Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XXII : Protagonist Problems

87.9K 4K 3.3K
By Serialsleeper


CHAPTER XXII:

Protagonist Problems

DANA


"Jury makinig ka muna, hindi kami masamang tao!" Giit ni Churchill at siya na mismo ang humarap kay Jury na kahit hawak man ang isang baril, bakas parin ang takot sa mukha. I don't know much about Jury since I haven't even read this book at all but for starters although they're all grown up, I know for a fact that he's the eldest among the three of them.


As what I've remembered from Cielo's stories, the protagonists in this book are three backpacking siblings. Jury being the eldest is sort of the protector kaya naman ngayon si Jury ang may hawak ng baril samantalang nasa likuran niya ang mga kapatid niyang takot sa akin. Kung tama ako, yung middle child ang isa pang lalake at youngest ang babae.


"'Wag kayong lalapit!" Muling bulyaw ni Jury nang sinubukan ni Churchill na humakbang palapit.


"No! Don't shoot! Don't shoot!" Hindi ko na napigilan pang mapasigaw sa takot. Jury is protecting his siblings and people tend to be reckless when it comes to protecting their bloodlines. At this point, anything's possible.


"Look si Boris 'to! Pinatay ako ni Boris noon! Gumaganti lang ako!" Giit pa ni Shem pero umiling-iling lamang si Jury at sinenyasan ang kapatid niyang babae at lalake na pumasok sa loob ng sasakyan nila.


"Shem!" Napasigaw na lamang kami sa inis dahil lalo lamang natakot ang tatlo dahil sa sinabi niya. I mean sino rin ba naman kasing normal na tao ang hindi magf-freak out sa actions ni Shem lalo pa't may hawak siyang yuping ulo.


"Jury mapapahamak kayo ng mga kapatid mo! Jury mga karakter kayo sa isang libro!" Sigaw ni Churchill pero imbes na makinig ay pumasok lamang si Jury sa sasakyan habang nakatutok parin sa amin ang kanyang baril.


"Mga baliw kayo!" Sigaw ng kapatid niyang babae sa amin sabay ayos ng suot niyang salamin.


"Si Dondy! Mababangga ang sasakyan niyo at haharangin niya kayo! Yung narinig niyong humihingi ng tulong sa radyo?! Patay na siya!" Muling giit ni Church dahilan para lalong magulat at maguluhan sina Jury.


"Teka paano niyo nalaman—"


"Nasa panganib kayo! Hindi niyo pa alam kasi hindi niyo pa nakikita ang mga bangkay! Nasa umpisa pa lang kayo ng kwento! Mapapatay niya si Harold at hahabulin niya kayong dalawa ni Elaine! Kayo ang bida sa kwentong 'to pero kayo rin ang pinaka pahihirapan niya kayo! Makakakita kayo ng isang sasakyan sa gitna ng daan pero hindi niyo ito papansinin! Hindi niyo alam na may bangkay doon kaya nilagpasan niyo ito hanggang sa biglang mababangga ang sasakyan niyo dahil sa kay Dondy—" Hindi na natapos pa ni Churchill ang sinasabi nang bigla na lamang nilang pinaharurot ang sasakyan at naiwan kaming nakapako parin sa kinatatayuan.


"Sorry hehe." Mahinang sambit ni Shem.


****


"Teka ibig sabihin nasa tayong kwento?!" Bulalas ni Gino habang naglalakad kami sa gitna ng dilim, magkaka-hawak ang mga kamay at sinusundan si Churchill na siyang nangunguna sa paglalakad. Siya ang nakapagbasa ng librong 'to kaya kahit papaano, siya ang may alam.


"We're not going to force you to believe us, we just have to pull our shits together." Sabi ko na lamang bago pa niya ulit kami mapagbintangang mga siraulo. Kahit sino rin naman siguro, hindi rin maniniwala sa gulong kinasasangkutan namin.


"But we can still get home right?" Tanong ni Wena na nakahawak sa kamay ko.


"We will. Sermon nalang ng ermats niyo ang alalahanin mo." Sambit ni Gino na animo'y ayaw pag-alalahin si Wena. Now that Axel's not around, it's as if si Gino ang humahalili bilang kuya niya.


Habang naglalakad kami ay pansin kong tahimik lamang si Shem na nasa unahan ko. Dala niya parin ang ulo ni Boris pero this time inilagay na niya ito sa helmet niya.


"Don't feel bad. Those protagonists are useless." Sabi ko na lamang para naman 'wag niyang sisihin ang sarili niya.


