My Pervert Bully (BOYXBOY)

By ImRestrictedWriter

336K 13.2K 4.6K

HIS name is Lyndon Moraga. A typical and a bit nerdy boy who had a big dream for his family. He is determined... More

Prologue
Chapter 1: The Lestinosa Academy
Chapter 2: Bag
Chapter 3: The Pervert
Chapter 4: Break Time
Chapter 5: Give Up?
Chapter 6: Nomination
Chapter 7: The Basketball Player
Chapter 8: Hell's Place
Chapter 9: Sadness
Chapter 10: Infernosa
Chapter 12: Trouble
Chapter 13: Stand By Me
Chapter 14: The Tambay
Chapter 15: His Nightmare
Chapter 16: Comeback is Real
Chapter 17: #TriggeredSiCostosa
Chapter 18: Punishment
Chapter 19: Pierce Hans Greyson
Chapter 20: Thieves
Chapter 21: The Visit
Chapter 22: The Fight
Chapter 23: Dahil Sayo
Chapter 24: Stressful Lyndon
Chapter 25: Practice
Chapter 26: Kiss 😘
Chapter 27: Student Council
Chapter 28: Apologies
Chapter 29: Hangover
Chapter 30: Love Sick
Chapter 31: HAKDOG
Chapter 32: Photoshoot
Chapter 33: His Place Part 1
Chapter 34: His Place Part 2
Chapter 35: Valentine's Special
Chapter 36: Controvercy
Lost Chapter: Broken Friendship
Chapter 37: His Psycho Cousin
Chapter 38: Frustration & Love

Chapter 11: The Night Event

11K 446 70
By ImRestrictedWriter

A/N: TANGINA AUTHOR! BUHAY KA PA PALA. SI DUTERTE NA PRESIDENTE PERO YUNG LAST UPDATE MO, SI AQUINO PA!

HAHAHA. Mamaya na ako magpapaliwanag kung ano ang nangyari sakin, ang mahalaga ay makaupdate ako ngayon.

Enjoy reading at tandaan ang motto natin. "WALANG MAGEEXPECT SA UPDATE NI IMRESTRICTEDWRITER KUNG AYAW MASAKTAN"

XD

LYNDON's POV

"[Oh, basta Lyndon mag iingat ka ah. Ikaw naman kasi eh, bakit ba parang ang biglaan naman niyang night event na yan]"

"Ahhhh. Nakalimutan ko lang po sa inyo magpaalam Ma kanina. Sorry po"

"[O sya sige, buti at tumawag ka. Nag aalala nanaman kase ako sayong bata ka eh]"

"Okay lang po ako Ma, wag na kayo mag alala sakin. Uuwi din po ako mamaya"

"[O sige sige. Ingat ka Lyndon. Wag magpagabi masyado.]"

"Opo Ma, bye po"

"[Bye]"

At nag endcall na si mama.

Ibinalik ko naman kay Pierce ang cellphone niya

"S-salamat" tipid na sabi ko lang

Inabot niya lang yun at nagfocus sa pagmamaneho. Hiniram ko kase ang phone niya para makapag paalam kay Mama. Buti na nga lang at naalala ko kung hindi, lagot na talaga ako kay Mama.

Naandito kami ngayon sa sasakyan niya, ni Pierce at kasalukuyang bumabyahe kami papunta na dun sa night event na sinasabi nila at ngayon hindi kami nagkikibuan ni Pierce.

Sa totoo lang, napaka uncomfortable ko ngayon. Uncomfortable sa suot ko na black turtle neck lace dress.

(A/N: So sa nasa babang picture ay yung idea ng dress na suot ni Lyndon. Kumbaga, something like this. Kayo na bahala mag imagine ng iba pang details. haha.)

Sa makeup ko sa mukha, sa mga kwintas at alahas na malalaki na nakasabit sakin, sa 4 inch heels ko na sapatos na halos hindi ako makalakad ng maayos sa taas nun at sa kung ano ano pang ginawa nila sakin. Hindi ko na din sinabi kay Mama etong gagawin ko, mahirap din pag inexplain ko pa sa kanya.

Napapikit naman ako bigla nung maalala ko nanaman kung paano ako inabuso nung mga stylist na yun!

"A-ano yan?"

"Pang alis po ng buhok sa binti Sir"

Halos mapalaki ang mata ko. Takte, masakit yun!

"W-wala po bang yung cream na lang?"

"Im sorry po pero naubusan na po kami nun eh. Kaya eto na lang po sir. Dont worry po, saglit lang po 'to"

Saglit!? Eh sobrang sakit nyan eh!

"Umpisahan na po natin" sabi nung babae at halos mapaayos ako ng upo nung lumapit siya sakin

"Wait lang." nasabi ko pa

"Sorry po Sir pero nagmamadali po tayo. Hawakan niyo na siya"

Napalaki na lang ang mata ko nung hawakan nung dalawang stylist sa likod ang magkabilang kamay ko. Inayos naman nung isa ang dalawa kong binti at ipinuwesto eto at ipinatong sa patungan nila.

"W-wait lang. M-masakit po yan..." pero tuloy pa din yung stylist na yun sa paglagay nung parang tape sa binti ko.

"Ready sir?"

Nataranta naman ako bigla.

"W-w-wait! Wag munAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!"

At halos lumabas ang tonsil ko sa sigaw ko sa sakit nung biglang hilahin nung stylist yung tape sa binti ko.

Takte! Napaka sakit talaga!

Halos mangiyak ngiyak na ko nun nung paulit ulit ginawa sakin yun para lang maubos ang mga buhok ko sa binti. Takte.

Pati ang buhok ko sa underarm, hindi napalagpas. Inalis din kaya halos maluha na ako sa nangyayari.

"Sorry po Sir kung nasasaktan kayo."

Nakapikit lang ako nun at wala na kong magawa.

Masakit man pero titiisin ko ang lahat ng eto.

Pagkatapos ng karumal dumal na ginawa nila sakin, doon na nila ako inayusan at nilagyan ng make up at nilagyan ng wig.

Napapikit na lang ako bigla sa mga naalala ko. Ayoko ng balikan ang nangyari. Nangyari na yun at eto na ako ngayon. Babae.

Hayy. Sana lang talaga matapos na ang nightmare na 'to.

Habang nasa byahe kami, bigla namang natawa etong si Pierce. Napatingin naman ako bigla sa kanya. Ano naman ang nakakatawa?

"B-bakit?"

"Wala, natatawa lang ako sayo. Ang panget mo kase. Panget ka na nga. Ang panget pa ng ayos nila sayo"

Parang ang laking insulto naman sakin ng sinabi niyang yun. Napaka laki talaga. Eh hindi naman ako mag gaganito kung hindi dahil sa kanya eh. Hindi talaga ako makapaniwala na gagawin ko 'to sa buong buhay ko at talagang pinag sisisihan ko na ginawa ko 'to.

"Well, bukod sa ang panget ng ayos nila sayo, ang liit din nung improvised boobs na nilagay nila sayo"

Halos mag init naman ang mukha ko sa sinabi niya.

Ang pervert talaga ng lalaking 'to kahit kelan!

"Boobs na nga lang ang pwede mong ipanlaban pero chocolate hills pa ang nilagay sayo." sabi niya pang ganyan sakin "Pero nagpapasalamat na din ako at hindi na kapatagan yang sayo"

Napasimangot na lang ako. Basta ganitong bagay ang galing galing ng lalaking 'to eh.

"By the way, gusto ko lang iexplain sayo ang plano" sabi niya sakin. Oo nga no, hindi ko pa pala alam ang plano nila? "You need to seduce this man" sabi niya sakin sabay abot nung phone niya na may picture ng lalaki. Tinignan ko naman yun ng maigi.

"S-seduce talaga?" kinakabahang tanong ko. Wala kase akong ganyang ability!

