Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XXI : Upper hand

105K 4.3K 4K
By Serialsleeper


CHAPTER XVI:

UPPER HAND

DANA


Napagpasyahan naming mahinto ni Raze sa gitna ng isang eskinita. Kapwa kami humahangos at balisa dahil sa nangyari kaya naman wala sa aming nagsasalita habang nakasandal sa magkabilang pader.


Miranda wasn't just a classmate or a friend since elementary, she was part of my life—part of our lives. Being born and raised in the little town of Drayton, most of us went to the same school and grew up together. To see her being ripped open like that? It's more than gut-wrenching.


Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isipan ko ang takot sa mga mata ni Mira... lalo na ang mismong pag-kain ng hayop na yon sa puso niya. For fuck's sake! He didn't even have a normal mouth! All he had was a bloody wound in his face and it was enough for him to devour her heart!


I was holding Mira's hand... I promised her that she would live.. I promised her survival but in the end, we still lost her. Just thinking about her makes my heart hurt like hell. I was there, I should've done something instead of just standing there crying like the pathetic person that I am.


"Dana, igaganti natin siya... Igaganti natin siya." Giit ni Raze habang humahangos at nakatingin lamang sa kawalan. Namumula ang mga mata niya, tagaktak ang pawis at halatang labis rin ang panlulumo. Pero kahit nanlulumo man, nakikita ko ang galit sa mga mata niya at sa puntong 'to alam ko, gagawin niya ang sinasabi niya.


"H-he ate her heart with his open wound... He didn't have lips or teeth but he still managed to devour Mira's heart with the open wound where his mouth should've been... Raze hindi siya tao!" Sa abot ng makakaya ko, sinikap kong magsalita sa pagitan ng bawat paghikbi ko.


Ayon sa parte ng kwentong naalala ko, pinanganak si Dondy na walang mukha, wala siyang mata, bibig, dila o mga tenga, ang meron siya ay isang butas kung saan sana naroon ang kanyang ilong at ito ang paraan niya para makahinga. Isang araw bigla niyang ginamit ang isang kutsilyo at nilaslas ang mukha niya nang magkaroon siya ng dalawang butas para sa mga mata at isang butas para sa bibig niya. Nagkaroon siya ng matinding lakas na hindi angkin ng isang tao at ginamit ito upang patayin ang lahat ng mga tao sa paligid niya at ginantihan ang mga nang-api sa kanya. Wala man siyang mata o ngipin, nagagawa niyang makakita sa pamamagitan ng laslas kung saan sana naroroon ang kanyang mga mata at nagagawa niyang kumain ng mga laman ng tao sa pamamagitan ng laslas sa kinaroroonan sana ng kanyang dibdib. Sa bawat laman ng taong nakakain niya, lalo siyang lumalakas at sumasama.


"Malalampasan natin 'to pero sa ngayon kailangan muna natin silang hanapin. Makakaganti tayo sa halimaw na 'yon Dana at gaya ng lolo ni Cielo, ikaw mismo ang pupugot sa ulo ng gagong 'yon para kay Mira." Giit ni Raze sabay kuha ng kutsilyo na nakatago sa paanan niya. Ginamit niya ang kutsilyo para punitin ang maliit na bahagi ng manggas sa suot niyang jacket. Itinali niya sa kanyang kamay ang piraso ng tela habang hawak parin ang kutsilyo, ginagawa niya 'to para mas humigpit lalo ang hawak niya sa kutsilyo at 'wag itong mabitawan.


Tumango-tango na lamang ako kahit pa manginig-nginig parin ako't hindi pa lubos makahinga ng maayos. Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at kinuyom na lamang ang mga kamay ko.


"No one's going to die anymore." Sabi ko na lamang at inunahan si Raze sa paglakad.


****


"Dana, bato 'yan." Kunot-noong sambit ni Raze nang sa kasagsagan ng maingat naming paglalakad at paghahanap ay pinulot ko ang isang batong may katamtaman ang bigat at laki.


