We Got Married?!

Від toneewritestragedies

576K 15.4K 2.5K

@ Marrying the Boss Unofficial Sequel Mahirap magkagusto sa isang taong hindi ka kilala, 'yung hindi alam na... Більше

The Meeting
The Arrangement
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
[ Hidden Chapter ]
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
[ Pre - Part II ]
Chapter A
Chapter B
Chapter C
Chapter D
Chapter E
Chapter F
Chapter G
Chapter H
Chapter I
Chapter J
Chapter K
Chapter L
Chapter M
Chapter N
Chapter O
Chapter P
Chapter Q
Chapter R
Chapter S
Chapter T
Chapter U
Chapter V
Chapter W
Chapter X
Chapter Y
Chapter Z
EPILOGUE

Chapter 45

6.7K 194 25
Від toneewritestragedies

** Namiss ko mag update! Na-overwhelm ako sa mga reads and comments and votes. Ang saya saya. Happy 15k Reads, WGM!!
Facebook— Toneewritestragedies Wattpad
Tumblr— wegotmarriedwattpad.tumblr.com **

Chapter 45
Harper's

Lily

December 24 na, mamayang hating-gabi ay Pasko na! Sabi nga nila, this is the most wonderful of the year at talagang totoo 'yun. Sa lahat ng holidays dito sa Pilipinas, Pasko at Bagong Taon talaga ang pinakapaborito ko dahil lahat ng tao ay masaya at matakaw!

Nandito kami sa mansion ng in-laws ko sa Forbes Park, hanggang ngayon ay elibs pa rin ako sa mala-7 star hotel nilang bahay. Ilang beses na akong nakapunta dito pero parang mahirap pa din sa aking kabisaduhin 'to lalo pa't may elevator pa itong bahay - este mansion nila! Ang bongga-bongga talaga!

Dito kami ngayon magse-celebrate ng Noche Buena kasama si Papa at pati ang kambal kong brother-in-laws na galing pa sa South Korea. Mas masaya kasi madaming tao, meron din kaming exchange gifts kaya ang ibig sabihin nun ay magkakaroon din ako ng madaming regalo 'di ba?! Huehuehue, ang saya-saya!

Sinusubukan kong tumulong sa kitchen para sa mga handa pero ayaw naman nila akong patulungin kaya gumawa na lang ako ng sarili kong dessert para mamaya at chocolate fountain din. Bigla kasi akong nag-crave doon kasi ang sarap naman talaga. Everybody loves chocolate!

Napapitlag ako nang biglang sumulpot ang ulo ni Brent sa may gilid ng mukha ko at tinitignan ang ginagawa kong dessert.

"Looks appetizing." sabi niya sa akin pero paglingon ko sa kanya e sa akin naman siya nakatingin!

"The what?" biglang tanong ko naman sa kanya.

"Both."

Nagsalubong ang kilay ko. Akala ko kasi ang tinutukoy niya ay ako at ang mga p-in-repare ko pero hindi pala. Sorry naman, assuming lang! Tinignan ko ang chocolate fountain pati ang isa pang dessert na ginawa ko. "Gusto mo ba?"

Na-feel ko na parang lumagkit ang tingin ni Brent sa akin na parang gusto niya akong dakmain. "If you'll permit me, I will." hindi talaga niya inaalis ang tingin niya sa mga mata ko.

"S-sige, ikukuha kita ng platito." nakahinga ako ng maluwag nang makalayo ako sa kanya pero bigla niya akong hinigit sa bewang kaya dumikit ang likod ko sa harapan niya. Shucks! Ano ba 'tong pinaggagawa ni Brent?! Nakakaloka!

"B-Brent.." tawag ko. "Are you sure you're not flirting with me?"

Umangat ang sulok ng labi niya. "I'm not flirting, Anneliese. This is just normal."

"Normal lang na malandi ka noh," bulong ko sa sarili ko.

I heard his chuckle but I choose to ignore him. Baka ano pang magawa niya sa akin pag nagsalita pa ako. Nang mailagay ko na ang dessert sa fridge ay lumabas na ako sa living room para makipag-chikahan sa iba pang members ng family.