"Yep. Seduce. Para maging madali sayo ang pag i-spy pag na seduce mo na ang leader nila" sabi niya "Yang nakikita mo ngayon na picture ay si Gabino Jackal Keynes or also known as Gab at siya ang leader ng Hellven" pagpapakilala niya sakin nito.

Napatingin lang akong maigi dun sa picture na nasa phone niya. Ang manly kase niya tignan at parang nakakatakot siya.

"Alam ko ang mga tipo niya kaya naman alam kong matitipuhan niya ang tulad mo. Dont worry, bobo ang Gab na yan, kaya kung gagalingan mo sa pagpapanggap, hindi ka niya mahahalatang lalake. You only had to do is to seduce him and gain his trust." sabi niya

Napabuntong hininga naman ako.

"Eh p-papano ko naman gagawin yun?" sabi ko "Hindi ako marunong mag s-seduce..." mahinang sabi ko pa.

Napachuckle lang siya. Narinig niya siguro ang sinabi ko

"Eh di pakitaan mo ng chocolate hills mo"

Lalong nag init ang mukha ko sa sinabi niya. Napaka maloko talaga nito!

"T-tumigil ka nga Pierce. Yung seryoso kase. H-hindi talaga ako marunong nung sinasabi mong seduce" sabi ko naman sa kanya

"Seryoso ako dun. Hindi ka ba naniniwala sakin?" sabi nito at hindi na ko nakasagot nun. Ayoko sana siya maoffend pag sinabi kong hindi ako naniniwala sa kanya eh.

"Kilala ko na ang mga ibang babae at alam ko kung paano sila mag seduce dahil palagi ko naeexperience yan at number 1 na pangseduce nila ay yung pagpapakita ng kabundukan nila."

Okay enough. Walang patutunguhan ang usapan namin kung puro anyong lupa ang nasa utak nitong lalaking 'to.

"Eh, b-bukod dyan, wala na bang iba?" tanong ko

"Yang boses mo. Baguhin mo at gawin mong pambabae. Make it more attractive and seductive"

Attractive and seductive voice?

Syete. Kaya ko kaya yan?

"H-hindi ko kaya Pierce"

"Pwes kayanin mo. Kailangan hindi ka niya mahuli na lalake ka kase masisira mo ang plano namin kaya kailangan mag boses babae ka. Maliwanag?" sabi niya

Napabuntong hininga lang ako at napatango ng dahan dahan.

"Well, madali lang naman ang gagawin mo. Gawin mo lang ganito ang boses mo, 'Hi Beyb, How cha doin'? Ya need some massage? Take me to yar room Beyb and I will teyk ya to heaven. I swear.'" sabi niya habang nagmimic siya ng super weird na boses ng babae. Parang nakadikit yung dila sa ngala ngala eh.

"S-seryoso ka ba diyan?" tanong ko sa kanya.

"Fvck." sabi niya at naramdaman kong nainis siya bigla.

Nagulat na lang ako bigla nyang iniliko sa gilid ang kotse at bigla nya etong ihinto. Napakapit naman ako bigla ng mahigpit sa hawakan.

Papatayin ba ko nito ni Pierce sa nerbyos? Ano bang ginagawa niya?

Napatingin ako sa kanya at bigla akong kinabahan sa napakasamang titig niya sakin.

"Alam mo kanina ka pa eh. Ano bang akala mo sakin, hindi seryoso? Sa tingin mo ba binibiro kita ha?" inis na sabi nito sakin

Napalunok naman ako bigla.

Siguro na offend ko talaga siya. Eh kase naman siya eh. Parang ewan ang mga suggestions niya. Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi.

"Sabihin mo nga sakin. Bakit ba hindi ka naniniwala sakin ha?" inis na sabi niya sakin

"E-eh kasi a-ano eh-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nung pinutol niya eto.

"Fvck it! Lahat ng sinasabi ko sayo, totoo. Lahat ng sinasabi ko sayo dapat gawin mo mamaya para sa ika aayos ng plano namin. Oo alam ko palagi kitang niloloko at pinagtitripan pero etong bagay na 'to seryoso na ko dahil malaking bagay na ang nakataya dito." inis na sabi niya sakin

Hindi na ko nakasagot nun at nakapag salita pa.

Alam kong galit siya ngayon kaya naman natatakot na ko.

Binalot kami ng katahimikan nun. Nakatingin siya sa malayo samantalang ako, hindi ko alam kung anong gagawin.

Kailangan ko bang mag sorry? Mukha nga.

Napabuntong hininga na lang ako.

"S-sorry..." sabi ko habang napapakamot ako sa batok ko "H-hindi ko naman sinasadya na maoffend ka eh. N-nananiniwala naman na ako sayo." nasabi ko na lang. Hindi ko magawang makatingin sa kanya.

"O sige tatanggapin ko yang sorry mo sa isang kondisyon" sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.

Kailangan pa ba talaga nun?

"A-ano yun?"

"Magmula sa oras na 'to, magboses babae ka na dahil malapit na tayo sa venue" sabi niya

Hayyy. Hindi ko alam kung kakayanin ko magboses babae pero susubukan ko.

"O sige. Wait lang" sabi ko

Sinubukan kong ayusin ang boses ko.

"Ehem. Ehem. Ha-hi. Ehem. H-hi. Ehem. Ehem. Hi." sabi ko with full effort girl voice "O ayan okay n-na ba 'tong b-boses ko?" tanong ko sa kanya in a girl voice

Nakita ko namang nakatitig lang siya sakin.

Bakit ganun siya makatitig? May dumi ba ko? May something ba sa mukha ko?

Na aawkward na ko sa tingin niya sakin ah

"P-pierce?" sabi ko in girl voice pa din

"Shit." sabi niya "Sige okay na yan." sabi niya sabay patakbo sa kotse.

Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? Parang kanina din nung lumabas ako galing sa pag aayos ko, napansin ko din na ganyan din ang titig niya sakin. Ano bang nangyayari sa kanya?

Tapos kanina din, yung paghila niya sakin ng sobrang higpit. Sabay sabing

"Sorry Raph pero sa kotse ko sasakay si Lyndon."

Ay ewan. Mukhang malakas lang siguro ang mood swing nito.

"Bawas bawasan mo din yang paguutal utal mo at make your voice more seductive para mas maging effective" sabi niya. Napatango na lang ako sa kanya bilang tugon. "Basta ikaw na bahala kung paano mo siya ma seseduce. Basta ang goal mo, madala ka nya sa kwarto niya"

Parang nagulat naman ako bigla sa sinabi niya.

Wait. Parang hindi ko gusto ang mangyayari ah!

"S-sa kwarto niya? B-bakit?"

Napangiti lang siya.

"Well kung papayag kang makipag sex sa kanya, eh di ikaw bahala pero kung ayaw mo naman..." sabi nito sabay abot sa akin na parang gamot na powder. "Ilagay mo yan sa wine niya and make sure na iinomin niya yun para makatulog siya at pag nangyari yun, saka kana mag halungkat ng information na kailangan namin." sabi niya

Napatitig lang ako dun sa parang gamot na binigay niya sakin.

Kakayanin ko ba talaga 'to?

Nag dodoubt na ko sa pwedeng mangyari eh.

Parang hindi ko kaya.

Hindi ko talaga kaya!

Never ko pa 'to ginawa at talaga namang napakalayo sa personality ko ang balak maging ako ni Pierce.

Gusto ko na mag back out! Pero papano si Brent? Papano makakabalik si JD?

Hayyy. Sumasakit na din ulo ko eh.

Kinakabahan na ko sa pwedeng mangyari.

Papano pag nag fail ako?

Papano pag hindi ko nagawa ng maayos etong mission na 'to?

"P-pierce?"

"Anong sabi ko tungkol sa boses mo?"

"Ay. Sorry. O eto na" sabi ko sabay balik ulit sa girl voice. Ugh. Mahihirapan talaga ako nito.

"Ano yun?"

"Uhmmm papano pag nag fail ako? Papano pag hindi ko nagawa yung plano?" sabi ko in a girl voice at pinilit kong hindi mautal.