"Don't underestimate anything or anyone, even the smallest stones can be lethal." Sabi ko na lamang at mas hinigpitan pa ng mahigpit ang hawak sa bato, "But I'm getting a knife or a gun when I see one though."


Paliko-liko kami sa bawat eskinitang nadadaanan namin habang pinapakiramdaman ang paligid. Unti-unti nang nawawala ang sikat ng araw at sigurado akong ano mang oras ay babalutin na kami ng kadiliman.


"I'm sorry..." Sambit ko kay Raze habang binabagtas namin ang isang kalye kung saan tanaw namin ang isang fire station.


"Saan?" Walang emosyong tanong ni Raze habang deretso ang tingin sa nilalakaran namin.


"For blaming you when we lost Cielo..." Ngumiti na lamang ako ng tipid sabay pahid ng luhang tumakas na naman mula sa mga mata ko, "It wasn't your fault but I was so distraught from losing Cielo that I needed someone to blame. I blamed you for something you didn't even wanted to happen and in doing so I didn't just lost Cielo. I lost two of my dearest friends... Raze, I was a really big jerk and I'm sorry."


Losing Mira reminded me of what I felt when Cielo disappeared. Marami akong gustong sabihin pero naunahan ako ng kamatayan. I get it now, dito sa kinaroroonan namin, siguro mas normal na ang mamatay. Masakit isipin pero paano kung isa sa amin ni Raze ang mauuna? Mas mabuti na siguro kung ganito, na masabi ko ang gusto kong sabihin bago pa man mahuli ang lahat, bago ako mamatay.


"Minsan nagtataka ako paano ko natagalan ang kaartehan mo." Kunot-noong sambit ni Raze nang nilingon ako. Bigla niyang ipinatong ang palad niya sa ibabaw ng ulo ko at hinila ako para magkasabay kami sa paglalakad.


"We've been classmates since kinder, ba't ngayon ka lang nagtaka? Anyways, I'm practically your little sister Ramonsito that's why." Sarkastiko ko na lamang na sambit sabay pabirong suntok sa balikat niya gaya ng lagi kong ginagawa noong mga bata pa kami.


"Oo nga naman, ikaw nga pala yung unofficial naming kapatid. Lagi kang nakikikain sa bahay kaya kulang nalang iburda ka ni Mama sa family cross-stitch niya." Biro pa ni Raze sabay gulo ng gulong-gulo ko nang buhok.


"Excuse me, I was invited—" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla akong makaramdam ng labis na paninikip sa dibdib ko, napakasakit nito at nahihirapan akong huminga.


"Dana? Okay ka lang" Agad na napahawak si Raze ng mahigpit sa balikat ko upang maalalayan ako.


"Shit." Napangiwi na lamang ako't tumango-tango. Ito siguro yung sinasabi nilang heart burn, although karaniwang adults at seniors ang nakakaranas nito, possible rin itong maramdaman ng teenagers. Pinilit ko na lamang ang sarili ko na tumayo ng maayos habang pilit na binabalewala ang lamig na nagsisimula ko na namang maramdaman.


"Teka—" Biglang bulalas ni Raze at napatingin sa kawalan na animo'y may taimtim na pinapakinggan. Gumaya ako sa kanya at tinalasan rin ang pandinig ko. Pinakiramdaman ko ang paligid hanggang sa may maulinigan ako—I can hear faint giggles and playful honking of horns.


Hindi na namin pa kinailangang mag-usap pa ni Raze, otomatiko kaming nagtakbuhan palayo nang kapwa namin marinig ang mga payasong parating. Bwisit! Isa nga lang pala ang napatay nila Axel. The Molotov bomb was just a diversion para makaalis kami sa elevator, yes natapunan sila nun at nasabugan pero odds are, they're still alive and probably freakier than before.