"Paano kung ang paraan lang para makaligtas tayo ay kung didikit tayo sa kanila?" Paghihimutok ni Shem kaya naman napabuntong-hininga na lamang ako.


"But what if we're in much more danger if we're with them? What if—" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang mahinto si Churchill. Dahil sumusunod kami sa kanya, parang nagkaroon ng domino effect sa pagitan namin at nahinto kami sa kinatatayuan.


"Paano kung ngayong andito na sila sa lugar na'to, lubayan na tayo ni Dondy?" Biglang bulalas ni Churchill kaya naman hindi namin mapigilang makaisip.


"Villains always go for the protagonists. Kung sila ang bida, sila ang hahabulin." Komento naman ni Gino dahilan para bahagyang gumaan ang pakiramdam ko, "Teka ano bang ending ng kwento?" Tanong pa ni Gino.


Matagal bago muling nakasagot si Churchill.


"Hindi ko natapos ang libro."


Oh shit.


****


"Oh sweet heavens." Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga nang makarating kami sa isang shopping mall. Hindi man kalakihan, sigurado namang may mapapakinabangan kami dito, mabuti nalang talaga at naalala ni Churchill ang isang shopping mall na malapit sa fountain kung saan kami inatake ni Boris.


Napakadilim at iisang flashlight lamang ang meron kami. Nakakakilabot ang labis na katahimikan lalo pa't nasa isa kaming malawak na gusaling may tatlong palapag. Napakaraming mga basag na salamin at sirang gamit sa paligid. May bahid ng mga dugo at naiwang mga gamit, sa gitna ay isa ulit malaking fountain ngunit imbes na tubig, napakaraming naaagnas na bangkay ang nakapaligid rito. Siguro magandang bagay narin 'tong wala masyadong ilaw, atleast hindi namin masyadong makikita ang mga bangkay kaso yun nga lang mahihirapan rin kaming makita ang maaring panganib.


"Generator... Alam ko kung paano magpagana ng mga generator." Sambit ni Shem pero agad na sumalungat si Gino.


"Kung may mga tao—o kung anong halimaw ang nagbabalak pumatay sa atin, mas mabuting walang kuryente dito para 'wag nila tayong mapansin." Giit ni Gino dahilan para umakyat na lamang kami sa escalator.


Napakabagal namin habang umaakyat ng escalator. Dahil walang kuryente at napakadilim, kapit tuko kami sa mga railings habang dahan-dahang humahakbang sa mga maliliit na baitang. Oo nga't may flashlight kami pero hindi ito sapat para maliwanagan kaming lahat habang umaakyat.


"Asan ang department store nila dito?" Tanong ko kay Churchill.


"Libro lang nabasa ko Dana hindi citizen handbook." Sarkastikong tugon niya kaya napangiwi na lamang ako.


"IKEA!" Biglang bulalas ni Shem nang makarating kami sa pangalawang palapag kakahanap ng maayos na mapagpapahingahan. Parang nawala ang lahat ng pagod ko nang mangita kong tama si Shem, malapit sa amin ang Ikea.


Sa isang iglap, nagtakbuhan kaming lahat papasok sa store ng IKEA. For a moment, we're relieved, relieved kasi kahit papaano ay may mapapagpahingahan kami ng maayos since alam naming napakaraming furnitures doon kabilang na ang naglalambutang mga kama.


"My God!" Napa-plakda agad kaming lahat sa unang kamang nahanap namin. Napakalaki nito kaya nagkasya kaming lahat.


"Shit gustong-gusto ko nang matulog ng mahimbing." Nangungulilang sambit ni Shem na ngayo'y hindi na suot ang helmet niya dahil pinaglagyan na niya ito ng ulo ni Boris at iniwan niya ito sa ilalim ng kama. Nakakapanibago makitang walang helmet na suot si Shem. Nakikita ko na ulit ang overgrown niyang manipis na buhok na kulay brown.


"Pagkain nalang solve na ako." Sambit naman ni Churchill na parang isang batong nakadapa sa kama.


"Mas malambot pa 'to kesa sa kama ko!" Komento naman ni Wena habang yakap-yakap ang kanyang unan.


"Pagkain nalang kulang!" Sabi pa ni Gino.


Kahit sobrang lambot na ng kinahihigaan namin at mukhang ligtas pa kami mula sa kapahamakan, hindi ko mapigilang kabahan at mag-alala. I still don't know what happened to Raze. We still haven't found him or Axel. They could be everywhere. They could be in danger. And may God forbid; they could be dead.