Napachucke lang siya

"Edi lagot ka samin."

Nagulat naman ako sa naging sagot niya.

Ayoko na sana sabihin eto, pero seryoso ba siya dun?

"Dahil pag sumablay ka, damay damay tayo eh. Pare parehas tayong mapapahamak. Kaya kung ako sayo Lyndon, aayusin ko ang trabaho ko kung ayaw mong magisa ng buhay sa Hell's Place. Maliwanag?" sabi nito

Lalo naman akong kinabahan sa sinabi niya. Napatango na lang ako sa sinabi niya.

Oo na lang ako.

Hayyy ano ba tong napasok kong gulo. Sana magawa ko ng maayos 'to kung hindi, patay ako.

"Kung susundin mo lang ang plano, walang magiging problema. Kilala ko si Gab. Mga tipo nun ay yung tulad mo na clumsy kaya sa tingin ko magiging madali lang yun para sayo basta gawin mo lang kung ano ang sinabi ko sayo." sabi niya

Napabuntong hininga na lang ako.

Sana lang talaga magawa ko ng maayos 'to.

"Sige. Itatry ko ang best ko" nasabi ko na lang

"Good. Naandito na tayo."

Nagulat na lang ako nun sinabi niya yun.

Napatingin naman ako bigla sa labas at totoo nga. Nasa may parang hotel na kami at nakikita ko na ang maraming tao na naka formal attire.

Lalo akong kinabahan. Takte. Ready na ba ako? Ready na ba talaga ako?

Ipinarada ni Pierce ang kotse sa isang parang tagong lugar.

Bumaba na kami ng sasakyan, at kahit naiilang pa din ako sa ayos ko ngayon, pinilit ko pa din ang sarili ko na wag na mailang.

Pagbaba namin ni Pierce, which is muntikan pa ako maout balance dahil sa napaka taas na heels na 'to, nagulat na lang ako nung naandun na yung apat na kaibigan niya.

"Ang tagal niyo ah. Anong ginawa mo Pierce kay Lynda ko" sabi nitong Raph sabay ngiti ng nakakaloko.

Parang naginit naman ang mukha ko sa sinabi niya. Naalala ko nanaman tuloy ang ginawa nito kanina sakin. Yung hinalikan niya pa ang kamay ko. Parang ewan eh. Ang lakas makaloko.

"Tumigil ka Raph." seryosong sabi nitong ni Pierce

"Oh easy ka lang boss. Ang init kagad ng ulo eh. Nagbibiro lang naman" sabi naman nitong ni Raph "Eto nga oh, nakakuha na kami ng invitation cards para sating lima" sabi nito sabay abot saming dalawa ni Pierce nung invitation cards.

"Saan mo 'to nakuha?" tanong ni Pierce

Ngumiti naman silang apat samin na para bang natatawa.

"Hmmm sabihin na nating, nadaan sa kamao ang lahat" sabi ni Raph sabay tingin dun sa kabilang side.

Napatingin naman ako dun kung saan siya nakatingin at laking gulat ko nung makakita ako ng limang lalaki na nakabulagta sa daan.

Hala anong ginawa nila?

"Very good guys. Maasahan ko talaga kayo" sabi nitong ni Pierce

At talagang kinonsinte niya pa ang ginawa ng mga kaibigan niya?

"H-hindi ba masama ang ginawa niyo?" sabi ko out of nowhere at lahat naman sila napatingin sakin.

Binigyan nila ako ng titig na kakaiba.

What? May masama ba sa sinabi ko?

Maya maya lang ay bigla silang tumawa ng malakas excluding Pierce.

Hala. Anong problema ng mga 'to?

"Pierce. Anong ginawa mo sa Lynda natin? Bakit ganun siya magsalita?" natatawang sabi nung Gio.

Nahiya naman ako bigla sa sinabi niya.

Siyete! Sabi na eh! Ang panget nung boses ko pagbabae!

"Wag nga kayo tumawa. Kailangan niya magboses ng ganyan para hindi tayo mabuking. Ano ba kayo" sabi nitong ni Pierce.

Wala na. Lugmok na ko sa kahihiyan.

"Ahhh o sige sige. Hindi lang talaga kami sanay sa naging boses niya" natatawang sabi pa nitong ni Raph. Mukhang hindi niya mapigilan ang sarili niya sa pagtawa. "Sorry na Lynda ko. Sorry kung natawa kami" sabi pa ni Raph habang nakatingin sakin.

Hindi na ko sumagot at pinilit ko na lang na wag sila tignan. Lalo akong nahihiya pag nakikita ko silang natatawa eh. Lalo tuloy ako nag dodoubt na ituloy 'to!

"Gusto ko lang malaman, alam niyo naman na ang plano diba?" sabi ni Pierce at lahat naman kami ay napatango na lang. "So once na makakuha na kayo ng mga information, dito sa lugar na 'to ulit tayo magkikita kita. Maliwanag ba?" sabi pa ni Pierce

"Opo boss" sagot ni Raph at kaming natira ay tumango na lang din.

"Ahhhh o sige. Uhmmm, umalis muna kayo excluding Lyndon. May pag uusapan lang kaming dalawa" utos ni Pierce na sinunod naman nila. Nagtaka naman ako kung ano ang pag uusapan namin.

Naiwan kaming dalawa dun. Tahimik lang ako habang hinihintay ko kung ano ang sasabihin niya.

Nag step forward naman siya palapit sakin at nagulat na lang ako ng makita kong may hawak hawak siyang singsing sa kamay niya.

"Suoting mo 'tong singsing na 'to" biglang sabi nito sabay abot sakin nung singsing na yun. Inabot ko naman yun without knowing kung bakit niya yun binigay at para saan yun. "Its a secret telecommunication device. In case na magfail ka at mapahamak ka at nabuking na, pindutin mo yung bato na nasa gitna at automatic na malalaman namin na nasa danger ka at malolocate ka namin kung nasaan ka." pag eexplain niya sakin.

Napatingin naman ako dun sa singsing na yun. Hindi mo aakalain na may secret pala yun sa ganda ng itsura niya.

Naramdaman kong hinawakan ni Pierce ang balikat ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Alam kong ang weird pero sasabihin ko 'to sayo. Naniniwala ako sayo na magagawa mo 'to kaya please don't fail us. Eto na lang ang way para mapatunayan ko ang sarili ko, hindi ko na sasabihin sayo ang reason kung bakit pero nagtitiwala ako sayo." sabi niya sakin and somehow, nagulat na lang ako sa pinapakita niya saking other side niya.

Eto ba talaga si Pierce? Siya ba talaga 'to?

Bakit ganun?

Ang bait?

Tama bang nakakaramdam ako sa kanya ngayon ng sincerity?

Maya maya lang biglang nagbago ang timpla ng itsura niya.

"Sige! Subukan mo lang talagang sabihin na kung seryoso ba ko at ipapatikim ko sayo ang nais mo" sabi nito sakin bigla at somehow, bumalik nanaman sa katauhan niya si Pierce.

Hayyy. Okay na eh. Ang bait na eh

"O sige, itatry ko ang best ko na hindi kayo biguin" yan na lang ang nasabi ko habang sinusuot ko na sa daliri ko yung singsing na binigay niya sakin.

"Dapat lang dahil kung hindi, yari ka samin." pananakot nito sakin sabay alis sa harapan ko "Sumunod ka na, papasok na tayo" yan na lang ang sinabi niya bago niya ko iwan dun at sama dun sa mga kaibigan niya.

Bipolar ang Pierce na 'to.

Isa siyang bipolar talaga.

Ang bilis mag swing ng mood eh.

Yan na lang ang nasabi ko sa isipan ko bago ako tuluyang sumunod sa kanila.

Lalo naman akong nakaramdam ng kaba habang lumalapit kami dun sa entrance nung hotel. Lalo kaseng dumadami ang tao eh in their formal attire.

