Nostalgia // Party
Sinalubong ako ni Matt sa pagbaba at inalalayan pa ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking kamay. Halos mapaso ako kahit hindi naman mainit ang kamay niya. Napatingin siya ng maramdaman niyang kaagaran kong binawi ang kamay ko kahit kaunting balat pa lang namin ang nagtatagpo.
His eyes looking at mine can kill me. Napalunok ako at napasinghap muli bago ko tuluyang ibigay ang kamay ko sa kanya.
Buti na lang at narinig ko kaagad ang boses ni mommy para bumasag sa awkwardness na nabubuo.
"Omg! You look so good together!" Sabay hagikhik niya. Gumulong ang eyeballs ko. Seriously, she's acting like a teenager. Mas kinikilig pa siya kaysa sa akin na mismong. . . nevermind.
"Sandali, picturan ko kayo!" Excited na sinabi ni mommy sabay labas ng malaki niyang phone.
Halos maestatwa ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. I can't move. I freaking can't move! Dapat ay nasuntok ko na siya kanina pa ngunit hindi ko magawa. Is it because my mother is in front of us? Maybe. Siguro nga.
Inilapit niya pa ako sa kanya hanggang sa naramdaman ko na ang braso ko na nakasandal sa dibdib niya. Kailangan bang ganito kami kalapit? Is this normal? Is this freaking normal?! I'm freaking out! Hindi naman ganito ang naging prom date ko before! Halos ako pa nga ang sumundo sa prom date ko dati sa sobrang torpe.
"Okay, one, two, three!" Sigaw ni mommy habang nakangiting nagpipicture. Napatingin ako kay Matt at nagulat ako nang halos tumama na ang ilong ko sa ilong niya. Why the heck is he so close to me?! Nagflash ang camera at halos masapak ko ang mukha niya.
"Aray!" Sabi ni Matt at napahawak sa ilong niya. Iyon yata ang nasapak ko.
"Dorothy!" Sigaw ni mommy at agad dinaluhan si Matt na ngayon ay nakahawak pa rin sa ilong niya at nakangusong nakatingin sa akin.
"Bakit mo naman ginawa 'yun?" Mahinahong tanong ni mommy sa akin habang hinahagod ang likod ni Matt para mai-comfort. As if he needs that.
"He's too freaking close to me! Is that even okay to you, mom?" Halos narinig ko ang desperasyon sa boses ko para lang maipatindi sa mismong ina ko kung bakit ako nagkakaganito.
"Well, you need to compress so that the camera can take the both of you." Inosenteng sabi ni mommy.
Napadako ang tingin ko sa kay Matt na nahuli kong nakangiti habang nanonood sa sagutan namin ni mommy at nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay bigla ulit siyang ngumuso at pinagtuunan ng pansin ulit ang ilong niya.
His nose isn't even bleeding! Bakit ba masyadong big deal yun para sa kanya.
Bumalik na sa posisyon si mommy at tinignan ang picture na kinuhanan niya sa amin. Nakitingin rin ako sa phone ni mommy at nakita ko sa picture na nakahawak sa baywang ko si Matt habang ako ay napalingon sa kanya na halos magtama ang ilong naming dalawa at parang nakatingin pa ako sa labi niya habang siya naman ay maganda ang ngiti sa camera. Naramdaman ko rin ang pagtabi niya sa akin at nakitingin rin sa phone.
"Nakakakilig naman 'yang tingin mo sa akin Doroteng!" Asar niya sa akin.
Sasapakin ko na sana ulit siya ngunit nakaiwas na siya sa akin. Hahabulin ko sana siya ngunit hinawakan ni mommy ang braso ko para mapigilan.
She convinced us again to take a better picture. Ngayon ay mas maayos na ito. Parehas na kaming nakangiti sa camera ngunit kitang-kita na medyo awkward ang pagkakangiti ko samantalang siya ay totoong ngiting-ngiti.
