The Red Assassin

By nicejan9single

26.1K 934 192

Si Cassandra Jane Santiago o mas kilala sa tawag na Cassie ay isang famous student sa school nila at isang ba... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Acknowledgement

Chapter 5

1K 37 0
By nicejan9single

"And all I loved, I love alone."- Edgar Allan Poe

Chapter 5

Nagising ako sa madilim na kulungan. Nakakadena rin ang mga kamay ko. Napalunok ako sa takot. Ganon pa rin ang suot ko. Nasa kamay ko pa rin ang mantsa sa dugo ni Ruby. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa selda. "Pakawalan nyo ko! Hindi ako ang pumatay sa kanya!" sigaw ko pero isang echo lang ang bumabalik sakin. Badtrip! Napagkamalan pa ko! Wala ba silang CCTV para malaman kung sino ang may sala.

"Wag ka na magsalita. Masasayang lang laway mo." Nagulat ako sa nagsalita. Hinahanap ko ito kung nasan dahil madilim ang seldang ito. "Mabubulok ka na rin dito kagaya ko." Sabi nya at tumawa ng malakas.

"Nasan ka ba?!"

"Nasa kanan mo ko." Tumingin ako sa kanan. At nakita ko ang isang selda doon. Babae ito at ang dungis, gulo gulo rin ang buhok nito.Siguro mga na 30's na ang edad nya. "Wala silang papakingan. Dadaan ang batas sa kanila kaya manahimik ka na lang."

"Pero hindi talaga ako ang pumatay!" pagtatangol ko sa sarili ko. Kailangan ko makausap si Vincent. Maari nya ko maintindihan dahil alam nyang di ko kayang gagawin yon. "Kailangan ko makita si Vincent Morgan! Ipakausap nyo ko sa kanya!" sigaw ko muli pero echo lang ang bumalik. Sinipa ko na lang ang selda sa inis ko.

"Anong gagawin nila sa'kin dito?" tanong ko sa babae na umupo at sumandal na ko sa railings ng selda.

"Torture?" tinignan ko ang babae na nakatingin lang sa sinag ng araw na nangagaling sa munting butas sa bintana.

"Ginawa nila yon sayo?"

"Hindi.Pero ang ikulong ka sa madilim at tanging huni lang ang ibon ang maririnig mo. Mas masahol pa sa torture yon." Pinagmasdan ko sya habang sinasabi iyon. Puno nang lungkot ang mata nya. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. They can't do that to me. Ni hindi man lang muna ako tinanong.

"They are monsters." She said in gritted teeth.

"Ano bang ginawa mo bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Habang pinagmamasdan ko ang kamay ko na may mantsa pa ng dugo. Tinignan ko rin ang suot ko. Yung curly kong buhok sa dulo mas lalo pa atang kumulot. Ang baho ko pa at doon ko na unti unti narerealise ang mga bagay bagay. Nandito ako dahil akala nila ako ang pumatay kay Ruby at ngayon hindi ko na alam ang susunod na gagawin nila sa'kin.

Umaasa ako na darating si Vincent para iligtas ako dito. Sana.

"Tinangka kong patayin ang general nila." Napatingin ako sa sinabi nya.

"Bakit?"

"Halimaw sya." Matigas nyang sabi. Ngumiti ako sa kawalan na hindi ko rin alam kung bakit. Dahil siguro masisiraan na ko sa kalagayan ko ngayon. Pero legit naman kaya sya nandito at magkaiba kami ng position. "Lahat sila halimaw."

Paulit ulit nyang sinabi yon. Hangang nawala na ang sinag ng araw na nanggagaling sa butas ng bintana. Baka maggabi na.

Maya maya pa may narinig akong yabag ng mga paa. Hangang nakita ko ang limang lalaki na nakasuot ng pang guard. "Ayun sya. Kuhain nyo." Turo nito sakin. Binuksan nila ang selda ko at binuhat ako ng dal'wang lalaki.

"San nyo ko dadalhin!?"pagpupumiglas ko habang kinakaladkad ako palabas. Hindi nila ako sinasagot. Mga mukha silang bato at di nagpapakita ng anomang reaksyon. Madilim pa rin ang tinatahak namin daan hangang sa tinulak nila ako sa isang pinto.

