Sadako's First Love

By BadReminisce

697K 22.4K 2K

Even the scariest girl in the world has her own love story. More

Sadako's First Love
Teaser
Prologue
Chapter 1. "A knight in a school uniform"
Chapter 2. "Saving Sadako"
Chapter 3. "Nerdy Prince"
Chapter 4. "Somethin' Fishy"
Chapter 5. "Love Hunt"
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Chapter 39.
Chapter 40.
Chapter 41.
Chapter 42.
Epilogue
Author's Note
Send Your Review!
ANNOUNCEMENT:

Chapter 6. "My knight is jealous?"

19.5K 615 57
By BadReminisce

                   

Chapter 6. "My knight is jealous?"

Amiko's POV

            "A-MI-KO!" Nagising ako't napatayo sa kama nang marinig kong may sumigaw mula sa labas ng bahay. Napalingon ako sa bintana ng kwarto ko't nakita si Francis na kumakatok sa binata. "Buksan mo 'to Amiko!" Sigaw niya. May lahi talagang unggoy ang ungas na 'to.

            Naniningkit ang mata ko sa inis habang papunta sa kanya. Pagdating sa tapat ng binata binuksan ko ito at pumasok siya.

            "Amiko, tulong!" Tarantang sabi niya.

            "Ano na naman ba 'yon Francis? Ang aga aga mo namang mambulabog!" Bulyaw ko sa kanya't bumalik sa kama ko saka nahiga.

            "Ano? Amiko importante 'tong problema ko kesa diyan sa pagtulog mo!" Tarantang sigaw niya. Muli akong bumangon at nagtataka siyang tiningnan. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala kaya naman napatayo ako sa kama ko't pinuntahan siya.

            "Bakit Francis? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Natahimik naman siya at tumingin sa akin.

            "Amiko tingnan mo." Sabi niya saka nilapit ang mukha niya sa akin. "Kita mo?"

            Tiningnan ko ang pisngi niya pero wala naman akong nakitang kakaiba bukod sa mapulang maliit na umbok.

            "Wala namang sugat ah?" Sabi ko't inilayo ang mukha niya sa akin. "Ano bang problema mo? Alam kong gwapo ka kaya wag mo ng ipaglandakan sa akin yang makinis mong pisngi!" Sigaw ko.

            "Iyon nga ang problema! Di mo ba nakita?" Muli niyang nilapit ang mukha niya sa akin. "May tigyawat ako!" Taranta niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

            "Francis Mark Perez, ginising mo ko ng ke-aga aga dahil lang sa iisa at maliit mong tigyawat?" Gigil kong sabi.

            "Hindi lang 'to ordinaryong tigyawat. Amiko! Baka kumalat 'to at masira ang mukha ko!" Taranta niyang sabi. Nilapitan ko naman siya at piningot sa tainga. "Ah~aray naman~"

            Inilabas ko siya ng kwarto ko at malakas na sinara ang pinto.

            "Damuho, sinira ang tulog ko dahil sa tigyawat niya." Inis kong sabi at padabog na bumalik sa kama ko.

♥♥♥♥♥

"SADAKO!" Tila may isang boses na tumatawag ng pangalan ko. Hindi lang simple tawag e, parang sumisigaw. Panira naman! Natutulog yung multo e.

"Sino ba yan?" Sagot ko saka pumagilid ako sa pagkakahiga sa kama ko at niyakap ang isa ko pang unan na may Hello Kitty pillow cover.

"Ha? Sadako! Umaga na at Sabado ngayon!" Pumagilid ako ulit sa kabilang side ng kama ko at tuloy pa rin sa pagtulog pero gising ang diwa ko't naririnig ang pambubulabog ni Francis.

"Ano naman kung Sabado, Francis?" Nakapikit pa rin ako at natutulog pero kinakausap ko na ang tukmol na sumisira sa sleeping beauty ko.

"Ha? Ugh! Come on Amiko! Gagala tayo! Mamasyal naman tayo!" Asar na sabi ni Francis.

"Gagala? Ikaw na lang." Tinatamad na sagot ko rito saka siya tinalikuran at ipinagpatuloy ang pagtulog ko. Sandaling nawala ang ingay ni Francis. Mabuti naman at umalis na siya. Ang sarap sarap matulog ngayon dahil walang pasok kesa ang gumala at mamasyal kung saan. At sana isa pa, ang init ng panahon ngayon. Kaya dito na lang ako sa bahay.

"Amiko tara na" Hindi pa pala siya nakakaalis. Ang kulit talaga ang mokong na 'to.

