Fifth Section (Completed)

By simplestabBer

89.6K 2.6K 151

Paano haharapin ng isang buong klase ang matinding suliranin dulot ng paghihiganti mula sa nakaraan? Labing-w... More

Foreword
Prologue
chapter 01 | hellcome
chapter 02 | the game of emo
chapter 03 | savior's key
chapter 04 | opprobium
chapter 05 | forsaken
chapter 06 | the possible suspects
chapter 07 | high-and-mighty
chapter 08 | forthcoming death
chapter 09 | unlucky seven
chapter 10 | melodic fear
chapter 11 | encounter
chapter 12 | the newbies
chapter 13 | secrets to be unfold
chapter 14 | press it
chapter 15 | red rose
Chapter 16: Voiceless
Chapter 17: Agreement
Chapter 18: Betrayal
Chapter 19: Conspirator
Chapter 20: Dreadful celebration
Chapter 21: The girl who betrayed the most
Chapter 22: The newest member from Hell
Chapter 23: Blame on Flames
Chapter 24: Blind Reality
Chapter 25: His Secret
Chapter 26: The Burn Agenda.
Chapter 27: Farewell, lover boy!
Chapter 28: To drink or to live?
Chapter 29: Bumped to the reality.
Chapter 30: Hatred and Vengeance
Chapter 31: Revival from the past
Chapter 32: False Alarm
Chapter 33: Incognito
Chapter 34: Friend slash Foe
Chapter 35: The Vengeful War
Chapter 36: Jailbreak
Chapter 37: Deceitful Truth
Chapter 38: Devil around me
Chapter 39: Case closed
Chapter 40: Color Coding
Chapter 41: The Rebel's Fall
Chapter 42: Unmasked
Chapter 43: What love can do
Chapter 44: One of the answers
Chapter 45: She may be the answer
Chapter 46: Pick one and sacrifice
Chapter 47: Doomed Discovery
Chapter 48: Hide and Seek (1.2)
Chapter 48: Hide and Seek (2.2)
Chapter 49: Payback
Epilogue
Note
Stabbuh's note
Plug once again.

Chapter 50: It Ends Tonight

1.4K 35 0
By simplestabBer

Chapter 50:
It Ends Tonight
Emmanuelle’s POV

Dali-daling umalis ang mga pulis. Mabuti naman at sa puntong ‘to, may magagawa na sila para tulungan kami. Mabuti na lang din at nagtagumpay kami. Pero kamusta na kaya sina Jaypee at ang iba pang natitira naming kaklase?

“Mukhang dapat din tayong sumama sa kanila,” wika ni Clark at nginuso ang bago pa lang aalis na sasakyan ng pulis. Napabuntong-hininga ako at umiling. “Hindi,” pagtanggi ko. Tinapunan naman nila ako ng tingin.

“Kung may dapat man tayong puntahan, hindi na ang resort na ‘yon. Tapos na tayo do’n at wala na tayong kailangan pa. Hayaan na lang natin silang lumutas ng problema doon,” dagdag ko. Muli kong tinignan ang parehong black gown namin ni Louisse. Halos hindi na namin naalalang nakasuot parin kami ng gown dahil sa kabang kanina pa namin nararamdaman. May parte ng isip ko na nagsasabing, dehado na kami pero may katiting na posibilidad na mayroon parin kaming pag-asa.

Napansin kong, pinagtitinginan na kami ng mga pulis dito. Mukhang, interesado parin sila sa mga pinag-uusapan namin. Pero hindi na sila pwedeng maikalam pa dito. Problema na ng section namin ito. Kaya nga ito binansagang sikreto ng klase dahil kami lang ang nakakaalam. Tanging ang Fifth Section lang.

Hinigit ko sila palayo. Pasimple kaming lumabas ng police station. Umupo muna kami sa isang maliit na bench. Pero may nakita akong isang envelope na nakalagay dito bago kami umupo kaya binuklat ko iyon at hindi nagdalawang-isip na basahin ang nilalaman.

The gorgeous but dangerous refers the newest.

And fulfilled by vengeance that would killed the rest.

Now, she would rise and grab our sight,

Letting us to show, how she’s going to end the night.

Napakunot ang noo ko nang mabasa ang isang tula na nasa ikaunang papel. Parang kinilabutan ako bigla sa hindi ko malamang dahilan. Iniisip ko, may kinalaman kami dito sa tinutukoy ng tula. Pinabasa ko naman ‘yon sa kanila at ganun din ang naging reaksyon nila.

“Shit!” mura ni Louisse. Napatingin ako sa kanila at kitang-kita ko ang seryoso nilang reaksyon habang pinagmamasdan ang papel na kaninang binigay ko.