Napaluhod ako sa lakas ng impact ng pagkakatulak sakin. Lagot kayo sakin pagnakawala ako! Tatandaan ko pagmumukha ng mga gungong na 'to.

Unti unti kong ginala ang mata ko. Masyadong maliwanag kaya di ko agad naaninag hangang sa narealise ko na nasa parang nasa supreme court ako nakabilog sila at nasa gitna ako.. Napapaligiran ako ng mga mukha na nakasuot ng puti na parang toga. Nakatingin sila sa akin. Mga tingin na may panghuhusga.

Nasa first level naman na may nakatayo mukhang mga assassin sila. Nakita ko rin si Daniel na nakakunot ang noo sa akin na parang nagtataka. Katabi naman nito si Bryan na malungkot ang mata na nakatingin sa'kin. Katabi naman nito si Juliet na naka ekis ang braso. Hindi nya ko tinitignan dahil may binubulong ito sa katabi nya si.... Vincent.

Tumungo naman si Vincent pagkatapos bumulong ni Juliet at doon nagtama ang tingin namin. Hindi ito nagpakita ng expression sa mukha nya. Malamig ang mga tingin nito sa kin. Yung mata nyang hugis agila na parang sinasabi wala sya paki alam kung anong pwedeng mangyare sakin.

Nakasuot sila ng puti na mahabang jacket at sa may bulsa nito sa kanan bahagi ng damit ay nakalogo ang sign ng Mortal Brigade. Isang M at sa gitna ay may spada.

Mukhang lilitisin ata ako dito. Muli kong tinignan ang mga mukhang judge na ito. Sa gitnang bahagi ng upuan ay bakante. Kaya siguro hindi muna nagsisimula.

Nasa gilid ko pa rin ang dal'wang kumuha sakin sa selda.

Maging malakas ka Cassandra Santiago ano mang mangyare alam mong wala kang ginawang mali. Wala ka ng aasahan. Kaya mong tumayo mag isa. Hindi mo kailangan umasa kay Vincent na walang puso. Kaya mo yan mag isa.

"Parating na ang General!" sigaw ng malapit sa pinto. Tumayo ang mga nakaupo na judge at sumaludo silang lahat.

Maya maya pa may pumasok na isang lalaki kasama nya ang mga gwardya nya at umakyat na ito sa kanyang bakanteng upuan at mas nakita ko pa kung sino ito.

Si Mr. Topaz.

Ang tanga ko talaga bat ngayon ko lang narealise na general pa sya ng Mortal Brigade. May taklob pa rin ang mata nito. Tila tumigil ang mundo ko na tumingin ang seryoso nitong mata sa akin.

Pagkatapos nilang sumaludo ay umupo na silang lahat kasama si Mr. Topaz.

"Sya po ang nasasakdal General Topaz. Nakita pong may hawak syang baril." Paliwanag ng isang lalaki nakatayo malapit kila Vincent.

"Tanga ba kayo!? Sinaksak sya hindi binaril!" sigaw ko. Napatingin silang lahat.

"Pero nakita kang pinaglalaruan ang dugo ng biktima?" tanong ng isang matanda.

"Nakangiti ka pa?" muli pang isang tanong ang binato sakin.

Hindi ako makasagot. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon.

"General ano pong gagawin natin sa kanya?" tanong ng isa pang judge sa dulo ng pang apat sa kinauupuan nya

Napatingin ako kanya at tumingin din ito sa akin. "Santiago, ikaw ba ang pumatay kay Ruby Bernardo?" malumanay na tanong nito.

Umiling ako. "Lumabas lang ako sa kwarto ko dahil naiinip ako hangang sa napunta ako sa madilim na bahagi ng institute at di ko aakalain na pinapatay na pala si Ruby. Wala ba kayong CCTV?" inis kong tanong sa kanya.

Ngumiti naman si Mr. Topaz. "Abandon na ang lugar na yon kaya hindi na nalagyan ng CCTV. Nasan ang kamay na pinutol mo?"

"What? Hindi ko-" bago ko matuloy ang sasabihin ko may biglang naghagis sa gitna. Tumingin ang lahat sa bagay na hinagis na 'yon.

Ang kamay ni Ruby pero nakabalot ito sa plastic. Napatingin ang lahat sa naghagis nito.

