SWEET ACCIDENT - COMPLETED 20...

By WeirdyGurl

524K 13.6K 1.5K

VERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HE... More

PREFACE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
NOTE
Chapter 22 (Repost)
Chapter 23 (Repost)
Chapter 24 (Repost)
Chapter 25 (Repost)

Chapter 16

14.1K 502 38
By WeirdyGurl


"SIGURO, hanggang dito na lang tayo, noh?" malungkot na wika ni Lyra kay Text. Nanatili namang tahmik ang huli. "Aaminin ko sayo Text na nasaktan ako. Hindi ka naman siguro manhid para hindi mapansin 'yon, diba?"

"Alam ko,"

"Pero gayun paman, gusto kong malaman mo na tanggap ko na." Nakangiting baling nito sa kanya. Pero kitang-kita naman ang kalungkutan nito sa mga mata.

"Sorry,"

"Hindi na, okay na saken na pumayag kang kausapin ako. Saka naintindihan ko na. Desisyon mo 'yan eh. Sino ba naman ako para sabi –"

"Lyra," hinuli niya ang mga mata nito. "Huwag mong sabihin 'yan. Alam mong mahalaga ka saken at hindi 'yon magbabago. Mananatili kang espisyal sa buhay ko. Tandaan mo 'yan."

Napabuntong-hininga ito bago siya nito binigyan ng mapait na ngiti. "Text,"

"Hmm?"

"Pwede bang maging tapat ka saken. Kahit bilang isang kaibigan na lang."

Kumunot ang noo niya. "Ano 'yon, Lyra?"

"Totoo ba talagang kasal na kayo ni Danah?"



KANINA pa nakatunga-nga si Danah sa labas ng bahay. Masakit na nga ang leeg niya sa kakatingin nung mangga sa itaas ng puno. Kanina pa umiinit ang dugo niya sa mangga dahil 'di niya maabot 'yon. Aba'y Danah? Walang manggang mahuhulog kung tititigan mo lang. Akyatin mo kaya para matapos na?

Pinag-krus niya ang dalawang braso bago ito pinasadahan ng tingin. Iniisip niya kung paano niya aakyatin 'yon? Nang ma-kwenta niya sa isip kumuha siya ng bato at binato na lang ang bunga ng punong mangga. Hay naku! Pahihirapan pa niya ang sarili babatuhin niya na lang.

"Aish! Ayaw mo tamaan, ha? Hayan! Hayan pa!"

Sunod-sunod ang pagbato niya doon sa malaking bunga.

Natigil lang siya sa ginagawa nang may kung sinong barabas ang nagtakip sa mukha niya – at hindi lang simpleng takip dahil pinasok talaga ang ulo niya sa isang karton. Marahas na inalis niya ang box sa ulo niya at binangalingan ang gumawa nun.

"Hoy Text!"

"Oh, bakit?" nakangiting ginulo nito ang buhok niya bago namulsa. Nabaling ang tingin nito sa puno ng mangga. Nakabalik na pala ito. Sabi kasi ni Boge sa kanya nakita nitong umalis si Text kasama ni Lyra. Ewan kung saan pupunta. "Sinong may sabing batuhin mo 'yang puno, Danah?"

Hinarap niya ang puno. "Alangan namang akyatin ko 'yan?" pabalang na sagot niya.

"Kung batuhin mo ah parang ang laki-laki ng kasalanan ng punong 'yan." He gave her a side glance. Napasimangot lang siya nang magtama ang tingin nila. "Mag-sorry ka sa puno."

Namilog ang mga mata niya. "For real?!"

Tumango ito. "Mag-sorry ka,"

"Paano kung ayaw ko?"

Hinarap siya nito at bahayang yumukod kaya magka-eye level na sila. "Kapag hindi, lalabas ang naninirahan diyan at 'di ka papatulugin."

"Niloloko mo naman ako eh!" akusa niya.

"Hindi kita niloloko, nakikita mo 'yang mga punong nandiyan?" inisa-isa nito 'yong itinuro, kumunot naman ang noo niya nang kagatin nito ang hintuturo nito pagkatapos.