I felt cold when I touched the blanket I was lying on. It dawned to me that I was still wet and cold from being thrown to the fountain by Boris so I decided to stand up, grabbing the emergency light located atop the closet not far from us.


"Ate saan ka pupunta?" Tanong ni Wena kaya naman agad silang lahat na napatingin sa amin.


"Pupuntahan ko lang yung boutique sa tabi, kailangan kong magpalit ng damit. Baka lamig pa ang maging dahilan ng kamatayan ko." Sabi ko na lamang.


"Sasamahan ka namin. Hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay ulit." Sambit ni Shem.


"I made it alone when Raze suddenly disappeared. It's okay I can handle myself." Giit ko sabay labas ng kutsilyo ni Raze na naitago ko pa sa bulsa ko, "And besides katabing-katabi lang nitong IKEA ang boutique." Dagdag ko pa.


"Ate sasama ako, magpapalit rin ako. Ayokong mamatay na nakasuot parin ng uniform na'to." Giit ni Wena kaya nagkatinginan kami nila Shem. I'm starting to like this kid.


"Gusto kong sumama kasi basang-basa narin ang damit ko pero ayaw kong humiwalay sa kamang 'to. Sumigaw ka nalang Wena kung may problema." Tila ba wala sa sariling sambit ni Gino dahil sa pagod at antok.


"I can handle this." Paniniguro ko na lamang sa kanila, "You have to trust me on this."


*****


"I've always dreamed of shopping for free pero hindi sa ganitong sitwasyon." Bulalas ni Wena nang makapasok kami sa boutique na may katamtaman rin ang laki.


"Well then consider this as a perk of the Dondy Apocalypse." Pabiro ko na lamang na sambit sabay lapit sa mga dress sections, "and Wena.." tawag ko dahilan para muli siyang mapalingon sa akin, "You're not going to die."


"We will eventually, you don't have to make me feel better kasi parte narin 'yon ng cycle ng buhay. Sabi ni Kuya, nakakatakot mamatay pero hindi naman daw tayo dapat matakot sa kamatayan. Iisipin ko nalang na tama siya." I sense the sadness in her voice and face pero alam kong gaya ko, pinipilit niya ring magpakatatag. Sa sinasabi at kinikilos ngayon ni Wena, malayo ito sa Wena na nasa loob ng nasusunog na apoy. Iba rin talaga ang nagagawa ng takot.


I used to think fear was just a state of mind, kumbaga product ng ayaw nating mangyari. Pero ngayon pakiramdam ko isa itong Black hole.... Isang klase ng celestial body na kailan may hindi natin maiintindihan kahit alam natin ang tungkol dito.


Fear can be likened to a black hole because once we get ourselves sucked into the cold abyss of fear, we'll slowly crumble to the point that we ourselves cannot escape it, we'll think of ways to get away but it will always be there, uncertainty will always be there until we let it get a hold of our feelings, our lives, our decisions... Confusion, disparity, a total wreck that will likely lead to our doom.


Dahil isa lang ang dala naming flashlight, magkasama kami ni Wena sa paghahanap ng damit. Wena could be young pero pinagpala sa height, she said she was just fourteen pero halos magkapareho na ang height namin.


"Ate mukhang bagay sa'yo to oh." Bigla niyang sambit at nagulat ako nang makita kong hawak niya ang isang blue dress... The same blue dress that I wore on Church's birthday party. The same floral blue dress that I was wearing when my life was crumbled to pieces.


***


"Oh my God..."


Gulat na gulat ako dahil nang mahubad ko ang jacket at t-shirt ko ay tumambad sa akin ang naglalakihang mga pasa sa katawan ko. Expected ko nang may pasa ako sa sikmura gawa nang madaganan ni Shem pero hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng mga maliliit na sugat sa braso at pati na sa leeg.


"Ate anong nangyari diyan?" Gulat ring tanong ni Wena.


"N-nothing. Perks of this world." Sambit ko na lamang.


Wena and I were both smiling as we were both looking at our reflections. We only had a single flashlight so we had to share the mirror and fitting room.


Wena was just wearing a simple shirt and knee-ripped jeans but she still looked pretty and youthful. Magkapatid nga sila ni Axel kasi kapwa sila may inosenteng aura na hindi mo pag-iisipan ng masama. I just hope they'll found each other... na sana wala na ulit mawala sa buhay ni Axel pagkatapos ni Cielo, na sana wag mawalan si Wena ng kapatid.


