In This Crazy Life (KathNiel)

By agentgiri

2.3K 17 2

What will happen in their crazy life? Read this and you'll find out. Get ready 'coz this story can turn your... More

In This Crazy Life (KathNiel)
Chapter 2; Is it a deal?
Chapter 3;

Chapter 1; I just died......

471 5 1
By agentgiri

K A T H R Y N 

 

 

"......so ano? interesado ka ba?"

 

 

"h-huh? anu yun boogs?"

 

 

"yung totoo?! nakikinig ka ba saken? Argh!"

 

 

"Sorry naman! Kalma lang, may nakita lang ako. Ano ulet yun?"

 

 

"Sabi ko.....naghahanap ang school verite natin ng isang writer, aalis kasi si Kaye for a month at kailangan nila ng substitute. ano? gusto mo?"

 

 

"Oo naman! Ngayon na ba yan?"

 

 

"Yep, later after classes."

 

 

"Sige. Sasali ka din?"

 

 

"No eh, may training kasi kami sa volleyball. Pero ihahatid muna kita sa office bago ako pumunta ng training. Ano? Oks lang?"

Hayyyyyy. Bakit kasi hindi ako biniyayaan ni God sa pagiging sporty eh? 

By the way, ako nga pala si Kathryn Chandria M. Bernardo, at yung bestfriend/boogs ko naman ay si Zharm Arriola, bestfriend since grade 4!

 

 

"Sige na nga. Alam ko naman na kailangan natin ng co-curricular activities eh. Buti na nga lang at sinabi mo yung tungkol sa verite thingy, atleast kahit papano may co-curricular ako."

 

 

"No prob, alam ko naman na kailangan mo yun eh. Tsaka isa pa, hindi ako papayag na maunahan ka nung Padilla na yun noh! Psh. Ang sakit talaga sa bangs! Malapit na kuhaan ng card ngayon eh. Tengne, tapos 2nd grading na agad..tapos next year college na tayo!"

Yeahp, we're currently in 4th year highschool, kaya sobrang hassle talaga.

Kailangan ko pa ng mga activities para naman hindi ako maunahan ng Padilla na yan sa rankings.

 

"Hahahaha. Oo nga eh! At malapit na magholloween, for sure natural na natural yung itsura ni asdfghjkl dun!"

 

 

 

"Sira ka talaga boogs! Tara na nga!" tapos hinila ko na sya sa locker rooms.

Masyado kasing bully si boogs eh, wahahaha!

Kinuha ko na yung mga books ko para sa umaga tapos umalis na din kami.

Hallerrrrr. Ang aga pa nga eh, 6:30 palang. 7:00 pa pasok namin, tumambay lang kami kanina sa bleachers kasi wala kaming magawa. 

 Pagdating namin sa room, konti lang yung tao. Madami nang bags pero halos lahat gumagala pa, sinusulit yung oras bago magklase. Dyan tayo magaling eh! 

"OMG!!!!! Grabe talaga! Ang sweet sweet nya!" wtf.

THIS. IS. SPARTA!!!!!!

Charot.

Bwiset naman oh, ang ganda na ng mood ko eh! Tapos bigla kong maririnig yung boses nung impokretang yon.

Oo, boses palang nababadvibes na ako. Leshe.

FLASHBACK (3rd year)

"OMG!!!!! Ikaw yung founder ng Billynatics?" sabi saken ng babaeng bigla-bigla nalang nanghihila. 

Ampf! Sino ba 'toh?! Masyadong feeling close. Leshe.

Btw, Billynatics! Yeah, ako founder nyan. Syempre dedicated for my one and only Billy Fernandez! Sa pagkakaalam ko, isa ang Billynatics sa mga pinakamaraming members and pinakakilalang fansclub ni Billy my labs! Oh diba? Ako pa! Ganda ko eh!!!!!

"Yep, why?" tanong ko sa kanya.

Transferee sya, i guess. Ngayon ko lang sya nakita eh.

2nd day palang kasi ng classes. Hindi naman ako nakinig sa kanila kahapon nung nagpapakilala sila. BOOOORING.

"Kyah!!!! Member ako dun! omg ang swerte ko!!!!! Classmates tayo! I-accept mo ko sa facebook please!" 

END OF FLASHBACK

Dyan.

Dyan nag-umpisa yung pagiging close namin.

For one and a half month, kami palagi magkasama noon. Magkaiba kasi kami ni Zharm ng section nung 3rd year eh.

Tapos nung inasar namin sya bigla kay Angelo--my ex-suitor..ayun, lumabas ang totoong kulay!

Malandi! Nakakabwiset! 

Purket mas maganda ako sa kanya at nagustuhan ako ni Angelo dati, kung makaasta sya wagas! 

Saksak ko si Angelo sa ngala-ngala nya eh! Nakakaimbyerna.

Well, hindi naman ako bitter.

Pero sadyang may bad feeling talaga ako dyan kay Den. Yep, Den yung pangalan nya. 

Korni noh? 

Psh.

Alam ko naman na nang-iinggit...or more like nagpaparinig lang sya eh!

Like wtf, first time nya ba nagkaroon ng manliligaw?

Well, sa mukha nyang yun, himala nga at may nanligaw pa sa kanya! Buiset.

Bakit hindi nalang sya mag-aral ng mabuti katulad ko? Puro landi inuuna nya!

Tapos kapag mababa sya, iiyak-iyak sya.

Lampasuhin ko sya eh!

Bakit di nalang sya gumaya saken? Maganda na, matalino pa! Ohha? ;)

Nagstart na yung klase namin. English, tapos Math.

Hindi nga ako nakikinig eh. Sows, yakang-yaka ko yan!

Nakita ko si Padilla....natutulog habang naka-beats.

hmmmm. Sino kayang mangunguna sa amin ngayon? 

Kami lang naman kasi ang magkakompitensya sa first rank eh!

Hayst, bahala na nga. Think positive, Kath! Para kay Billylabs mo toh! <3

Fast forwaaaaard

Uwian na, and papunta na kami ni boogs sa office. 

Matatanggap naman siguro ako diba?

"Hoy kulangot! Kung iniisip mo na hindi ka makakasali, nagkakamal-------"

"Oo na manahimik ka na. Leshe."

"Hahahaha sabi ko nga. Uy dito na tayo, sabay pa ba tayo umuwi? Mga 6 pa ako eh."

"Wag na boogs, matagal ka pa eh. Text-text nalang ha! Ingat ka! Lamyu!" 

Tumakbo na sya papunta sa court namin. Pumasok na rin ako sa office..

Pero may pumukaw ng atensyon ko eh.

Yung lalaking.....

Nakaupo..

Sa harap ng mga nag-iinterview ng mga gustong sumali sa pagiging substitute writer.

Fck. I just died......

Continue Reading