That Possesive Jerk (BoyxBoy)

By xXxMalexXxDamselxXx

299K 8.7K 802

Isang kilalang playboy si Lance sa kanilang university pati na rin sa iba pang schools. Gwapo, mayaman, matin... More

That Possesive Jerk -boyxboy
Chapter 1 - [Firstday First Friend]
Chapter 2 - [Jusko!]
Chapter 3 - [Bad Day]
Attention!
Chapter 4 - [Filler]
Chpater 5 - [kiss and Dare]
Chapter 6 - [That Tweet Tho]
Chapter 7 - [Bad mood]
Chapter 8 - [Unexpected]
Chapter 9 - [All the Bright Places]
Chapter 10 - [Adventurous]
Chapter 12 - [Pleasure]
Chapter 13 - [Secrets]
Chapter 14 - [Guest]
Chapter 15 - [Ugh!]
Chapter 16
Henlo
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter - 20
Chapter 21
Chapter - 22
Chapter - 23
Chapter - 24
Chapter - 25
Chapter - 26
Chapter - 27
Chapter - 28
Chapter - 29 (Special Chapter)

Chapter 11 - [The Answer]

9.9K 336 32
By xXxMalexXxDamselxXx

Tahimik kaming dalawa. Nagtitigan ang aming mata. Di ko alam kung anong isaaagot ko. Di ko pa naman siya ganun kakilala. Bakit ako? Bakit ako pa napili niyang ligawan? Marami pa namang mas gwapo o maganda kaysa sa akin? Bakit ako pa? Ang alam ko din ay straight siya.

"Bakit ako?" Tanong ko sa kanya habang ibinaling ko ang tingin sa labas. Maganda ang tanawin.

"Hindi ka naman mahirap mahalin" sagot niya habang nakatitig pa rin sa akin.

"Di ko alam ang isasagot ko" ito ang katotohanan. Di ko alam kung pinaglalaruan lang ako ni Hiro.

"May mahal ka bang iba?" Tanong niya.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung bakit ako naisipan mong ligawan."

"Hindi mo naman kailangan pumayag ngayon. Maghihintay ako kahit gaano katagal."

Bigla nalang nag ring ang phone ko. Pag tingin ko sa caller ID ay si Earl ang tumtawag. Sinagot ko ito.

"Oh napatawag ka? May problema ba?" Tanong ko sa kanya na may halong pag aalala. Hindi kasi mahilig tumawag si Earl. Kadalasan ay wala siyang load or text lang ang ginagamit niya.

"Wala naman. Kanina ka pa kasi wala dito sa apartment. Nag aalala lang ako. Nasaan kaba?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Ok lang ako. Andito ako sa MOA ngayon may sinamahan lang na kaibigan. Uuwi rin ako after." Sagot lo sa kabilang linya.

"Sige sige. Dala mo naman siguro yung susi mo. Mamaya nalang." Dahil dun ay binaba niya na. Tinignan ko si Hiro na nakatingin sa labas.

"Pwedeng uwi na tayo after? Hinahanap na kasi ako ng kasama ko sa bahay."

"Sige sige. Hintayin pa natin tong ferriswheel matapos then i'll take you home."

"Thank you." Ang tanging nasambit ko nalang. Ilang minuto pa ay nakababa na kami at dumeretcho sa sasakyan.

Tahimik lang kaming dalawa. Wala ni isa sa amin ang guatong bumasag sa katahimikan hanggang sa naihatid niya na ako sa tapat ng apartment. Bumaba na ako at bumaba rin siya. Para akong babae sa ginagawa niya. Kung pinapakita niya sa akin ngayon na gentleman siya, paano nalang pag pinayagan ko siyang manligaw. Anong mga ipapakita niya sa akin?

"Salamat pala sa mga libre mo pati na rin sa pag hatid. Kaya ko namang umuwi mag isa."

"Ok lang yun. Basta makita kitang masaya ok na ako." Nakakakilig siya. Hindi din siyang mahirap mahalin.

"Sige pasok na ako. Maaga pa kami bukas nila Yuri aalis"

"Sige na. Aalis na rin ako at late na" paalan niya sa akin. Tumango nalang ako at lumapit siya. Hinalikan niya ako sa pisngi na siya namang ikinamula ng mukha ko. "Bye"

Pinanuod ko siya hanggang sa hindi ko na makita ang sasakyan niya. Pumasok na rin ako sa loob at dere-deretcho sa banyo upang maligo. Nakakapagod ang araw na to. Nasurprise ako sa mga nangyari ngayon. Ng matapos makapag bihis ay humiga na ako at tuluyan ng nakatulog.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. May tour kasi ang mga freshmen sa isang park. Magkatabi kami ni Yuri sa bus. Siya kumakain habang ako ay inaantok pa rin.