"Oh ano naman 'yang kagat-kagat na 'yan?"

"Kinakagat ko 'yong ginamit kong panturo dahil sabi ng mga matatanda kapag 'di mo 'yon kagagatin mapuputol ang daliri mo dahil nagagalit ang mga ITO kapag tinuturo o pinapakialaman."

Hindi niya alam kung tinatakot lang ba siya nito o nang-aasar lang pero para sure maniniwala na rin siya. Mahirap nang maputulan ng daliri. Lugi siya kapag nagpa-manicure siya. Dinala niya ang isang daliri sa bibig.

"Oh, bakit kinagat mo 'yang daliri mo?" nagtaka man ay puno naman ng amusement ang mga mata nito.

Ibinaba niya ang daliri. "Eh nagturo din ako kanina baka maputol daliri ko."

Natawa lang ito sa kanya. Inismiran niya naman si Text. "Oh sige na, humarap ka na doon sa puno at humingi ka ng patawad."

"Hmm, naku naman eh." Tumalima naman siya at hinarap ang puno.

"Lahat ng bagay may feelings. Hindi nga lang din natin 'yon napapansin. 'Yang punong 'yan, nasasaktan rin 'yan."

"Parang 'yong nagmahal ka, diba? Hindi porket nakangiti ay masaya na. Malay mo naman inside sirang-sira na pala."

"'Yan ka na naman, humugot ka pa eh. Mag-sorry ka na."

"Magso-sorry ako basta kunin mo 'yong manggang 'yon." Turo niya doon sa malaking mangga na nasa itaas talaga. Mabilis na kinagat niya ulit ang daliri.

Pagbaling niya sa mukha ni Text hindi ito nakatingin sa mangga kung 'di na sa kanya na. Hindi niya naman maiwasang mailang sa uri ng pagkakatingin nito sa kanya.

"Oh bakit?" tanong niya habang kagat-kagat parin ang isang daliri. Sinundan niya ang pag-angat ng kamay nito sa harap niya para alisin ang diliri niya sa bibig. Nahigit niya naman ang hininga nang ilapit nito nang husto ang mukha sa mukha niya. "H-Hoy!" nauutal na sita niya. Hawak parin nito ang isang kamay niya.

"Masanay ka niyan," sabi nito sabay kindat.

Napakurap-kurap naman siya habang pinapakiramdaman ang malakas na tibok ng puso niya. Habang tumatagal pagwapo nang paggwapo ito sa kanya. Na minsan naiisip niya na sobrang swerte niya at binigyan siya ng literal na may takot sa Dios na lalaki at literal na pinagpala ang mukha.

Siguro nagpabaril siya para sa inang bayan noong nakaraang buhay dahil pinagpala siya nang sobra-sobra sa present life niya. Teka, so does that mean, naka move on na siya nang tuluyan sa pinaasang pag-ibig niya kay Blank dahil kung ganito na pala ang nararamdaman niya at dahil diyan dapat na siyang kabahan.

Naramdaman niya ang pahawak nito sa dalawang balikat niya para pihitin siya paharap ulit sa puno. Hindi na siya nakapag-react dahil literal na lutang siya nang mga oras na 'yon.

"Mag-sorry ka na," basag nito.

"Sorry," lutang parin na sabi niya.

"Good, kunin ko na 'tong karton at lalagyan natin 'to ng maraming mangga mo. Nga pala, sabi saken ni Nay Dolores puro mangga na lang daw kinakain mo. Baka 'di ka na matunawan niyang kakakain mo ng mangga."

Tumingkayad siya ng upo at nangulambaba. Iniisip niya parin ang feelings niya kay Text. Naririnig niya naman ang mga sinasabi nito kahit na may iniisip siya.

"Ang sarap kasi ng mangga lalo pa't medyo maasim-asim pa." Bumuntong-hininga siya.

Mahal niya na ba talaga si Text? No, hindi pa siguro mahal pero crush. 'Yong may feelings na siya pero 'di pa masyadong malalim.

"Masarap pero puro na lang mangga?"

"Okay lang 'yon," bumuntong-hininga ulit siya.