"Dito!" Giit ni Raze at bigla akong hinila sa direksyon ng pinakamalapit na pinto sa gusaling nadadaanan namin. Basag na ang pinto at may mga bahid pa ng dugo sa sahig pero sa sobrang desperasyon ay hindi na kami nagdalawang-isip pa at sinuong ang kadiliman ng gusali.


Gamit ang flashlight na dala ni Raze ay nagawa naming mahanap ang isang pintong patungo sa kinaroroonan ng isang spiral na hagdan.


"Humanap ka ng maaari nating madaanan sa taas! Fire exit o mga bubong na malapit sa bintana! Lalagyan ko muna ng mga harang ang pinto at susundan kita sa taas." Natatarantang inabot sakin ni Raze ang flashlight at agad niyang tinungo ang mga sofa na nadaanan namin kanina.


Ayokong mapag-isa pero may punto si Raze kaya naman kahit mabigat man sa kalooban ko, dali-dali kong inakyat ang hagdan at nagtungo sa sa pangalawang palapag. Inisa-isa ko ang mga pinto ngunit wala akong nahahanap na fire exit, may bubong akong nakita pero nasa mas mataas itong palapag kumpara sa kinaroroonan ko. Patindi ng patindi ang lamig at kabang nararamdaman ko pero pinilit kong kumilos ng mabilis hindi lang para kay Raze kundi para sa mga kasamahan naming hindi pa namin nahahanap.


Humahangos akong nakarating sa pang-apat na palapag. Para akong nabunutan ng tinik nang mula sa binata ay natanaw ko ang mga bubong na magkakadikit-dikit, paliit ng paliit ang laki ng mga gusaling kalapit nito kaya naman malakas ang kutob kong hindi kami mat-trap sa ibabaw ng mga bubong na maaari naming madaanan mamaya. We could leave this building easily if those clowns found out we're hiding in this building... Plan A namin ang magtago sa gusaling 'to, plan B namin ang pagdaan sa mga bubong. Plan C, I guess that would be to fight until our last breath.


Saglit akong napasandal sa dingding at paulit-ulit na huminga ng malallim. Giniginaw ako lalo kaya naman ibinutones ko ang jacket ko at niyakap ng mahigpit ang sarili ko.


Sabi ni Raze susunod siya dito pero hindi ko kayang maghintay ng walang ginagawa kaya naman mas pinili ko na lamang na muling bumaba sa hagdan nang matulungan ko siya sa paglalagay ng mga harang.


"Raze...." Napasinghap ako nang bigla akong may naapakang kumalansing. May maliit pang liwanag mula sa labas na sumisilip sa wall ventilations kaya naman hindi ko na kinailangang paandarin ang flashlight para makita ang nasa paanan ko—ang kutsilyo ni Raze at pati narin ang piraso ng telang ipinantali niya sa kamay niya.


Sa sobrang kaba ko ay muli akong naiyak. Nilibot ko ang paningin ko upang hanapin si Raze ngunit para siyang nawala na parang bula. Sigurado akong hindi siya lumabas lalo pa't nalagyan na niya ng mga furnitures ang pinto at mga bintana mula dito sa loob. And besides, Raze wouldn't leave like this.


Nagbakasakali ako at nagtatakbo sa itaas, inisa-isa ko ulit ang bawat palapag at mga silid sa pagbabakasakaling nagkasalisi lamang kami. Hinanap ko si Raze nang hinanap pero kahit bumalik na ako sa ground floor, hindi ko parin siya nahanap kaya wala akong magawa kundi lalong mapaiyak.


Hindi ko na alam anong gagawin, hindi ko na alam saan pa hahanapin si Raze. Hindi niya ako basta-bastang iiwan, hindi siya basta-bastang nang-iiwan lalo sa sitwasyon naming 'to.


Sa isang iglap ay bigla akong narinig na hagikgik. Unti-unti akong napatingin sa direksyon ng bintana at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapatili nang ubod ng lakas nang makita ang dalawang payaso na sinisilip ako mula sa bintana. Hindi gaya kanina, sunog na ang mga mukha nila at tadtad na sila ng mga sugat at dugo, kung ikukumpara, di hamak na mas mukha silang determinado ngayon na manakit.