"Francis, ayaw ko. Ikaw na lang." Sagot ko at saka tinakip ang unan sa mukha ko.

"Gigising ka ba o gigilitan ko 'tong Hello Kitty stuff toy mo na kinuha mo pa sa Japan?!" Sigaw niya. Agad naman akong napatayo sa kama nang marinig ko ang sinabi ni Francis.

Pagtingin ko, hawak nga niya si Hello Kitty ko ay may hawak din siyang kutsilyo sa kabilang kamay habang nakatutok sa leeg ni Hello Kitty ko ang kutsilyo. Inis ko siyang siyang tiningnan pero nginisian lang ako ng mokong.

            "Ano? Sasama ka na ba?" Pang-aasar niya. Di ako agad sumagot dahil antok na antok pa ako. "Sige, papaslangin ko na 'to!" Akmang sisirain niya ang stuff toy ko nang tumalon ako sa kama at kinuha sa kanya ang mahal kong hello kitty sabay at bumalik sa kama, pinanlisikan ko siya ng mata at sinigawan na parang pusa.

"Whoa! Edi yan, gising ka na!" Natatawa niyang sabi. Kainis talaga.

♥♥♥♥♥

Bumaba na kami sa kitchen para mag-almusal. Hindi pa kasi kumakain ang mokong na 'to pero nambubulabog na ng bahay. Nakakainis talaga siya.

"Teka? Ala-sais pa lang Francis ah? Siguro-" Naputol ang sasabihin ko nang tingnan ko siya. Tama nga ang nasa isip ko.

"Stop it Amiko, you already know why I'm here." Malamig niyang sabi. Sa lahat ng personality ni Francis, ang pagiging seryoso niya ang pinaka ayaw ko. Kilala ko siya bilang isang pang-asar na tao, pero kapag tungkol na sa pamilya niya ang pinagusapan. Nag-iiba si Francis. Para katulad ko rin simula noong masira ang pamilya ko.        

"Okay" kumuha na ako ng hot cake tsaka strawberry syrup.

"Er? Amiko, pati ba naman syrup, pink pa rin? Ugh, alam mo kanina pa ako naiinis sa kulay pink na 'yan! Sa kwarto mo puro pink tapos pati sa hapagkainan pink pa rin? Hay buhay." Angal niya. Okay ayaw ko talagang seryoso ang mokong na 'to dahil nagmumukha siyang babaeng may monthly period. Nakatingin lang ako sa kanya ng naniningkita ang mga mata habang patuloy na dumadaloy ang strawberry syrup sa plate ko. "Oh Amiko! Puno na yung plate mo!" Sigaw niya. Natauhan naman ako at agad na inangat ang bote ng syrup. Kumuha ako ng table napkin at pinunasan ang table"

"'Yan kasi nakatulala sa mukha ko eh." Bilib niyang sabi habang pang-asar na nakangiti saka sumubo ng hot cake.

Pinangikutan ko siya ng mata at binato ko sa kanya ang syrup sa sobrang inis ko. Imagine his teasingly smile and face, sobra akong naiinis!

"Grabe ang harsh mo talaga Amiko, hindi ka lang nakakatakot, sobra kang nakakatakot!" Pang-aasar niya pa't humagalpak ng tawa. Tinitigan ko siya ng masama pero sige pa rin siya sa pagtawa. Ah gano'n ah.

Marahan akong tumayo habang nanlilisik pa ring nakatingin sa kanya. Ini-stretch ko ang kamay ko pati na rin ang leeg ko. Nakita ko namang natatawa pa rin siya pero nang mapansin niyang tinaas ko ang manggas ko, ang nakatawa niyang mukha kanina ay biglang nawala at napalitan ng kaba.

"Oy, Amiko wag namang ganyan." Kinakabahan niyang sabi habang marahan na umaalis sa  kinauupuan niya. Ngumisi ako.

"Ka-" Sabi ko.

"Ka?"

Tumahimik ako saglit at saka siya hinarap. "Katapusan mo na!" Sigaw ko saka siya sinugod pero bago ko pa man siya mahawakan nakatakbo na siya pero nahawakan ko siya sa damit. Napaluhod siya at napahiga sa sahig.

"Amiko tama na!" Aniya habang natatawa at sinasangga ang mga suntok ko. Kahit na binubugbog ko siya tumatawa pa rin siya. Kainis! Bakit ang suntok ko parang kiliti lang sa kanya!

"Pang-asar ka! Leche ka!" Sigaw ko habang sinusuntok siya't sinasabunutan pero sige pa rin siya sa kakatawa niya.