"Ate, ba't ka umiiyak?" Tanong ni Wena at nang muli kong ibinalik ang atensyon sa repleksyon ko, nakita kong umaagos na pala ang luha ko.


"May naalala lang ako." Sambit ko na lamang at lumabas mula sa fitting room para kumuha ng jacket na magiging kasangga ko sa lamig na lagi kong nararamdaman. Nang makakuha ng denim jacket, biglang naagaw ng pansin ko ang isang kulay blue na scarf—kaparehong-kapareho ng laging suot ni Cielo.


"Ang cute! Bagay 'to sa dress mo!" Biglang bulalas ni Wena na nakita pala ang scarf. Dali-dali niya itong kinuha at siya na mismo ang naglagay sa leeg ko.


"Ate bakit? Ayaw mo ba nito?" Tanong niya kaya umiling-iling na lamang ako habang pinipilit ang sarili kong ngumiti.


"I really like this scarf. It reminds me of someone special." Sambit ko na lamang.


Habang isinusuot niya ito sa akin ay hindi ko na napigilan pa ang lalong pag-iyak. Alam kong takang-taka siya pero mas pinipilit niyang huwag magtanong.


*****


Bumalik kami sa IKEA at kapwa kami nagtaka ni Wena nang maabutan naming nag-iisa si Churchill sa kama. Mukhang himbing na himbing siya sa pagtulog at nakanganga pa. Matagal ba talaga kaming nawala?


"Churchill... Churchill... Churchill..." I don't want to freak him out pero kahit na anong bulong at tapik ko sa kanya ay hindi siya nagigising kaya naman wala na akong choice kundi sigawan siya sabay hampas sa paa balikat niya.


Napabalikwas si Churchill. Gulong-gulo ang buhok at pulang-pula ang mga mata. Mukhang litong-lito siya habang pinupunasan ang laway sa gilid ng bibig niya. Naalimpungatan yata.


"Ay sorry kayo pala." Napangiti na lamang si Churchill nang mahimasmasan.

"Nasan sina kuya Gino?" Tanong agad ni Wena.


"Bumaba sa grocery department pagkatapos niyong umalis. Hindi nakatiis ng gutom." Paliwanag ni Churchill kaya naman naupo na lamang kami ni Wena sa isang tabi. Kahit nakabihis at naka-jacket na, as usual sobrang lamig na naman kaya nanguha na lamang ako ng kumot at itinalukbong ko na lamang ito at niyakap na para bang isang kapa.


Naghintay kami ng naghintay para sa kanila. Ang pagod namin at antok ay unti-unting napalitan ng pag-alala kaya naman napagpasyahan naming sumunod na lamang sa kanila nang magkakasama.


****


Imbes na sa escalator, mas pinili naming dumaan sa hagdan upang malayo kami sa naglalakihang mga pinto ng mall. Dalawang flashlight ang meron kami na nakuha namin mula sa ikea, ang isang flashlight ay kapwa gumagabay sa amin ni Wena samantalang hawak naman ni Churchill ang isa.


Nang makarating kami sa pinakahuling baitang ng hagdan ay agad na bumungad sa amin ang isang pinto at ayon dito, nakarating na kami sa basement area kung saan naroroon ang grocery department.


Gaya kanina, si Churchill muli ang nauna at siyang bumukas ng pinto. Agad na sumalubong sa amin ang nakakasulasok na amoy ng mga bangkay. Sa sobrang sangsang muling nasuka si Wena pero kami ni Churchill, mukhang nasanay na dahil sa dami ng napagdaanan na namin.


"Shem?! Gino?!" Bulalas ni Churchill nang makarating kami sa hilera ng mga counter na binabalot rin ng kadiliman.


"Shh!" Sita ko kay Churchill.


"Wala si Dondy dito. Hinahabol niya ang mga bida ngayon." Giit ni Churchill kaya nanahimik na lamang ako at sumunod sa kanya habang hila ang takot na takot na si Wena.


"Teka ate..." Biglang sambit ni Wena at nang mapalingon ako sa kanya ay napansin kong nakapako ang atensyon niya sa aisle kung saan naroroon ang mga chichirya. Hindi mahagip ng liwanag ng flashlight ang buong aisle kaya naman napagdesisyunan naming lumapit rito.


"Bakit?" Tanong ni Churchill.


"I saw something sparkle nang matamaan kanina ng liwanag ang aisle." Giit ni Wena na siyang nangunguna sa patungo sa gitna ng aisle.