Napahinto naman 'tong lima na sinusundan ko kaya naman napahinto din ako.

"O paano, hanggang dito na lang siguro tayo. Kailangan na nating mag hiwahiwalay" sabi nitong ni Gio

"Tama si Gio." sabi naman ni Henson

"O sige. Basta kayo na ang bahala ah. Galingan nyo ang pag i-spy" sabi naman ni Pierce bago siya tumingin sakin "At ikaw, alam mo na ang gagawin mo. Wag mong kalimutan ang mga sinabi ko sayo. Im sure magagamit mo ang lahat ng yun. Mag iingat ka." sabi nito sakin at ewan ko kung tama ba ang narinig ko sa dulo eh.

Tumango lang ako kay Pierce

"Okay Guys. Ready na tayong lahat. Para sa Lestinosa Academy at sa Infernosa. Goodluck" sabi ni Pierce at lahat sila ay naghiwalay ng direction samantalang ako, naiwan.

Goodluck to me.

Para kay Brent at JD.

May the odds be ever in my favor.

Yan na lang ang nasabi ko bago ako pumikit at napabuntong hininga.

Nilamon ko lahat ng hiya, doubt, kaba, takot at isinama ko na din ang pagiging lalaki ko.

Goodbye muna Lyndon Moraga

and

Hello Lynda.

Pak Ganern.

Doon na ako napadilat at nag start maglakad kahit na medyo na a-out balance pa din ako sa suot kong high heels.

Napunta ako dun sa entrance kung saan may mga guards na nagchecheck ng invitation card bago tuluyang papasukin.

"Invitation card nyo po miss" sabi sakin nung guard. Pinakita ko naman yun at sa totoo lang parang kinakabahan pa ako kase parang hinuhuburan ako nung guard sa paningin niya kung makatitig siya sakin.

Nakahinga na lang ako ng maluwag nung pinapasok niya nako. Akala ko sasabit pa ko eh.

Okay Lyndon, este Lynda. Umpisa pa lang yun. Nasa umpisa ka palang ng mission mo.

Pumasok na ako sa loob at ganun na lang ang mangha ko nung makita ko ang napaka gandang hotel event hall.

It was so glamorous and very elegant.

Yung napakalaking chandelier sa taas, talaga namang makapigil hininga sa laki at ganda at eto ang nagbibigay kinang sa buong paligid.

Halos lahat ng makita ko ay maganda.

Marami ding tao, in their beautiful formal attire and dress. Nagkukwentuhan ang iilan at yung iba naman ay kumakain. May buffet kase sa gitna at ngayon nasa sentro ng paningin ko ang chocolate fountain. Sht. Pwede ba kumain muna ako at enjoyin ang chocolate fountain na yun? Feeling ko tuloy naglalaway na ko sa kinakatayuan ko ngayon.

Mamaya ka sakin.

Kailangan ko muna hanapin yung lalaki na target ko. Mission first. Chocolate fountain later.

Nagumpisa ako maglibot at hanapin yung Gab.

Natatandaan ko pa ang itsura niya and Im sure, makikilala ko siya pag nakita ko na siya.

Hmmmm. Naandito na kaya siya sa venue na 'to? Baka naman wala pa?

Hindi ako susuko. Makikita ko din siya dito. Tiwala lang.

Naglakad lakad pa ako sa paligid at nagmasid masid.

Hindi ko pa din talaga siya makita. Nasaan na kaya yun?

Hmmmmm sigu--

Nagulat na lang ako ng bigla ulit ako ma out balance na halos matutumba na ako dahilan para maitaas ko ang kamay ko sideways at sa hindi inaasahang pangyayari, may nasangi ang isa kong kamay.

"Ay sorry" nasabi ko na lang bigla.

Nagulat naman ako nung makita kong natabig ko pala ang wine na hawak ng isang babae na nabunggo ko dahilan para matapon iyon sa dress na suot nya.

"Oh.My.God" sabi niya sa hindi makapaniwalang boses

"Sorry, sorry. Hindi ko sinasadya" sabi ko kagad sa kanya at lalo siyang sumigaw

"Oh my Gooooooooood!!!"

Nakakuha kami ng atensyon sa mga tao dahilan para mag panic ako.

Ano ba tong napasok kong gulo

"My beautiful dress is now ruined! Oh my Gooooood!" sigaw pa nito

Shit.

Yari ako nito!

"Im sorry miss. Hindi ko sinasadya talaga" sabi ko

At tinitigan niya ko na parang nagtataka.

Bakit?

Napalaki na lang ang mata ko nun nung marealize ko ang katangahan na ginawa ko.

Shit, yung boses ko!!!

Patay!

"Uhmmmm ehem. I mean Im sorry miss. Hindi ko sinasadya talaga na matabig ka" sabi ko in a girl voice tone

Nakatanggap ako sa kanya ng irap.

"Duh! Hindi ka kase tumitingin sa paligid mo kaya mo ko natabig!" sabi nito sakin "Or baka naman sinadya mo kong tabigin dahil naiinggit ka sa dress ko! Dahil ang dress mo..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay iling "...Walang binatbat sa mamahaling dress ko!" sigaw pa niya

Medyo nahihiya na din ako sa ginagawa niya dahil napapalibutan na kami ng mga tao.

"I-Im r-really sorry. Hindi ko naman sinasadya yun" nasabi ko na lang habang nahihiya na talaga ako dahil lalong dumadami ang pumapalibot samin.

Mukhang masisira ko pa ang plano!

Nakuha ko ang attention nila!

Paano ba ko makakatakas sa gulo na napasok ko nito.

Papano ko pa mahahanap yung Gab kung sira na ang image ko sa event na eto?

Takte ka naman Lynda. Bakit ba ganito ka kamalas?

"Tse! Sinadya mo yun dahil inggit ka sa dress ko!"

"N-nagkakamali ka. H-hindi ko yun sinadya" sabi ko

"I dont care. Sinira mo ang ganda ng dress ko kaya wag ka ng mag maang maangan pa, you flat chested!" sigaw nito at nakita ko ang pagtawa nung ilan.

Talagang nahihiya na ko.

Pinapahiya niya na ko sa harap ng maraming tao. Hindi na 'to tama. Kailangan ko na makaalis dito.

"S-sorry talaga. Aalis na ko"

"Hindi ka pwede umalis."

"B-bakit?"

Nag smirk lang siya sakin.

May kinuha siyang isang basong wine mula dun sa mga nanonood samin at nagulat na lang ako ng bigla nya yun ibuhos sa suot ko na dress.

Narinig ko pa ang gulat na reaction ng lahat samantalang ako, hindi ako makapaniwala na ginawa nya yun.

Gusto ko maiyak sa nangyayari.

Alam ko sa sarili ko na sira ko na ang plano. Nasira ko na. Hindi ako pwede magtagal na ganito. Lahat ng pag asa ko para maibalik si Brent sa dati ay unti unti ng naglalaho.

"O ayan, tie na tayo. Pwede ka na umalis Ms. Flat chested." mataray na sabi nito.

Bigla na lamang pumatak ang luha sa mga mata ko habang naririnig ko ang mga bulungan nila.

Parang nanumbalik sakin ang ginawa sakin noon ng Section Athena.

Bakit ba ganito kasama sakin ang mundo?

May ginawa ba kong kasalanan?

May kasalanan ba ko na dapat kong pagbayaran kung kaya naman nangyayari ang mga bagay na 'to sakin?

Napapunas na lang ako ng luha.

Ayokong umiyak dito. Kailangan ko nang makaalis sa event na 'to.

Its already over.

Tumalikod na ko nun at maglalakad na ako ng may biglang humawak sa kamay ko.

Alam kong kamay yun ng lalaki kaya naman napalingon ako dun sa humawak sakin at nagulat na lang ako kung sino yun.

"Mag sorry ka sa kanya, Janine."

"Pero Kuya..."