“Bakit? May nalaman kayo?” diretsa kong tanong kaya tumango-tango siya. Napakunot ang noo ko at narinig ko na lang ang buntong hininga nilang dalawa. “The gorgeous, newest, mukhang kilala ko kung ano ang tinutukoy dito,” sagot ni Louisse. Tss. Bakit kaya ayaw pa nila akong diretsohin e? Gusto pa talagang mapapaisip ako.

“Ano?” sarkatiko kong sabi. “Hindi ano, kundi sino,” sabat naman ni Clark kaya nanlaki ang mata ko. So ibig sabihin, naintindihan na nila kung ano ang tungkol dun sa tulang ‘yon? At totoo ang kutob kong, may kinalaman nga ito sa amin? Holysh*t!

“Oh, sino nga?” naiirita kong sabi. Kanina pa nila ako binibitin. Akala naman nila’y nag-eenjoy pa ko sa mga nonsense nilang sinasabi.

“Oh my! I’m not sure pero, mukhang kilala na namin kung sino ang killer. ‘Di ba Clark?” sambit muli ni Louisse na binitin na naman ako. Ano ba talaga ha? Mag-iinisan na lang ba kami dito? Kanina pa siya ha!

“Spill it, dude! Kanina pa ko nasasabik na malaman.” Umayos ito ng upo at tumingin sa akin ng diretso. Maya-maya’t binuka niya ang bibig niya at kahit walang lumalabas na boses dito, kinilabutan ako sa taong napagtanto ko.

***

Joyce’s POV

Napatakip ako ng bibig nang makita namin ang kalunos-lunos na itsura nila. Silang apat, anong nangyari sa kanila? Halatang sobrang hirap ng pinagdaanan nila. At bakit ganito ang nangyari sa ulo ni Irvin at Jaypee? Parang pinasabog ng kung ano? Nakakadiri.

Lumapit naman kami kina Grace at Janine na parehong may saksak sa kanilang tiyan at duguan.

“Kailangan nating makita sina Rovie. Saan naman kaya nagtatago ang mga ‘yon?” pambabasag sa katahimikan ni Ian. Nakatayo kami dito ngayon sa open ground katapat ng tatlong building ng aming school. Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong makitang ni anino ng mga killer. Pero malakas ang kutob kong, alam na nilang nandito kami. Kailangan parin naming maghanda.

“Dun tayo sa Cafeteria. Mas makakapagplano tayo ng maayos dun,” wika ko pero napakunot ang noo nilang lahat. Hindi sila sang-ayon sa akin. “Delikado. Baka makasalubong natin sina Rovie,” napapraning na sabi ni Erika. Bumuntong hininga ako at muling pinagmasdan ang kabuuan ng paaralan. Wala paring nagbabago.

“Mukhang ‘yon ang tamang lugar na kailangan nating puntahan. Malakas ang kutob kong may madidiskubre tayo doon. Hindi ko lang alam kung ano pero nararamdaman kong, makakatulong sa’tin kung pupunta tayo doon,” maotoridad na sabi ni Ian habang nakaturo sa Library. Tiningnan namin iyon pero nakasarado. Maski ako ay nakakaramdam ng katulad ng kay Ian pero katulad nga ng sinabi niya, hindi kami nakasisiguro. Para lang kasing may malakas na presensiyang humahatak sa amin para pumunta doon.

"Library? Oh my. May phobia na ko don!" napapraning na sabi ni Erika. Oo nga pala. Diyan siya muntikan ng mapatay.

"But we need to do it. We need to know all of the secrets!" pilit ni Ian. Sarkastikong ngumiti si Erika na parang may gusto na namang sabihin.

"Yeah and that secrets just ruined our lives. You know what, mula ng lumipat tayo dito, happiness on us that supposed to be just fade away. Dahil sa mga sikretong madudugo. And worst, sikretong nagwasak ng buhay ng karamihan!" giit nito kaya't natahimik kami.

Hindi na namin alam kung paano pa maayos ang kaguluhang ito. Tama nga naman si Erika.

"Yes, Erika. You have a point. Pero you know what, we already start the game. Wala ng atrasan. Wala ng bawain. We can't just run and quit the battle. Tapusin na lang natin ito." At dahil sa sinabi ko, muling natahimik ang lahat.

Napabuntong hininga siya at pumayag na rin. Siguro naman ay hindi na mauulit pa ang nangyari sa kanya sa library noon.

Tumakbo kami papunta doon. Mabilis naman itong nabuksan dahil hindi nakakandado. Binuhay namin ang ilaw at bumungad sa amin ang napakatahimik na silid-aklatan. Walang kakaiba. Wala kaming nakita ni anino nila.

