Violet: Tama na iyan!!!
Napaluhod naman sa harapan ko si Henry...
Violet: Henry, alam ni Black ang ginagawa niya.
Henry: Patawad po, Scarlet Gold Dragon... Scarlet Silver Dragon.
Violet: Makinig ka sa utos ko Henry...
Henry: Scarlet Gold Dragon...
Violet: Madaliin ang assembly!!!
Nagulat naman silang lahat sa sinabi ko. Alam kong si ina lang ang makakapagsabi ng ganito sa kagaya nitong sitwasyon pero nararapat lamang na gawin namin ito.
Henry: Masusunod po.
Violet: Ikaw na ang bahala sa assembly...
Henry: Opo.
.
.
.
.
.
To be continued....
THE NEXT DAY...
Maaga pa lang ay agad na akong bumangon at hinabilin ko na ang pagsasanay ng Scarlet Junior 2. Hindi na ako nag-aksaya at pumunta na ako sa meeting room ng grupo. Nang pumasok na ako ay nandoon na silang lahat at binati na nila ako.
Violet: Maupo na kayo.
Element Fox: Pinuno, ano po ang dahilan at nagpatawag kayo ng pagpupulong?
Violet: Didiretsuhin ko na kayong lima.
Aqua: Ano po iyon, pinuno?
Violet: Handa na ba ang lahat para sa assembly?
Fire: Hindi pa po namin masyadong masasabi, pinuno. Pero hinanda na namin sila sa lahat ng bagay na pwedeng dumating sa harapan nila.
Earth: Ganon na nga po, pinuno.
Wind: Pinuno, kailan po ba ang assembly?
Violet: Mas mapapaaga ang assembly.
Nagulat naman sila sa sinabi ko. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? Dapat sa mga susunod pa itong buwan mangyayari. Pero sa huli ay kumakatok na agad ito sa kanilang pintuan.
Violet: Sabihin ninyo sa akin. Sino-sino ang pinakamagaling sa bawat sangay?
Wind: Para saan naman po kung sino ang pinakamagaling sa bawat sangay???
Violet: Kahit may paligsahan kung saan kailangan sumali ang bawat miyembro ay kailangan pa din natin handain ang pinakamagagaling sa bawat sangay. Kilala ko ang pag-iisip ng mga heneral... kasali din sa assembly ang singles match...
Element Fox: Singles match...
Violet: Ito ang laban kung saan dapat may ilalaban tayong isa o dalawang tao. Makakalaban niya ang mga kagaya niya.
Fire: Kung ganon kaya ka nagtatanong pinuno kung sino ang pinakamagaling para malaman kung sino ang ilalaban sa pang-isahang laban?
Violet: Tama ka... kailangan kong malaman. Kailangan kong malaman kung sino ang ipapadala ko.
.
.
.
.
.
Violet: May naisip na ba kayo kung sino-sino ang pinakamagagaling sa grupo.
Lahat: Meron po...
Violet: Sabihin ninyo kung sino sila.
Element Fox: Para sa mano-manong labanan ay nirerekomenda ko si Isaac Anderson.
Fire: Maganda ang pili mo, Pinunong Element Fox. Magaling ngang tunay si Isaac Anderson. Naunahan mo ako doon ah...
Element Fox: Sa lahat ng buong grupo, siya ang nakitaan ko ng bilis at lakas para sa manuhan. Atsaka kung ibubuhos pa ang oras para sanayin siya ay pwedeng-pwede na siyang maging isa sa mga pinuno ng Scarlet Junior.
Fire: Nirerespeto ko ang desisyon mo, Pinunong Element Fox.
Violet: Kung ganon sino ang irerekomenda mo, Fire?
Fire: Para sa baril ay nirerekomenda ko si Trigger Lightning.
Wind: Iyong medyo pasaway sa pangatlong grupo.
Fire: Oo.
Wind: Kung ganon nirerekomenda ko din mula sa pangatlong grupo na si Natalie Perez.
Aqua: Phoenix Callaway... ang nirerekomenda ko.
Violet: Magaling... Earth...
Earth: Pinunong Violet... may irerekomenda akong dalawang tao. Pero alam kong isa lang ang kailangan natin. Kung kaya naman ay hinihingi ko ang desisyon mo kung sino ang pipiliin natin sa pana.
Violet: Sino ba iyang dalawang tao na iyan at mukhang nahihirapan ka?
Earth: Ang isa ay si Mikael Romas at si Dane Archer...