"Mag sorry ka!" sigaw nito bigla

"Ayoko!"

"Isa."

"Kuya naman"

"Dalawa."

"Okay fine!" sigaw nung Janine. Yung babaeng nagpahiya sakin. "Im sorry okay? Im sorry na!"

"Hindi ka sincere at saka..." lumingon siya sakin at nagulat na lang ako ng hatakin nya ko at ipinuwesto nya ko sa harapan niya "...sa kanya ka mag sorry dahil ipinahiya mo siya at bunuhusan mo siya sa magandang dress niya."

"But Kuya, siya ang nanguna!"

"Hindi nya yun sinasadya."

"Kahit na Kuya..."

"Mag sosorry ka o bibilangan ulit kita?"

Napairap na lang ulit sakin yung Janine sabay cross arms.

"Fine. Im sorry sa ginawa ko sayo."

"O-okay lang" nasabi ko na lang

"Hmp!" pagmamaktol nito sabay walk out.

"Tss. Hindi na talaga magbabago ang babaeng yun" sabi ng lalaki na 'to na nagtanggol sakin. So kapatid niya pala yung babaeng yun? "O kayo? Ano pang tinitingin tingin nyo? Tapos na ang palabas. Enjoyin nyo na ang event" sabi nito at ang lahat ng mga nakapalibot samin ay nagsi alisan na.

Hanggang ngayon hindi pa din sakin nag sisink in sakin na iniligtas niya ako.

Napaharap na lang ako sa kanya ng dahan dahan at hindi nga ako nag malik mata. Eto nga talaga yun. Siya yun!

"Im really sorry for what my sister did. Ganun talaga yun eh kaya ako na ang humihingi ng pasensya sayo" sabi niya at hindi ko alam kung sasagot ba ako. Tinitignan ko lang kase sya eh. Eto ba talaga yun? Bakit ang bait niya?

"Oh by the way, gusto ko muna magpakilala sayo formally" sabi niya sabay taas ng kamay niya na para bang makikipag shake hands sakin.

"Im Gabino Jackal Keynes. Gab na lang para maikli. Im the President of the student council and the head of this event. It's nice to meet you Ms. Beautiful"

Halos mapatulala lang ako sa kanya.

Siya nga 'to.

Ang lalaking target ko!

"And you are?"

Matagal bago ako mag react sa tanong niya. Na memental block kase ako eh! Parang hindi ko na alam bigla ang gagawin ko at ang purpose ko dito.

"Im Lynda. It's nice to meet you too"

Napangiti naman siya sakin. I must admit na gwapo etong si Gab lalong lalo na pag ngumiti siya.

Nag shake hands kami at pagkatapos nun, tinanong niya ulit ako.

"Hmmmmm. Mukhang bago ang mukha mo dito? Parang ngayon lang kita nakita. Bago ka lang ba?" tanong niya sakin

"Uhmmm. Actually, cousin ako ni Rita Delgado. Hindi kase siya makakapunta dahil meron siyang high fever ngayon kaya ako ang ginawa niyang representative sa event na 'to" pag sisinungaling ko.

Actually, na orient na ko ni Pierce kanina habang nasa byahe kami sa mga tanong na posibleng itanong sakin at siya na din nagsabi kung ano ang isasagot ko kaya medyo confident ako sumagot.

"Rita Delgado? Hmmmmm..." parang inisip niya pa kung sino yun. Takte ka Pierce. Tama ba ang name na binigay mo? "Ahhhhh. Kilala ko siya. The one na may gusto sa isa kong barkada." sabi niya. Tango tango na lang ako sa kanya. "So ikaw pala ang cousin niya?"

"Yes. Ako nga." sabi ko maintaining my Girl voice.

"Well, I can say na ang ganda pala ng pinsan niya" sabi nito sabay ngiti pa sakin

Bolero rin pala 'tong Gab na 'to. Tulad ni Raph.

Tawa na lang ako ng konti sa sinabi niya

"So... Hmmmm." Napatingin siya bigla sa dress ko na ngayon ay basa gawa nung wine na binuhos sakin nung Janine na kapatid nitong ni Gab. "Basang basa pala ang dress mo. Pasensya na talaga sa ginawa ng kapatid ko ah."

"No, its okay"

"No, its not" sabi niya naman "If you don't mind, para naman makabawi ako sayo para sa ginawa nung kapatid ko sayo at saka para hindi ka na din umuwi muna para maenjoy mo pa ang event, hmmmm. Okay lang ba na sumama ka muna sakin sa kuwarto ko? May mga dress kase dun ang kapatid ko na pwede kong ipahiram sayo" sabi niya sakin at halos magulat ako sa suggestion niya.

Ayun na! Inaya niya na ko sa kuwarto niya!

"Uhmmmm. Don't worry. Wala akong gagawing masama sayo. Papahiramin lang kita ng dress ng kapatid ko para naman hindi ka muna umuwi at maenjoy 'tong event" sabi niya sakin

Ewan ko pero sa nakikita ko, mukhang matinong lalaki si Gab.

"Ano, okay lang ba sayo yun?" tanong ulit niya sakin

Napatango ako sa kanya

"Sure pero hindi ba nakakahiya sa kapatid mo yun?"

"No. Siya ang may gawa sayo nito kaya okay lang yun and besides, marami naman siyang dress dun na hindi niya ginagamit kaya okay lang talaga. Ako ang bahala sayo" sabi niya sakin

"Ahhhh. O sige. Maraming salamat ah" sabi ko sa kanya

"Wala yun so tara? Sundan mo na lang ako" sabi nito at ngumiti lang ako sa kanya at tumango lang bilang tugon.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan mapaisip.

Parang umaayon kase sa lahat ang plano eh.

Makakapunta ako sa kuwarto niya ng hindi ko siya kailangan iseduce.

Hayyy. Ngayon nagpapasalamat na ko sa nangyari kanina. May magandang dulot din pala yun para mapadali ang mission ko.

Habang sumusunod ako sa kanya, napapahawak na lang ako dun sa ring na binigay ni Pierce. Ewan ko pero kahit ganito na parang naayon sa lahat ang plano at saka kahit nakikita ko na matino etong si Gab, hindi ko pa din maiwasan na hindi kabahan sa pwedeng mangyari.

Umakyat kami ng hagdan at napaka gentleman nitong si Gab dahil tinatrato niya talaga ako na as if na babae talaga ako.

"This way" sabi niya at sinundan ko lang siya.

Nasa hallway na kami at puro rooms na lang ang nakikita ko.

"Naandito na tayo" sabi niya.

Huminto kami sa isang room na may kakaibang pintuan sa lahat. Mas malaki at mas maganda eto.

Room 203 ang nakalagay sa pintuan.

Sinusi niya naman yun bago buksan

"So eto ang room ko. Tuloy ka" sabi niya sakin

Namangha naman ako sa ganda at lawak ng room niya nung nag lakad ako papasok.

Napakalinis at napaka organize ng gamit.

Napatingin ako sa kama. Talaga namang para etong magnet na nag aaya na higaan eto. Mukhang ang lambot at ang sarap talunan eh!

Okay Lynda. Kumalma ka.

"Hmmmm. Ang nice ng room mo." sabi ko sa kanya

"Thanks. Eto talaga ang room na pinili ko kase napaka organize nya at napakalinis. Eto kase ang room na tipo ko." sabi niya sakin habang ako palibot libot lang ang mata ko sa paligid. "Kung makakapunta ka sa unit ko, mas maganda pa yun" dagdag pa nito

Napatango tango lang ako sa sinasabi niya.

Inilibot ko lang ang mata ko sa buong paligid.

Anong ginagawa ko?

Inuumpisahan ko na ang trabaho ko as Lynda.

Naghahanap ako ng mga papers or lalagyanan na pwede nyang pagtaguan dito sa room na 'to.

"Hmmmm. Ay nga pala." sabi nito sabay lakad papunta sa isang malaking cabinet.

