THE POSSESSIVE KING

By hotmoma39

1.1M 29.4K 1.9K

"Hindi mo talaga alam kung ano ako.?" "Harris sir. Isa lang ang alam ko sa inyo, ikaw ang CEO ng Delvo indust... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
Chapter 9
Chapter 10
chapter 11
chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
AUTHORS NOTE
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
42
43

CHAPTER 23

20.8K 639 49
By hotmoma39

EVANESS

Nanghihina na ako, pero pilit ko pa ring pinahlalabanan ang pagkauhaw na nararamdaman ko. Alam kong nanalaytay sa mga ugat ko ang dugo ng isang Vampire kasi yun ang ama ko at mahal ko sya at inererespeto pero ang maging katulad nya ay hindi ko matanggap. Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil sa natatakot ako.

Papano kung hindi ko makayanang paglabanan ang naturalisa ng isang bampira ang pagiging Blood sucker, magiging mamatay tao ako, at yun ang hindi ko matatangap.

Kaya paglalabanan ko ito kahit pa ito ang maging sanhi ng kamatayan ko.

Ngunit ang makitang nahihirapan si Harris para sa akin ay lalong nakadaragdag sa paghihirap ko.

Alam kong ako ang dahilan ng tuluyang pagkawala ng lakas at kapangyarihan nya. Kung may paraan lang sana para maibalik ko yun sa kanya gagawin ko.

Bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko akala ko si Harris pero hindi ang Daddy ko at ang ama ni Harris.

"Anak kumusta ka na.?" Tanong sa akin ni Dad.

"ano sa palagay nyo dad.?"

"Gusto mo bang alisin na namin ang mga tali mo.?" Ang Ama ni Harris.

"No... wag nyong gagawin yan, ayaw kong makapanakit ng kahit sino... hindi ko kayang kontrolin ang katawan ko."

"Gusto ka naming tulungan anak kaya iaalis ka namin sa lugar na to." Si Dad.

"Kasama si Harris.?"

Ayaw kong mahiwalay sa kanya, sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas para makayanan ko ang pinagdaraanan ko ngayon, kung mapapalayo ako sa kanya baka mas lalong ikamatay ko yun.

"Hindi... Tayo lang."

"Ayaw ko.... Hindi ako aalis ng hindi kasama si Harris." Matigas na sabi ko.

"Anak alam mong hindi kayo pweding magsama ni Harris, mapapahamak sya."

"Hindi ako lalapit sa kanya, hindi ko sya hahawakan basta nakikita ko lang sya nakakasama... Okey na sa akin yun."

"Pareho lang kayong mahihirapan... Kailangan nyong maghiwalay para sa ikabubuti ng lahat." Ang ama ni Harris.

"No ayaw ko.... Hindi ako aalis dito ng hindi kasama si Harris."

"Evaness para din sa inyo to... Kaya patawarin mo kami pero gagawin namin ang tama at makabubuti sa lahat." May finality sa boses ni dad.

At may inilabas na isang hiringelya ang ama ni Harris.

"Ano yan... Anong gagawin nyo sa akin.?" Nakaramdam na ako ng takot.

"Patawarin mo kami pero ito lang ang paraang naiisip namin para mailayo ka sa lugar na ito ng walang gulo."

"Hindi ayaw ko.... Wag kayong lalapit."

Pilit akong nagpumiglas mula sa pagkakatali, ngunit nanghihina na ako.

"No... Harris.... Tulungan mo ako... Harris..... Harris." Sigaw ko, ngunit tila walang nakaririnig sa akin.

Wala ring nagawa ang pgpupumiglas ko dalawang hari ang may hawak sa akin.

Unti unti akong nanghina, patuloy kong isinisigaw ang pangalan ni Harris hanggang sa tuluyan na akong nanghina at tuluyang nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Pero ayon sa mga gamit na naroroon alam kong lalaki ang nagmamayari ng silid na yun.

Nakatali pa rin ako at nakidikit pa rin sa noo ko ang batong humaharang sa isip ko para makapaglabas ng kapangyarihan.

Nanghihina pa rin ako.

Pilit kong inaabot si harris gamit ang isip ko, pero bigo ako.

Pinaki ramdaman ko ang paligid ko. Wala akong naririnig na anomang ingay maliban sa tila ba paghampas ng alon sa dalampasigan.

Nasa tabing dagat ako.

Ilang oras pa ang lumipas ng wala pa rin akong nakikita ibang tao o kahit super natural. Kahit sng aking ama at ama ni Harris na alam kong syang may kagagawan ng lahat ay hindi ko rin makita.

Solidong semento ang silid na kinaroroonan ko kaya wala akong makitang kahit ano sa labas.

Paulit ulit kong tinangkang kumalas mula sa pagkakatali pero bigo ako

Kaya naman tumigil na ako at iniresirba ko na lamang ang lakas ko sa ano mang pweding mangyari sa akin.