Nakalabas na kami ng bahay at hinawakan ko na ang pintuan ng kanyang itim na sasakyan nang umamba rin siyang buksan ang pintuan para sa akin. Kaya ngayon ay nakapatong na ang kamay niya sa kamay ko.
Tumikhim siya kaya agad ko namang inalis kaagad ang kamay ko at hinayaan siyang pagbuksan ako. Shit. Naghuhurumentado nanaman ang dibdib ko. This is getting worse and worse everyday and this is not a good sign.
Nakapunta kami sa Rosche Hotel ng mga 6 pm na rin. Kakaumpisa pa lang ng program since marami ring nalate na bisita.
Agad kong sinuyod ang event area at nakita kong kumaway si Jasper galing sa isang table. Nakaakbay rin ang isang kamay nito sa inuupuan ng katabi niyang babae. Napakunot ako ng noo. Nagtataka kung bakit siya nandito. Lumingon ang babae sa akin at nagulat ako nang makita ang mas naging magandang mukha ni Tarah.
She's literally glowing this night and I honestly have an idea about what's happening but I can't seem to accept it.
Nagmadali akong pumunta sa table nila na kung saan may iba ring kaibigan si Jasper at ibang club members ni Tarah.
Napatayo si Tarah nang makarating ako doon kaya hinila ko ang braso niya. Kita ko ang gulat sa mukha niya at napaawang at napatayo rin si Jasper sa ginawa ko.
"Don't hit on her, Jap. She's my friend. Find somebody else na interesado!" I hissed habang hinihila si Tarah sa ibang table na mas malayo doon.
"Thank God dumating ka na! Ayoko pa namang masama sa collection ng pinsan mo!" Halata ko rin ang iritasyon sa boses niya.
"Why are you with him anyway?"
"Ewan ko dun. Kinukulit ako kaya hindi ko na nga lang pinapansin eh."
I looked around the room at wala nang makitang bakanteng table para sa amin. I suddenly heard that call on me.
"Dooey." Napalingon ako sa tumawag at agad kong nakita si Ivan. Nakangiti siya at nakipagbeso sa amin ni Tarah. Niyaya niya rin kaming doon pumaroon sa table nila na nasa harap na katabi lang ng table nila Jasper.
I suddenly remembered something.
Nilingon ko ang table nila Jasper habang tinutulungan naman akong umupo ni Ivan and there I saw my date for tonight, laughing with his jerk friends. Nakalimutan niya bang may kadate siya para sa gabing ito?! Tinitigan ko siya ngunit hindi niya man lang magawang tumingin rin sa akin. Balak ko pa naman sana siyang sunugin sa titig ko. Nag-igting na lang ang bagang ko. Nababanas ako but I won't let that ruin Aly's night and my night.
Naisip ko, maybe hindi naman talaga kailangan ng date sa party na ito. It's just a birthday party, nothing special.
Yes! Nothing special! Kaya bakit pa ba ako nag-effort mag-ayos kanina? Shit.
"Bakit ka late?" Bulong ni Ivan sa akin nang mapansin niyang hindi ako umiimik.
"Nag-ayos." Simple kong sagot. I don't want to explain myself. I'm still pissed and I should move on about it.
"Nasaan yung date mo?"
Napatingin ako nang matalim sa kanya at lumingon rin sa gawi ng taong hinahanap niya kaya't napatingin rin doon si Ivan. Napabuntong hininga nanaman ako.
"I don't think we need a date for this event."
Tumango lang siya at tumitig na muli sa harapan. Nanood na lang rin ako sa nangyayari. Pinapakita sa ngayon ang baby pictures ni Aly hanggang sa pagtanda niya. No doubts, sadyang maganda na talaga siya noong bata pa lang siya. Ang alam ko ay sa tatay niya nakuha ang maputing balat ngunit kailanman ay hindi ko pa ito nakikita. Malamang. Si Aly nga na anak ay hindi pa kailanman nakita ang ama niya, ako pa kaya.
