Mia Pov
Tumakbo ako paakyat sa rooftop alam kong walang pwedeng pumunta dito kung hindi si Skyler lang. Kanina pa ko umiiyak matagal tagal na rin simula ng umiyak ako ng ganito.
Ang sakit tangina nagtiwala ako sa kanya pinag katiwalaan ko siya kahit mahirap para sakin sinubukan ko akala ko mahal niya ko. Napakagaling niyang umarte pwedeng pwede na siyang maging best actor.
Paulit ulit kong pinupunasan yung mukha ko pero hindi mawala yung mga luha na patulot na lumalabas mula sa mata ko. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil masyado akong naging tanga masyado akong nagpabulag sa mga pinakita niya.
"GAGO KA RED KA" Sigaw ko at napaupo na ko sa sahig sobrang sakit. Sobrang sakit na ginawa nanaman akong tanga ng taong mahal ko.
"Mia " yumuko ako para hindi makita ni Skyler yung pagiyak ko pero alam kong naririnig niya yung mga hikbi ko.
"Hindi ka dapat umiiyak. Hindi ka dapat magpaapekto sa kanila baka nakakalimutan mong miyembro ka ng 5 demons pwedeng pwede mo silang gantihan Mia." Napatingin ako sa kanya. Tama siya eh dapat hindi ako umiiyak miyembro ako ng 5 demons walang sino man ang pwedeng umapi at magpaiyak sakin.
Pininasan ko yung mga luha ko. "Tama ka. Hindi ko dapat iniiyakan ang gagong yun"
"Anong gusto mong gawin namin sabihin mo lang."
Tumingin ako sa malayo. Hinding hindi ko papalagpasin tong ginawa niyo sakin Red. Mali kayo ng kinalaban hindi niyo kilals ang tunay na Mia Rodriguez.
"Akong bahala sa dalawa. Pinahiya nila ako sa maraming tao ganun din gagawin ko sa kanila. Iisa-isahin natin lahat ng umarte sa play na yun. At ihuhuli ko yung dalawa"
Humanda kayo sakin Red. Ipapakilala ko kung sino ang binangga niyo.
-------
Pa vote po please