“Wow ha! May nadiskubre nga tayo!” sarkastikong sabi ni Kristine habang nakangiti. Napailing na lang ako at natawa sa aming pagkakamali.

Lumabas kami at doon, halos lumuwa ang mata ko nang makakita ng isang pamilyar na pigura sa harapan namin. Nakasuot siya ng itim na coat at may necktie na kulay blue. Nakangiti ito sa amin at para bang may pagbabanta sa mga tingin na ‘yon.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ng kanina pang tahimik na si JA. Hindi nawala ang ngiti sa mukha ni Mr. Medina na parang inaasar pa lalo kami. “Kayo, kayo dapat ang tanungin ko niyan,” sarkastiko niyang sagot.

“Hula ko, isa ka sa mga killer. Halata naman e. Mukha ka kasing demonyo!” ani Erika kaya nanlaki ang mata namin sa inasal niya. “Hindi ba, may kasunduan ka sa isang tao? Na papatayin mo ang buong section namin dahil may kapalit? Tama ako diba? Kaya mo inassign sa amin ang bawat number namin alphabetically sort of first name. Kaya mo din pilit na ibinabalik ang Something Death noon sa bunutan. Dahil gusto mong magpatayan kaming lahat. Dahil kasabwat ka!” dagdag ni Erika at mas lalong tumaas ang tensyon sa pagitan namin kay Mr. Medina.

Unti-unting napawi ang ngiti ng guro. Pati ako ay hindi malaman kung dapat ko bang paniwalaan si Erika. Kung tama siya, saan naman niya nalaman ang mga bagay na sinasabi niya? At bakit ngayon niya lang ito sinasabi sa amin?

“Saan mo nalaman ang lahat ng ‘yan?” seryosong tanong ni Mr. Medina. Ngumiwi naman si Erika at parang handang-handa na sa kanyang balak isagot. “Kay Trixie,” tipid niyang sagot na mas lalong nagpagulo sa amin. Si Trixie? Alam ni Trixie ang bagay na ito?

“P-Paano n-nalaman ng w-weirdong ‘yon ang tungkol d-dito?” nauutal-utal na tanong ni Mr Medina. “Mahabang kwento. Pero masasabi kong, dahil ‘yon sa katangahan mo. Saklap diba?” muling sabi ni Erika. Sinubukan namin siyang pigilan pero ayaw parin niyang magpaawat.

Bigla na lang ngumiti si Mr. Medina at ilang sandali ang lumipas, naramdaman ko na lang na may tumusok na matilos na bagay sa leeg ko. Tiningnan ko ang nasa likuran ko, at nakita kong, may tatlong taong nakasuot ng maskara at tinurukan kami sa leeg. Unti-unti, nanlabo ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.

***

Ian’s POV

Nagising ako at hindi ko inaasahang, walang gapos ang kamay at paa ko. Tiningnan ko ang paligid at sobrang dilim. Wala akong makita o maramdaman man lang na kakaiba. Para akong naglalakad sa kawalan.

“Erika! Joyce? JA? Kristine!” paghahanap ko sa mga kasama ko pero walang sumasagot sa kanila. Muntik na akong mapasigaw nang biglang nagkailaw sa harap ko’t nakita ko sila na nakahiga’t walang malay. Wala din silang gapos katulad ko kaya nilapitan ko sila at isa-isang ginising.

“Nasan tayo?” tanong ni JA habang kapit-kapit ang ulo niya. Tiningnan namin ang paligid. Napakunot ang noo ko nang mapagtantong, nasa auditorium kami. “Auditorium? P-Paano tayo nakarating dito?”

Imbis na sumagot sila ay tumahimik lang sila at naglakad-lakad. Nasa left side lang kami at iyon lang din ang nasasakop ng ilaw. Pupunta na sana ako sa may bandang gitna na hindi nasasakupan ng ilaw nang biglang mamatay ang tanging nakabuhay na ilaw na iyon. Muling nawalan ng liwanag kaya’t muli akong nakaramdam ng kaba.

“Ian? Joyce? Nasan kayo?” Ramdam ko ang kaba ni Erika sa kanyang boses at alam kong naghahanap na rin siya ngayon. Hahakbang na sana ako nang muling magkaroon ng ilaw pero iyon ay nakatutok sa gitna. Nanlaki ang mata ko nang makita namin ang tinatapatan ng ilaw.

“Rovie? Blaze? Julie?” sabi ko at tiningnan silang tatlo na nakaupo sa upuan, nakagapos at may busal ang bibig. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Akala ko ba, sila ang mga killer? Pero bakit parang sila ngayon ang biktima?

Nagpupumiglas silang tatlo na parang kanina pa gustong-gustong tumakas. Napailing ako sa nakikita kong sitwasyon. Bakit kami ang nanunuod ngayon sa kanila habang sila naman ngayon ang nagdudusa? Sino ba talaga ang may pakana ng lahat ng ito?