Si Vincent.

Umalis ito sa kinatatayuan nya at pumagitna. Matikas ang pagkakatindig nito at seryoso ginala ang mata sa mga manghuhukom.

"'Yang kamay na 'yan." Simula nya habang tinuro ang kamay na nasa sahig. Masidhi naman syang pinanuod ng mga manghuhukom. "Nakita 'yan ni Bryan di kalayuan sa exit ng Mortal Brigade. At inimbistigahan namin ang kamay."

"Anong sinasabi sa investigation nyo Morgan?" tanong ng nagtanong sakin matanda kanina. Masidhi nitong tinitignan si Vincent na para bang chinachallenge.

"Lt. Han ang sinasabi lang naman ng kamay na ay walang bahid ng fingerprint nya. Miski sa katawan ni Bernado walang nakitang bakas ng fingerprint ni Santiago." Bore nyang sabi habang lumakad papunta sa akin na akmang hinawakang balikat ko at tinayo. "At ang babaeng 'to ay walang sala sa nangyareng krimen." Humarap ito sa mga manghuhukom gamit ang mata nyang hugis agila.

"Pero paano mo mapapaliwanag ang paglalaro nya sa dugo?" tanong muli nung Lt. Han.

"Maaring hindi nga sya ang pumatay pero maari syang kasabwat?" tanong nung katabi ni Lt. Han. Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Vincent na nakahawak pa rin sa kabila kong balikat.

Ngumiti ito sa dal'wa. Lumapit pa ito sa akin. Nagulat ako sa paghawak nya sa buhok ko para ipakita ang leeg ko. Napatingin ako sa mata nya at wala pa rin itong pinapakitang ni emosyon.

Lahat ay napatingin sa ginawa nya. "May malaki pang marka ng kamay ang ginawa sa kanya matapos syang sakalin nito. Hindi mo masasabing kamay ni Ruby ito." Lumapit si Vincent sa kamay ni Ruby at pinulot ito at hinagis sa mukha ni Lt. Han na kinatayo nito.

"Sapat na tong ebidensya na inosente si Santiago." Malalim na sabi nito at masidhing tinignan ang takot na takot na si Lt. Han dahil sa kamay sa harap nya.

Umiling iling ang mga manghuhukom. Nakita ko naman na napapapigil ng tawa si Bryan na tinigil lang nya matapos sikuhin ni Juliet. Seryoso lang naman si Daniel na tinitignan ang General.

"Bastos ka talaga! Hindi kamot anak ka ni General Topaz ay ginaganyan mo na kami!" galit nag alit na sabi ni Lt. Han. Anak? Anak sya ni Mr. Topaz kaya pala magkaparehas sila ng hugis ng mata!

"Enough." Isang salita na kinaupo ni Lt. Han mula kay Mr. Topaz at kinatahimik ng lahat. Masyado silang takot sa kanya. Nararamdaman ko kasing tense silang lahat. Dahan dahan itong tumayo sa kanyang kinauupuan.

"Pakawalan na sya." Teka teka! I'm not guilty! Sa isang utos nito ay agad akong tinangalan ng kadena. Hindi na rin umangal si Lt. Han at ang iba. Hindi na rin ako pinagsalita.

"Ibalik na sya sa kwarto ngayon din. Maiwan ka Vincent." Sumaludo ang dal'wang guard at nilabas na nga ako. Sinubukan kong tignan si Vincent pero masyado syang nakatutok kanyang ama. Anong gagawin nila kay Vincent?

***

Naliligo ako ngayon habang tulalang inaalala ang nangyare. Naalis na rin ang dugong naiwan ni Ruby.

Naalala ko ang babae kanina sa selda. Hindi ko man lang natanong ang pangalan nya. Iniisip ko palang maiwan don nangingilabot na ko paano pa kaya syang mukhang isang dekada na doon.

Si Vincent sana ayos lang sya. Ipinagtangol nya ko masasabi kong niligtas na rin nya ako. Gusto ko magpasalamat sa kanya sana pumasok man lang sya sa kwarto ko mamaya.

Lumabas na ako at sinuot ang puti na pantulog. Hinintay ko na may kumatok sa pinto hangang sa naipikit ko ang mga mata ko, walang Vincent na dumating.

