Edited man ito, walang naiba sa storya. Ganon pa rin ang takbo ng kwento, hirap alisin ang typos ah at grammatical errors. Pero isa lang ang masasabi ko, wala akong paki kong may grammatical errors na naman, hirap na ako't hindi naman ako perpekto at tulad nga ng nabasa ko sa writing tips "Don't mind your teacher saying my grammar are wrong" minsan kasi mas tama ang student.
Enjoy reading
Chapter 1
Raven's POV
Maaga akong gumising dahil may pasok ako. Nagpaalam ako kay Dad at sumakay sa akin kotse. Pagdating ko sa school nandoon ang mga kaibigan ko.
"Good morning guys" bati ko sa kanila.
"Good morning" bati sa akin ni Sion. Sion Sy ang ang buo niyang pangalan, ang chickboy slash casanova sa amin.
"G day" bati naman ni Trev. Trevor Park naman ang buo niyang pangalan, siya ang koreano sa amin, geek din yan at maasahan sa lahat ng oras.
Ako naman ay si Raven Chow, anak ng may-ari ng sikat na companya sa china at may branch kami dito sa korea, walang iba kundi ang C.I.E Chow's International Emportation, meron din kaming malls.
Pumasok kami sa loob ng campus, nagsitilian ang mga babae, kainis talaga nakakabingi sila. Kung pwedi ko lang silang kidnappin o di kaya'y turuan ng leksyon pero hindi ko magawa dahil nga inosente silang lahat.
"Prince Raven~ will you marry me!?" sigaw ng mga babae
"Prince Sion, be mine!"
"Prince Trev, sinasagot na kita kaya tayo na!"
"Kyaa! Felonious Boys~" tili nila.
Felonious Boys ang group name namin sa underground world kung saan ang mga gangsters ay naglalaban laban. Sekreto yong group name naming pero may stalker na nakaalam muntik nga naming mapatay buti group name lang ang nalaman niya.
"Guys, magkita-kita tayo mamaya sa bahay" sabi ko
"okay" tipid nilang sagot.
Pumasok na kami sa aming classroom dahil magsisimula na ang klase, nakakainip pero kelangan naman dahil bawal ang walang laman na utak. Pagpasok ni sir agad itong binati ng mga kaklase namin.
"May bago kayong kaklase, pumasok kana't magpakilala" sabi niya
Pumasok ang new student " Ako pala si Charity Kino, isa akong Japanese pero marunong mag salita ng korean" pagpakilala niya, pero di ko pinansin, the hell I care? tss. Nakalimutan ko nga kung anong pangalan niya.
"Wow, ang ganda niya. Mapormahan nga" sabi ni Sion
"Ikaw talaga napakababaero mo" sabi ko. Oras-oras may kalandian yan.
Dahil ang bakante lang ay ang unahan ko, doon siya pina-upo. Naglecture kami at nakinig, hindi naman kami tulad ng iba na tamad mag-aral. Yon nga lang minsan naiisip ko para saan ba yong topic? Hindi naman natin magagamit kapag nakapagtapos tayo.
Nang natapos ang klase, break time. Dahil madami kaming fans at dahil babaero si Sion mejo natagalan kami bago makarating sa cafeteria. Iba na talaga ang mga kababaihan ngayon, iilan na ang mahiyain, mga mayaman naman sila dahil mga mayayaman ang nag-aaral sa Yonsie University, may mga scholar naman.
Nagtitilian naman sila, ang ingay talaga. Nakakabad-trip! Nang kukuha kami ng makakain, kahit mayaman kami, may waiter man dito pwedi naman pumila. Kami na ang kukuha dahil mahirap na baka lagyan ng lason yong pagkain, mas safe kung kami na mismo ang bumili at pumila. Umuna muna ako sa Private table naming walang studyanteng dapat umupo doon kami lang wala din kaming katabing iba pang table dahil tiyak matitikman nila kung gaano ako kasama.
Papalapit ako sa table namin, nagulat ako dahil may babaeng nakaupo don. Anong ginagawa ng babaeng yon sa upuan Ko? Hindi ba niya nababasa ang signage na nakasulat? Nilapitan ko ito.
"Hoy! Hindi ka ba marunong bumasa ng English?!"
"Marunong, what's the problem?" sagot niya
"This is our Private Table and Chair. Hindi mo ba nababasa ang sosyal na karatola na nakasulat "Don't sit there, ONLY FELONIOUS BOYS can sit here?" sabi ko
"Oh, hindi ko napansin. Mas malaki kasi ang Han-gul kesa English Alphabet. So you mean, lilipat ako? Pweding wag na lang?" sarap sapakin tong babae.
"No, lilipat ka sa ayaw at sa gusto mo" matigas kong sabi sabay tingin sa kanya ng masama. Hindi niya ba ako kilala? Sikat kaya ako. Lahat ng studyante sa YU kilala ako.
"Tss, damot kala kung sino" sabi niya
"Hindi mo ba ako kilala ha? Mali ang binangga mo babae" sabi ko
"Hindi eh. artista ka ba? At hindi naman kita binangga. Nakaupo lang ako Mister! at bigla mo lang ako pinapaalis sa private chair o table whatever mo." Sarcastic niyang sabi, na mas pinaiinit ang ulo ko.
