwa ako sa isang to. Parang miss universe ang peg. Talo lahat ng babae. May nagsidatingan naman na mga nakasuot ng nurse na uniform. At mga nasa 20's din ang edad nila.




"Gutom nako. Ano ulam?" salita nung lalaking matangkad na maputi.




"Ako nga din ee. Tabi tayo Rendell huh." Sabay pa cute nung babae na nasa likod nya.




"Bilisan natin sa pagkain. Maghahanda pa tayo para sa mga pasyente." Salita nung isa pa na babae na nakasalamin.




"Sus Chinee! Yaan mo sila magutom. Mga baliw naman yun ee." Salita nung isa pang babae. Teka, ang dami nila at hindi ko pa sila kilala.




"Sira ka talaga Sam." Sabi nung babaeng nasa likuran ng maputing lalaki kanina.




Natigil lang sila ng mapansin ako sa tabi.




"Sya na ba yung sinasabi ni sir Paul na bagong nurse?"





"Oo. Sya si Trishia. Trishia, si Rendell, Sam, Chinee at Lads. Mga nurses dito." Pakilala ni Lean. Goodness, I am not good in remembering names.





"Nice to meet you all." Nginitian ko sila.





"Hah! Nako Trishia. Welcome to hell." Salita ni.. Sally? Wait, parang Sal lang ata yun.




"Ba yan Sam. Ang ingay mo." - Rendell. Sam pala.




"Hay nako. Kumain na kayo dyan. Ipapakilala ko pa si Trishia sa mga doctors sa taas." Salita ni Lean. Doctors? Ugghh. More names.




"Sigeh. Pasabi sa mga doktor sa taas na gamutin na nila si Lads dito. HAHA! Baliw na baliw kay Rendell." – Sam. Nakita ko naming binatukan sya ni Lads.




Naghiyawan sila. Wala akong kaalam alam sa mga pinagsasabi nila.




"Lulutuin ko na yang dila mo Sam." – Lads




"Pagpasensyahan mo na sila. Mukhang may mga topak na rin mga yan ee." - Lean




"Hehe. Ang saya nga po ee." Pagkukunwari kong nasisiyahan. Pero hindi. Sana andito nalang si Balby.




Gusto ko na umalis dito.




Pumasok kami sa isang kwarto at naroon nakaupo ang tatlong nasa 30's din ang edad na nakasuot ng mga white coats. Ang babata naman tingnan ng mga tao dito.




"Good day doctors. Nandito na yung bagong nurse natin." Bati ni Lean.




"Aww. She's so pretty. Hello dear. I'm Dra. Regine. I'm a psychiatrist."




Nakipagshake hands ito sakin. Maganda sya at napaka calming ng awra nya.




"Hello din po. I'm Trishia." nakipag shake hands din ako sa kanya.




"Nice name. And I'm Dra. Irish. Also a psychiatrist." Salita naman nung isa pang doctor na nakaupo at busy sa pagtatype sa computer nya.





"H-hello po."




Nakakakaba naman. Napapaligiran ako ng mga psychic dito. Baka binabasa na nila isip ko. Hala! Baka alam na nilang ayoko talaga dito. Nakakahiya. Guluhin ko dapat isip ko para di nila mabasa.




"Mukhang kinakabahan na si Trishia." Bigla akong nasilaw sa ngiti ng isa pang doctor na lalaki. Mukhang sya ang pinakabatang doctor dito. Shet. Ang gwapo nya. Ang kinis ng mukha. Wait lang baka nalaglag na panty ko.




Lumapit sya sakin at ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.




"I'm Dr. Cedrics. Psychiatrist. Baka gusto mo magpatingin."




"Po?" mukha ba akong hindi mentally stable sa harap nya?




"Kidding." Sabay smirk nya. He's so handsome. 




Nagsalita naman si Lean. "Sya yung magiging doctor mo dito. Sundin mo yung mga iuutos nya sayo regarding to our patients at magaling yan mag advice lalo na sa love life kaya feel free na lumapit sa kanya." So assistant nya ako. Nakakatuwa naman. At least may magandang nangyari din sakin dito.