"Raze!" Napaiyak na lamang ako at nagtatakbo muli patungo sa hagdan. Sa kabila ng lahat, nagbabakasakali akong maririnig ang mga iyak ko at susulpot siya upang matulungan ako. Dumagdag pa sa takot na naramramdaman ko ang matinding panlulumo lalo't pakiramdam ko'y nag-iisa na lamang talaga ako.


Naririnig ko ang mga malalakas na dagundong mula sa ground floor. Alam kong ang mga payaso ito at pinipilit na nilang makapasok.


Nang makarating ako sa pang-apat na palapag kung saan naroroon ang bintanang maari kong madaanan ay hindi muna ako gumalaw. Binuksan ko ito pero nanatili akong nakapako sa kinatatayuan habang pinapakinggan ang bawat dugundong, naghihintay ako sa pagkakataon, isang siguradong pagkakataon upang masigurong hindi nila ako masusundan o maabangan.


Narinig kong tumigil ang mga dagundong patunay na nakapasok na sila sa mismong building. Ito ang naging hudyat ko kaya naman dali-dali na akong lumabas patungo sa katabing bubong at sa abot ng makakaya ay isinara ang bintana.


Huminga na lamang ako ng malalim at tinatagan ang sarili ko. Luhaan man, tinakbo ko ang bawat bubong. Natatakot akong bumagsak sa mga susunod kong hakbang pero mas natatakot akong maabutan ng mga payasong iyon.


Ito ang unang pagkakataon kong makaakyat sa isang bubong ngunit ngayon hindi lang isa ang dinadaanan ko ngunit marami na. Patalon-talon ako lalo pa't may mga gap akong nadadanan paminsan-minsan. Hindi ako lumilingon sa takot na baka makita kong nasa likuran ko na ang mga payaso.


Lalo pa akong hindi mapakali sa tunog na nagagawa ng bawat paghakbang ko sa mga yero. Nakakabahala pero tiniis ko na lamang ito. Makalipas ang ilang sandali ay tumigil ako sa pagtakbo nang makita ang dulo ng yero. Wala na, dead end na.


Akala ko ito na ang magiging katapusan ko pero nakita ko ang isang kotse sa baba kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad akong napatalon sa tutok nito at mula rito ay nakababa ako sa bumper hanggang sa tuluyang makapaak muli sa kongkretong daan. Sa pagkakataong ito, wala na ulit akong magawa kundi tumakbo.


****


Pagod na pagod man hindi ako tumitigil sa pagtakbo. If I stop, I'll only end up sulking and crying. I'll only end up every decision I made, I'll only end up regretting how I lived my life for 18 years.


"Kuya! Kuya!"

"Sandali!"


Natigil ako sa pagtakbo nang makarinig ako ng mga sigawan. Palinga-linga ako, sinubukan kong sundan ang ingay hanggang sa tuluyan kong matanaw ang isang apoy—isang napakalaking apoy mula sa bahay na nasusunog.


"Kuya! Kuya!


Naririnig ko ang kanyang makapanindig balahibong tili at mga palahaw. Habang papalapit ako sa bahay, palakas nang palakas ang boses niya. Pero kahit pa malapit ako sa mismong bahay na nasusunog, wala parin akong nararamdamang init kasi giniginaw parin ako.


"Gino?!" Bulalas ko nang makita ko siyang natataranta. Sinusubukan niyang pasukin ang bahay ngunit hindi niya magawa dahil sa malakas na lagablab ng apoy.


"Si Wena! Nasa taas si Wena!" Sigaw niya sakin at nang makalapit ako sa kanya at mapatingala ay nakita ko si Wena na nakadungaw sa bintana. Iyak siya ng iyak sa sobrang takot lalo pa't unti-unti nang nilalamon ng apoy ang kinatatayuan niya.