Habang kumakain kami ay mayroong tumutugtog at kumakanta ng live sa harap. Jazz at ballad ang genre ng kanilang mga kinakanta kaya naman ay medyo relaxing para sa mga tao.
Natapos akong kumain ngunit marami pa rin ang kumukuha ng second plate nila. Wala akong nagawa kundi ang i-check ang phone ko. Nakita kong may text doon si Matt. Halos kumulo ang dugo ko.
Matt
You left me. :(
What the fuck?! Napatingin ako sa gawi niya ngunit masaya siyang kumakain at tumawa muli dahil yata sa sinabi ni Jasper.
Huh. So ako pa ngayon ang nang-iwan? Ang kapal rin naman ng mukha niyang magtext pa sa akin at sabihin ako pa ang nang-iwan eh siya nga 'tong enjoy na enjoy ngayong gabi. In his face!
Hindi ko siya nireplyan dahil sa tingin ko ay wala akong magandang masasabi at baka masira lang ang gabi ko kung mag-aaway kami sa text. Bahala na! I'll just try to enjoy this night.
Nakita kong lumapit si Aly sa table namin. Agad naman akong napangiti. She's no teenager anymore and I can see that on the way she looks right now. She's wearing a black gown and red lipstick. Of course! It's Alysson Flores.
"Happy Birthday Aly!" Masaya kong bati at nakipagbeso sa kanya at binigay ang nakabalot kong gift. Ganoon rin ang ginawa ni Tarah. Tinanguan lang ni Ivan si Aly at binati. We were some kind of circle of friends before. Minsan na lang ulit kami magkasama ng ganito.
"Dorothy, kanta ka. Please?" She requested. At dahil naman birthday niya ay pinagbigyan ko na rin kaya napatango na lang ako.
"Duet tayo?" Ivan asked me. Napangisi na lang ako at tinanguan rin siya. This will be one hell of a performance. Sigurado akong pipilitin nanaman ako nila Nick at Logan sa banda nila at chineer pa nila kami dahil katable lang rin namin sila.
Tumayo kaming dalawa ni Ivan at nakita ko ang pagtaas ng tingin sa amin ni Matt. Hindi ko alam kung lumala ang intensidad ng kanyang tingin o imahinasyon ko lamang iyon. Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka masira lang ang gabi ko.
Umakyat kami ng stage habang pinag-uusapan kung ano ang pwede naming kantahin. They all clapped when they saw us both. Ito ang isa sa mga pinakahinihintay ng lahat. Ang performance naming dalawa ni Ivan. They all knew I declined their band's offer before at sigurado akong kukulitin nanaman nila ako pagkatapos ang pagkanta namin.
"Uhm..." Matagal akong nag-isip ng sasabihin. Maraming mga mata ang nakatingin sa amin ngayon ngunit hindi ko yun inalintana. Iisang pares lang naman ng mata ang nagpapakaba sa akin ngayon eh. "Happy Birthday Aly." Sabi ko lang at nasabi na rin ni Ivan sa mga tumutugtog kung ano ang kakantahin namin.
Narinig ko ang cue ko kaya nagsimula na akong kumanta.
I'd like to say we give it a try
I'd like to say it all alive
And maybe we just weren't right
Well that's a lie, that's a lie
Nagsimula akong kumanta. Nagpalakpakan ang mga tao. I look for his eyes and he's looking at mine too. Nakita kong medyo nakaawang ang labi niya. A girl beside her is talking to him pero hindi niya iyon pinapansin. Diretso ang tingin niya sa akin. Yeah, that's right. Focus on me. Eyes only on me.
Almost, almost is never enough
So close to being in love
Nang magsabay kami ni Ivan sa pagkanta ay instinct lang ang tumutulak sa akin para lumingon kay Ivan. Mas lalo namang naghihiyawan ang mga tao tuwing nagtitinginan kami. Siya na lang ang tinitigan ko imbes na ang isang tao na nasa baba. I didn't took my eyes off him.
Natapos ang kanta namin at katulad nga ng inasahan ko, kinulit nanaman ako nila Nick at Logan sa pagsama sa banda nilang Galaxias. And once again, nabigo ko muli sila.
