It doesn't Matter

By MarizBajado

1.9K 34 25

Sabi nila, age doesn't matter daw... pero paano kung hindi lang basta masyadong bata ang lalaking nangungulit... More

It doesn't Matter
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
UPDATE
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen

Chapter Three

91 2 5
By MarizBajado

CHAPTER THREE

First encounter

“TAMANG-tama ang dating mo, mars. Bukas ang celebration ng birthday ng bunso namin,” ani Kyshee. Nakahiga na sila noon sa kama nitong pink—buong kwarto nito ay puro pink at Hello Kitty, hilig na hilig nito.

            “Talaga? Ilang taon na ba si Kyla?” maliit pa ang bunso ng mga ito nang huli niyang makita noong high school sila. Ngayon ay malaking bata na.

            “Nine na ‘yun, malapit ng maging dalaga.” Kyshee joked. She laughed.

            She seldom laughs since that day. “Sakto nga pala talaga ang dating ko.”

            “You’ll enjoy the party for sure,” ani pa Kyshee matapos humikab.

            Her friend’s parents didn’t ask why she ran away from home. They just let her stay. She just has to be at least helpful with them in some ways.

            The following morning she wakes up feeling a little better. She had called her mom yesternight, while Kyshee sleeps beside her. Syempre pa’y hindi naiwasan ng kaniyang mama ang mag-alala, but she explained her need for space. Dahil kilala naman nito ang pamilya ni Kyshee, she let her do what she wants provided she’ll update her mother from time to time.

            “Oh, mars aga mo, ah!” paglabas niya ng kwarto ay nakadulog sa hapag si Kyshee habang nagkakape at kinakalikot ang cellphone. “Si tita?” wala sa paligid ang iba pang miyembro ng pamilya. Tanging sila lamang yatang dalawa ang nasa loob ng bahay.

            “Namili sila ni Jaycee sa palengke ng ihahaing handa mamaya,” ang tinutukoy nitong Jaycee ay ang pinsan nitong nakikitira rin sa bahay ng mga ito. “Sila papa naman andiyan lang sa kabilang bahay,” ang tinutukoy nito’y ang bakanteng bahay sa unahan ng lote ng mga ito.

            “Ah, I see… sinong ka-text mo?” nag-angat ito ng tingin, itinaas ang hawak na cellphone.

            “Eto ba? Wala akong ka-text, noh, nagbabasa lang ako ng ebook ditto sa ebook reader ko,” nangunot ang kaniyang noo kaya naman nagpaliwanag ito. “Galing ito sa friend ko na mahilig mag-download ng story from wattpad.” Namilo ang kaniyang mata. “You mean, nagbabasa ka rin ng stories from wattpad?”

            “Parang ganoon na nga. Bakit?” ito naman ang nangunot ang noo. “Don’t tell me…”

            “Yes my dear friend. Nagsusulat ako sa wattpad. Well not just in wattpad but also for Tagalogonlinepocketbook.”

            “Uy, talaga mars? Natupad pala yung isa sa mga dream mo noon, eh.” It’s no wonder na hindi ito updated sa kaniyang whereabouts kasi naman kahit meron siyang number nito ay bihira pa sa patak ng ulan kung makapag-text sila.

            “Yes. If you want you can also read my stories. Mayroon akong .txt version ng mga iyon.”

            “Magaganda ba?”

            “Oo naman! Walang tiwala sa talent ko, friend?” she kiddingly retorted.

            “Of course meron!” nakiayon naman ito sa biro niya. “Anu-ano mga title?”

            “My Sweet Stranger, Brewed Love, The Tigress Untamed Heart, and Is it wrong to love him? Iyong naunang tatlo, naka-post iyon sa Tagalogonlinepocketbook.com, while the last one’s posted on wattpad.”

            “Bigyan mo ako ng kopya, ha? Sosyal lang, may friend akong nurse at writer.”

            “Of course I’ll give you a copy.”

            Then, silence flooded the kitchen.

            “So, mars…” maya-maya’y untag ni Kyshee sa mahabang katahimikan. Itinaas niya ang kilay, wondering what’s next with her speech. “Aren’t you going to tell me all about this drama? I mean, running away and those panda eyes?” seryoso ang anyo nito.

            She sighed. There is no escaping the interrogation.

            “Well, it’ll be unfair not to tell you,” she sips from her cup of coffee before telling the story, her pathetic love story. “My bestfriend, my other bestfriend you know who she is, introduced me to this guy. He’s nice, sweet and charming. Apart from that, he’s also a writer. It was attraction at first sight. We became friends, and then I let him court me. After a few weeks, I engaged in a mutual-understanding-kind-of-relationship with him. Then, he just left me hanging at edge… without any clear reasons why. It was two days ago, before I came here, when I finally found out about the truth,” she paused, catching for breath. “He has found someone else.”

            Kyshee audibly gasped. Her friend even cursed. “Iyan ang mahirap sa M.U.-M.U. na iyan, eh. Magulong usapan talaga kapag pinasok mo ang ganiyang uri ng relasyon, eh.”

            “I know right!”

            Tinapik nito ang kamay niyang nakahawak sa tasa ng kape. “Don’t worry mars makakahanap ka rin ng lalakig mamahalin mo ng higit pa sa kanya and of course deserve ng pagmamahal mo. I understand yang pagkakaganyan mo, eventually, you’ll recover. Andito lang kaming mga friends mo to support you. Masaya kaya maging single. Tignan mo ako, pa-fling-fling lang!” iyon naman ang gusto niya sa friend niyang ito, very vocal sa pagpapahayg ng support.