Binuksan niya yun at nakita ko ang napakaraming dress na nakasabit. Ayun siguro ang mga dress nung kapatid niya.

"Eto yung mga dress ni Janine, pili ka na lang dito" sabi niya

Lumapit naman ako dun at habang lumalapit ako, napansin ko sa may bandang baba nung cabinet yung mga folders at brown envelopes na nakalagay dun.

Napaisip tuloy ako bigla. Ano kaya ang meron dun? Hmmmm.

Nagkunwari kunwarian akong naghanap ng dress sa cabinet na yun habang lumilipad ang isip ko dun sa folders at brown envelope na nakalagay lang dito sa may cabinet.

"May napili ka na ba?"

Bumalik ako sa katinuan nung nagsalita siya ng ganyan sakin

"Ahhhhh" natawa ako ng bahagya. I laugh awkwardly "Hmmmm ang dami naman kaseng dress ng kapatid mo kaya hindi ako makapili" sabi ko

"Mahilig kase sa mga dress yung kapatid ko na yun. Spoiled din kase siya nila Mom and Dad"

Napatango na lang ako. Kaya pala ganun ang ugali niya.

May nakita ako na dress na medyo kahintulad nitong dress na suot ko kaya naman yun ang pinili ko.

Kinuha nya naman yun para sakin at inabot.

"Dun yung CR, pagkalagpas mo ng mini kitchen" sabi niya

"Thanks" tipid na sagot ko lang

"Hihintayin na lang kita dito sa salas tapos after nun, join na ulit tayo sa event sa baba" sabi nito sakin

"Sure" sagot ko lang din bago ako tuluyan na pumasok sa napakagarang CR na meron dito.

Nakahinga naman ako ng maluwag nung nilock ko na ang pintuan.

Lyndon. Lyndon. Lyndon. Konti na lang, magagawa mo na ang mission mo at matatapos din tong pagpapanggap mo.

Napatingin ako sa sarili ko sa napakalaking salamin.

Parang hindi ako ang nakikita ko eh. I can see Lynda in my appearance.

Matapos ko lang talaga eto, hindi na ko ulit papayag sa ganitong klaseng deal.

Nagumpisa na akong magbihis. Hindi man ako sanay magbihis ng ganito pero bahala na!

Natapos ako magbihis and I think, tama naman ang pagkakasuot ko dito.

Napahinga na lang ako ng malalim bago ko hinawakan ang doorknob nung CR.

Kailangan makuha ko yung mga envelopes at folders dun sa cabinet. For sure may mga important documents na meron dun pero paano?

Binuksan ko ang pintuan ng banyo at nung makalabas ako at isinara eto, agad na nahagip ng mata ko ang isang wine sa may counter malapit sa mini kitchen.

May nabuong plano bigla sa isipan ko.

"Wow. You look more beautiful with that dress" bungad sakin ni Gab nung naglakad ako papunta dun

Naiilang man pero nag thank you na din ako.

"So tara na?" nakangiting sambit nito sakin

"Uhmmm wait. Pwede ba tayo uminom ng wine for a while?" I said in my girly sweetest tone. Maging ako din naninibago ako sa sinasabi ko pero bahala na! Alang alang sa plano, ginagawa ko 'to! "Gusto ko lang makilala ka pa" dagdag ko pa

Parang nagulat pa siya sa pagyaya ko bago siya mag react. "Oh.. sure" sabi niya ng nakangiti sakin at maglalakad na sana siya papunta sa kitchen ng pigilan ko siya.

"Wait. Ako na ang mag peprepare. Nakakahiya naman, ako na ang bisita dito, ako pa ang paglilingkuran mo." sabi ko while holding his hand.

"No. Its okay. Bisita kita kaya dapat lang na ako na ang kumuha ng wine" sabi niya

Takte. Mukhang mahihirapan pa ako nito ah

"Hindi okay yun no. Nakakahiya kaya yun. Kaya ako na lang ang mag peprepare" sabi ko in my sweetest tone "Please?" at tumingin ako sa kanya na parang nangaakit.

Waaaaaah. Matapos lang talaga 'to at kakalimutan ko na ang gabing eto.

"O-okay" sabi niya

"Good. Upo ka lang muna diyan. Hintayin mo lang ako. Saglit lang 'to" sabi ko habang naglalakad na sa kitchen.

Medyo kinabahan pa ako dun. Akala ko, di ko pa magagawa ang plano ko.

Naandito na ako sa kitchen at kinuha ko na yung wine. Naghanda ako ng dalawang baso namin. Minake sure ko na hindi niya ko makikita sa view ng pinag gagawan ko kaya naman matapos kong isalin yung wine sa tig isang baso, nilagyan ko na ng binigay sakin kanina nila Pierce ng pampatulog ang isang baso na may wine.

Habang ginagawa ko yun, hindi ko naman maiwasan makaramdam ng konsensya. Mabait si Gab pero hindi ko lang maintindihan kung bakit galit eto kay Pierce.

Hayy. Sorry Gab. Kailangan ko lang talaga 'tong gawin.

Sana maging effective eto.

Halos nanginginig pa ko nung kinuha ko ang dalawang wine dahil sa kaba at takot na baka mag fail ako.

Napapikit na lang ako sabay hinga ng malalim at bulong sa sarili ko na kaya ko 'to.

Nung makakuha nako ng lakas na loob. Ngumiti na muna ako bago ako humarap at pumunta doon sa pwesto niya.

"Here" sabi ko sabay abot sa kanya nung wine

Inabot nya naman yun "Thanks. Wait, lets have a cheers first" nakangiting sambit nya sakin

Pumayag naman ako at nag cheers kami.

"Cheers."

Napatitig lang ako sa wine nya nung matapos kami mag cheers.

Kinakabahan na ako na ewan. Tinatamaan pa din talaga ako ng konsensya kase ang bait nya sakin tapos gaganituhin ko sya pero wala kase akong magagawa eh. Trabaho lang naman 'to.

Ngumiti muna sya sakin bago nya itinaas yung baso nya at ininom yun.

Napalunok na lang ako bigla ng laway ko at parang feeling ko, pinagpapawisan na ako sa mga oras na 'to.

After nya uminom, napatingin sya sakin na para bang nagtataka.

"Hmmm. Hindi mo ba iinumin yang wine mo?" tanong nya sakin na para bang nag pagising sakin sa reality.

Nagmumukha tuloy akong obvious.

Ngumiti lang ako sa kanya. Trying my best to hide my tension inside me.

Ininom ko ang wine ko kahit hindi ako sanay sa lasa nya. Pinilit ko hindi ngumiwi sa lasa nito matapos kong inumin yun. Hindi ko talaga mappreciate ang lasa ng mga wine! Ack!

Napatingin ulit ako sa kanya at ngumiti ako ng sobrang pilit

"Ang sarap ng wine" nasabi ko lang kahit hindi naman talaga

Napangiti naman siya sakin. Wait. Hindi pa din ba umeepekto ang pampatulog sa kanya?

"Well, actually, that wine, galing pa yan sa Ita--" Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng bigla siyang napahinto. "F-fvck." nasabi niya bigla habang buka sara buka sara ang bibig niya.

Kinabahan naman ako bigla nung napaupo siya sa kama at napahawak sa ulo niya bigla dahilan para bumagsak sa lapag yung baso niya. Napalaki lang ang mata ko nun.

H-hindi naman lason pinainom ko sa kanya diba? Pampatulog yun?

Shit. Pampatulog ba talaga yun?

Agad ko siyang nilapitan sa konsensya ko. Umupo ako sa kama at sinubukan na himasin ang likod niya.

"A-anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" tanong ko

Parang hindi niya naman ako pinansin at patuloy lang siya na nakahawak sa ulo niya

"Fvck. Fvck. FvcK" paulit ulit niya yan sinasabi kaya naman kinakabahan na ko sa nangyayari.

Ano ba ang napainom ko sa kanya? Pampatulog ba talaga yun!?