Napatingin ako sa pintong nasa harapan namin at nakita kong ang mga arko pa lamang nito ang nasusunog. Sa kabila ng naglalagablab na apoy maari pa itong mapasok.


"That Dumpster!" Bulalas ko ng makita ito, "Listen to me! I need you to drag that dumpster straight into the window's direction!" Giit ko.


"Anong gagawin mo?!" Gulat at naguguluhan niyang bulalas.


"I'll make use of this damn cold! Now hurry up!" Giit ko sabay tulak sa kanya. Agad naman siyang nagtatakbo patungo sa direksyon nito.


Huminga ako ng malalim at kinuyom ang mga kamao ko. Tutal naman kanina pa ako sobrang nilalamig, papakinabangan ko nalang kaya sana naman tumalab.


****


Mainit ang paligid pero nakakayanan ko ito. Mas nahihirapan ako sa usok na nagpapaluha lalo sa mga mata ko. Napakakapal ng usok kaya naman halos wala akong maaninag at panay lamang ako sa pag-ubo.


Sa kabila ng sobrang hapdi ng mga mata, pinilit ko itong ibuka hanggang sa tuluyan kong maaninag ang isang hagdan. Inakyat ko ito habang sumisigaw. Sinisigaw ko ang pangalan ni Wena at ilang sandali pa'y naririnig ko narin siyang sumisigaw.


Sinundan ko ang boses niya hanggang sa tuluyan akong makarating sa isang silid at matagpuan siyang umiiyak. Sa sobra niyang takot agad siyang napahawak sakin ng mahigpit.


"Let's go!" Giit ko at agad siyang hinila patungo sa direksyon ng pinto pero umiling-iling siya na animo'y nagmamakaawa. Takot na takot siya, sa sobrang pag-iyak niya halos hindi na siya makahinga ng maayos. She's hyperventilating and all I could see in her eyes is fear—shit, this is her fear.


"Wena we have to jump." Giit ko na lamang sabay hila sa kanya patungo sa bintana.


"Ayoko!" Humahagulgol niyang sambit kaya sa sobrang frustration ko hindi ko na napigilang mapasigaw.


"Tatalon ka o sasampalin kita ng ubod lakas, hindi ka na mangangalaingan ng blush on sa kaliwa mong pisngi!" Bulalas ko dahilan para lalo siyang mapaiyak habang umiling-iling, "Look your brother is here! Gusto mo pa namang makita ang kapatid mo diba?!"


Sa sinabi kong 'yon ay napaiyak siya lalo at wala siyang ibang magawa kundi unti-unting ilabas ang kanyang katawan mula sa bintana.


****


Humahangos, umiiyak at panay parin ang kaba. Tuluyan kaming nakaalis mula sa nasusunog na bahay pero heto kami ngayon at hindi parin nakakakilos.


Matapos makaalis mula sa malaking basurahan na nagsalba sa mga buto namin ay nanatili na lamang akong nakahiga sa gitna ng daan habang pinagmamasdan ang mga bituin na nagsisimula nang magpakita. Naririnig ko paring umiiyak si Wena sa isang tabi habang inaalo ni Gino at pinapainom ng tubig na dala ko.


Mahalaga ang bawat minuto, alam ko iyon pero alam ko rin na hindi pa nahihimasmasan si Wena kaya sinasamantala ko na lamang ang pagkakataon na makapagpahinga.


Gino and Wena, they're not part of this, they were just at the wrong place at the wrong time—worst time. Kung hindi wala sila sa bahay ni Cielo, siguro wala rin sila dito. Pero shit, paano na'to? Paano ko sasabihin sa kanilang wala na si Pinky at nagkahiwa-hiwalay kami nila Axel, and the worst part ay maaring wala narin si Axel.


"A-asan ang kuya ko?" Narinig kong tanong sa akin ni Wena sa pagitan ng kanyang bawat paghikbi.