Gumalaw ang spotlight at nawalan ng liwanag sa kanila. Napunta ang liwanag sa isang babaeng, maputi, medyo matangkad at nakasuot ito ng kulay pulang bestida. Makapal ang kangyang lipstick at parang ang lakas ng dating niya.

“Maglalaro na naman tayo,” wika nito. Parang nabingin ako nang marinig ko ang matinis at malakas niyang boses. S-Siya ba? Ano namang atraso namin sa kanya?

“Sino ka?” lakas loob kong sabi. Tumingin siya sa direksyon ko kahit alam kong hindi niya ako nakikita dahil sa madilim ang bahaging kinatatayuan ko ngayon. “Ako si Ronna Gaiza. Ang nanay ng kaklase niyong si Riyalyn.” Napalunok ako ng mariin nang marinig ang pangalan ni Riyalyn. T-Teka, pinaghihigantihan ba niya ang anak niya? Ibig sabihin, sina Blaze talaga ang totoong killer? Pero hindi. Alam kong sangkot pa si Mr. Medina dito dahil siya ang may hawak sa amin noon. Noong araw na namatay din sina Lorence, Barren at Kennedy. Nakaligtas lang ako noon pero alam kong si Mr. Medina ang demonyong may hawak sa amin.

Matapos magpakilala ng babae ay lumapit siya sa kinaroroonan nila Rovie at pinagsasampal ang tatlong nasa gitna. Lalapitan ko na sana siya para pigilan nang makita ko sa spotlight ang dalawang teacher din namin. Si Mr. Medina at si Ms. Reynes na parang kakampi nitong si Ronna.

“Kayo ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko! Magdudusa kayo,” sigaw ni Ronna kina Blaze. Nanatili lang kaming nakatayo sa kinaroonan namin at nanunuod sa maliwanag na bahagi ng auditorium.

Gulong-gulo na ang buhok ng tatlo at mas lalo pa silang nagpumiglas. Nagulat kami nang biglang tutukan ng baril ni Ronna si Julie at parang may balak nga siyang ituloy ito.

"Marahil ay hindi niyo pa ako lubusang kilala. Ako lang naman ang nag-iisang babaeng kayang manipulahin ang lahat ng pangyayari. 18 years ago, nanalo ako sa laro. Pinagtulungan din ang aming section pero hindi nila ako kinaya," pakilala niya sa kanyang sarili na parang pinagmamalaki pa kung gaano siya kasamang tao.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa tatlo.

"At ngayon, nanalo na naman ako. From the past, bloody happenings returned. At kayo naman ngayon ang mga naging laruan ko." wika pa niya.

Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Nanay ba talaga ni Riyalyn 'to? Bakit hindi niya katulad ang anak niya? Malaki ang pagkakaiba nila.

“Mamili kayo, papatayin ko kayong lahat na natitira o papatayin ko ang Julie na ‘to?” Mas lalo siyang nanggigil. Nagkapit-kamay kaming lima habang nakatingin parin sa mga nangyayari. Walang gustong magsalita sa amin. Lahat kami, natatakot sa maaaring mangyari.

“Mamili kayo!” pag-uulit nito at mas lalo pa niyang tinaasan ang boses kaya mas lalo akong kinabahan. “S-Si Julie na lang po,” sagot ko. Hindi na nagdalawang isip pa si Ronna at tinadtad ng baril si Julie hanggang sa mangisay ito at mawalan ng buhay. Napalunok ako nang makita ang mga dugong umaagos sa bangkay niya.

“Pasalamat ang Julie na 'yan dahil hindi siya masyadong nahirapan. At ikaw naman anak ng principal,” dagdag nito. Parang nakaramdam ako ng konsensya nang piliin kong, si Julie na lang ang mamatay kaysa kami. Pero, ano pa bang magagawa ko? Ang hirap ng sitwasyon namin ngayon. Kahit sino, maiintindihan kung bakit siya na lang ang pinili naming isuko ang buhay.

Pero para sa akin, hindi parin patas ang ginawa ni Ronna. Masyadong madali ang ginawa niyang pagpatay kay Julie. Marami ng napahirapan silang tatlo at hindi dapat sila mamatay ng ganun lang kadali. Hindi naman sa kinakampihan ko si Ronna pero ‘yun ang sinasabi ng isip ko.

Biglang pumunta sa kanilang direksyon si Mr. Medina dala-dala ang isang batsa. Tiningnan ko iyon at masasabi kong, mainit na tubig ang laman nito dahil sa mga usok na nakikita namin.