I tried to steal a glace of him ngunit hindi ko siya nakita sa table nila. Now what? He's gone? He truly left me for real now?
Napabuntong hininga na lang ako at nagfocus sa program. Bandang 9 pm na nang matapos ang formal program at nagsiuwian ang ibang matatanda, relatives at ibang guests ni Aly.
Kami namang magbabarkada ay dumiretso sa katabing bar ng event place na iyon. Sa sandaling tumapak ako sa loob ng bar at nakita ang madilim na bar at nagsasayawang mga neon lights ay agad akong ginanahan.
Medyo malakas na ang music dahil dumarami rin ang tao galing sa birthday party rin ni Aly. Katabi ko si Tarah na medyo iritado sa lugar dahil hindi naman niya hilig ito ngunit para kay Aly ay susubukan niya. Nasa likod naman namin si Ivan at ang mga kabandmates niya.
Dumiretso kami sa may counter ng bar at nag-order ng drinks. Napagkasunduan namin na dito hintayin si Aly dahil magpapalit lang raw siya ng damit. Pagkalapag pa lang ng bartender sa whiskey na inorder ko ay agad ko itong ininom ng isang lagok lamang. Halos magparamihan kami nila Nick at manghang-mangha sila sa tolerance ko sa alak.
Si Tarah naman ay tahimik na umiinom ng juice sa tabi ni Ivan na katabi ko.
"Hey, huwag kang makipagcompete sa kanila. You don't have to." Suway niya sa akin at ang tinutukoy niya ay ang mga kabandmates niya.
"Nope, I'm not competing, I'm just having fun!" Ngiti ko. Napasigaw pa ako nang magchange ng music dahil nag-iba rin ng DJ. Halos magwala ang mga tao doon.
"Listen, huwag kang aalis nang hindi ako kasama. You're wearing that dress and-"
"Don't tell me what to do!" I hissed. Hayst. Minsan, nakakairita ang pagiging caring at overprotective ni Ivan. If he wants to protect me, then be it! Huwag niya lang limitahan ang mga gusto kong gawin.
"Hey guys! Enjoy ba?!" Pasigaw na ang pagtanong sa amin ni Aly nang dumating siya. Now she's wearing those skinny little sexy black dress. Inagaw niya rin ang iniinom ko at nakiinom doon.
"Yeah!" Sigaw ng mga lalaki.
"I want to dance!" Sabi niya sa amin. At dahil na rin siguro sa pagkafrustrate kanina, sa whiskey at sa kagustuhang sumaya ay nagvolunteer ako para sumama kay Aly sa dancefloor. Hindi pa sana ako papayagan ni Ivan ngunit buti ay tumakbo na kaagad kami ni Aly at natakasan namin siya. Narinig ko pa ang malulutong niyang mura bago kami nagpatianod sa baha ng tao.
Sumigaw kaming dalawa ni Aly doon at nagsasayaw. Sana ay makalimutan ko ang frustrations ko ngayong gabi at sana ay sumaya ako kahit saglit lang.
Inangat ko ang tingin ko sa isang tabi kung nasaan nandoon ang kabilang counter. And there's my date having a date with his another... date? Siya yung kumakausap rin kanina sa kanya. Masaya siyang tumatawa habang umiinom silang dalawa ng hindi ko malamang inumin. Iniwas ko na ang tingin ko.
Naiinis ako! Nakakainis siya. He's so annoying! Alam ko naman na si Aly ang nagsabi na siya na ang date ko pero hindi man lang ba siya maging mature ng konti. Talaga bang insensitive siya? O nananadya talaga siya? Fuck! I want to enjoy my night pero palagi niya lang itong sinisira. Ako ang date niya hindi ang ibang babae! And what keeps driving me crazy is my frustrations and confusions! Bakit ba masyadong big deal sa akin 'yang lecheng date na yan?! It's not even real! Nobody even cares except for me!