"Leave or die?" sabi ko sa kanya
"Oh upo kana, isaksak mo sa baga mo ang private chair mo!" sabay alis tapos limingon siya. "BAKA!" at umalis na.
Ano? Tinawag niya akong baka? Sa gwapo kong ito Baka pa ang tinawag sakin. Pagbabayaran mo ito babae, hindi mo kilala ang kinalaban mo.
Charity's POV
[A/N: Bago siya pumasok at nakilala si Raven. Kung tinatanong niyo kung anong year sila. Senior High School na sila.]
Umaga, ginigising ako ni Yureka-ni. Ang aking older sister at tinuring best friend, mahal na mahal ko yan.
"Hmm.. 5 minutes please.. Hindi pa tanghali" sabi ko at niyakap ng mahigpit ang unan.
"ANONG TANGHALI KA JAN!? BUMANGON KA NA'T MALALATE NA TAYO!" sigaw niya sabay yogyog sa akin at doon ko naalala na may pasok pala kami't 1st day of school.
"Hai, hai' Babangon na" sabi ko. Naligo ako at nagbihis 15 minutes tapos na ako't nag-almusal din 3 munites, tinapay naman kasi yon. Dali-dali kaming pumunta sa school.
"Ms. Charity Kino sa section A ka mag klase. Ikaw naman Yureka Kino sa section B ka" sabi ng principal.
Ano raw?! Hindi kami magkaklase ni Yure-ni? Yure-ni ang tawag ko sa kanya. Pero may magagawa ba kami, pero matalino naman si Yure-ni.
"Don't worry, magkikita naman tayo sa lunch break at sa bahay" sabi ni Yure-ni
"Ok, Yure-ni" sabi ko
That's my sister hehehe Pumasok ako sa aking classroom ganon din si Yure-ni. Then I intoduce myself at umupo sa harapan ng isang lalaki. Gwapo naman pero hindi naman ibig sabihin ay crush ko na siya. Hindi kasi ako tipong babae na basta makakita ng gwapo eh crush na agad. I'm just simple, makulit at palaban na babae. Mahilig akong mag-imbestiga ng kaso hehe
AFTER HOW MANY HOURS. Nagbell na't lunch time. Aalis na ako sa class pero may lumapit sa akin na tatlong babae. Mga magaganda sila at halatang may kaya.
"Hi, I'm Lee Rhea" sabi ng nasa gitna
"Ako naman si Min Cordea" sabi ng nasa kaliwa
"Hyok Ceres. Here!~" sabi ng nasa kanan
"BeGo ang group name naming, pwedi kang sumali" sabi ni Rhea, leader siguro.
"No thanks, not interested" sabay lumabas na ako't pumunta sa canteen.
Ayaw ko kasi ng ganon at ano yong group name nila? Bigo? And I don't trust strangers. Nang nagkita kami ni Yure-ni ay dumiretso na kami sa canteen at umorder. Nang uupo kami halos lahat ng students ay nakatitig samin, anong meron? Hindi naman naming ninakaw tong pagkain. Maya-maya may pumasok at nagtilian ang mga kababaehan, exept samin at yong mga may sariling mundo.
"Kyaa~! Felonious Boys!" tili nila
Felonious? That word it seems familiar to me.
"Umalis kayo jan kung ayaw niyong mabully ng Felonious Boys" sabi ng babaeng parang kabute o mushroom.
"Why?" tanong ko.
"Upuan nila yan." Sabi niya. Naitaas ko ang kanan kilay ko.
"Sila ba ang may ari ng school na 'to?" tanong ko.
Umiling siya' sinabing "Paboritong pamangkin ng may ari ang leader nila"
"Yun pala eh tss. Pwedi naman sila maghanap at umupo sa bakanteng upuan" sabi ko. Totoo naman kasi'
"Char, umalis tayo rito, baka mapa-away pa tayo" sabi ni Yure-ni.
Yan ang pinagkaibahan namin, war freak ako siya hindi. Wag lang apihin o linlangin dahil magagalit siya't doon lalabas ang pagkamasungit at kamalditahan niya.
"Ayaw ko, mas gusto ko rito" sabi ko. Eh, gusto ko ditto dahil nga comportable ako rito.
"Bahala ka, kapag mapa-away ka wag mo akong idamay" sabi niya. Sabay alis.
Maya-maya may lumapit sakin na lalake at pinapaalis ako. Pinagmukha pa akong tanga dahil hindi ko nabasa yong nakasulat sa sosyal na karatola daw. Tss, jerk. At tinanong pa kong kilala ko siya. Artista ba siya na kilala ng lahat? Kahit sa kabilang school? Ha! Idiot. Nakipagsagotan ako sa kanya dahil badtrip ako sa kanya't tapos na rin ako. Umalis na lang ako't sabay sabing....
"BAKA!" sa Japanese kasi idiot o jerk ang ibig sabihin yon.
---------------------------------------------------
Edited: January 2015