“Oh shit! Patay ka Rovie,” sabi ni Kristine. Tinabihan ko na lang siya at niyakap. Tinakpan ko ang mata niya para hindi niya makita ang mangyayari pero winakli lang niya ang kamay ko at desidido ng tingnan ang matalik na kaibigan na nagdudusa.

Tinanggalan ni Ronna ng busal si Rovie at muli ay sinabunutan ito. Tinigilan niya sandali at hinawakan ng mahigpit ang kanyang buhok bago inilublob ng sapilitan sa kumukulong tubig. Naiyukom ko na lang ang kamao ko habang pinagmamasdan ang pagdudusa ni Rovie. Kahit na anong nagawa niya, nakaramdam parin ako ng awa sa kanya.

“Para ‘yan sa pagpatay niyo sa anak ko, sa anak ng mga kaibigan ko at sa paglaban niyo sa’kin! Hinding-hindi ko kayo tatantanan. Wala kayong kwenta!” aniya habang nilulunod parin si Rovie sa kumukulong tubig. Maya-maya’y tinali niya ulit ito sa upuan pero hindi na niya ikinabit pa ang busal. Namumula na ang mukha ni Rovie at mistulang, nagkakalapnos na dahil siguro sa sobrang init ng tubig.

“Fuck you! Let me go! Damn! You son of bitch! Pakawalan mo kami!” sigaw ni Rovie nang makahinga siya ng maayos. Muli akong namawis nang tingnan siya ni Ronna ng masama at ngumiti muli sa kanya. “Masyadong masama ang sinasabi ng bibig mo!” wika nito.

Nanlaki ang mata ko nang may hawak na siyang sinulid at karayom galing kay Ms. Reynes at walang pag-aalinlangang tinahi ang labi ni Rovie. Kitang-kita namin ang bawat pagtulo ng dugo galing sa kanyang labi sa bawat tahing ginagawa ni Ronna. Gustong-gusto ko na siyang tulungan pero hindi ko magawa dahil sa taong kakalabanin ko. Kaya parang napako ang paa ko dito sa kinatatayuan ko at walang sawang tinitingnan ang kanyang pagdudusa.

“Ngayon, mas maganda kung lulunurin kita ulit.” Muling itinaas nito ang buhok ni Rovie at nginudngod ang mukha sa kumukulong tubig. Pinabayaan na niya ito hanggang sa malagutan ng hininga ang kaibigan namin. Humalakhak na lang siya bigla na parang isang demonyo at lumapit kay Blaze. Muli niya itong pinagsasampal.

“Ikaw! Wala kang kwenta! Katulad ka lang ng nanay mong si Dennise. Patapon pareho ang buhay niyo. Pero hindi na ako ang maghihiganti sa’yo. May taong mas nararapat gumawa nun,” ani Ronna habang pinandidilatan si Blaze.

Si Blaze Malla. Siya ang Class writer namin at isang journalist ng buong school. Kung titingnan mo siya base sa istura niya, iispin mong napakabait niya. Pero hindi ko inakalang, ganito pala ang kaya niyang gawin. Pero ngayon, goodluck na lang dahil paniguradong, mas malala ang matatamo niya ngayon.

Tinanggalan siya ng busal ni Ronna at lumayo na din. Bigla na lang may pumasok galing sa labas ng auditorium kaya’t lahat kami ay napukaw ang atensyon dito. Nanlaki ang mata ko nang makita namin ang dalawang babaeng paparating at nakasuot ng kulay lilang saya. Si Cassandra at Sally.

Lumapit sila kay Blaze. May hawak na kutsilyo si Sally at marahas niyang sinaksak ang pisngi nito at alam kong tumagos ang kutsilyo sa kanyang bibig. Napangiwi naman sa sakit si Blaze habang umaagos ang mga dugo sa kanyang bibig.

“Buhay ka pa pala? Hayop ka! Tigilan mo ‘ko papatayin kita!” pagbabanta ni Blaze pero tumawa lang si Sally. Wala parin kaming magawa dito dahil parang sinadya lang na gawin kaming audience dito.

Ilang sandali ang lumipas, tinanggal ni Sally ang kutsilyo sa pisngi at binigay naman niya ito kay Cassandra. Hiniwa nito ang labi ni Blaze hanggang sa umabot na sa dulo ng pisngi nito. Maiiyak-iyak na ito ngayon at parang gusto ng sumuko. Ramdam ko naman ang galit kay Cassandra at parang gusto niyang patayin ang kaklase pero parang may pumipigil parin sa kanya. Parang may plano pa sila kung paano papatayin si Blaze. Parang mas gusto pa nilang pahirapan.