"Magaling mag advice pero wala namang love life." Singit ni Dra. Irish.




"Wag mo na silang pansinin Trishia." – Dr. Cedrics.




"Trishia, iwan na muna kita dito hah. Si Dr. Ceds na bahala sayo." Paalam ni Lean.




"Okay po. Thank you."




Umalis na si Lean. Gosh. Naiwan ako sa tatlong to.




"Ipapakita ko muna sayo yung pasyente na i'aassign ko sayo."




"Sure ka ba Ceds na dun mo sya i'aassign?" tanong ni Dra. Regine.




"Yes." Diretso nyang sagot.




Sinama ako ni Dr, Cedrics sa Ward 3. Pumasok kami doon at parang kulungan ito. May mga prison cells na makikita ang mga higaan at mga tao sa loob. Tatlo silang lahat.




"Dito namin sila nilagay dahil mahirap silang bantayan." Salita nya.




"Nanakit po ba sila?" tanong ko na may halong takot.




"Hindi naman sa ngayon. Pero may kakaiba sa behaviors nila. Sya si Emman. 26 yrs old. Dati siyang soldier. Tinorture nya ang isa sa kasama nya at pinatay. Nadepressed sya. Hanggang sa tuluyan na syang nabaliw."




Tiningnan ko si Emman. Ngumiti ito saken. Ang creepy ng ngiti nya. Para syang manyak na nakikita ko sa kanto ng apartment ko. Bigla akong kinilabutan.




"Sya naman si Karl. 23 yrs. old. Na rape ang girlfriend nya kaya pinatay nya yung rapist. Sa sobrang lungkot sa pagkamatay ng girlfriend nya halos magpakamatay sya. Buti nakita sya at napigilan agad ng pamilya nya."




"Grabeh pala pinagdaanan nila." Mas masaklap pa ang sinapit nila kesa sa pinagdaanan ko sa daddy ko.




"At panghuli. Si Jeff. 22 yrs. old. Sya ang ipapa assist ko sayo."




Tiningnan ko yung taong tinuro nya. Tulala lang ito.



"Anong naman case nya?"





"Naadik sya sa mga online games. Specifically, dota. Hanggang sa yung mindset nya nasa laro parin. Pinatay nya lahat ng pamilya nya sa bahay nila."




"HA? D-doc.. wag nalang po ako.." gusto ko pang mabuhay ng matagal.




"Kaya ka nandito para alagaan sya. Nakita mo naman siguro, konti lang ang mga nurses dito. Kaya mo yan." Sabay tap sa balikat ko. Hindi ko kaya!!!




"Pero doc.."




"Umakyat ka na muna sa kwarto mo at ayusin mga gamit mo. Then, kumain ka na sa baba. Goodluck."




Sa kwarto.




Roommate ko si Chinee. Nakasalamin sya at cute. Sabi nya magkasing edad lang raw kami. Paano nya naman nalaman yun? Hayyy. Ba't ko ba prinoproblema yun. Kailangan ko ng umalis dito.




"Wala lang mang signal." Nakakainis. Kailangan kong ma contact si Balby para sunduin ako dito.




"Ganito talaga dito. Walang signal." Salita ni Chinee habang inaayos ang mga gamit nya.




Tumingin tingin ako sa loob ng kwarto. Simple lang. Dalawang higaan. Dalawang table tsaka cabinets. At malaking salamin.




"Hindi ka ba na bo'bored dito?" tanong ko sa kanya.




"Hindi naman. Sanayan lang. Tsaka sulit naman kasi malaki sahod." Nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Mas naaawa ako sa mga pasyente dito. Walang may dumadalaw sa kanila.




Nalungkot ako sa sinabi ni Chinee. Hayy. Makakatagal kaya ako sa lugar na to. *sigh*

Continue Reading

You'll Also Like

63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
9.2K 661 23
MHST Volume 2: TAGOS - Isang dalaga ang napaulat na nawawala. Naglaho ito habang nagaganap ang pagdiriwang ng pista ng patron ng bayan ng San Idelfon...
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."