Violet: Mikael Romas... galing sa tanyag ng mamanang pamilya dito sa Panem... Ito naman si Dane Archer... walang Dane Archer sa pamilya Archer. Mukhang nagkakamali ka ata Earth. Nag-iisa lang ang anak ng mga Archer at si Diane Archer iyon. Baka si Diane Archer ang ibig mong sabihin.
Earth: Pero lalaki po talaga si Dane...
Violet: Gusto kong makita ang mga nirerekomenda ninyo ngayon din.
Lahat: Masusunod po pinuno...
.
.
.
.
.
Kung kaya naman ay nagsilabasan na kami at una ko ng tiningnan si Isaac at masasabi ko ngang pwede siyang maging pinuno ng Scarlet Junior. Mabuti din ito dahil bata pa lamang siya.
Violet: Fox.
Element Fox: Pinuno...
Violet: Siya ang ilalaban natin... kaya naman bigyan mo pa siya ng karagdagang ensayo para sa preparasyon.
Element Fox: Masusunod po.
Lumakad na ako patungo sa klase ni Wind at agad kong napansin ang isang babae na naghalo ng kung ano. Napansin kong komplikado ang ginagawa niya. Pipigilin ko na sana siya dahil kailangan ng malalim na kaalaman ang ginagawa niya. Kung magkamali siya ay pwedeng maalangan ang buong kota.
Wind: Pinuno.
Violet: Ano ang sa tingin ang ginagawa niya?
Wind: Siya po si Natalie Perez.
Tinapos naman ni Natalie ang kanyang ginagawa at nagtagumpay siya dito. Lumapit naman ako sa kanya at ng napansin nila ako ay agad silang nagsitayuan. Binati na din nila ako kaya naman ay agad ko na silang pinatayo.
Violet: Magaling... Wind, bigyan mo siya ng karagdagang preparasyon.
Wind: Opo.
Umalis na ako at pinuntahan si Aqua. Nag-didifuse sila ng maabutan ko sila. Madaming kawad ang bomba kaya nakakalito kung alin ang dapat putulin. Tahimik lang akong nanonood habang sinusubukan nila.
Teka ano ang gagawin natin?
Kalma pwede!!!
Nakita ko naman na may isang lalaki ang basta-bastang hinawakan ang isang kawad at walang siyang sinayang na panahon at agad niya itong pinutol.
Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Phoenix?!
Pinipigilan ang bomba...
Pero dapat nating pag-isipin kung alin dyan!!! Kung mabigo ka! Edi mapapahiya tayo!
Aqua: Tama na iyan... tama lang ang ginawa ni Phoenix.
Violet: *Talikod* Ihanda mo siya Aqua. *Lakad*
Aqua: Masusunod po.
Umalis na ako dumiretso nasa klase ni Fire. Nang makarating na ako ay nagsisimula na sila.
Violet: Ano na?
Fire: Pinuno, iyan na si Trigger Lighting...
Violet: Ang ibig mong sabihin ay si Gabriela Peterson. Ano pa ang hinihintay niya?
Fire: Hindi ko din siya maintindihan, Pinuno. Pero iyan ang palagi niyang ginagawa bago pa man siya tumitira.
Violet: Sa tingin ko ay binibigay niya ang lahat ng atensyon niya sa kanyang target. Gusto ko ang pinapakita niyang atensyon... pero gusto kong malaman hanggang saan siya dadalhin ng atensyon niya.
Pinutok na niya ang baril niya kaya naman ay tumira din ako at tinama sa balang pinutok niya. Pumutok siya ulit pero hinarang ko ito ulit... pumutok siya ng marami pero hinarang ko lahat iyon hanggang sa nagiba siya ng stance at pumutok ulit. This time it landed to the target. Napangiti na lamang ako sa lumabas na resulta.
Violet: Magaling siya... totoo nga ang reputasyon niya.
Fire: Pinuno...
Violet: Ihanda mo na siya...
Fire: Pinuno, alam natin na higit na mas magaling ka pa...
Violet: Hindi na niya kailangan pang patunayan na magaling siya Fire. Dahil sa kilos pa lang niya ay masasabi kong magaling siya.
Fire: Pinuno...
Violet: Ihanda mo na siya para sa laban... kailangan ko pang puntahin si Earth.
Fire: Masusunod po.
Violet: *Alis*
To be continued...
~-~
DETAILS
Made: 5/31/17 ~ 3: 34 - 4: 29 pm
Posted: 11/24/18 ~ 7: 43 pm