[ - - - - - ]

"Ate Lily, kamusta bang asawa si Kuya Brent? Matino naman ba siya? Mabait ba sa'yo? Kasi sa amin ni kambal salbahe 'yan e." Tanong sa akin ni Kambal 1 habang naglalaro kami ng Monopoly sa carpeted floor ng entertainment room. Actually nga pinapaalis kami ni Brent dito dahil mukha daw kaming ewan.

Halos masamid ako sa tanong na 'yun. Mabait nga ba si Brent sa akin? Ang alam ko lang pinaglihi siya sa sama ng loob e.

"Ano kasi, hmm. O...o" I'm not really sure! Pasensya na. "But he's responsible. He's a good provider." Totoo naman 'di ba? Siya ang responsable sa paglipad ng mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. He's a good provider. Binibigay niya lahat ng pangangailangan ko kahit hindi ko hingin. Puso na nga lang niya ang kulang na hindi pa niya napo-provide sa akin.

Tumawa naman si Kambal 2. "Bwahaha. Wawa naman si Kuya. Bakit ba kasi ganun ang ugali nun. Parang aburido sa buhay?"

"Kasi nagmana siya kay Daddy. Sabi ni Mommy 'di ba aburido daw dati si Daddy nung hindi pa sila bati." Ani Kambal 1.

"Ganoon ba?" Tanong ko tapos tinanguan nila ako bilang sagot nila. "Pero yung Kuya niya kasi minsan malandi e."

Nagkatinginan silang dalawa ng matalim tapos sabay na ibinalik ang tingin sa akin. Para silang mga langgam na unti-unting lumapit sa magkabilang gilid ko na halos magmukha na silang maging imbestigador. Anong meron sa dalawang bugoy na 'to?

"Oh talaga, Ate Lily? Malandi ang Kuya namin? Weh?" Hindi ba kapani-paniwala na may flirt tendecies ang kapatid nila? Kambal 1, maniwala ka kaya!

"Bakit? Ano ba siya sa pagkakakilala niyo?"

Ngumuso si Kambal 2, "Salbahe tapos masungit tapos suplado tapos salbahe ulit. Kami lang ni Kambal ang mabait sa aming tatlo."

Pinigilan kong matawa sa sinasabi nilang dalawa. It seems that Brent is a complete monster for them based on what they knew about him.

"Malandi ang Kuya niyo. Pero syempre gusto ko 'yung ganun siya dahil kung hindi, kukutusan ko siya." Wala-sa-loob na sabi ko habang nagbibilang ng mga play money ko.

"Bakit, Ate? Buntis ka na ba?"

"Magiging Tito na ba kami ni Kambal 2?"

Napa-smirk ako sa mga tanong nila. "Porke't malandi si Brent, buntis na agad ako? Hindi ba pwedeng ganun lang siya?"

"Hindi!" Sabay na apela nila.

Napailing na lang ako sa dalawang 'to.

"Ate Lily, dapat pagbalik namin ulit dito, may pamangkin na kami ha. Gusto namin makita kung makakalaro ba namin siya sa baseball o kami yung me-make-up-an niya."

"Ye! Dapat may bine-baby na kami hindi yung kami yung bine-baby ni Mommy. Ang sagwa nun!"

Tumawa ako at kinusot ang mga buhok nila. "Ewan ko sa inyong dalawa. Masyado pang maaga para mag-baby kami noh. Magtatapos muna ako ng College ta's magta-trabaho pa ako. Saka na 'yun."

"Kayang-kaya kitang buhayin, Anneliese Sue-Chien. You don't need to work or stretch your bones. Your duty is to make me happy and father me a child. One child, two children, three, whatever. My money can afford more than a dozen."

Halos masamid ako nang marinig ko ang boses ni Brent sa may bandang pintuan. Napapikit ako sa kahihiyan. Ano na naman 'tong pinagsasasabi niya?!

"Uyyy!" Si Kambal 1 tapos pabiro akong kiniliti sa tagiliran.

"Kinikilig si Ate Lily! Totoo ngang malandi si Kuya Brent" si Kambal 2 naman ay tinulak-tulak ako.

Hay, Lord. Battered sister-in-law na ako sa dalawang 'to. Ang kukulit!

"H-hindi ko tinatanong kung ilan ang gusto mong anak. Wag kang epal!"

