WHEN IT'S LOVE

By zhidez

442K 6.2K 1K

Throughout high school, Rae has only really liked one person. However, after finding out that he has a girlfr... More

Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45: FINALE
Special Chapter: Her
Special Chapter: Answer
Special Chapter: Gift
Afterword

Chapter 17

7.4K 124 15
By zhidez

TWO SCHOOL YEARS AGO
Part 1

It's our second year and it's also twice as hard. Mas complicated na ang mga subjects namin at kaliwaan ang mga individual at group projects, including quizzes.

Classmates ko rin pala ulit sina Aira, William, Monique at Xander. We're all seated apart but we mostly take our breaks together. Except William of course. Kung hindi siya mag-isa somewhere, nakahilig siya sa kanyang desk at natutulog. Ano ba ang pinagpupuyatan nito lagi at parang laging inaantok o bored?

Speaking of—

"Si Rus ba ng basketball team 'yong kasama ni William-nyan?" inginuso ko ang dalawang naglalakad na tanaw mula dito sa shooting range.

Hinintay ko siyang matapos ng practice dahil sa kanila ako matutulog ngayon. Nasa out of town kasi si Ate Rose, ang pinsan kong kasama ko sa bahay, ngayong weekend kaya't kina Aira muna ako ngayong Friday. My parents are supposed to be here tonight but their flight got delayed.

Aira squinted her eyes. "Yup, siya nga. Parang nakita ko na silang magkasabay o dumating ng school dati."

"Naks, may friend naman pala si Bato e."

"Aren't we his friends as well?"

"Malay ko. Basta sure ako na naiirita 'yon sa atin kapag inaasar natin siya." I giggled. Natigilan lang ako nang mapansing inaaral ako ni Aira. Oops, baka iba pa ang isipin niya.

"Interesting," komento niya.

"Ang alin?" Dinampot ko ang aking bag mula sa ground. "Uuwi na ba tayo? Sure ka na okay lang sa parents mo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Oo naman. Ibinigay mo rin number nila sa parents mo, 'di ba?"

Tumango ako. As we left, I glanced around. Nakaalis na yata sina William at Rus. Uh, I should stop doing this before it becomes a habit.

***

Kulang na lang ay umusok ang tenga ni Aira sa nadatnan namin. Nandito si Kuya Jay sa bahay nila kasama ang dalawang mukhang kabarkada niya. Nasa sala sila at nanonood ng horror sa napakalaking smart TV. Nagkalat din ang mga snacks sa center table.

"Binili ko 'yan para sa amin ni Rae!" Ihinagis ni Aira ang bag niya sa kapatid pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa seating area. Ang amasona talaga ng babaeng 'to! I bit my lower lip to stop myself from laughing.

"Marami pa namang naiwan! Bakit, baboy ba ang pakakainin mo?! Baboy ba si Rae?! Steroids din lang naman ang ulam mo!" balik ni Kuya Jay.

He's in college but right now, they look like children fighting. Ganito ba parati ang vibe ng may kapatid? Sa ilang beses kasi na dumaan ako dito na meron si Kuya Jay ay halos ganito ang eksena.

"Oy, oy, may nanonood dito," awat sa kanila ng isa sa nasa sofa.

"Shh, baka ikaw bigwasan ni Aira," gatong pa ng isa.

Huminga nang malalim si Aira. "Rae, we're sharing the house with my idiot brother Jay and his idiots Kuya Arthur and Kuya Allen. Pinsan namin si Kuya Allen, si Kuya Arthur, napulot lang sa tabi."

"Idiot?" chorus ng tatlo. Tuluyan na akong natawa. The first one who talked earlier is Allen and the latter Arthur.

In the end, Kuya Jay cooked dinner for us to make up for them eating the snacks Aira prepared. He made pesto and it's absolutely good. Magkasama na rin kaming lima na nanood ng movie. Dahil ayaw ko sa horror, ako ang pinagpili nila. Later in the evening, lumabas sina Kuya Jay at umuwi naman ang parents ni Aira.

Bandang alas diyes na nang umakyat kami ni Ai sa kuwarto niya. After changing, I started to explore her renovated room. Instead of a walk in closet, she has a walk in library. Malawak ang kuwarto niya at may sarili pang bathroom.

"Si Mommy mismo ang nag-design nitong room ko," masayang sabi niya.

"For Aira only. Ang galing!"

Dapat ay maaga kaming matulog dahil marami pa kaming projects na gagawin bukas pero hindi namin maiwasang magkuwentuhan. It's pretty much anything under the sun. I like how I'm learning more a lot about her.

"Kapag lilipat ka sa London, huwag mo akong kalimutan ha?" sabi niya sa gitna ng usapan namin patungkol sa bahay ng parents ko sa London.

"You're my best friend so of course I won't! Tsaka hindi pa naman sure sure na doon ako papasok ng kolehiyo. Ang sigurado ko lang ay Business Management ang kukunin ko."

It was my second time in London when I visited during our break. Pa-graduate na ako ng Grade 6 nang kausapin ako ng parents ko na may magandang oportunidad na dumating sa ipinundar nilang kompanya. They were worried the transition might affect me more than them. Ipinaliwanag nila ang lahat sa akin sa paraan na maiintindihan ko. I did understand and they asked for my opinion. Hence, dito ako magtatapos ng high school at pag-iisipan ang college kapag malapit na ang panahon.