So may pag-asa talagang mahulog na nang tuluyan ang damdamin niya para rito? Hmm, kung tutuosin hindi naman talaga mahirap mahalin si Text. Mabait, magalang, mapagmahal, nakakatuwa rin, saka alam kong sincere 'yong mga ginagawa niya.

Tulad na lang ngayon, inangat niya ang tingin kay Text na kasalukuyang umala-unggoy na inaakyat ang puno kahit pwede naman nitong batuhin na lang 'yong mga bunga o gumamit ng mahabang stick pero sa sobrang respeto nito sa non living and living things hayun nag-i-effort.

Napabuntong-hininga na naman siya.

"Lalim ng iniisip mo ah! Baka malunod ka."

"Wala! Iniisip ko lang kung totoo kang tao."

"Oh bakit? Mukha ba akong engkanto sa paningin mo?"

"May sinabi ba ako?" iningusan niya ito. "Mag-ingat ka diyan. Baka mahulog ka. Kasalanan ko pa."

"Kasalanan mo naman talaga."

Napamaang siya. "Grabeh siya! Bakit sinabi ko bang akyatin mo 'yan pwede mo namang –"

"Kasalanan mong nahulog ako sayo!"

Natameme siya. Grabeh siya oh. Pero para maka-react umakto siyang kukuha ng bato para sana ibato kay Text pero nagsalita agad ito.

"Oh kakasabi ko lang mambabato ka na naman." He chuckled habang inisa-isang inihulog sa karton 'yong mga mangga. "Nga pala, naalala ko."

"Ano 'yon?"

"Diba sinabi mo saken na naiwan mo 'yong alam mo na."

"Anong alam mo na?" kumunot ang noo niya.

"'Yong ginagamit n'yo kapag may dalaw kayo. Nabanggit mo saken naiwan mo 'yon. Sinabi mo samahan kita dahil bibili ka nun sa bayan."

"Oh bakit mo naman na tanong? Meron ka ba?"

"Hindi," tumigil ito at umayos ng upo sa isang malaking sangay ng puno. "Naitanong ko lang naman dahil magtatapos na ang buwan pero 'di mo pa ako kinukulit pumunta ng bayan."

Nag-loading ang utak niya. Teka, anong araw na ba ngayon? "Patapos na ng buwan?!"

"Oo, April 28 na."

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Dapat noong 20 pa siya dapat datnan pero 28 na. Dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan. Normal lang sa kanya ang hindi datnan pero mukhang may kakaiba dahil magkasunod na buwan na 'di siya dinatnan.

Kumunot ang noo niya.

'Yong mangga, 'yong pangangasim ng sikmura niya, saka 'yong minsang nagsuka siya ta's 'yong nawawalan siya ng ganang kumain, 'yong moment na gustong-gusto niya na lang yakapin si Text dahil ang bango-bango nito. Hindi kaya?

Napasinghap siya.

Nanlalaki ang mga matang naingat niya ang mukha kay Text.

"Buntis ako!" sigaw niya. Sakto namang nahulog bigla si Text mula sa puno kaya napasigaw siya lalo. "Text!" Mabilis na dinaluhan niya ito.

Namimilipit ito sa sakit. Hindi niya naman maiwasang mag-panic. Hindi niya na lang ito masyadong ginalaw at baka may bali pala ito kung mapaano pa.

Umungol si Text.

"P-Papupuntahin ko dito ang doctor." Nahihirapang sabi nito.

"Ah, oo, tama, kailangan mo ng doctor. Kaya wait lang, dito ka lang tatawagin ko sila Boge –" akmang aalis na siya nang mahawakan nito ang kamay niya. Nilingon niya ito. "Text?"

"Ikaw, ang ipapa-doctor ko."

"Mukha ba akong may sakit?"

"D-Danah!" napaungol ulit ito. "Huwag ng makulit."



NAGTAKA si Danah nang humarang sa hagdan si Lyra. Kabababa lang nito kaya sigurado siyang galing ito sa silid nila ni Text. Hindi niya napanasin ito na dumating dahil ginawa niya 'yong pregnancy test na ibinigay sa kanya ng doktora na siyang umasikaso din kay Text.