[ - - - - - ]

Nang magkasawaan na kami sa paglalaro ng Monopoly at pagkukwentuhan ng kambal, bumaba na kami para sa Noche Buena dahil mag-12 mn na din. Nakahanda na rin ang dining hall sa kainan na halos parang fiesta! Nakakalula ang dami at parang masasarap talaga.

"Merry Christmas!"

We greeted each other, gave hugs and kisses and gifts. Nakaka-overwhelm. Masaya sana kung nandito din si Mama para kumpleto kami pero alam ko namang nasa paligid lang siya at natutuwa din sa amin ngayon. Pagkakakin naman ay halos parang bloated ako at paniguradong mahihirapan akong matulog nito mamaya. Dyahe!

Nagsimula din yung gift-giving. Worth it naman yung pag-iipon ko mula sa sweldo ko sa Chick'En Dine para mabigyan ng mga regalo ang in-laws ko, yung kambal, si Papa siyempre pati ang mga maids at workers ng Sue-Chien household. Ang dami ko ring regalong natanggap na halos signatured pa na bigay nina Mommy't Daddy. Kay Papa naman, isang ampao ang natanggap ko, pucha akala ko nga may perang laman pero papel lang ang nasa loob at may nakasulat pang "Mahal ka ni Papa. Magpakabait ka." Kung hindi ba naman ang lakas mang-trip noh. Bwisit lang. Yung twins naman ay binigyan ako ng hanbok, isang traditional Korean costume na hindi ko alam kung saan ko gagamitin at isang CD ng BTS na isang K-Pop group. May kamukha nga si Taehyung dun e, parang kakambal niya. Anyways kanina pa ako nag-aantay ng regalo mula kay Brentbaby kasi namigay na siya sa lahat pero hindi pa siya lumalapit sa akin para ibigay 'yung gift ko.

O baka naman may surprise siya at china-charot niya lang ako?

"Hoy, Brentbaby. Merry Christmas nga pala." Sabi ko nang umupo ako sa tabi niya sa mahabang couch at ibinigay sa kanya yung gift ko. Alam niyo kung ano? Puso ko. Char. Basta, secret. Ako lang ang nakakaalam nun. Dalawa na kami pag binuksan niya mamaya.

Tumaas ang dalawang kilay niya at tinanggap ang binigay ko. "Thanks." Tipid na sabi niya sabay look away sa akin. Ano raw?!

Nanlaki ang mga mata ko at napatanong sa sarili kong, '''Yun na 'yun?'" But then I composed myself and quickly shook my head. No, Anneliese. You should be glad coz he did not throw your effort. He accepted it! Wag nang umasang bibigyan ka niya ng regalo.

Pagkatapos ng gift giving, kanya-kanya na kaming punta sa kwarto. Ako naman syempre doon sa kwarto ni Brent na parang ga-bahay na sa laki.

I don't know. I suddenly felt uneasy since that scene. Ito na naman ako sa pagiging asumera ko. I should stop feeling like this!

Napalingon ako sa paligid nang makitang walang couch doon na pwede kong paghigaan, wala din si Perry the Platypus dito.

"Ahm, sa guest room na lang siguro ako matutulog, Brent. Wala kasing couch dito e." Tumalikod ako saka nag-martsa palabas ng kwarto niya.

"Nope, you'll sleep here." Biglang sabi niya kaya awtomatiko akong napalingon sa kanya.

"Saan ako matutulog dito? Alangan namang tabi tayong dalawa? At imposibleng sa lapag ka matutulog. That's not you, Brent." Umiling-iling ako.

"Tsk. Where's your brain, Witch? We'll sleep on my bed." Umikot ang mga mata niya sabay sampa sa kama niyang malawak. Pinagpag pa niya ang maluwag na space sa tabi niya. "C'mon, hop in."

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kama niya. Hindi nga? Seryoso ba siya dito? Tabi kaming matutulog?

"Talaga? T-tabi tayo?" Nauutal na naman ako!

Umikot lang ang mga mata niya bilang sagot. "Oo nga   " nahalata kong parang nairita na siya kaya mabilis akong humiga sa kama sabay talikod sa kanya. I can't bear facing him on his state lalo pa't iba ang pakiramdam ko sa kanya ngayon. Cannot be!

Naramdaman kong lumundo na ang kama na ang ibig sabihin ay nakahiga na din siya. Alam kong napakalawak nito pero para sa akin ang sikip na agad para sa aming dalawa. I'm not used to this setting.