"Amiko tama na!" Tama na pero tawa pa ng tawa. Para kami bata na naglalaro at naghaharutan. Sige pa rin ako sa paghampas sa kanya nang-

"Amiko tama na." Hinawakan niya ang magkabilang braso ko para pigilan sa paghampas ko sa kanya. Nagkatitigan kami, ewan ko pero parang huminto ang oras. Nakatitig lang ako sa mga mukha ni Francis. Seryoso ang mukha niya, hiningal din siya. Yung mga mata niya, yung ilong niya, at ang maninipis niyang labi. Bakit ganito ang tibok ng puso ko?

"Ah..Amiko...pwede tumayo ka na?" Iniwas niya ang tingin niya sa akin, napansin ko na medyo namula ang pisngi niya. At doon ko lang din napansin na ang awkward pala ng position namin. Naghaharutan naman kami noong mga bata pa kami, parang ganito rin. Pero bakit ngayon iba na, iba ang pakiramdam ko sa mga nangyayari?

Tumayo na ako at nagpagpag ng damit at shorts na suot ko. Tumayo na rin naman si Francis pero napansin kong nakatalikod siya sa akin. Nakarinig ako ng bungisngis ng isang pesteng lalaki.

"Hoy! Anong tinatawa-tawa mo diyan?!" Maangas kong tanong sa kanya.

"Wala!" Sagot niya saka humagalpak ng tawa.

Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na ako sa lamesa at tinapos ang kinakain ko. Tumayo ako para maligo na, sabi kasi ng nambulabog sa akin aalis daw kami. Di ko alam kung saan kami pupunta ng ganito kaaga.

"Ah Amiko!" napalingon ako sa pagtawag niya.

"Bakit?" Tanong ko pero ang mokong tumawa lang. Sagutin ba ako ng tawa? Baliw talaga. "Hoy! Ano 'yon? Batuhin kaya kita ng sabon?"

"Wala wala napansin ko lang kasi na," Putol niya dahil natawa na naman siya at halos maluha na ang mokong kakatawa niya.

"Ano nga?"

Tumatawa pa rin siya. "Lumaki na pala yan!" Sabi niya sabay tawa ulit. Naguluhan naman ako sa sinabi niya, lumalaki? Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, ano bang ibig sabihin ng isang 'to?

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Halata naman sa mukha nito ang pamumula. Pero tawa pa din siya ng tawa. "Hoy! Ano yon?" parang may isang bumbilyang sumindi ng makuha ko ang sinasabi ng ugok na nasa harapan ko. no he's not ugok, he's definitely a pervert!

Binato ko sa kanya ang sabon pero nakaiwas siya. Ampness naman Amiko.

"Sige na maligo ka na!" Sigaw niya saka tumalikod at lumabas na siya ng bahay. Pero tawa pa rin siya ng tawa. Salbahe!

Pumasok na ako sa mahal kong mumunting bahay. Ang kulay kasi ng banyo ko ay pink, syempre, hindi mawawala ang mga hello kitty stuff ko. Hinubad ko na ang pantaas ko, pati na rin ang undergarments chuchu. Naglagay ng towel sa buhok at pinusod ang bangs ko. Kung tutuusin, dito ko lang sa mumunting bahay ko nakikita ang mukha ko. Alam ko kasing walang makakakita dito sa akin. Nakatingin lang ako sa salamin habang pinagmamasdan ang mukha kong hindi nakikita ng iba. Paano kasi tuwing makikita nila ako, si Sadako agad ang nakikita nila sa akin. Dahil nga sa mahaba kong buhok, mahabang bangs, minsan hindi nagsusuklay at hindi maayos manamit. Dahil lang 'don.

Ang dahilan kung bakit hindi ko na ginupitan ang buhok simula noong nasa grade 6 ako, noong mamatay ang mama ko. Ayoko kasing nakikita nila akong umiiyak dahil nagmumuka akong mahirap. Simula naman ng mawala si mama, umalis si papa at sa ibang bansa nagtrabaho. Kaya naman ako lang ang nasa bahay. Oo, kaya ko naman ang sarili ko. Salamat nalang kay Francis dahil minsan sinasamahan niya ako dito sa bahay. Minsan lang rin ako lumabas ng bahay di ba? Kaya ang akala ng mga tao, haunted na ang bahay namin. Siguro mas magugulat pa sila kung may isang Sadakong lalabas sa bahay na to. Si Mama, kung hindi lang umalis si Papa buhay pa sana si Mama.