Kinaumagahan, nasa catering ako ng institute para kumain ng umagahan. Pagkadating ko don puro nanlilisik na mata ang sumalubong sa akin. Siguro akala talaga nila ako ang pumatay kay Ruby at maari ko silang patayin dahil kakompentensya ko ito.

Pagkakuha ko nang pagkain agad akong naghanap ng upuan pero lahat ay bakante na at parang walang balak alokin din ako umupo. Napailing na lang ako at napagdesisyonan na sa kwarto na lang kakain.

"Cassie!" lumingon ako sa tumawag at nakita ko si Bryan na kumakaway sa di kalayuan parang niyaya nya ako tumabi sa lamesa.

Tumungo ako at lumapit. Mag isa lang pala ito.

"Kamusta ka?" tanong nya matapos kong umupo kaharap nya. Nakangiti ito kaya lalong umusbong ang dimple nya.

"Ayos lang ako. Si Vincent?"

"Ayos lang 'yon may inaasikaso lang ngayon 'yon." Sabi nya habang kumuha na ng pagkain sa pinggan nya. "Ang sasama ng tingin nila sayo oh." Sabi nhya ulit habang ginagala ang mata sa mga dumadaan.

Bumugtong hininga ako at kinagat yung apple. "They think I killed her."

Binaba ni Bryan yung kutsara nya at pumalumbaba. "Ayaw mo non? Kinatatakutan ka nila. It may save you."

"Why?"

"Because you can kill even you didn't do it. Think it's a good opportunity to win as the Red assassin."

"What's the big deal with being proclaim as the Red Assassin? Di ba parang magiging assassin ka lang din naman?"

He leaned forward. "Ginaganap ang Devil Game tuwing natatapos ang isang dekada. Kapag nanalo ka ng Red Assassin nasa linya ka na ng Golden Generals o kapag umalis na ang kasalakuyang General automatic ikaw ang papalit."

Kaya pala. Kaya ganon na lang kadami ang sumali kahit buhay na ang nakataya sa kanila. Ayon din kay Bryan, ang pagiging general ay mataas na katungkulan sa kanila dahil nasa kanya lahat ang kapangyarihan at kinakatakutan din. Hindi na nakakapagtaka kung bakit tense ang mga assassin kahapon sa presensya ni Mr. Topaz. Pero dapat tawagin ko na pala syang General Topaz.

"Salamat nga pala sa inyong dal'wa ni Vincent." Sabi ko habang malapit ko ng matapos ang kinakain ko.

Ngumiti naman ng sutil si Bryan at parang niyaya akong lumapit para may bumulong. "Ang galing namin no?"

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Si Vincent lang pala. Hindi ko naman talaga nakita yung kamay ni Ruby."

Mas lalo pa atang kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Hindi ko alam kung san kumuha ng kamay si Vincent pero galing nya kahapon! Parang alam na alam nya sasabihin nya." Pumalambaba na ito at parang proud na proud sa ginawa ni Vincent. Hindi ko alam sasabihin ko.

Ginawa nya ba 'yon para sakin?

"Alam naman namin ni Vincent na inosente ka. Kailangan namin gawin yon para di abusuhin ng mga Liutenants ang pangyayare."

"Bakit naman?"

Ngumiti si Bryan sa'kin. "It's confidential. Hindi ko masasabi sayo dahil hindi ka pa parte ng assassins higit pa don. We have trust issues."

Tumungo na lang ako sa sinabi nya naiintindihan ko naman sya. Kung ano man yon siguro para sa Red Assassin ang tungkol don. Akala ko naman ginawa nya para sakin. Teka nga Cassie! Ano bang nangyayare sayo at lumungkot ka sa ganong idea!

"Oh bat ganyan itsura mo?"

"Huh?"

"Para kang nalugi."

Ganon ba kahalata ang itsura ko? "Naalala ko lang yung bestfriend ko baka mag aalala lang yun sakin."

Tumungo naman si Bryan. "Gusto mo ba dalawin natin sya?"

Napakurap ako sa sinabi nya. "Seryoso ka ba o tintrip mo ko?"

Tumawa ito. "Syempre naman. Saka naiinip na ko dito saka para makapag paalam ka na sa kaibigan mo."