Ilang oras pa ang lumipas bago may nagbukas ng pinto ng silid, at pumasok ang isang lalaki. Nakatalikod sya sa akin dahil isinasarado nya ang pinto.

At dahandahan syang humarap sa akin. Tumigil sa gitna ang hininga ko ng makita ko ang mukha ng lalaki.

Pumikit ako ng mariin bago muling dumilat.

Hindi nga ako dinadaya ng paningin ko si Harris ang nasa harap ko.

"Kumusta ka na Princess Evaness." Naka ngising tanong nya sa akin.

"Sino ka.?" Gusto kong makatiyak, alam kong dinadaya lang ako ng paningin ko.

"Ang hari at ng mga Alpha at alpha ng Golden Depth Pack."

Yun ang titulong nakakabit sa pangalan ni Harris.

"Kasinungalingan.... Alam kong hindi ikaw si Harris.... Sino ka.?" Galit na sabi ko.

Muli syang ngumisi.

"Wala akong sinabing ako si Harrison Delvo... Princess."

So inamin nga nyang hindi sya si harris. Kung ganun sino sya.?

"Sagutin mo ang tanong ko... Sino ka.?"

Lumapit sya sa akin at hinawi ang mga hibla ng buhok na naka kalat sa mukha ko.

"Erros Delvo... Thats my name princess."

Hinawakan nya ako sa pisngi, pilit kong inilalayo ang mukha ko sa kanya, pero dahil nakatali ako, hindi ako nagtagumpay.

"Youre so beautiful... Ang bait naman ng moon goddes sa kapatid ko at isang napakagandang royal hybrid ang mate nya."

Kapatid sya ni Harris, kaya pala magkamukhang magka mukha sila.

Pero bakit walang nababangit sa akin si Harris tungkol sa kanya.

"Dahil isa akong alibughang anak sa labas." Sagot niya sa tanong na nasa isip ko.

"Nababasa mo ang iniisip ko.?"

" may kakayahan akong malaman ang iniisip ng ibang tao kapag nakatingin sya sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya, yun ang kapangyarihan ko."

Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa kama at humakbang ng ilang hakbang palayo sa akin.

"Napakalakas ng kapangyarihan mo, hindi na ako magtataka kung bakit naguunahan ang lahat ng super natural na makuha ka."

Muli syang ngumiti.

"At napaka swerte ko dahil hindi ko na kailangang makipag unahan sa kanila para makuha ka. Dahil kusa ka na nilang dinala sa akin... Ngayon lang ako nagkaroon ng dahilan para magpasalamat sa aking ama at sa ama mo na rin."

"Sila ang nagdala sa akin dito.?"

"Sa dami ng tagapagbantay mo na itinalaga ng kapatid ko, tiyak patay na ako bago pa ako makalapit sayo...kaya oo sila ang nagdala sayo sa akin."

"Anong kailangan mo sa akin.?"

Kumunot ang noo nya.

"Ang sabi nila sa akin, ikaw ang may kailangan sa akin at hindi ako ang may kailangan sayo."

"Wala akong kailangan sayo, si Harris ang kailangan ko, ibalik mo ako sa kanya.!" Malakas at mariing sabi ko sa kanya.

"Para ano.... Para pareho kayong tuluyang mamatay....hindi... Hindi ako makapapayag na patayin mo ang kapatid ko...." May nakita akong matinding.emosyon sa kanya.

" At tanggapin mo man sa hindi, kailangan mo ako prinsesa Evaness para labanan ang pagiging bampira mo na ayaw mong tanggapin na bahagi ng pagtao mo."

Natigilan ako sa sinabi nya, yun kasinang gusto ko ang labanan ang pagiging bampira ko.

"At papano mo gagawin yun.?'

"Ako ang magihing choice mate mo."

"Anong ibig sabihin nun.?"

"Kailangang talunin ang Vampire genes na nasa katawan mo at genes ng isang lobo lang ang maaring tumalo doon. Kaya Kailangan mong makipag mate sa isang lobo.... At hindi lang sya basta lobo kundi isang Royal purebred Wolf..."

"Si Harris sya ang mate ko."

"Bago Pa ninyo makompleto ang mating process tiyak patay na sya dahil nahigop mo na lahat ng lakas at kapangyatihan nya... Kaya ibig sabihin ako na lang ang natitirang pagasa mo sa panahong ito.... You have no choice but to mate with me.

"Nooo....." Malakas na angil ko sa kanya.

Alam kong nayanig niyon ang buong silid kaya ako man ay nagtaka kung saan nagmula ang lakas kong iyon.

Nakita kong natigilan si Erros. At namutla.

"Risson..." Pabulong na sabi nya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 52.9K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...
67.3K 3K 59
Born as a rouge, a child of a weak blood, raised as a fighter, broken by love, destroyed by death, and left empty with no one to rely on. Like an in...
29.5K 1.4K 53
Isa siyang prinsipe nang mga taong lobo ,na may inosenting at malamig na mata. at sa likod ng inosenting mata ay siyang kabaliktaran ng kanyang hang...
1.9M 51.2K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...