Muli kong naalala ang nangyari dati pero nilakasan ko ang loob ko. Tinanggal ko na ang tuwalya ko at nakita ko ang dibdib ko. Ewan ko pero bigla na lang akong namula at nagulat. Si Francis kasi! Ang inis ko ay bigla ring napalitan ng tuwa, oo pang-asar si Francis pero palagi siyang nandiyan sa akin. Kaibigan kasi ni Papa ang Papa ni Francis, pero ang alam ko hindi na rin maganda ang lagay ng relasyon ng parents niya.

♥♥♥♥♥

After 30 minutes lumabas na ako sa mumunting bahay ko. Wearing my hello kitty bathrobe and hello kitty step in sleeper.

"Ang tagal mo naman Amiko, kaasar naman kayong mga babae, ano bang ginagawa niyo sa loob ng CR? Teka, paCR nga naiihi na ako eh" tumayo si Francis sa sala at pumunta sa mumunting bahay ko. Paakyat na sana ako ng room ko ng may narinig akong sigaw.

            "Waaaahhh! Anak ng potspa naman oh!" Sigaw ni Francis. Dali daling lumabas ng CR si Francis at hinarap ako. "Wala bang matinong kulay sa bahay na 'to? Bakit pati CR pink!"

"Ang arte mo, edi sa labas ka umihi!" Umakyat na ako para magbihis.

Mga ilang minuto bumaba na ulit ako. Pagbaba ko ng sala hinanap ko siya Francis at nakita ko siyang tulog. Tinignan ko ang orasan, magaalas-otso pa lang pala. Muli kong tiningnan ang natutulog na mokong. Sa totoo lang, gwapo talaga siya. Maangas tingnan ang mukha niya. Makapal ang kilay, mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, makinis ang mukha at maganda ang labi. Isama mo pa ang nangingintab niyang itim at malambot na buhok.

"Sabi aalis kami, pero tinulugan ako hay nako" Kinuha ko ang kumot ko sa taas at nilagay sa kanya. Panigurado akong wala pang tulog ang mokong na 'to. Si Francis, kahit na ganyan ang taong yan. Ewan ko hindi ko siguro kakayanin na wala sa tabi ang mokong na 'to. Francis and I are very closed. Alam niya ang lahat ng bagay sa akin ganun na rin ako sa kanya. Hindi kami bestfriend at lalong hindi kami. Hindi ko nga alam kung anong meron sa amin, siguro dahil sa wala siyang kapatid at ganon din ako.

At kung bakit ang aga nitong umalis sa bahay nila, ay dahil na naman sa parents niya. Francis father is a businessman while her mother is theater actress. Sabi niya saken, hindi na daw nagkakasundo ang mga ito. Parang noon, sila Mama at Papa.

Kinuha ko ang isang sticky note at naglagay ng note sa noo ni Francis. Aalis muna ako para mamili ng pangtanghalian, alam ko naman na dito kakain ang lokong yan, at para naman sumaya siya, ipagluluto ko siya ng paborito niyang chicken curry, siya lang ang may gusto niyan. Ako ayaw na ayaw ko niyan. Ayoko kasi ng amoy eh. Pumunta na ako sa kusina at kinuha ang market bag ko. Kinuha ko ang bike na binigay sa akin ni Francis, old bike niya 'to, may bago na siya eh, siya rin ang nagturo sa akin na mag-bike.

♥♥♥♥♥

Sa Market

"Ale..."

"Waaahhh! Si SADAAAKKOOOO!" binato bigla sa akin ng Ale yung kailangan kong patatas.  Sabay pasok sa loob ng tindahan nila. Sakto namang pumasok sa bag yung patatas niya. Natural na 'to, natatakot sila sa akin. Ikaw ba naman ang maglagay ng belo na itim, ang init kasi mga friend, nasisilaw ako sa araw. Ayoko naman mag-shades dahil puro pink ang shades ko. Baka malaman lang nila ang hilig ko.

"Ale, p-abili pooo." Marahan at mahina kong sabi. Pero tulad ng naunang Ale.

"Waaahhh!" hinagis na naman ni Ate ang carrots na pinapatimbang ko at pumasok din sa loob. Napabuntong hininga na lang ako at iniwan ang bayad, bahala na kung kulang o sobra basta di ko kargo de konsensya. Nagbayad ako.

Naglakad na ako papuntang wet market para bumili ng chicken nang may kumalabit sa'kin.

