MILK / seventeen

By saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... More

000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
Epilogue
Postscript
♥♥♥
♡♡♡

060

2.8K 154 229
By saltypastry

' Habang buhay kong itatatak sa puso't-isip ko yung mga pinagsamahan naming lahat '

--

Milk's POV

' Cereal tara na '- sabi ko habang nakalahad yung dalawang kamay ko sa kanya.

Nagulat ako kasi umiling sya tapos sumiksik sya dun sa sulok ng kama.

' Sasama ka ba ? '- tanong ko at kinawag nya lang yung buntot nya.

' Yun naman pala eh. Tara na '- sabi ko tapos lumapit ako sa kanya kaso mas sumiksik pa sya dun.

Napabuntong hininga nalang ako.

Ngayon ang araw ng libing nung sampung members at papunta na kami dun kaso mukhang ayaw ni Cereal.

Ayoko din namang pumunta kasi hanggang ngayon hindi ko padin matanggap ang nagyari kaso naisip ko na eto na yung huling pagkakataon na makikita ko sila.

' Cereal tara na. Nandun naman si Vernon eh '- sabi ko.

Agad-agad naman syang tumakbo papunta sakin tapos binuhat ko na sya. Si Vernon lang pala ang katapat nya.

Lumabas na ako dun sa boarding house na tinutuluyan ko at sumakay na ng taxi papunta sa sementeryo.

Nasa loob palang ako ng sasakyan, nakaramdam na naman ako ng tensyon. Paniguradong malulungkot na naman ako ng sobra mamaya.

Bumaba na agad ako ng taxi pagkadating namin dun. Nakita kong madami nang mga tao dito na siguro ay mga magulang nung mga pumanaw na members.

Walang mga fans kasi nag-release ng statement ang Pledis na gusto nilang gawing pribado ang libing at masaya ako kasi nirespeto ng mga fans yun.

Naglakad ako papunta sa direksyon ni Vernon. Kinulbit ko sya tapos nginitian ko sya ng pilit pagkaharap nya.

Niyakap naman nya ako agad. Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko pero pinunasan ko agad yun.

' Kamusta ang pakiramdam mo Noona ? '- tanong nya sakin.

' Medyo magaan na pero masakit padin talaga '- sagot ko.

Ngumiti lang sya.

' Ah ipapakilala nga pala kita sa mama ko tsaka kay Sofia '- sabi nya tapos may nilapitan syang isang magandang babae na nakaupo habang katabi si Sofia.

Lumapit sila sakin. Nginitian ko sila at binati kahit na nahihiya ako.

Ang ganda ng mama ni Vernon at ang cute lalo ni Sofia sa personal.

' Ma, sya po si Soonbyul. Yung palagi kong kine-kwento sa inyo '- sabi ni Vernon.

Nginitian ako nung mama nya.

' Ah sya yung crush mo ? Ang ganda ng taste mo Hansol '- nakangiting sabi nung mama nya kahit na halata sa mata nyang malungkot sya.

Malamang, sino ba namang hindi malulungkot kung nasa libing ka ng grupong to.

' Ma naman .. '- sabi ni Vernon kaya natawa nalang ako ng mahina.

' Milk Unnie ang ganda nyo lalo sa personal '- sabi sakin ni Sofia kaya nginitian ko sya at ginulo yung buhok nya.

' Salamat Sofia. Ikaw din '- sabi ko.

Mukhang nagulat sya.

' Nakakaalala ka na po ? '- tanong nya kaya tumango ako.

Nagulat ako nang yakapin nya ako. Manang-mana talaga sya sa Kuya nya. Parehas silang sweet.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Yuhee Unnie kasama sina Minhee at Seungmin kaya nag-excuse muna ako kina Vernon para lapitan sila.

Tumakbo si Minhee at Seungmin palapit sakin tapos niyakap ako. Umiiyak sila parehas.

' Palagi silang malamya at parehas ayaw kumain simula nung nabalitaan nilang wala na si Joshua. Hindi ko naman sila masisi. Napamahal na sila dun sa tao '- sabi sakin ni Yuhee Unnie.

Nabaling ulit yung atensyon ko dun sa dalawang umiiyak kaya hinagod ko yung likod nila.

' K-Kasama na po ba ni Papa God si Joshua hyung ? '- tanong sakin ni Seungmin.

Pinunasan ko yung luha sa pisngi nya.

' Oo Seungmin at alam kong masaya si Joshua kung nasaan man sya '- sabi ko.

' U-Unnie bakit po kailangang k-kuhanin agad ni Papa God si Joshua O-Oppa ? '- umiiyak na tanong sakin ni Minhee.

Hinawi ko yung buhok nya.

' Ganun talaga Minhee eh. Alam mo naman yung Joshua Oppa mo masyadong banal kaya ayun, kinuha na ni Papa God '- sabi ko nalang.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang nangyari. Masyado pa silang bata at ayokong malungkot sila ng sobra gaya ko.

May kumulbit sakin at nagulat ako pagkalingon ko.

Niyakap ko agad silang apat at naiyak na naman.