"What's your problem? Ang aga aga inaantok ka" tanong niya sa akin habang kumakain ng junkfoods na baon niya. Nag baon din ako ng mga pagkain kaso wala akong gana.

"Yun na nga e, ang aga aga." Pabalang kong sagot sa kanya.

"Wow ah, may dalaw ka te? Ano nga kasi problema mo?"

"Yung kuya mo kasi nakaka nosebleed"

"Oh? Anong meron kay ku- OMG may nagyari sa inyo kagabi no?!" Gulat na tanong niya. Di ko alam kung masaya ba siya o naiinis sa exprresion ng mukha niya.

"Duh! It's not what you think!" Pag dedefend ko sa sarili ko.

"Eh ano nga?"

"He wants to court me" pag kasabi ko nun ay bigla nalang siyang nanahimik. Kaya tinugnan ko siya. Nakabuka ang bibig at nakatingin sa akin kaya tinapik ko siya sa balikat.

"Like seriously? Liligawan ka nya?"tanong niya ulit na makikita mong gulat pa rin.

"Oo nga! Bat ang kulit mo ngayon?" Asar ko sa kanya.

"Nakainom ako ng dalawang basong kape kanina. Pero omg. Hindi ko aakalain na my brothers bi?!"

"Meh, tell me about it. Mamaya nalang tayo mag usap at inaantok pa ako." Buti nalang ay umandar na ang bus papunta sa kung saang man park yun. Hindi na rin ako kinulit ni Yuri which is good. Maya maya pa ay nakatulog na ako. Naalimpungatan nalang ako nung tinatapik na ako ni Yuri. Pag tingin ko sa labas ay nandito na pala kami sa park. Nag ayos na ako ng sarili ko at bumaba na. Pagtingin ko sa relo ko ay past 1 na pala.

"Ok guys! Sigaw ng isang lalaking proffesor na di ko kakilala. "Mag lunch na muna kayo. Then we'll meet later at 2. Ok ba yun?" Sigaw niya.

Kami nanaman ni Yuri ang magkasama. Nakahanp kami ng pwestso sa ilalim ng malaik puno. Mahangin dito at hindi nasisinagan ng araw.

"Ano ulam mo?" Tanong niya sa akin.

"Hotdog at corned beef. Ikaw ba?" Balik tanong ko sa kanya.

"Fried chiken, beef steak at chopsuey"

"Ikaw na madaming ulam"

"Baliw, share na tayo sa ulam ko"

"Sige,sige"

"Anong meron at gusto kang ligawan ni kuya?" Tanong niya sa akin nung nasa kalagitnaan na kaming kumain.

"Sa totoo lang di ko din alam ee."

"Hmmmmm" yun nalang ang naisagot sa akin ni Yuri. Pagkatapos kumain ay nagligpit na kami ng kinainan at nag toothbrush.

Pagbalik namin sa may bus ay pinag grupo kami ng 5. Nakasali kami ni Yuri sa Yellow team which composed of students galing sa iba't-ibang institute. Mababait naman sila. Mag lalaro kami ngayon ng amazing race. Bawat isang team ay binigyan ng papel na kakulay ng team kung saan makikita namin ang susunod na pupuntahan.

"Higanteng mahiwaga, ipakita ang iyong diwa. Malawak, kulay asul sana hindi ka mawala" basa ng papel.

"Yung dam?" Pagsabi ko. Sumangayon naman sila at dali dali kaming tumakbo kung saan iyon. Nauna kami at sana manalo dahil may premyo ang mauuna. Pag dating namin sa paanan ng dam ay may nag babantay nga.

"Para sa unang check-point ito ang ipapagawa ko. Akyatin niyo ang hagdan ng limang beses para maibigay ko sa inyo ang next clue" utos ng nagbabantay. Shet. Mga ilang steps din ang guguhulin namin para maakyat yun, limang beses pa! Dahil pa simula pa naman ang laban ay may energy pa kami kaya natapos din namin yun ng mabilisan kaya naman naibigay na sa amin ang next clue.