Muling sinampal ng dalawa si Blaze kahit na kanina pa namumula ang mukha niya. “Deserve lang niya ‘yan,” bulong sa’kin ni Kristine. Napangiwi naman ako nang muli kong maalala ang sinapit namin. Noong una, akala talaga namin na si Trixie na nga ang salarin pero nagkamali kami. Isa lang palang kasinungalingan ang lahat.

Namatay na naman ang ilaw. Pero may naririnig kaming kaluskos na parang naglalakad. Ilang sandali kaming naghintay at bigla na lang nabuhay ang lahat ng ilaw sa Auditorium kaya’t naging maliwanag ang buong paligid. Kitang-kita din namin ang babaeng nasa gitna. Nakasuot siya ng kulay asul na gown at nakasuot parin ng maskara.

Lumapit siya kay Blaze. Inilagay niya ang palad niya sa kaliwang pisngi nito habang nakangiti parin. “Kamusta?” Nanlaki ang mata ko nang makilala ang boses niya. Lalo lang gumulo ang pag-iisip ko dahil sa kanyang pagdating. Bakit parang ngayon lang ulit lumantad ang taong ‘to?

Tinanggal niya ang kanyang maskara. Bumungad sa amin ang napakaganda at napakakinis na mukha ni Yassie. Tama nga ang hinala ko noong una pa lang. May masama na siyang balak para sa klase namin.

Nanggigil siya bigla at dinakma ang buhok ni Blaze. Gigil na gigil niya itong sinabunutan at halos malagas na yata ang buhok niya dahil sa panggigil ni Yassie. Hinawakan niya ang leeg ni Blaze at sinakal ito pataas.

“Naaalala mo na ba ako ha? Ang sweet ko diba?” sarkastiko niyang sabi. Bigla naman niyang sinuntok sa mukha si Blaze at matapos ay pinakitaan niya ng middle finger ito. “Fuck you, Blaze! Hinding-hindi ko mapapatawad ang ginawa niyo sa’kin!” galit na galit niyang sabi. Nakatungo lang si Blaze. Hindi ko mabasa ang reaksyon niya.

“Hindi ko mapapatawad ang pagpatay niyo sa kuya Carl ko! Hayop kayo! Hindi na kayo naawa sa kanya,” dagdag pa nito habang hawak ang isang bote ng Alcohol. “Baka sumasakit na ‘yang sugat mo sa pisngi, gamutin ko na,” wika niya at walang pag-aalinlangang binuhos ang alcohol sa pisngi ni Blaze.

“Tang-ina ka! Hindi ako matitigil hangga’t di kita napaparusahang gago ka!” sunod-sunod niyang mura habang binubuhusan parin ang pisngi ni Blaze na nagtamo ng sugat galing sa saksak na ginawa ni Sally.

“Lingid sa kaalaman mo, ako ang tumulong kina Sally at Cassandra. Hindi mo ba natatandaan ang pagsasamahan naming tatlo noon pa? ‘Yon lang naman ang pagsasamahang sinira niyo!”

“Yassie, patawarin mo na kami sa nagawa namin—“

“Patawad? Wala na! Tapos na. Wala ka ng magagawa pa. Kamatayan mo na lang ang tanging kabayaran.” Matapos sabihin ni Yassie ang mga katagang ‘yon, pinakawalan niya si Blaze. Kinalas niya ang lubid bagay na sandaling ikinatigil ng paghinga namin. Paano kung tumakas siya?

“Bakit hindi ikaw ang pumatay sa sarili mo?” sarkastikong tanong ni Yassie. Nabigla naman ako nang lumuhod si Blaze. Yumuko siya at pinag-uuntog ang ulo sa sahig. Sobrang bilis ng mga pangyayari at nakita na lang namin na sumabog ang ulo niya dahil sa baril na ipinutok ni Yassie sa kanya.

“Para ‘yan sa kagagawan niyo sa’kin. Tapos na akong maging si Eliza. Kaya nga ako nagpapalit ng pangalan at mukha diba? Tapos na akong maging kaawa-awa. Pero hindi pa ako tapos sa pagganti. Uubusin ko kayong lahat!” Lumakas ang tibok ng puso ko nang itutok niya sa amin ang baril na ginamit niya kay Blaze.

“Ikaw, Ian. Bago ka palang pero sobra kang naging mayabang. Wala kayong alam sa mga pinagdaanan ng section namin. Ilan taon kaming tinaguriang the best section pero ni isang segundo, hindi namin naramdamang kami ang espesyal sa lahat. Si Irah. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para hindi kami ang mag mukhang, iba sa lahat. Pero hindi din niya kinaya! At ngayon, kayo, hindi ko kayo hahayaang maging masaya.”