"H-hindi ko alam kung anong nangyayari but Im here to help you. Ano bang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. Punong puno na kase ako ng konsensya sa isipan ko eh!

Hindi niya ako pinansin kalaunan pero nung binanggit ko ang pangalan niya.

"Gab.."

Napatingin siya sakin ng dahan dahan.

Mata sa mata. Di naman ako nailang at napatitig lang din ako sa kanya. Anong nangyayari dito?

Unti unti niyang inalis ang kamay niya sa ulo niya at dahan dahan na inilagay sa magkabilang braso ko yun. Nagulat ako syempre sa ginawa niya.

"A-anong ginagawa mo?" Sabi ko pero pinilit ko matawa kahit kinakabahan na ko.

"Shit." sabi niya sabay pikit "Pasensya na pero kailangan ko lang gawin to" sabi nito at naramdaman kong humigpit ang kapit niya sa magkabilang braso ko dahilan para masaktan ako. Pero magrereklamo pa lang ako na nasasaktan ako ng bigla niya akong itulak sa kama.

Napalaki ang mata ko sa ginawa niya pero mas lalo kong ikinagulat ng bigla siyang pumaibabaw sakin at hawakan ang magkabilang kamay ko.

Shit! Anong ginagawa niya!?

Waaaaaaaaah! Anong nangyayari!?

PIERCE's POV

Fvck it!

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa pwesto ko. Kanina pa ako paikot ikot at iniisip kung ano ng nangyayari dun sa Lyndon na yun.

Nakita ko kase siya kanina eh. Kasama niya na yung Gab na yun. Paakyat sa kuwarto siguro nun.

Ngayon hindi ako mapakali kase iniisip ko si Lyndon kung nagagawa niya na ba ang misyon niya.

Nakakuha na kaya siya ng information?

Nakuha niya na kaya ang kailangan namin?

Okay lang ba siya?

Hindi kaya may nangyari ng masama sa kanya?

Shit. Nag ooverthink ako.

"Uy Pierce"

Nakita ko na lang bigla sa gilid ko si Raph

"Ano?" iritang tanong ko naman.

"O? Ano bang nangyayari sayo? Bat parang naiirita ka dyan at saka bakit ba hindi ka mapakali?" tanong ni Raph sakin pero pabulong niya lang sakin sinasabi yan since na naandito kami para magpanggap na waiters.

Napabuntong hininga na lang ako.

Sa tingin ko nagiging OA na ako.

"Wag mo na lang ako pansinin. Sige na, gawin mo na lang ang trabaho mo. Baka makita pa nila na naguusap tayo" sabi ko sa kanya

Napachukle naman siya bigla "Umayos ka Pierce. Baka ikaw pa maging dahilan ng pagkabigo nitong misyon natin dito. Wag ka na kase magpaikot ikot dyan na parang hindi mapakali. Masyado ka kaseng nagiging obvious eh. Chill ka lang" sabi nito at akala ko doon na siya matatapos nung bigla pa siyang nang asar "Wag mo kase masyadong iniisip si Lyndon"

Pinakyu ko lang siya habang lumalayo siya sakin. Syempre pinakyu niya din ako pabalik. Gago na yun. Tss.

Napabuntong hininga na lang ulit ako.

Okay Pierce. Kumalma ka. Chill ka lang. Magtiwala ka lang kay Lyndon.

Pinilit ko gawin ang trabaho ko as waiter.

Ewan ko kung tanga ba ang mga estudyante nila dito or sadyang tanga lang talaga sila.

Wala kase talagang nakakapansin na nakapasok na ang mga tulad namin sa lugar na eto eh. Hindi ba nila napapansin na biglang gumwapo ang mga waiters na umiikot ikot ngayon? Tss.

"Waiter, a glass of wine please for us" tawag sakin nung grupo nung mga kababaihan dun sa table na malapit sakin. Halatang nagpapacute sila.

Napailing na lang ako at lumapit sa kanila. Binigyan ko sila ng ilang baso ng wine.

"Thanks" pagpapacute na sabi sakin nung babae. I give her my killer smile bago ako tumalikod ng bigla nyang hawakan ang braso ko. "Wait lang. Nagmamadali ka ba?" sabi sakin nung babae at sa tono ng pananalita nya, mukhang nilalandi nya ko. Dinidikit nya pa kase katawan nya sakin eh.

Hay nako. Kung wala lang talaga akong mission dito baka napatulan ko na 'to at nadala sa motel.

"Im sorry Miss pero marami pa kase akong dapat asikasuhin." sagot ko na lang sa kanya na parang nagpataas ng kilay nya

"Alam mo, you're so cute. Hmmmm. Pwede mo ba muna kami samahan dito? Inom inom lang. Dont worry. Ako na ang bahala sa manager mo" sabi nya sabay pulupot sa braso ko.

Inalis ko naman ng dahan dahan ang kamay nya na nakapalupot sa braso ko.

"Im really sorry pero hindi talaga pwede" sabi ko at mukhang nainis sya sa sinabi ko.

"Tinatanggihan mo ba ako?" tanong sakin nito. "Tinatanggihan mo ang isang tulad ko na Dyosa? Ang choosy mo ah. Duh, eh Waiter ka lang naman dito. Pasalamat ka nga at may katulad ko pa na kumakausap sayo" Pagmamataray nito sakin sabay irap pa.

Napachuckle lang ako sa inasal nya. Binabawi ko na ang sinabi ko. Di ako nagdadala ng asal hayop sa motel na kagaya niya.

"Alam mo Miss" sabi ko at lumapit ako sa kanya. Tinitigan nya ako ng masama at ako naman nakangiti lang sa kanya "May mga bagay na hindi ka nalalaman. Wag mo kong husgahan kung hindi mo pa ako kilala. Kase baka malay mo, kaya ko pa lang bilhin ang mga tulad mo." sabi ko at nakita ko ang pagkashock sa mukha nya. Lalo tuloy akong napangiti. Gamit ang kaliwang kamay ko, hinawakan ko ang pisngi nya. "Kaya kung ako sayo.." nilapit ko ang mukha ko sa tenga nya. "Shut up ka na lang"

Nilayo ko ang mukha ko sa kanya at gusto ko talagang matawa sa reaction nya ngayon. Hindi maipinta eh.

Umalis na ako sa pwesto na yun at di pa man ako nakakalayo ay biglang lumitaw si Henson sa harapan ko. Mukhang pagod eto dahil hingal na hingal eto sa harapan ko.

"Oh, umayos ka nga. Anong problema mo? Bakit parang hingal na hingal ka? May humahabol ba sayo?" takang tanong ko sa kanya

Napatingin naman siya sakin at hinawakan niya bigla ang braso ko

"May problema tayo Pierce" hingal na hingal na sabi niya sakin

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya

"Anong problema?" seryosong tanong ko sa kanya

"Tsk. Ang tanga ko Pierce. Pasensya na talaga. Hindi ko sinasadya" sabi nito at sa inis ko at sa kaba na din ay nabitawan ko ang hawak ko dahilan para mabasag sa lapag ang mga baso sa lapag. Wala na akong pake kung pagtitinginan kami ng mga tao sa paligid.

"Ano nga ang problema. Sabihin mo" sabi ko sa kanya sabay hawak sa magkabilang braso niya. Kinakabahan na kase ako sa inaasal nya ngayon

"P-pierce... S-sorry" sabi nito at sa inis ko nasigawan ko na siya

"Sabihin mo na!"

"M-mali ang naibigay ko sayong gamot kanina. Hindi pampatulog yun. Mali ang naibigay ko sayo" sabi niya at halos mapalaki ang mata ko sa sinabi niya.

Shit.

Unang pumasok sa isipan ko si Lyndon.

Tangina. Delikado siya ngayon!

"P-pasensya na talaga Pierce. H-hindi ko sinasad-"

"Ano ang nabigay mong gamot sakin?" pagputol ko sa sinabi niya "Sabihin mo!"