"At si Pinky asan siya?" Tanong naman ni Gino. Shit nga naman.


"I don't know. Nagkahiwa-hiwalay kami." Naupo na lamang ako at kinuha ang backpack na nasa likuran ko parin. Kinuha ko ang nag-iisa at natitira kong bottled water at uminom mula dito.


"Asan ba talaga tayo? Paano tayo napunta dito?" Tanong ni Gino na gulong-gulo gaya ni Wena.


"You wont believe me if I tell you, let's just survive this hell." Kaswal ko na lamang na sambit sabay balik ng tubig sa bag ko. Pagod na pagod man, pinilit ko na lamang na tumayo.


****


"At anong magiging silbi ng pagsasabi ko sayo ng kinakatakutan ko?" Tanong ni Gino habang maingat naming nilalakad ang isang napakadilim na kalsada. Dahil walang kuryente, sa puntong ito'y tanging ang liwanag na lamang ng buwan at mga bituwin ang gumagabay sa amin.


"Wena's fear is fire. She woke up in a burning house. Odds are, you'll have to survive your fear anytime now so it's better if we're prepared." Giit ko na lamang.


"Si Kuya... takot siya sa heights, nakaya—"


"Mas nauna siya dito kaya naman malamang nalampasan niya 'yon." Sabi ko na lamang habang mas binibilisan pa ang paglalakad.


Nag-uusap man kami, hinihinaan namin ang mga boses namin. May hawak man akong flashlight, hindi ko ito pinapaandar. Nauuna akong maglakad sa kanila kaya naman wala silang magawa kundi sumunod sa akin.


"Drowning." Biglang bulalas ni Gino dahilan para bahagya akong mapalingon sa kanya.


"You're afraid of drowning?" Pagkukumpirma ko.


"Oo pero mula nang magising ako sa parke, wala akong nakikitang kahit na anong katawang tubig." Aniya kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Churchill has fear of mascots pero bigla itong sumulpot sa daan, anything's possible.


"Pwede ka ring malunod sa kanal." Sabi ko na lamang.


"Itulak mo na ako sa kanal, huwag lang sa taong hindi ko mahal." Aniya kaya sa kabila ng takot namin, bahagya kaming nagtawanan ni Wena. Ayos rin palang kasama 'tong si Gino, maalam rin sa pasimpleng Ice Breakers.


Idinadaan na lamang namin sa mahinang kwentuhan ang takot at kabang nararamdaman namin. Akala ko ako lang ang umiiwas na pag-usapan tong sitwasyon namin pero mukhang sila rin, nagpapakatatag sa pamamagitan ng blissful ignorance.


"Teka naririnig niyo ba yun?" Biglang bulalas ni Wena dahilan para agad kaming mahinto sa paglalakad at magsitahimik. Dali-dali kong nilibot ang paningin ko, madilim man naaninag ko ang anino ng isang malaking rebulto na malapit lang sa mismong kinatatayuan namin. Napapalibutan ang rebulto ng pabilog ngunit mababaw na pader, hindi ko nga lang lubos na maaninag dahil sa sobrang dilim.


"What the.." Nakunot ang noo ko nang bigla akong may marinig na mga kaluskos. Para bang may tumatakbo, tumatakbo sa mismong direksyon namin.


Sa taranta ay dali-dali kong iningat ang flashlight at tinuro sa direksyon ng ingay. Nang pinaandar ko ito ay wala akong magawa kundi mapatili nang bigla na lamang sumupot ang naagnas at duguang mukha ni Mang Boris sa mismong harapan ko. Tumatakbo siya na animo'y susugurin ako, sa sobrang bilis ng pangyayari, naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ko sa malalig na tubig.


****


Si Gino. Siya agad ang unang pumasok sa isipan ko nang mapagtanto kong isa palang malaking fountain ang nakita ko kanina at sa isang fountain ako tumilapon nang sinugod ni Boris.