Napapikit ako nang patayin niya ang ilaw at ang lampshade lang ang nakabukas. Hindi ko alam kung nakailang lunok ako sa kaba at parang matutuyuan ako ng laway.

Brent is just sleeping beside me. Yes. Fcuking beside me! Ramdam na ramdam ko ang bawat inhale at exhale niya. Hindi ko alam kung gising pa ba siya o tulog na dahil nga nakatalikod ako sa kanya at saka hindi din siya nagsasalita. Lalo tuloy akong hindi makatulog pag ganito.

I am about to try counting the sheeps inside my head when I felt something cold touched my neck. Agad kong hinawakan ito at pinakiramdaman. Isang kwintas! Gosh! Is this Brent's gift for me this Christmas?

Bigla akong napabalikwas sa kama at humarap sa kanya. "Brent, ano 'to? Alam kong necklace 'to pero bakit mo ako binigyan nito? This is too much!"

Tamad na tamad siyang bumangon sa kama at humarap sa akin. "Well, Merry Christmas, Witch. I want to be the last person on this house to give you that gift." Ngumiti siya. Oo, in a sincere way na nakapagpataba ng puso ko. "You're saying that that is too much, yes. Because you deserve everything in this world more than what you have."

"Thank you." Yun na lang ang tanging nasabi ko at tinignan ang pendant ng kwintas, 'Harper's' Shit. This means he owns me. Ito na 'yun. Ito na. Thank you, Lord.

Umangat ako sa pagkakaupo at niyakap siya ng mahigpit. "Yes, I'm yours." I almost startle when he hugged me back.

[ - - - - - ]

Naalimpungatan ako nang mag-vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa sidetable. Pupungas-pungas ang mga mata ko nang i-swipe ito at sagutin ang tumatawag.

"Anong pag-iinaso 'yan sa alas-kwatro ng umaga, Taehyung?" Sabi ko. Wala nang hello hello pa!

"Yes naman, bedroom voice." Asar pa niya sa akin. Halatang hindi pa natutulog ang damuhong 'to.

"Kung ayaw mong matulog, pwes magpatulog ka. Please lang." Totoo talaga ang kasabihang magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising.

Tumawa lang siya sa kabilang linya. "Ang bad mo naman sa akin, Lills. Parang hindi naman tayo friends."

"Ano bang kailangan mo? Sabihin mo na nang makatulog na ako ulit." Kinamot ko ang ulo ko sa pagkayamot ko.

"Wala lang hahaha—"

"I'm going to end this call—"

"No—I mean, wait, Lily!"

I rolled my eyes and smirked. "Yes?! Wala akong panahon sa mga panti-trip mo, V. Ano ba?"

Tumikhim siya. "I want to greet you a Merry Christmas, Lills. Ayun lang. And besides, I wanna hear your beautiful voice same as mine."

Kahit kailan talaga ang airmax ng taong 'to oh. "Salamat sa pagbati. Merry Christmas din. O siya matulog ka na. Tigilan mo na pagda-drama mo okay." ngumiti naman ako kahit hindi ko siya nakikita.

"Good to know you're good."

Tumango ako at kinapa ang kwintas na bigay ni Brent kanina. "I am so good."

Tumikhim ulit siya. "That's great. O siya, matulog ka na ulit. Pasensya sa istorbo. Matuwa ka, tinawagan ka ng pinaka-gwapong nilalang sa Pilipinas sa ganitong oras ng madaling-araw."

"Ewan ko sa'yo, ang yabang mo talaga kahit kailan. Sige na, ba-bye na."

"Bye, Lills."

Bago ko pa i-end call ang tawag ni V, hindi ko alam kung inaantok pa ako o tama ako ng pagkakarinig, sabi niya kasi "Lily, I miss you..."

O kaya "Lily, mukha kang miso"? Ewan. Bingi na yata ako.

Hay, makatulog na nga!

Продовжити читання

Вам також сподобається

47.2K 2.3K 30
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
157K 6.6K 57
Bawat araw may katapusan ..sabi nga ng mga bitter "magbe-break din kayo" "walang forever" bakit ba nila pinangungunahan ang lahat ng bagay, bagay na...
FEIGHT (Famous Eight) Від Mac

Підліткова література

632K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
1.3M 19.8K 59
Oo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang b...