            “At pa-fling-fling ka lang pala, hah! Is there any constant guy you flirt with?”

            “Ay meron!” pilya itong napangiti.

            “Name?”

            “Angel, sounds angelic, noh? Isa siyang med tech.”

            “Uy, nice. May future ka diyan mars. Gawin mo ng boylet,” umiling ang kaibigan. “Ayaw ko. Playboy, eh.”

            “Ow,” hindi na niya pinaggiitan ang suhestiyon. “Mahirap magkaroon ng boyfriend na playboy. Bukod sa marami kang kaagaw sa katawan, atensyon, oras at pagmamahal nito ay sasakit lang palagi ang ulo mo sa stress. Bukod sa pwede ka pang padalhan ng sangkaterbang death threats ng mga selosang kaagaw mo sa kaniya.”

            “Exactly my point mars!” marami pa silang napag-usapan bukod doon bago dumating ang mother at pinsan nito. Pagdating ng mga ito’y naging abala na sila sa paghahanda para sa birthday celebration na magsisimula ng hapon ding iyon.

ALAS KWATRO ng hapon nang magsimula ang kasiyahan bagaman maagang dumating ang mga kaibigan ng mother ni Kyshee bitbit ang chikiting ng mga ito—alas tres y’medya ay naroon na ang mga ito.

            Not wanting to be accused of being kill joy, she joined Tita Elsie’s friends. Napasabak siya sa pagkanta—yes, boses palaka siya, but she doesn’t care anymore. She’s enjoying the moment. Hindi rin maiwasang matagayan siya ng magsimula ng uminom ang mga ito. She could refuse but she chose to entertain the idea of being free for the time being. Kaya naman pagdating ng mga pinsan ni Kyshe para makisaya ay medyo tipsy na siya.

            Pagkalabas ng kwarto ni Kyshee, matapos magpahupa ng kalasingan, ay agad siya nitong pinakilala sa mga pinsan. “My high school bestfriend, Miriam. Nakatira siya sa Tagaytay, so, for the time being she’ll be staying with us.”

            “Hello,” simpleng ngiti at kaway lamang ang ginawa niya. Although, kilala na niya si Chelsea, she still feels a tad awkward.

            Ang bumasag ng awkwardness na iyon ay ang pinsan nitong inglesero(a). Happy is openly gay with his cousins, but not with his dad. His mom had long been dead. Regardless of his gender orientation, his guy cousins don’t seem to mind.

            Abala siya sa pakikipag-chikahan dito ng mula sa dirty kitchen ay sumulpot ang isang matangakad na lalaki. He really looks a lot like Chelsea, bust she never has seen him before. Hinuha niya’y ito ang bunso sa tatlong magkakapatid. Nakilala na rin kasi niya si Cholo noon sa isang party kasama si Kyshee.

            Binati ito ni Kyshee nang mapansin. “Sorry late,” mahina nitong usal saka umupo sa pagitan nila ni Kyshee kung saan may malaking space.

            “Okay lang. Ah, siya nga pala…” binalingan siya ng tingin ng kaibigan. Tuluyan nang nawala ang atensyon niya sa kausap na si Happy. “High school bestfriend ko, si Miriam.” She gazed at him and smiled reluctantly.

            “Hello,” iyon lamang ang tangi niyang nasabi saka kumaway. He seems to have this unseen force towards her that makes her tongue dry with thirst. Nag-“hi” naman ito kaagad bago muling ibinaling ang tingin kay Kyshee.

            Sa paglalim ng gabi hindi iisang beses niya lamang ito nahuling nakatingin sa kaniya kung hindi makailang ulit. Maya-maya pa’y katabi na pala ito ng hindi man lang niya namamalayan. Kung noong una ay may space pa sa kanilang pagitan, noong mga sandaling iyon ay wala na. Halos kumiskis na ang braso nito sa kaniyang balat.

            “Ilang taon ka na ate?” she heard him asked.

            “Ako?” itinuro pa niya ang sarili, unsure if it’s really her he’s talking to. “Twelve lang ako,” she said seriously. “Imposible, kaibigan mo nga si ate Kyshee, eh!” that made her laugh. But what she saw in his eys made her want to slap her conscience. It was the amusement in his deep set of brownish eyes that made her say to herself, ‘Gaga ka! Don’t try to flirt with him. He’s just a kid!’

            “I’m 23, three months older that your cousin.”

            “Pero hindi ka mukhang 23,” sabat ni Caloy, isa pa sa mga pinsan ni Kyshee na kaumpok nila.

            “Looks can be deceiving children!” she humorously retorted, shaking the early shameful flirtatious intent.

            Nasa kasarapan sila ng paghuhuntahan nang tawagin siya ng pinsan ng mga itong si Chris, on duty mode kaagad ang drama niya matapos marinig ang sinabi nito. Never did she know what lies ahead after her first encounter with the Domingo’s youngest.

Continue Reading

You'll Also Like

96.2K 5.5K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1M 31.7K 53
Lorelei Sandoval is an accounting student who hates law. She always failed in this subject, but one day she learns to love what she hates when she me...
102K 3.5K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...