Ngayon ay sa akin lang nakatutok ang baril. Wala paring kumikilos. Mistulang nanunuod lang sina Ronna sa gilid. Parang hindi na din mapakali sina Cassandra at Sally sa tabi nila. Pero hindi ako makagalaw o makahinga man lang dahil sa pagkakatutok sa akin ng baril. Parang nawawala na sa katinuan si Yassie.

“Eliza, tigilan mo na ito,” wika ni Cassandra na parang sinusubukang pigilan ang kaibigan niya. Napapikit na lang ako at nanalanging, sana’y makaligtas pa kami at makalabas dito ng buhay.

“Tigilan? Baka nagkakalimutan tayo, Cassandra, isa ka sa kanila. Nagtaksil ka sa’kin. Tinulungan mo sila para patayin ako. Cassandra, ano ba ang nagawa ko sa inyo?” puna niya sa kaibigan. At habang na kay Cassandra pa ang kanyang atensyon, nilingon ko ang buong Auditorium at may napansin ako sa aking paglibot. Tinawag ko si JA at may ibinulong ako sa kanya.

“Eliza, patawarin mo na kami. Hindi talaga namin sinasadya ‘yon.”

“Hindi sinasadya? ‘Wag mo na akong paikutin pa. ‘Wag na tayong magplastikan dito. Matatapos na ang laro at ‘wag na kayong magtago pa ng mga sikreto niyo,” aniya habang nakatingin parin ng masama kay Cassandra.

“Wala na kaming dapat pang sabihin. Lahat ng mga sikreto, nasabi na. Kaya please, kalimutan mo na ang lahat. Magbagong buhay na tayo. Patawarin mo na kami at ang buong Fifth Secti—“ Hindi na natapos ni Cassandra ang kanyang pananalita nang muling namatay ang ilaw hudyat na nagtagumpay ang plano. Nagsimula na kaming magtakbuhan palayo pero agad din kaming napatigil nang makarinig ng putok ng baril.

“Mga hayop kayo! ‘Wag niyo kong taguan. Tapos na ang pagtataguan.” Alam kong nainis pa lalo si Yassie dahil sa nangyayari pero ipinagpatuloy na lang namin ang paglayo. Oportunidad na ito.

Tumakbo pa lalo ako pero may nakabungguan ako. “Saan ka pupunta?” ani Ronna na nasa harap ko. Kinuyom ko ang kamao ko at buong lakas na sinuntok ang mukha niya. “Wala na kong panahon para makipaglaro sa’yo!” wika ko at dinuraan siya.

Lumayo na ako nang mapagtanto ko ang sunod na nangyari kay Ronna at sa nangyayari ngayon sa loob ng Auditorium. Muling nabuhay ang ilaw. Tiningnan ko si Ronna na ngayon ay hawak na ni Emmanuelle at nakatutok sa leeg ni Ronna ang isang patalim na hawak ni Emmanuelle.

“Sige subukan mong gumalaw. Pasalamat ka’t nanay ka ni Riyalyn kung hindi eh, baka napatay na kita!” sarkastikong sabi ni Emmanuelle. Si Louisse naman ang may hawak kay Ms. Reynes habang si Clark kay Mr. Medina. Katulad ni Emmanuelle, nakatutok din sa kanilang bihag ang isang kutsilyo na nagsisilbing armas para pigilan sila sa mga balak.

“Hahaha! Akala niyo maiisahan niyo ‘ko!” wika ni Yassie na ngayon ay hawak parin ang baril. Walang nakahuli sa kanya. Ngayon ay paatras na siya nang paatras palabas ng Auditorium na ngayon ay nakabukas na ang gate.

“Papatayin ko kayong lahat!” dagdag pa nito at humahakbang parin paatras hanggang sa makalabas siya. Pero halos lumuwa ang mata ko nang may taong biglang humarang sa kanya dahilan para hindi siya makalabas. Nabitawan niya ang baril habang ang taong nasa likod naman niya ang siya ngayong tumutok sa kanya ng baril. Napangiti ako ng malapad sa nakita ko.




“Surprise!” wika ni Ms. Banca habang nakatutok ang baril kay Yassie. Pero halos mabingi na kaming lahat nang makarinig ng sirena ng pulis galing sa labas.

“Game over!” dagdag pa ni Ms. Banca habang may ngiting malapad sa kanyang labi.

***
Emmanuelle’s POV

“’Yun nga kasi ang plano e. Kaso dumating kayo kaya hindi kami nagtagumpay sa balak namin noon.” Pinagmamasdan ko si Sally habang kinukwento niya sa amin ang kanyang karanasan. Kaya pala. Naloko kami ni Blaze noong araw na ‘yon. Dapat kasi, hindi basta-basta nagpapadala si Riyalyn sa mga bagay na nakikita niya e.