"Sparkle? Ano naman ang panggagalingan ng—" Nahinto kaming lahat sa kinatatayuan nang bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na palahaw ni Wena habang nakatitig sa sahig. Dali-dali namin itong tiningnan at kahit ako rin ay nanlumo nang makita ang isang piraso ng duguang tenga na may piercings pa.


"Don't look at it.. Wena just look at me okay? Wena..." Niyakap ko na lamang si Wena habang siyang pinapaharap sa ibang direksyon.


"Hindi!" Narinig kong bulalas ng nanlulumong si Churchill habang nakatingin sa dulo ng aisle. Sa gulat ay kapwa kami napatingin ni Wena sa direksyon nito at kahit kami ay nagsigawan rin sa nakita—si Gino, nakabulagta sa sahig at nakahiga sa sariling dugo.


"Kuya Gino!" Hindi ko na napigilan pa si Wena nang kumawala siya mula sakin at nagtatakbo patungo sa bangkay ni Gino. Sinubukan namin siyang habulin ngunit huli na, nakita na ni Wena ang masaklap na kinahantungan ni Gino—wakwak ang tiyan at dibdib, gaya ng ibang mga bangkay na nakita namin ay dinukot rin ang mga mata niya at halos hindi na makilala ang kanyang hitsura, kung hindi dahil sa suot niya malamang hindi na namin siya makikilala.


"Shem..." Muling rumagasa ang luha ko nang maalala ko siya, "Churchill si Shem!" Hindi ko na napigilan pang humagulgol.


"Shem!" Napasigaw si Churchill at dali-daling sinundan ang bahid ng mga dugo.


"We have to go.. Wena we have to go.." Awang-awa man ako sa kanya, kinailangan ko siyang hilahin palayo sa bangkay ni Gino bago pa man mahuli ang lahat.


Naabutan namin si Churchill ngunit sa puntong ito ay nakatayo lamang siya habang nakatitig sa sahig. Nang lapitan, kahit ako ay nanlumo sa nasaksihan—Nakatiwangwang lamang sa sahig ang helmet ni Shem na ngayo'y wasak na.


"Tara na..." Umiiyak na sambit ni Churchill, "Umalis na tayo rito!" Sigaw na lamang niya.


****


Wala sa aming nagsasalita. Tahimik man kami sa pagkaripas ng takbo, lahat naman kami ay luhaan at labis na nasasaktan.


"Churchill!!!"


Nahinto kaming tatlo nang makaating malapit sa fountain na nasa ground floor. Nang lumingon ay mas lalo pa kaming nagulat nang makita namin silang bumababa mula sa escalator at patungo sa direksyon namin—ni isa sa amin ay wala nang nakapagsalita nang mapagtantong ang mga ito ay sina Jury at kanyang mga kapatid.


Napatingin ako kay Churchill at wala akong ibang nakita sa mukha niya kundi galit. Sa tagal naming kilala si Churchill, ito ang unang beses na nakita ko ang ganitong klase ng galit sa mga mata niya.


"T-tama kayo! Andaming mga bangkay!" Bulalas ni Harold, isa sa mga kapatid ni Jury.


"Ano ba talagang nangyayari dito?" Bulalas naman nung Elaine.


"Churchill sino ang may gawa nito? Bakit niya ginagawa 'to?!" Bulalas naman ni Jury, nanginginig ang mga kamay habang hawak ang kanyang baril.


"A-nong ginagawa niyo dito? B-bakit kayo nandito sa mall na'to?" Naguguluhang sambit ni Churchill kasabay ng pagpatak ng luha niya.


"Nakita namin ang asul na sasakyang sinabi mo na may bangkay. Naalala ni Harold ang sinabi mo kaya tiningnan namin at tama ka! Nagbakasakali lang kaming baka andito kayo." Paliwanag ng natatarantang si Jury habang palinga-linga sa paligid.


"Kasalanan niyo..." Bulalas ng luhaang si Wena, "Dinala niyo siya dito. Ate dinala nila yung Dondy dito!"


"Lumayo kayo sa amin." Bulalas ni Churchill. Wala akong ibang nababakas sa boses niya kundi matinding galit.


"Subukan niyo kaming sundan at ako mismo ang papatay sa inyo!" Buong lakas na pagbabanta ng galit na galit nang si Churchill at hinila kami upang tumakbo.



END OF CHAPTER 22.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
4.2K 121 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
485K 25K 199
ODONG HUNTERS #1 PART 1 & 2 • Bisaya Short Story • Epistolary "Para sa mga gipangchar-char lang." FIRST WATTPAD'S BISAYA STORY. Date Started: Decemb...
865K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...