Itinago niya sa likod ang pregnancy test stick.

"Nag-iisip ka ba talaga, ha?!" galit na bungad nito agad sa kanya.

"Lyra?" aniya.

"Hindi mo ba alam na matagal nang hindi umaakyat si Text sa puno dahil sa injury niya noon? Nakita mo 'to?" nagulat siya nang haklitin na lang nito bigla ang isang kamay niya. "Na operahan ang isang braso niya noon dahil nahulog siya sa hagdanan sa seminaryo. At pinagbabawal na sa kanya ang umakyat at baka kung mapaano pa ang kamay niya." Marahas na binitiwan siya nito.

"H-Hindi ko alam," napakurap-kurap lang siya. Wala talaga siyang alam.

Napabuga ito ng hangin. "Asawa ka ba talaga niya o hindi? Simpleng bagay lang 'di mo pa alam. Sa susunod, mag-ingat ka." 'Yon lang at iniwan na siya nito.

Ilang segundo rin siyang nakatulala sa ibaba ng hagdanan. Gusto niyang kutusan ang sarili. Bakit 'di man lang niya 'yon naitanong kay Text? Paano kung masama pala ang pagkakahulog nito sa puno? Paano kung kailangan ulit nitong ma-operahan?

"Danah?!" naingat niya ang mukha sa tumawag. Seryoso ang mukha ng nanay ni Text mula sa itaas ng hagdan. "Anong ginagawa mo diyan? Umakyat kana dito. Hinahanap ka ng asawa mo."

"O-opo," akmang tatakbohin niya ang hagdanan nang mag-salita ulit ito.

"Huwag kang magmadali. Hindi naman mawawala si Text."

Napangiti siya sa matanda. "O-Opo,"

Hindi pa niya tinitignan ang resulta ng pregnancy test. Actually, kinakabahan talaga siya dahil kapag nag-positive 'to baka ihawin siya ng nanay niya at mahimatay ang tatay niya. Request pa naman ng Daddy niya kailangang may red carpet ang hihimatayan niya. Napangiwi siya. Wala talaga 'to sa plano niya. Masyado ring mahal ang red carpet.



LAHAT ng mga mata sa kanya nakatingin. Gusto na niya yatang tumalon sa bintana kung hindi lang nakahawak ang kamay ni Text sa kamay niya. 'Tong si Lyra lang talaga ang masyadong seryoso. Kanina, binigay niya agad kay Doc. Rea ang pregnancy text dahil hindi pa talaga siya handang malaman ang katotohanan kahit na obvious na obvious na.

"Teka lang, ha, wait?" pinaypayan niya ang sarili. "Patabi muna," umupo siya sa tabi ng higaan ni Text. "Kinakabahan ako."

"Sa tingin mo ba ako 'di kinakabahan?" pasimpleng bulong sa kanya ni Text. Pinisil nito ang kamay niya. "Relaks,"

Paano siya ri-relax? Maiisip pa lang niya ang mga mukha ng mga magulang niya kapag sinabi niyang magiging lolo at lola na sila parang gusto na niyang matunaw na lang.

"Oh sige na, sasabihin ko na ba?" nakangiting tanong ng doktora.

"Sabihin mo na Doc at nang matapos na kini." Sagot naman ng nanay ni Text. "Ano, totoo ba o hindi?"

"Hmm, well, she's pregnant." Natahimik ang lahat. "And base sa mga tanong ko kay Danah kanina mukhang dalawang buwan na siyang buntis. But still, I have to recommend her to an OB doctor para ma-ensure natin ang safety ng baby at ni Mommy. Huwag kayong mag-alala, mahusay na OB doctor ang ire-recommend ko so rest assured."

Pagtingin niya kay Text nakatulala lang ito. Hindi niya tuloy malaman kung masaya ito o naiiyak.

"As for the Mommy, for now, kailangan niya ng mag-ingat, kahit kasi wala siya gaanong napapansin na symptoms ay okay na maggagalaw siya. Syempre, konting ingat lang din dahil nasa fatal stage siya ng pagbubuntis."