Hilong-hilo ako at nahihirapang huminga, pumapasok sa ilong ko ang tubig. Mababaw lamang ang kinaroroonan ko, ramdam ko iyon dahil bumabagsak pa ang likod ko sa isang kongretong sahig pero dahil sa sobrang panghihina ay hindi ako makagalaw sa tubig na unti-unting lumulunod sa akin.


May naririnig akong mga sigawan ngunit nakasentro ang atensyon ko sa pagsinghap. Pinipilit kong gumalaw, pinipilit kong iangat ang mukha ko. Pinipilit kong tumayo pero walang lakas ang mga braso ko. Sumasakit ang ibabaw ng ilong ko dahil sa tubig na pumapasok sa sistema ko.


"Kuya Gino!" Narinig ko ang palahaw ni Wena. Naririnig ko ang isang komosyon malapit sa akin. Shit! Si Gino!


"I got you! I got you! Hinga lang Dana!" Bigla kong naramdaman ang isang kamay na humila sa akin mula sa pagkakahiga at humawak sa baba ko upang 'wag nang abutin ng tubig ang mukha ko. Paulit-ulit akong napasinghap dahil sa wakas ay malaya na akong nakakahinga at wala na akong nararamdamang tubig sa tumatama sa mukha ko.


"Flashlight... Gino.. Help Him." Sa sobrang taranta ko ay hindi ko halos ma-organisa ang mga salita sa utak ko.


Sa gitna ng tila ba walang hanggang katahimikan ay biglang sumulpot ang isang mahabang liwanag. Gulat man, kitang-kita ko ang nangyayari sa dulo ng liwanag kung saan ito mismong nakatutok.


Si Mang Boris, dinadaganan at pilit na nilulunod ang nagpupumiglas na si Gino. Dahil naaagnas na ang kanyang balat, maya't-mayang nalalaglag patungo sa tubig ang piraso ng kanyang nabubulok na laman at balat na sinasamahan pa ng uod. Sa isang iglap ay bigla na lamang lumitaw ang isang itak, nang napakurap ako ay hindi ko na nakita pa ang ulo ni Mang Boris... Ang nakita ko na lamang ay si Shem na halatang gigil na gigil at nagpupuyos sa galit.


Nagkatinginan kami ni Shem. Para ba siyang hindi makapaniwala, palipat-lipat ang tingin niya sa amin at sa katawan ni Boris na ngayo'y wala nang ulo at pabagsak na sa tubig.


Sa isang iglap ay biglang umalingawngaw ang napakalakas na tawa ni Shem at wala na akong ibang nakita sa mukha niya kundi ngiti ng tagumpay.


"Si Gino! Tulungan mo!" Sigaw ng nasa likuran ko na siyang umaalalay sa akin, nang lingunin ko siya ay napatawa na lamang ako kasabay ng pagbuhos ng luha ko. Si Churchill pala.


"I fucking did it? Oh shit I fucking killed Boris!" Humahalakhak na sambit ni Shem. Tinutulungan man niyang makatayo si Gino ay titig na titig lamang ang kanyang mga mata sa katawan ni Boris na ngayo'y wala nang ulo at nakalublob na sa tubig. Nagsisimula nang humalo ang kanyang itim na dugo sa tubig, pati narin ang naagnas niyang katawan, laman at mga uod kaya naman dali-dali na kaming nagpulasan paalis sa fountain.


"Shit nagawa ko! Antagal kong ginustong gawin to!" Bulalas ni Shem at sa puntong ito'y pansin ko na sa boses niyang naiiyak na siya dahil sa tuwa.


Itinutok ni Churchill ang liwanag sa direksyon ni Shem kaya naman kitang-kita namin ang ginawa niyang paglapit sa tumilapon na ulo ni Mang Boris. Walang ano-ano'y inapakan niya ito ng inapakan kahit pa nagtatalsikan na sa kanya ang nabubulok na nitong laman at naagnas na mga mata. We heard some cracking, it was probably Mang Boris' skull kasi may nakita na kaming mga kulu-kulubot na laman na animo'y mga utak na nagtalsikan sa sahig.