' Nakakaalala ka na Noona ? '- tanong sakin ni Doyoon.

Tumango ako habang nagpupunas ng luha.

' Nakakatawa no Noona ? Sa ganitong pagkakataon pa tayo magkikita-kita ulit '- sabi ni Mingming tapos pinilit nyang tumawa.

Kung malungkot ako dahil sa nangyari, alam kong mas malungkot sila. Mas madami silang pinagsamahan at mas matagal na silang magkakakilala.

' Anong pakiramdam mo ngayon Noona ? '- tanong sakin ni Samuel.

' Ang sakit parin talaga. Hindi ako sanay na wala sila sa tabi ko eh lalong-lalo na si Joshua '- sabi ko.

' Nandito pa naman kami Noona .. '

Lumingon ako dun sa nagsalita at nakita ko si Mingyu na tulak-tulak si Seungcheol sa wheelchair.

May bandage si Mingyu sa braso at .. may artificial leg na si Seungcheol.

Niyakap ko silang dalawa.

' Maayos na ba ang lagay mo Mingyu ? '- tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya ng pilit.

' Medyo ayos na din Noona kaso ang hirap gumalaw dahil dito sa bali ko at .. hindi ako sanay na wala si Wonwoo hyung '- sabi nya.

Napabuntong hininga ako.

' Hi Noona '- sabi sakin ni Seungcheol.

Ngumiti ako at ginulo yung buhok nya.

' Pakiramdam ko tuloy ang tanda ko na talaga dahil sa wheelchair na to '- sabi nya habang tumatawa ng pilit.

' Anong sabi ng doktor sayo ? '- tanong ko.

' Sabi nya medyo matagal-tagal pa daw bago ako makapag lakad ulit. Pakiramdam ko tuloy magiging pabigat ako .. '- nakayukong sabi nya.

Hinawakan ko yung balikat nya.

' Wag mong isipin yan Seungcheol. Hindi mo naman ginusto na maputulan ng paa eh. Tsaka kahit kailan, hinding-hindi ka magiging pabigat samin '- sabi ko.

Ngumiti sya.

' Ayos ka na ? '- tanong ko.

' Medyo. Mas magiging ayos nga lang siguro kung kasama ko si Jeonghan ngayon .. '- sabi nya.

Napangiti nalang ako. Masasanay din siguro kami na wala sila.

Tahimik lang ako buong seremonya ng libing. Katabi ko si Vernon sa kaliwa at yung mama naman ni Hoshi sa kanan. Si Cereal naman ay tahimik na nakaupo sa lap ko at mukhang malungkot din.

Na-realize ko na masyado na akong maraming iniyak sa kanila at alam kong hindi sila matutuwa kung ganito nalang ako palagi.

Susubukan kong maging masaya para sa kanila dahil alam kong nasa mabuting kamay na sila ngayon.

Kasama na sila ni God.

Susubukan kong mag-move on pero hindi ibig sabihin nun ay kakalimutan ko na sila. Kailangan ko lang tanggapin na wala na talaga sila.

Nang matapos na yung seremonya, tumayo na kaming lahat at nag-alay ng bulaklak sa kanila.

Habang buhay kong itatatak sa puso't-isip ko yung mga pinagsamahan naming lahat.

Jeonghan, Jun, Hoshi, DK, Woozi, Wonwoo, Seungkwan, Minghao, Dino at Joshua, hindi ko kayo malilimutan.

Rest in peace.

Pinunasan ko yung luha sa mata ko tapos bumalik ako dun sa upuan ko.

Nang makaupo na ulit ako dun, hindi ko sinasadya na marinig yung pag-uusap ng nanay at tatay ni Hoshi.

' Nawala na nga si Soonbyul, pati ba naman si Soonyoung kukuhanin satin ? '- umiiyak na sabi ng nanay ni Hoshi.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

S-Soonbyul ?

Napatingin ako bigla sa nanay ni Hoshi. Tinanggal nya yung suot nyang shades para magpunas ng luha.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

Kamukha ko sya ..

Nahulog yung shades nya at ang initial reaction ko ay damputin yun kaya nagkalapat yung kamay namin.

Napatingin sya sakin.

Natigilan sya sandali pero agad din naman syang napangiti.

' Ikaw yung PA nila diba ? Salamat sa paga-alaga mo kay Soonyoung .. '- sabi nya.

May kakaiba talaga akong nararamdaman sa kanya.

Eto ba yung sinasabi nilang lukso ng dugo ?

' Ano ngang pangalan mo ? '- tanong sakin nung tatay ni Hoshi.

Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko pero agad din naman silang nakasagot.

' Soonbyul po '

Nagkatinginan silang dalawa.

' Kapangalan mo pa yung nawawalang anak namin .. '- sabi nung tatay ni Hoshi.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

' Sige Soonbyul. Aalis na kami. Salamat ulit '- sabi nung nanay ni Hoshi tapos umalis na silang mag-asawa.

Sinundan ko sila ng tingin.

Posible kayang ..

.. sila ang mga magulang ko ?