Hindi naman nakaligtas kay Danah ang biglang pag-alis ni Lyra.

"And, for our Text, congratulations, hijo, you're going to be a dad."



"MAY kailangan ka pa ba?" tanong ni Danah kay Text pagkatapos itabi ang bimpo at basin na may maligamgam na tubig. Pinunasan niya na lang ito dahil nakabenda ang isang braso nito. Buti na lang talaga hindi malala 'yong nangyari sa isang braso niya. Na sprain lang niya. "Sorry nga pala kanina."

"Hmm? Para saan?"

"Hindi ko naman alam na may past operation ka pala noon. 'Yan tuloy, buti na lang 'yong isa ang nadali at least pantay na." At nagawa pa niyang mag-joke. Wow, Danah, ha?!

Natawa naman ito sa kanya. "At naisingit mo pa talaga 'yan, noh? Halika nga dito."

"Ayoko nga,"

"Huwag ng makulit, tumabi ka dito saken," umisod ito para kumasya siya sa tabi nito. Napaunan siya sa isang braso nito. "Naisip mo ba ang naiisip ko?" tanong nito mayamaya.

Tumango siya. "Sino nanay ni Hua Ze Li?"

Natawa naman ito bigla. Pati siya pinipigilan ang matawa.

"Kulit mo talaga! Hindi," ibinaba nito ang tingin sa kanya. "Naisip ko, magiging-daddy na ako."

Natahimik siya ng ilang segundo bago ulit nakapagsalita.

"Sa totoo lang Text, natatakot talaga ako. Wala talaga sa plano ko 'to. Dapat nasa Korea ako ngayon o sa Japan naghahanap ng soulmate –"

"Grabeh siya oh parang 'di niya ako kasama – aw!" napalo niya ng mahina ang dibdib nito. "Maawa ka naman saken minsan."

"Sorry naman, pero 'di nga, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko ang kalagayan ko."

"Hindi mo naman kailangang sabihin na mag-isa. Nandito naman ako."

"Ay ang sweet oh,"

"Kinakabahan din ako huwag kang ano diyan."

"Ako din,"

"Pakasal na tayo Danah."

"Hmm?"

"Sabi ko, pakasalan mo na ako. This time nagmamakaawa na ako." Nakangiting sabi nito. Natawa lang siya. "Huwag mo akong tawanan. Grabeh ka."

"Patay na patay ka talaga saken, noh?"

"Nakalibing na nga eh,"

"Hmm, sige pag-iisipan ko. Ay teka lang, kukunin ko lang 'yong polaroid ko." Bumangon siya at kinuha ang polaroid niya sa cabinet. Nang makabalik siya nakaupo na si Text. "Picture tayo. First picture natin as family."

Natigilan naman siya nang titigan lang siya ni Text na para bang may sinabi siyang ikakasalba sa buong sanlibutan.

"Oh bakit?" tanong niya.

"You said family."

"Oh bakit?"

"Wala lang, ang sarap lang pakinggan."

Natawa naman siya. "Iyak ka muna."

"'Yan ka na naman, binu-bully mo na naman ako."

Natatawa paring tumabi siya ng upo rito. "Ang cute mo kasi kapag binu-bully. Parang aping-api ka. Nakakatuwa."

"Sadista ka ba?"

"Konti," sinukat niya 'yon gamit ng dalawang daliri. "Ano picture na tayo?"

"Sige, akin na 'yan, ako na maghahawak para kita si baby."

Kinuha nito mula sa kanya ang camera. Bumaba naman ang tingin nito sa umbok na niyang tiyan. Hindi pala 'yon bilbil. Baby na pala. Pero bakit parang may kung anong humahaplos sa puso niya habang tinitignan ang nakangiting mukha ni Text na aliw na aliw sa kakatitig sa tiyan niyang mukhang busog lang?

Inilapit nito ang mukha sa kanya at naamoy na ulit niya ang gustong-gusto niyang amoy nito.

"Bakit ba ang bango-bango mo?" tanong niya na lang bigla.

Inosente ang tingin na binalingan siya nito. "Inborn 'yan." Saka siya kinindatan.