"Hi Ate Amiko!" Bati ng babae paglingon ko sa kanya. Tinitigan ko siya at inisip kung kilala ko siya at oo siya nga, yung babaeng sigaw ng sigaw sa akin habang pababa ako ng hagdan, yung kapatid ni-

"Hi Amiko, good morning, mag-isa ka lang?" Natulala ako sa kanya. Si...si...Rupert. Bakit ba pinagpapawisan ako? Para siyang anghel na nahulog sa lupa. "Hello? AMiko?"

"Ah-eh, oo mag-isa lang ako." Sagot ko rito. Nakakahiya naman nagpapatansya na naman ako. Baka na-weirduhan siya sa akin, teka hindi pa ba ako weird?

"Ah, akala ko kasama mo kasi ang boyfriend mo eh" Aniya't ngumiti. Nabigla naman ako sa sinabi niya. Boyfriend?

"Ha? Wala akong boyfriend" Paliwanag ko. Nakita ko namang naguluhan siya sa sinabi ko. Pero ngumiti na lang siya at tumingin sa akin.

"AMIKO!" napalingon ako sa biglang tumawag sakin. At si Francis pala.

"Di ba siya?" Napatingin ako kay Rupert nang tinuro niya si Francis, so akala niya boyfriend ko si Francis? Sus, joker pala siya e. Pero teka...oo nga pala, sinabi ng mokong na 'to, na boyfriend ko daw siya.

Lumapit na sa amin si Francis. "Bakit naman di mo ko hinintay? Tara na nga!" hinila na ako ni Francis paalis kila Rupert. Bastos na lalaking 'to. Hinihila lang ako ni Francis palabas ng palengke, ano naman ang kadramahan ng lalaking 'to?

"Hey, teka lang Francis, di ko pa nabibili yung chicken" sabi ko dito pero hindi siya nagsasalita. "hoy" Huminto siya sa paghila sa'kin, or better to say pagkaladkad niya sa'kin.

"Ayokong sumasama ka sa kanya!" Asar na sabi nito habang nakatalikod sa akin. Halata na parang galit ang tono ng boses niya.

"Bakit naman?  Mabait naman siya ah!" Pagdadahilan ko.Bigla siyang humarap at seryoso ang mukha.

"'Yon nga lang ba? E bakit parang kinikilig ka sa kanya?" Nabigla ako sa sinabi niya. Ano namang inaarte ng isang 'to? May dalaw ba siya o ewan?

"Pinagsasabi mo?"

"Oh! Halata sayo! Napapangiti ka!" Inis niyang sabi saka turo sa labi ko. Hindi naman ako napapangiti lang, natatawa ako. Hindi ko alam pero natatawa ako sa reaksyon niya.

"Teka nga Francis, nagseselos ka ba?" Nabigla siya sa sinabi ko't natahimik, natahimik din naman ako at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tumalikod ako sa kanya, gulat at kinakabahan dahil sa sinabi ko.

"A-Ano h-hindi ah! Di ako nagseselos." Tiningnan ko siya ulit, nakatagilid ang mukha niya't iwas sa akin. "Ayoko lang na dumidikit ka sa ibang lalaki."

Nakita kong namula si Francis sa mga huling sinabi niya. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko pero...

            "Bwahahahahahaha"

"Oh? Bakit mo ko tinatawanan?" Inis niyang bulyaw sa akin. Hindi ko naman napigilan at tinawanan lang siya. Nakabawi na rin ako.

"Eh kasi hahahahaha"           

"Ano ba 'yan, Amiko naman!" Napapakamot na lang siya sa ulo niya. Pulang-pula ang mukha niya, nakakatuwa talaga ngayon ko lang siya nakitang ganto. Nahihiya ba siya?

"hahaha  ang...ang...kulit ng mukha mo!"

"Oo na! pero? Teka? Ipagluluto mo ba ako?" Tanong niya. Umayos naman ako at nagpunas ng mata dahil naluluha na ako kakatawa.

"Oo"

"Ah, tara na nga umuwi na tayo!" Yaya niya sabay hawak sa kamay ko pero naalala kong wala pa akong nabiling manok.

"Teka! Wala pang chicken."

"Ako na bibili"

"Okay..." Iniwan na lang ako ni mokong sa labas ng market. Pagalis nito, napahinto ako sa kakatawa at naging seryoso. "Francis..." mahina kong nasambit ang pangalan niya.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 171K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
5.9M 193K 62
Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy's adventures t...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
2M 56K 52
Zoe Aldana cannot catch a break. In her anger and grief, she summons the man in her portraits - ang kaniyang guardian angel na si Alexus. As she trie...