Kasi sabi sakin ni Ate Yuhee, 3 years old ako nang mapulot sa tindahan ng gatas. Wala akong ibang alam sabihin kundi ang pangalan ko na Soonbyul.

Sinabi din nila na nagpauso nalang sila ng apelyido para may magamit ako kahit papaano.

' Ayos ka lang Noona ? '- tanong sakin ni Vernon na nasa tabi ko na pala ulit.

' Kapatid ko si Hoshi .. '- wala sa sariling sabi ko.

' Ha ? '- naguguluhang tanong nya.

Napailing ako.

' A-Ah wala. Sige Vernon. Alis na din ako '- sabi ko tapos tumayo na ako.

Nagulat nalang ako nang hilahin nya ako at niyakap.

' Wag ka nang malungkot Noona. Nandito pa naman kami nila Seungcheol at Mingyu hyung. Hindi ka namin iiwan '- sabi nya habang ginugulo yung buhok ko.

Napangiti nalang ako.

' Salamat Vernon .. '- sabi ko tapos nagpaalam na ako sa kanila at umalis na.

Habang naglalakad ako, pumasok sa isip ko si Hoshi.

Kung kapatid ko nga sya, nakakalungkot isipin na ngayon ko lang nalaman kung kailan wala na sya.

Naiinis din ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang sya nagawang protektahan kahit na sya yung mas matanda saming dalawa.

Pumasok ako sa isang coffee shop at naupo sa medyo dulo. Wala lang. Gusto ko lang makapag-isip ng kung ano na bang gagawin ko ngayon sa buhay ko.

Walang katao-tao sa coffee shop na to. Ako lang tsaka yung isang kumpol na maiingay na lalaki sa may likod ko.

' Pre ang ganda nitong nasa likod natin '

' Grabe ka Wonwoo hyung. May girlfriend ka na't lahat nalandi ka pa '

Hays. Paano ako makakapag-senti kung ganyan sila kaingay ?

Akmang tatayo na sana ako kaso biglang tumulon mula sa lap ko si Cereal at tumakbo palapit sa isang lalaking kakapasok palang nung coffee shop.

' Cereal ! '- sabi ko.

Napatitig ako dun sa lalaking nilapitan nya. Nakasuot yun ng hoodie, ripped jeans at converse.

Parang si Joshua.

Lumapit ako sa kanya para kuhanin si Cereal.

' Cereal ? Ikaw ba yan ? Hala, ang tagal-tagal na kitang hinahanap ! '- tuwang-tuwang sabi nya tapos binuhat nya si Cereal.

Si Cereal naman ay mukhang masaya base sa pagkawag nya ng buntot nya.

' Miss, saan mo sya nahanap ? '- tanong nya sakin.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Parehas na parehas sila ni Joshua ng mata.

Ganyan na ganyan yung matang minahal ko.

Pakiramdam ko nalulunod ako sa mga tingin nya.

' Miss ? '

Nabalik ako sa katinuan nang magsalita ulit sya.

' A-Ah ano, nakita ko sya sa daan isang beses tapos inalagaan ko nalang sya .. '- nahihiyang sabi ko.

Sya pala yung may ari kay Cereal.

Napatingin sya kay Cereal tapos niyakap nya ito bago bumalik ulit yung tingin nya sakin.

' Sayo na sya '- sabi nya habang inaabot sakin si Cereal.

Nagulat ako.

' Seryoso ka ? '- tanong ko.

Ngumiti sya dahilan para mas bumilis ang tibok ng puso ko.

' Seryoso ako. Mukha kasing napamahal na sya sayo. Hindi naman ako ganung kasama para bawiin nalang sya basta-basta '- nakangiting sabi nya.

Napangiti nalang din ako tapos kinuha ko na si Cereal at niyakap.

' Ano palang pangalan mo ? '- tanong nya sakin.

' Milk '- sagot ko.

Nagulat ako kasi hinawakan nya ako sa kamay.

' Tara, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko '- sabi nya kaya napasunod nalang ako sa kanya.

Mukha naman syang mabait.

Naglakad kami papunta dun sa grupo ng mga lalaki na nasa likod ko kanina. Sila pala yung mga kaibigan nya.

' Guys, si Milk nga pala. Bagong kaibigan ko '- sabi sa kanila netong kasama ko.

Ngumiti silang lahat at bumati sakin. Ang dami nila. Mga nine siguro sila.

' Pakilala kayo bilis '- sabi ulit nung kasama ko. Hindi ko pa alam pangalan nya eh.

Nagkatinginan silang lahat bago sunod-sunod na sinabi ang mga pangalan nila.

' Jeonghan '

' Junhui '

' Wonwoo '

' Jihoon '

' Seokmin '

' Soonyoung '

' Minghao '

' Seungkwan '

' Chan '

Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahan-dahan akong tumingin sa lalaking kasama ko at tinanong sya.

' Ikaw, a-anong pangalan mo ? '

Ngumiti sya bago sumagot.

' Jisoo '

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 203 61
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
48.7K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
381K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
340K 8.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...