"Hindi sya aalis dito lang sya." Napalingon kami ni Bryan sa nagsalita at nakita ko si Vincent na nakasuot ng black leather pants at jacket. Sumingot agad ako. "Bakitnaman?"

"Masyado ng delikado para sayo ang nangyayare, baka balikan ka pa nila."
datong nya habang inaalis ang gloves nya. Napatingin naman ako kay Bryan na nakakunot at nakangisi sa kanya.

"Dude kasama naman nya ko. She's safe with me." Ngisi pa rin si Bryan habang pinaningkitan naman sya ni Vincent.

"Oo nga." Sabi ko naman sa kanya. Nakakasar naman tong si Vincent ang strikto masyado.

"Taga san ba yang kaibigan mo?" nagpikit mata ako sinabi nya. Di kaya payayagan na nya ako!

"Malapit lang Project 6 papayagan mo nab a ako?"

"Ano itsura nya?" sunod nyang tanong! Shit shit! Mabait talaga tong si Vincent papayagan na nya ako!

"Mahabang buhok nya hangang bewang. Tayo nab a? Ay teka kuhain ko lang jacket ko sa kwarto ko." Akmang tatayo n asana ko na may ngiti sa labi ng bigla nyang hinigit ang braso ko palapit sa kanya.

"Isa pa ulit kulit mo na makipagkita sa kanya papatayin ko sya. Naiintindihan mo ba?" bulong nya sa tenga ko. Napatingin ako sa kanya ng parang di makapaniwala. How dare him to threaten my own bestfriend! "Sumunod ka na lang sa mga inuutos ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" tinignan ako ng mala anya mata. Napalunok ako ng malalim at tumungo na lang sa kanya.

Bumitaw na sya sa pagkakahawak sa akin at tumingin kay Bryan na mukhang tahimik lang na nanunuod sa amin. "Bryan lipunan mo sila may sasabihin ako."

Agad tumayo si Bryan habang umalis na si Vincent at tinitignan ko naman ang likod nya habang naiinis at yukom ang kamay ko. Nawala lang ako sa concentration ng pagimmagine na binabalibag sya upuan ng ilagay ni Bryan ang kamay nya sa ulo ko at humarap sa akin.

"Baka concern lang sya sayo kaya ganon." Matawa tawa nyang sinabi. Grabe! Naapreciate ko talaga yung concern nya! Ang saya!

"Concern? Grabe sino ba ako para ipaglahanin nya." Simangot ko.

"Malaki kasi naitulong mo sa kanya kaya ganon lang sya. Hayaan mo na." ngumiti ito.

Wala na kong sinabi at pinatipon na nga kami. Habang nasa unahan sila Vincent,Bryan at Julie. Seryoso ang mga mukha nila. Tss. Naasar na ko sa lugar na to. Paano kaya kung tumakas na lang ako?

"Dahil sa nangyareng patayan napagisipan ng mga heads na ibahin ang patakaran ng laro." Bungad ni Vincent na agad nagbulungan yung mga kasamahan ko. Ibahin? Naalala ko yung sinabi ni Bryan kanina baka abusuhin ng mga ibang assassin ang nangyare.

"Magkakaroon ng limang pagsubok at kung makasurvive kayo pasok kayo. Kapag hindi naman alam nyo patutunguhan nyo. Hindi na kayo ipapadala sa Devil Mountain sapagkat sa down level ng institute tayo maglalaro." Isang ngisi ang kumurba sa mukha ni Juliet.

"Bukas ko sasabihin ang unang pagsubok. Magpahinga na kayo." Sabi naman ni Bryan. Napailing na lang ako. This is a crazy thing! 

Continue Reading

You'll Also Like

14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
28.6K 1.2K 54
SECRET SERIES 1 Collyne Keigh Fuentabella, a nerdy, childish and slow minded girl who has multiple secrets. Sa kabila ng maamo niyang mukha nakatago...
18.6K 454 27
Si Clark at Sophia ay naatasan ng isang hindi pangkaraniwang misyon at iyon ay ang hanapin at patayin ang huling werewolf na nabubuhay sa mundo, sa k...
662K 16.1K 74
Si Mahalia ay isang babaeng lumaki sa tagong Probinsiya ng Isabela, protektado ito at inaalagaan ng kaniyang tatay ngunit paano kung sa isang trahedy...