“Akala talaga namin, inosente si Blaze kaya’t tuwang-tuwa kami nang mailigtas namin siya. Pero, siya pala ang pinakademonyo. Naku! Sumalangit nawa ang kaluluwa niya. Hay! Sa langit nga ba?” wika ni Louisse at sabay-sabay kaming nagtawanan.

Ilang sandali pa’y narinig na namin ang tunog hudyat na paparating na ang mga pulis.  “So paano, kita-kits na lang,” wika ni Sally sabay kindat pa.

Tumayo na kaming tatlo sa pagkakaupo sa sofa at sabay-sabay lumabas ng bahay. Sumalubong sa amin ang mga pulis at agad nilapitan si Sally.

“Dadalawin ka naman namin,” pahabol ni Louisse bago tuluyang maisakay ng kotse si Sally. Nakasuhan kasi siya at kailangan parin niyang pagbayaran ang pagpatay niya sa ilang kaklase namin. Siya ang unang naging katulong ni Blaze bago dumating sina Rovie at Julie. Kaya’t kailangan parin niyang managot.

“Speaking of dadalaw, anong oras tayo pupunta sa sementeryo?” tanong ni Louisse nang makaalis na ang mga pulis. “Now na. Kanina pa naghihintay satin ang mga kaklase natin,” sagot ko naman.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan agad sina Joyce para ipagpaalam na papunta na kami sa sementeryo.

“Let’s go na,” aya ko. Tumango-tango naman siya nang makapaghanda na kami papunta doon.

“I really missed them,” sabi naman niya at bumusangot ang mukha. Nagyakapan na lang kami at nginitian ang isa’t-isa. “Ako din. Kaya tara na,” sagot ko at tuluyang sumakay ng kotse.

Nagmaneho ako papunta sa sementeryo hanggang sa unti-unti na naming nadama ang unti-unting paglubog ng araw.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* 
Chapter 4: Opprobium - diyan ‘yung muntik ng mamatay si Riyalyn dahil sa pumunta siya sa Info. Building at nakita niya si Blaze na nagkunwaring bihag ni Sally. Ginawa nila ‘yon para mas lalong mabilis ang pagpatay ni Riyalyn kaso biglang dumating sina Louisse.

About dun sa sinabi ni Erika tungkol kay Mr. Medina. ‘Yung kasunduan nila ni Ronna. Nasa Chapter 7: Lucky numbers ‘yon. ‘Yung papel na nakuha ni Trixie na naiwan ni Mr. Medina. ‘Yun ‘yong kasunduan. Kaya sinundan ni Trixie si Mr. Medina hanggang sa matunton niya ang pinagtataguan ng limang possible suspects.

Chapter 34: Friend slash Foe - Diyan ‘yung clue na anak ng principal si Rovie. Si Rovie dapat ang papatay kay Athena kaso hindi niya itinuloy noon.

Chapter 36: Jailbreak - Last part na POV ng murderer. Kay Mr. Medina po 'yon at si Yassie ang pinuntahan niya sa Dorm. Nakita niya doon ang picture frame ng magkakaibigang sina Yassie, Cassandra at Sally. Si Cassandra at Sally din ang nakita niya sa loob ng Dorm ni Yassie.

ABOUT SA POEM SA BANDANG UNA NETONG CHAPTER. Si Yassie po ang sagot dun sa Poem. Isipin niyo na lang kung bakit. Hahaha.

ABOUT KAY RONNA AT ANG MGA MAGULANG NINA GRACE, JAYPEE, IRVIN, at JANINE. Sila po yung nasa Prolouge. Si Ronna, Michelle at Glaize lang ang pinakita doon. Si Michelle, ang nanay ni Jaypee. Si Glaize naman po ‘yung nanay ni Grace na nakita ni Trixie noon kaya pamilyar siya. ‘Yung dalawa naman na magulang ay hindi na importante ang pangalan. Hahaha.

So ayun, alam kong sobrang lame ng story na ‘to pero salamat parin po sa sumuporta hanggang huli. Sana po nagustuhan niyo at abangan na lang ang epilogue. Some other questions ay masasagot po sa Epilogue..

Or...

Magkaroon pa ng sequel. Hahaha!

VOTE AND COMMENT GUYS! THANK YOU SO MUCH!

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
73.4K 8.1K 69
Behind the tall walls out there; spread in miles away in front of your naked eyes, there you will see Teen Militia. Baroque styled building hidden fr...
6K 3.8K 45
It's all about to a girl named Elise, who fall in love with a guy named Maxwell. They've met in their simple but romantic dream. Maxwell has an abili...
3.1K 229 38
Isang larong imahinasyon lamang ang puhunan, kaya mo ba itong lagpasan? Isang larong tanging Lucid Dreamer lang ang pwedeng lumahok. Ikaw, Lucid Drea...