"Look at us, talking about college."

"Ikaw ba? Lilinya ka ba sa parents mo at ni Kuya Jay?"

"I'm not really sure. Si Kuya Jay, hindi naman pinilit na mag-Architecture. He chose it because he's really interested in it. Sa ngayon, gusto ko lang munang mag-focus sa school at archery."

"Sabagay. We have more time to figure ourselves out. Malay ko, biglang magbago rin ang isip ko."

"Teka nga, hindi ba dapat tungkol sa boys ang pinag-uusapan natin?"

We both shuddered mockingly. "Usapang crush ba? Bakit, meron ka?" I chimed.

"Si Shin Ah."

"Hey, he's mine!" Bumangon ako't hinampas siya ng pillow.

Shin Ah's a manga character. For starters, hindi talaga ako mahilig manood ng anime o magbasa ng manga. But recently, I got curious about this one, Akatsuki no Yona, when Aira talked about its plot. Ang kinalabasan, pati ako na-adik na rin. Kasama na niya akong nag-aabang sa new releases. May impluwensiya na kami sa isa't-isa pagdating sa books, movies at music preferences.

"Pero seryoso, Rae. Nandito na rin tayo sa topic na 'to."

"Ano?" I pouted.

"What do you think of William?"

"Si Bato? Stoic, ruthless, blunt..."

"So you don't like thim then?"

"I don't dislike him," maingat na sagot ko.

"Hindi ko sinasadya pero may nabasa ako sa English notebook mo na hiniram ko. There was this poem?"

Nanlaki kaagad ang mga mata ko. Shit, I wrote that absentmindedly. Hindi ko pa ba pinunit 'yon? No, it's okay. It wasn't that obvious!

"Ah, random lang 'yon. Not specifically dedicated to someone! At bakit naman si William kaagad ang inasume mo?" I fished.

"Noong una akala ko random din, pero—" Tumayo siya at tumungo sa bag ko. Oh my God! Kinalkal niya ang laman nito at masyado akong mahina para malabanan ang kanyang toned na braso!

Binuklat niya ang notebook hanggang sa makita ang nasa bandang gitnang pahina.

"Why is it that I always wonder
If you are okay or not?
Lean on me,
Listen to me,
I'm here for you.
Any way I see it,
Maybe I really do like you after all."

"Noong una, parang random scribble lang talaga. Ginagawa mo na kasi 'yon noong last year pa. Kaso ito... it's clearly an acrostic poem that screams WILLIAM!" pahayag niya. Ang init na ng pisngi ko kaya't nakatago ako sa comforter.

"H-hindi! Nagkataon lang!"

"This isn't the only thing I noticed. Hindi mo yata namamalayan na puro ka Bato at William-nyan sa akin nitong huli. Let's face it Rae, kaya kong asarin si William pero ikaw, may deeper conversations with him. Hindi mo man sinasabi ang mga pinag-uusapan ninyo, alam kong meron. You're the only one who can approach him naturally. Crush mo siya, ano?"

I got out of the comforter and puffed my cheeks.

"It'll pass. I just find him unique and mysterious. Wala sa isipan ko na maging mas malapit pa sa kanya o na maging kami or anything! Aira tama na please nahihiya na ako!" Inagaw ko ang notebook mula sa kanya.

"Sorry for being a bit aggresive!" She stuck her tongue out.

"Ang sama mo!" madramang sabi ko. She's laughing while I'm here embarassed and all!

"Sorry na nga. Pero paano kapag gusto ka rin pala niya? Kakasabi ko lang 'di ba? Halata naman na ikaw lang ang kinakausap niya nang maayos. He kinda teases you, too."

Natahimik ako. "I haven't really thought about that and I don't want to."

"Bakit naman?" gulat na tanong niya.

"Because I don't want to expect for more. Kaya promise me na huwag mo akong aasarin patungkol dito."

She saw how serious I am.

"Okay, I won't. Shin Ah for life, then." She gave me a hug and it was comforting. Kiniliti ko siya tagiliran para makabawi sa pambu-bully niya kanina!

Iba pala talaga kapag narinig mo na sa ibang tao ang isang bagay na pilit mong iniiwasan. It makes it more real. This is why I avoided telling Aira. I didn't want her to ask questions that might point to some things that I haven't realized yet.

---

PS: Shin Ah (シ ン ア) of Akatsuki no Yona.

Hak (ハク) is my favorite character though.

Continue Reading

You'll Also Like

36.9K 637 67
May isang tao na kahit saktan ka hindi mo kayang kalimutan. Hindi dahil sobrang tanga mo na, kung hindi dahil sadyang mahal mo lang siya. At kapag du...
4.4M 57.9K 36
The saddest thing in the world is loving someone who used to love you. Yes, I still love him, still thinking about him. His face, his laugh, his lov...
1.8K 67 18
mahal na mahal mo siya pero may mahal siyang iba at ang masaklap pa ay yung kaibigan mo na mahal din niya yung mahal mo handa ka bang i let go siya a...
Missing Piece By jdeits

General Fiction

3.2K 64 34
Will she be able to find her missing piece?
Wattpad App - Unlock exclusive features