Time runs..
One week ago..
Halos araw araw magkasama si Rhian at Glaiza.. Walang pinagbago, sweet parin sa isa't isa.. Nilagyan lang nila ng label (fake girlfriends) ginagampanan nila ang pagiging girlfriend sa isa't isa.. Determinado sila na pahulugin ang isa't isa.. Si Glaiza naman tinotoo ang sinabing panliligaw kay Rhian, gusto ni Glaiza na mahulog talaga sakanya si Rhian na ang hindi nya alam eh mahal din naman talaga sya nito.. Patuloy sila sa pagpapakilig sa isa't isa.. May endearment narin sila.. Para mas ma feel daw nila ang pagiging mag "girlfriend" (palusot) love-love ang tawagan nila.. Si Glaiza ang naka isip..
Kasalukuyang nasa RK sila ngayon..
"Bestie!! I miss you!!"-biglang yakap ni Bianca kay Rhian
"Oh hi B?? Anong ginagawa mo dito?? (Beso kay Bianca) I miss you too.. Paano mo nalaman na nandito ako??"-Rhian
"Kay Max! Heto kasama ko sya.. Bonding naman tayong tatlo.. Siguro naman okay lang sa girlfriend mo.."-Bianca na bumeso kay Glaiza
"Hi Rhi! Hi Glai!"-masayang bati ni Max sakanila at bumeso..
"Oh hi! Kunwari ka pa Bianca kung okay lang sakin.. May magagawa pa ba ako? Eh nagparinig ka na.."-Glaiza rolled her eyes (cute na cute naman si Rhian dito)
"Ay sorry.. Haha.. Hiramin lang namin si Rhian Glai.. Gala, shopping or kahit mag ice cream lang.. Hahaha.."-Bianca
"Oo nga naman couz.."-Max
"Oo na.. Sige na! Isoli nyo agad yang girlfriend ko.. Dapat lunch time nakabalik na yan dito.. dahil gusto ko kasabay ko kumain yan.."-Glaiza
Natawa naman sila dahil halatang inis ito kahit pumayag pa ito na hiramin si Rhian..
"Love, babalik din ako agad.. Para makakain ka ng lunch.. I love you Cha!"-natatawang sabi ni Rhian dito
"I love you too.. Please bumalik ka agad.. Wag kang lalayo kila Bianca at Max.. (Seryosong sabi nito kay Rhian at bumaling kila Max..) at kayong dalawa, please take care of my girlfriend.."-seryosong sabi ni Glaiza..
"Oo naman!"-Max
"Sure Glai.. Napaka seryoso mo naman.."-Bianca
At umalis na sila..
"Ano bang nagyayari dyan sa bestfriend slash girlfriend mo?? Akala mo naman may mangayayaring masama sayo.."-Bianca
"Ganon talaga sakin yun.. OP.."-kinikilig na sabi ni Rhian..
"Ha?? OP?? You mean Out of Place??"-Max
"Baliw! Out of Place ka dyan! Over Protective.."-natatawang sabi ni Bianca
//tanga neto ni Max.. Hahahaha.. ✌🏻️
"Hahaha.. Halika na nga para makabalik na ko kay Glai.."-Rhian
"Ito naman namiss agad pinsan ko.."-Max
"Pero Bestie may iba talaga eh.. Parang iba yung pag ka over protective sayo ni Glaiza ngayon.. Parang nakita ko sa mga mata nya na may takot.."-seryosong sabi ni Bianca
"Actually B kanina pa nga yan eh.. May minuto na parang wala sa sarili.. Pero iniisip ko nalang na baka may konti syang problema.. Baka sa RK, ganun.."-Rhian
"Alam nyo bilisan nalang natin.. Para naman makabalik na si Rhian kay Glaiza.."-sabi ni Max at sumang ayon naman sila dito..
After 30 minutes..