"Isang pampa active sa sex na kung sino man ang uminom ay magiging aggressive. Ayun ang naibigay ko sayo"

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Fvck.

Napatitig ako kay Henson at maya maya lang biglang tumunog ang secret telecommunication device sa singsing namin parehas namin ni Henson.

Fvck!

Si Lyndon! Nasa delikadong sitwasyon! Kailangan ko siyang puntahan sa kwarto ng Gab na yun!

Agad akong napakaripas ng takbo. Wala na akong pake kung nakakabangga ako ng kung sino man. Ang mahalaga ay mapuntahan ko kung nasaan man ngayon si Lyndon.

Sinundan ko yung red na bilog kung saan nakalagay si Lyndon. Binilisan ko ang paglalakad ng may makasalubong ako na waiter.

"Nasaan ang kwarto ni Gab Keynes!?" hablot ko dun sa waiter "Nasaan!" Sigaw ko sa kanya

"D-d-doon po. Sa room 203" takot na sagot nito

Agad akong kumaripas ng takbo para hanapin yung room number na yun.

"198.. 199.. 200.. 201..202.."

Nakita ko ang isang pintuan na medyo kakaiba sa lahat.

"203" eto yun! Naandito din nanggagaling yung pulang bilog kaya panigurado na naandito si Lyndon.

Sinubukan ko buksan ang pintuan pero nakalock ito.

"Tulong!"

Nagpantig naman ang tenga ko nung marinig ko ang boses ni Lyndon sa loob ng kwarto na yun.

"Lyndon!" sigaw ko sabay kalampag dun sa pintuan. Sinubukan ko buksan pero nabigo ako "Buksan mo ang pintuan!" sigaw ko

"Tulungan nyo ko!"

Shit.

Di na ako nagdalawang isip kundi sirain yung pintuan sa pamamagitan ng lakas ko.

Nakailang bangga ako sa pintuan bago ko yun mabuksan. Agad akong pumasok sa kwarto at napalaki na lang ang mata ko sa nakita ko.

Nakapatong na si Gab kay Lyndon habang nag aattempt na eto na halikan eto.

Shit. Parang umakyat naman lahat ng dugo ko sa ulo ko at ang mga sumunod na nangyari ay masyadong naging mabilis. Nasa lapag na si Gab at putok na ang labi nito dahil sa malakas na suntok na inabot nito sakin.

"Pierce. S-salamat at dumating ka." sabi ni Lyndon sakin habang tumatayo siya sa kama.

Nakatitig lang ako ng masama nun kay Gab at nakayukom ang kamao ko.

Naramdaman ko namang hinawakan ni Lyndon ang kamay ko.

"T-tara na Pierce. Umalis na tayo dito." sabi nito sakin

"Umalis ka na dito."

"Hindi ka s-sasama?"

"Sinabi kong umalis ka na dito!" sigaw ko sa kanya. Parang natakot naman siya sa sigaw ko sa kanya. Napatitig naman siya sakin.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya kase napaka inosente ng tingin niya sakin. "Just leave. Ako na ang bahala dito. Kaya ko na ang sarili ko." sabi ko sa kanya in a calm way.

"O-okay..." yun na lang ang nasabi niya bago ko narinig ang tumatakbong paa niya palayo.

Napunta na ulit ang atensyon ko sa Gab na yun na ngayon ay pilit na tumatayo. Nag init nanaman ang ulo ko nung maalala ko ang nangyari kanina.

Napapunas sya ng bibig niya at nakita niya na may dugo yun bago napatingin sakin

"Gago ka Pierce. Kasabwat mo pala ang babaeng yun" Di makapaniwang sabi nito na may halong inis.

"Oo. Kasabwat ko siya, alam ko kaseng tanga ka at madaling utuin kaya ginamit ko siya para maloko ka." sabi ko naman sa kanya

Napachuckle eto. "Napaka effort mo din talagang magplano Pierce. Napakahusay."

"Sayang nga lang at hindi nag success ang plano namin."

Nakita ko naman ang pag ngiti nito. Ngiting aso.

"Bakit. Ano bang plano mo?"

"At bakit ko naman sasabihin?"

"Dahil, pag hindi mo sinabi" Napatango siya sa likuran ko at dun ko lang napansin na napapalibutan na ako ng grupo niya. "Malilintikan ka. Ngayon mo ilabas ang tapang mo." sabi nito sakin

Napayukom lang ako ng kamao at galit na tumitig kay Gab.

______________________________________________________________

A/N: Gusto ko lang explain yung side ko kung bakit mabagal ang update.

Unang una po sa lahat, ESTUDYANTE pa po ang magiting na author ng story na 'to at GRADUATING pa this school year (Hopefully). So this last sem talaga, hindi po ako nakapag update kase sobrang busy. Idagdag na may THESIS kami nitong last sem at saka naging DIRECTOR ako ng isang movie film namin kung saan halos araw araw talaga ginagabi ako.

Pangalawa. Syempre may personal life din ang Author ng story na 'to. Hindi na ako tulad ng dati na sobrang BORING ng buhay ko kaya lagi ako sa Wattpad nakatutok para mag draft at update.

Pangatlo. Aamin na ako Siguro ang isa sa pinaka reason kung bakit napakabagal ko na magupdate. Nawawalan na kase ako ng drive sa pagsusulat ng story pero wag nyo sisihin ang sarili nyo kung bakit ah. Dahil walang kinalaman kayong mga readers ko kung bakit nawawalan na ako ng gana na magsulat. I don't know, siguro dumating lang talaga yung umaga na nagising ako at parang nawalan na ko ng gana magsulat. Maybe because iba na ang nakagisnang Wattpad NOON kesa NGAYON. Isa pa siguro sa dahilan ay yung mga authors na favorite ko, madalang na din magupdate.

So ayun, sana naiintindihan ninyo ang pinagdadaanan ng Author ng story na eto.

Ayan yung mga rason kung bakit mabagal ako magupdate.

Sana naiintindihan nyo na ako.

Again pasensya na sa mga readers ko na naghihintay ng update sa story ko. Pasensya na talaga.

(QUESTION: So ibig sabihin po ba nun Author is titigil na po kayo magsulat ng story? Papano po yung mga On Going Stories nyo po?)

Well, to answer this question, maaaring mabagal nga ako magupdate dahil sa nawawalan na ako ng drive na magsulat pero hindi ibig sabihin nun is titigil na ako magsulat. NEVER ko gagawin ang tumigil sa pagsulat. Part na ng pagkatao ko eto at isa to sa bumubuo sakin. Sa katunayan nga, marami pa akong coming soon na stories sa draft section ko na hopefully ay mapublish ko na sa 2050. HAHAHA. Joke. Nagpaplano po kase ako gumawa ng Fantasy, well abangan nyo na lang kung ano mangyayari.

Basta eto lang masasabi ko (eto LANG!? Ang dami mo ng sinabi Author tapos eto LANG?) Wala kang pake. Authors Note ko 'to kaya tumigil ka. So ayun, basta mapagtiyagaan nyo pa po ang paghihintay ng update ko. Haba lang ng pasensya ang kailangan ko. Sana maintindihan nyo ko. Ayun lang.

Nga pala, nais ko pala magpasalamat sa patuloy na sumusuporta sakin at sa mga stories ko specially sa "The Restricted Love Story" na araw araw nafo-flood votes. Maraming salamat po sa inyo.

So ayun, kung may tanong pa kayo, icomment nyo lang sa baba or i-PM nyo ko. Susubukan kong sagutin ang mga tanong nyo. ^___^

Hanggang sa muli readers!

Vote (Kung worth it basahin)

Comment (Kung may gustong sabihin)

Follow (Kung gusto niyo lang)

ImRestrictedWriter (Alam niyo yan hahaha)

~~~September 10, 2016 (5:36 PM)~~~



Continue Reading

You'll Also Like

272K 15K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.7M 170K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...