Gah! Nakakainis! Bakit ba ang galing-galing nito sa painosente look? 'Yong akala mo 'di mag-aalsa ng bangko pero mag-aalsa pala talaga ng barko. He's just too cute with that innocent face and remarks. Na saan ang hustisya?

"Dali, tingin na sa camera."

"Teka nga, marunog ka ba niyan?"

"Grabeh siya oh, iki-click mo lang naman 'to. Dali na ngiti –"

"Hindi, baka tumagilid wait lang –" pero hindi na siya hinayaang ayosin ang position ng kamay nito dahil na i-click na nito ang camera at dahil bigla-bigla ay napapikit siya nang mag-flash ang camera. "Textford!" sigaw niya.

"Hayan na lumalabas na ang picture."

Marahas na kinuha niya ang film at pinapay 'yon. Naiinis siya dahil alam niyang sinayang lang ni Text ang film. "Pupusta ako, ang pangit ng pagkakakuha nito."

"Ano ka ba, masyado mo namang sinseryoso 'yan, spur of the moment shots are the best heart capturing candid."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Kung makapag-salita ka parang professional photographer ka ah."

"Of course, I have to appreciate and love my wife's passion."

Natigilan naman siya. Hindi dahil sasapakin niya 'tong si Text kung hindi tumagos talaga sa puso niya ang sinabi nito sa kanya. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.

"Inferness, na touched ako." Tinignan niya na ang kinalabasan ng film at tama nga siya. Ang laki ng space pero nasa gilid silang dalawa at nakapikit pa siya na parang asar na asar habang ang laki naman ng ngiti nito habang nakatingin sa tiyan niya. "Hmm, ok na rin 'to. Maganda."

"Kasing ganda mo," naingat niya agad ang tingin kay Text.

Mabilis naman na inilipat nito ang tingin sa ibang bagay. Naku! Isa pa 'to eh. Napangiti na lang din siya.

"Gusto kong uminom," mayamaya sabi niya.

Kumunot naman ang noo nito. "Bawal sayo ang uminom."

Napasimangot siya. "Eh, kasi gusto ko ng amoy nun."

"Danah bawal ka nun."

Kumapit siya sa braso nito. "Sige na, kahit ikaw na lang uminom. Tapos samahan na lang kita. Kuha ka na tapos pagtimpla mo ko ng isang pitsel na juice tapos ikaw lang uminom ng alak. Sige na, please."

'Yong mukha ni Text akala mo bibitayin eh. Nahilot nito ang sentido.

"Alam mo namang masama akong malasing."

"Sa kwarto lang naman tayo eh. Sige na, please."

"Hmm,"

"Sige ka, baka magtampo si baby. Si Daddy nga kahit madaling araw na ginagawa parin gusto ni Mommy nang pinagbuntis ni Mommy ang kambal."

"Bakit ba kasi sa lahat ng amoy, alak pa?"

"Ay 'yon gusto ko eh."

"Hays, oo na! Oo na! Basta huwag mo akong lasingin talaga." Tumayo na ito. "Kinakabahan ako."

"Text, dapat iced tea 'yong juice, ha? Thank you."



Dapat isasama ko dito ang drinking session nila Text at Danah pero sa susunod na lang at baka humaba pa lalo. Hindi ko 'to masusulat kung 'di ako kinakabahan sa first job interview ko bukas pero nakatulong din dahil mas gumagana utak ko kapag kinakabahan ako. Yeah, I can work under pressure haha. Ito na muna ang patikim kong linya para sa drinking session ng TexNah sa susunod kong UD sana 'di kayo magsawang suportahan ang Sweet Accident hanggang sa matapos ko 'to at masimulan ko na ang story ni Font. Thank You! Comment kayo ha!


Continue Reading

You'll Also Like

909K 31K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
798K 9.8K 47
[The Architects Series: Xander Del Valle (part two)] "Showing it to them that I am a changed man, a responsible father and a possessive husband..."...
64.4K 2.4K 59
Summer Nadine went to Japan to forget the pain of a heartbreak. Until he bumps to someone who will help her forget the pain in a short period of time...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...