"Ano ka ngayon?! Head Smash!" Sa sobrang tuwa at pagmamalaki ni Shem ay tinanggal niya ang helmet at binato sa sahig habang patuloy paring pinapadyakan ang ulo ni Mang Boris na animo'y isa itong insektong gusto niyang pulbusin.


"Nabaliw na." Natatawang biro ni Churchill, "Asan si Raze?" Tanong ni Churchill kaya kahit nakangiti man ako habang nakatingin kay Shem, hindi ko na napigilan ang muling mapaiyak.


****


"Hindi pa namin alam nasaan si Axel." Sagot ni Churchill sa tanong ni Wena na ngayo'y inaalalayan ang nanghihina paring si Gino upang makatayo ng maayos. Atleast now, nalampasan na nina Wena at Gino ang fears nila.


"Stop it, let's go. His head's worse than a roadkill." Biro ko na lamang kay Shem na hindi parin tapos sa paglalabas ng sama ng loob sa pugot na ulo ni Mang Boris. Kahit ako natuwa rin dahil nakaganti na si Shem, alam kong masamang gumanti pero napakasama rin naman kasi ng dinanas namin lalo na ni Shem sa mga kamay ni Boris, literally.


"Panalo ako Mang Boris." Tuwang-tuwang sambit ni Shem sabay pulot ng helmet niyang natalsikan narin ng utak ni Boris.


Nagsimula kaming maglakad, pinatay namin ang dala naming mga flashlight at naglakad muli sa gitna ng kadiliman habang malapit sa isa't-isa. Nangunguna si Shem sa paglalakad na halatang nasa mood sa kabila ng pinagdadanan namin ngayon.


"Hayun sila." Sa sinabi ni Shem ay agad akong nagtaka. Lalo pa akong nagtaka nang makita ang liwanag ng isang sasakyan. Teka may umaandar palang sasakyan dito? We tried all of the cars we stumbled upon pero wala sa kanilang gumagana.


Lalo akong naguluhan nang maaninag ko ang tatlong aninong nakatayo sa labas ng sasakyan. Pinaandar ni Churchill ang hawak niyang flashlight dahilan para makita ko ang mukha ng dalawang lalake at isang babae—hindi ko sila kilala at mas lalong hindi ko alam bakit may hawak silang baril na nakatutok sa amin!


"'Wag kayong lalapit!" Sambit ng lalake na para bang pinagbabantaan kami gamit ng baril na hawak niya. Sa sobrang gulat namin ay nahinto kami sa kinatatayuan at nagsidikit sa isa't-isa.


"Teka Jury kami parin 'to!" Biglang giit ni Shem kaya nakunot na lamang ang noo ko. Teka saan ko nga ulit narinig ang pangalang 'yan?


"Shem ba't ka may hawak na ulo?!" Sigaw pabalik nung tinawag niyang Jury. Kinakabahan man, hindi ko napigilang mapangiwi nang mapagtantong bitbit parin pala ni Shem ang yuping-yupi nang ulo ni Mang Boris, well ang natira sa ulo niya.


"Ba't mo pa kasi dinala yan?!" Inis na sambit ni Churchill.


"Churchill sino sila?" Tanong ko na lamang.


"Ang bida sa kwentong 'to." Mahinang sambit ni Churchill.



END OF CHAPTER 21!

Note: Long chapter pambawi sa matagal na walang update lol. Also, sorry to burst the shipper's bubble but Raze and Dana are completely platonic. They're childhood friends so yung closeness andun talaga. A boy and a girl can be friends too without romantic stuff haha. Hope you guys enjoyed this chappie! :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

100K 6.1K 60
Tarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and s...
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
106K 8.3K 98
A MUSICAL STORY Krissa Bermudez is a music lover. She always feel comfortable if her headset is on her ears. She's not a perfect girl that someone's...