"Berde,dilaw, kayumanggi at pula. Mga kulay nag na sumasayaw pag hangin ay nandyan na"

"Jusko lord ang hirap naman neto." Sabi ni Yuri. Nag tingin lang kami ng mga kasama ko. Iniisip kung saan ang next na checkpoint.

"Sa may gubat?" Sabi ng isa naming ka grupo. Si Gretchen na galing masscom.

"Ang lawak ng gubat. Saan naman daw kaya yun?" Sabi ng leader namin na si Julio galing med.

"Tiwala lang mahahanap din natin yan" sagot ko sa kanila. Lumrga na kami at hinanap ang susunod na checkpoint. Medyo mahirap dahil nasa tuktok siya ng burol.

"Yes! Nahanap niyo ako! Para sa inyong clue ay kailangan niyong masagutan ito: 1+1=1. Explain."

"1 rain drop + 1 rain drop is equals to 1 rain drop."

"Wow! Kayo ang pinakamabilis sumagot! Dahil jan eto ang next clue." Sabay abot mg papel.

"Taray naman po pala. How to be you po!" Sabi ni Yuri kay ateng nakasagot.

"Madali lang naman yung sagot ee. Pang kinder" siya si Murao halfjapanese half filipino taking up accountancy. Kaya naman pala matalino si ate. Tinignan nalang namin siya ng nakakaloka at binasa na ang next clue.

"Hindi ko mawari', parang gusto kong tumalon papuntang langit" lahat kami ay naguguluhan kung saan naman ang next checkpoint.

"Baka naman magpapakamatay tayo?" Sabi ni Yuri na siya namang binatukan ko.

"Baliw ka ba? Bat naman tayo magpapakamatay?" Sabi ko sa kanya.

"Sa may bungee jumping sa may entrance?" Sabi ni Julio. Lahat kami ay nag iisip kung saan paba pwedeng tumugma ang clue pero wala. Ung bungee jumping na ang pinakamalapit kaya naman tumakbo kami papunta sa entrance. Kami pa rin ang nauuna kaya medyo na excite kami. Pagkarating namin dun ay kakatapos lang ng green team.

"Para sa clue na to kailangan yong matry ang mag bungee jumping!" Buti nalang at di ako takot sa heights. Pwera nalang yung iba kong kasama. Lahat kami natapos na pero kay Yuri kami nagtagal. Takot kasi siya sa heights. Konting pag-pupush pa ay pumayag na siya. Nung una ay ang lakas niyang sumigaw pero nung kalaunay nag eenjoy na siya.

"Para sa huling clue niyo. Congartulations! Kayo ang nagunguna sa race na ito!" Sabi ni ate.

"Lumapit ka sa akin at yong problema aking pakikinggan.  Wag mawalan ng pag-asa at ika'y makakalaya"

"Parang coffesion?" Sagot ko.

"Simbahan?" Tanong ni Julio.

"Yung chapel sa may paanan ng bundok!" Sigaw ni Murao. Lahat kami ay dali daling tumakbo kung saan yun. Onti nalang at mananalo na kami. Pag karating namin ay meron ngang nag babantay.

"Congartulation! Kayo ang nauna sa limang grupo. Madali lang naman ang ipapagawa ko. Sabihin niyo lang kung sinong crush niyo" what the? Pwede ba yun?

"Elaine" sagot ni Julio.

"Maverick" sagot ni Yuri.

"Kaoru" sagot ni Murao

Hanggang sa lahat na sila ay nakapag sabi na kung sino ang kanilang crush. Malapit na rin makahabol ang ibang team. Kung sino daw unang makatapos ng last checkpoint ay syang tatanghaling panalo. Pero sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko. Crush ko si Earl matagal na pero bakit hindi maibigkas ng binig ko ang pangalan niya. Parang may something na pumipigil sa akin na sabihin ang pangalan ni Earl. Malapit nang matapos ang kabilang grupo pero yung mga kagrupo ko ay pinipipilit na akong magsabi kahit na sino na.

"Lance" bigkas ko at kami ang nanalo.

DAFUQ?!

[A/N]

Comments are highly appreciated <3

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 118K 54
Gabbana; the spoiled, self-centered, self-indulgent little brat. She who knows little about living, have bought so much in life. And when she thought...
355K 17.4K 53
[ Iskwala Series #1 ]
159K 616 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
621K 17K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...