"Aly, CR lang ako." Bulong ko sa kanya at tumango na lang siya. I hope masaya ang birthday niya ngayon.
Nag-CR ako at pagkalabas ng cubicle ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I still look hot and sexily dangerous dahil sa iilang piercings ko sa tainga at kung visible ay ang tattoo ko sa batok.
Nagulat naman ako nang tamang-tama naman na pumasok rin sa CR yung kausap kanina ni Matt na babae at may kasama ring babae na siguro ay kaibigan niya. They look so seductive and sexy. Pero sa mukha... naah, well pwede na?
Hindi ako nagpahalata na interesado ako sa usapan nila nang mabanggit nung babae ang pangalan ni Matt.
"Gosh girl, his name is Matthew. Sobrang gwapo niya! Have you seen him?"
"Yes girl! Siya yung kanina mo pang kausap, hindi ba?"
"Siya nga! You think he's a model or something in a magazine?"
"Why don't you ask him kaya? Tutal, both of you seem close na."
"I don't know, medyo weird yung mga tinatanong niya sa akin eh."
Napairap na lang ako sa napakinggan. I don't want to listen to those stupid shits anymore.
Hindi ako bumalik sa mga kaibigan ko. Buti na lang at malaki ang bar na ito. Siguradong hindi ako mahahanap ng mga kaibigan ko ng ganun kadali. I want to be alone right now. Damn! I said I'll have fun, now I don't know kung bakit ko gustong mapag-isa at uminom ng marami. This is driving me insane!
"Hi miss." Napalingon ako sa lalaking halatang chic boy na tumabi sa akin. Nakita ko na may piercing siya sa left ear niya. Nilagok ko muli ang shot na iyon at medyo nararamdaman ko na ang pagkahilo. Okay, now I'm tipsy, I should find my friends.
Hindi ko siya tinignan at umakmang aalis pero hinawakan niya ang balikat ko. And I swear, kinilabutan ako ng sobra dahil balat ko mismo ang nahawakan niya.
"Hey, don't go yet. Let's talk first." Ngayon ay bumubulong na siya sa tainga ko and it's giving me chills. Not the good one though.
"I don't want to talk. Now get your hands off me." Sabi ko at sabay siko sa kanyang sikmura. Napadaing naman siya sa sakit at naramdaman ko ang biglaan niyang pagbitaw sa pagkakahawak sa akin kaya nawalan ako ng suporta at medyo nahilo. Hindi tuloy muna ako nakaalis doon at tinatry na makarecover. Shit. Nasobrahan yata ang pag-inom ko.
Naramdaman ko naman ang paghawak sa braso ko at nagulat na lang ako nang sa isang iglap ay nakulong na ako ng lalaking 'to. Nakasandal ako sa may counter at ang dalawa niyang braso ay nasa magkabilang gilid ko. He's now staring at my face. He's creepy.
I swear, kayang-kaya ko siyang patumbahin... kung hindi nga lang sana ako uminom. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at naamoy ko ang alak sa bibig niya.
"You're one of a kind woman. May gana ka pang tumakas at sinaktan mo pa ako, huh?"
I was about to spit him on the face nang nagulat ako at nasa sahig na kaagad ang lalaking iyon at hawak ang kanyang kaliwang pisngi.
Wala na akong ibang makita kung hindi ang galit na galit na mukha ni Matt. I've never seen him like this before!
* * *
A/N: Yes nemern! Ginaganahan akong mag-update na ngayon! Hindi ko rin alam kung bakit siguro sa sobrang bored lang talaga. And alam niyo bang nareceive ko na yung TMKWT self-published book ni Ate Rayne Mariano aka pilosopotasya. Wala lang, share lang, ang saya saya kasi! ^^
And guyssss, I'll inform you lang (medyo spoiler pero sakto lang), birthday pa rin ni Alysson sa susunod na chapter so you know what that means, mahaba-haba pa ang gabi. Mehehe. Sana nagustuhan niyo. Vote & comment! Kbye!