*ring*
*ring*
"Si Glaiza tumatawag.. Sagutin ko lang.."-tumango naman ang dalawa bilang tugon kay Rhian
"Hel----"-Rhian
"Nasan ka na ba love?!"-Glaiza
"Pabalik na kami dyan.."-Rhian
"Di ba sabi ko sayo bumalik ka agad??"-Glaiza
"Love, 30 minutes palang akong nawawala.. Don't tell me miss mo na ko.."-Rhian
"Bumalik ka na dito.. Hintayin kita.."-Glaiza
"Per----"-di nanaman naituloy ni Rhian ang sasabihin ng biglang magsalita si Glaiza
"10minutes Love.. I love you! Bye!"-Glaiza
*end call*
'Ano ba nangyayari dun?'-tanong ni Rhian sa isip nya..
"Oh Bestie ano sabi?"-Bianca
"B, Max.. Pinababalik na ko ni Glaiza.. Next time nalang siguro.."-Rhian
"Sige, hatid ka nanamin.."-Bianca
"Tara.. Baka kasi gutom na si Glai.."-Max
Hinatid na nila Bianca at Max si Rhian.. Malapit lang sa RK ang mall na pinuntahan nila kaya naman saktong 10 minutes ay nakabalik na agad sila..
Pagkahatid nila kay Rhian ay hindi narin sila nagtagal dahil manunuod pa daw ng sila ng sine kaya naman umalis rin agad sila..
"Cha.. May problema ba??"-Rhian
"..........."
"Uy Love!!!"-tawag ni Rhian kay Glaiza na parang hindi narinig ang sinabi nya..
"Ha??? Ano yun??"-Glaiza
"May problema ba Cha?? Kanina ka pa ganyan.."-alalang tanong ni Rhian..
"Wa--wala.. Tara kain na tayo.."-Glaiza
"Mabuti pa nga.. Baka gutom ka lang.."-biro ni Rhian dito..
"Sira.."-Glaiza
.
.
.
Time runs
Nag d-drive na pauwi si Glaiza kasama si Rhian, ihahatid nya muna ito.. Walang nagsasalita sakanila.. Napakatahimik.. Hindi sanay si Rhian na hindi sya kinakausap o kinukilit nito..
"Ahm.. Cha? May gig ka ba mamaya??"-basag ni Rhian sa katahimikan..
"Oo meron.."-tipid na sagot nito..
"Sama ako.."-Rhian
"Wag na muna.."-Glaiza
Para naman nakaramdam ng sakit sa puso si Rhian..
'Bakit ayaw nya??'
'Diba lagi naman nya kong sinasama..'
'Bakit ngayon ayaw nya ko isama?'
'Ayaw nya ng hindi ko sya pinapanuod pero ngayon, sya pa ang nagsasabing wag na..'
Yan ang tumatakbo sa isip ni Rhian.. Napansin naman ni Glaiza ang naging reaksyon ni Rhian.. Tila ba naramdaman nya na nasaktan ito..
"Yoyon.. Love? Sorry.. Wag mo sana isipin na ayaw kitang isama or what.. Gusto ko lang magpahinga ka muna.. Alam ko kasing pagod ka na.."-sincere na sabi ni Glaiza
"Yan lang ba talaga yung dahilan?"-seryosong sabi ni Rhian..
"Ofcourse! Ano ka ba naman Love.. Wag kang mag isip ng kung anu ano dyan.."-Glaiza
"Eh bakit kasi ganyan ka ngayon? Parang may iba sayo ngayon Cha.."-Rhian
"I'm sorry.. Pagod lang ako.. Sorry na.. Oh sige ganto, may practice kami nila Chynna bukas.. Sama ka? Wag ka na magtampo Yoyon.. Please??"-puppy eyes na sabi ni Glaiza..
'Cute cute naman nito..'-sabi ni Rhian sa isip nya kaya napangiti naman sya..
"Oo na.. Sige na.. Sama ko bukas.."-Nakangiting sabi ni Rhian
"Yehey!! I love you..."-masayang sabi ni Glaiza..
"I love you too.."-Rhian
A/n: yes i know.. Walang kwenta ang ud ni author ngayon..hahaha at sasabihin nyo bitin nanaman.. Hehehe 😊✌🏻️ sorry na.. Babawi ako next chapter.. Promise! ✋🏻✋🏻✋🏻
Thank you ulit sainyo.. Nakakatuwa mga comment nyo, lalo na yung bout kay Patty.. 😄😄