Adrasteia

Bởi cgthreena

192K 7.4K 389

Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkar... Xem Thêm

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Epilogo
Special Chapter
Book 2: Astraea
Book 3: Aletheia

Kabanata 9

6.3K 262 10
Bởi cgthreena

Sorry kung natagalan :( 

-CG

***

Kabanata 9

Ngiti

***

"DIA! ADRASTEIA!"

Biglang napamulat si Dia dahil sa sigaw at pag-alog sa kanya ng kung sinuman. Nilingon niya ang buong paligid at natagpuan ang kanyang sarili sa loob ng klinika ng kanilang eskwelahan.

"Anong nangyari?" takang tanong niya.

Napalingon naman siya sa kanyang kanan at nakita ang nagtatakang mukha ni Dentrix.

"Ako yata ang dapat na magtanong niyan. Bakit ka umiiyak habang natutulog ka? Tapos bigla ka na lang hinimatay kanina," sagot ni Dentrix.

Hindi naman makapaniwala si Dia sa nangyari sa kanya at nilibot ang kanyang mga mata. Natagpuan niya si Razzle na tahimik na nakaupo at nakatitig sa kanya. Titig na titig siya rito at tila ba paulit-ulit sa utak niya ang lahat ng kanyang nakita. Muli siyang tinawag ni Dentrix kaya nakuha nito ang atensyon niya.

"Pinakita niya sa akin. Dinala niya ako sa nakaraan," makahulugang wika ni Dia.

"Huh? Nino?" takang tanong ng binata.

"Ni Razzle, Dent! Pinakita niya sa akin ang nangyari," ani Dia ngunit pagtataka lamang ang gumuhit sa mukha ng binata.

Dahil do'n, kinuwento ni Dia ang lahat ng kanyang nakita at nalaman. Gaya niya, hindi makapaniwala si Dentrix sa mga nangyari.

"Kaya ba nagrerebelde si Roger noon pa?"

Napataas naman ang kilay ni Dia.

"Nagrerebelde si Roger sa mama niya, noon pa. Lagi siyang nagka-cutting at napapaaway pero nung mga bata naman kami, lagi siyang nambubully at 'yon ay no'ng panahong buhay pa siguro si Razzle at nang mawala siguro 'to, do'n na mas lumala si Roger. Alalang-alala ko pa 'yun dahil magkaklase na kami noon pa," kwento ng binata.

"Ano pang alam mo kay Roger? Sa pamilya niya?"

"Ang alam ko lang, nambabae ang tatay ni Roger at iniwan sila nito at makalipas ang ilang taon, nag-asawa ulit 'yung nanay niya ngunit kalaunan ay namatay din."

Napaisip si Dia at unti-unting inalala ang mga nangyari ngunit napapapikit na lang siya sa sakit habang nagpapaulit-ulit sa utak niya kung paanong binawian ng buhay ang batang ngayo'y nasa harapan niya't inosenteng nakatingin sa kanya.

***

"Nandiyan ka na pala, anak. Kumain ka na ba?" ani Rowena sa kanyang anak na kadarating pa lamang.

"Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam?" bastos na sagot ng binata.

"Roger!" sigaw ng ina nito ngunit hindi siya nito pinansin. Hinabol ni Rowena ang anak at marahas itong hinawakan sa balikat upang iharap sa kanya.

"Bakit? Nagkaroon ka lang ng pakialam sa akin kasi wala na 'yung asawa mo saka anak mo kaya napapansin mo na ako," matabang nitong wika saka pumiglas sa pagkakahawak ng ina at dumiretso paakyat sa kwarto nito.

Bigla namang napaupo si Rowena at tahimik na umiyak. Kung alam lamang ng kanyang anak, mahal na mahal siya nito. Labis lamang itong nilamon ng sakit nang ipagpalit sila ng tatay nito sa ibang babae at idagdag pang nagselos ito nang mag-asawa siya ulit noon at nagkaanak pa. Pakiramdam nito'y pinalitan na siya nito ngunit ang totoo, hindi. Patas lamang ang pagmamahal na binigay niya sa kanila ngunit nilamon lang talaga ng selos si Roger at takot na baka mabalewala na lamang siya gaya ng ginawa sa kanya ng kanyang ama noong siya'y paslit pa lamang.

Kinaumagahan, nakangiting binati ni Rowena ang kanyang anak at sabay silang pumasok sa sasakyan upang ihatid ito sa eskwelahan. Laging hinahatid ni Rowena ang kanyang anak sa eskwelahan kahit na ayaw nito ngunit wala naman itong magagawa sapagkat malayo-layo ang sakayan mula sa kanila.

Nang makarating sila sa eskwelahan, paghinto pa lamang ni Rowena sa sasakyan, binuksan na agad nito ang pinto saka lumabas kaya naman agad niya itong hinabol.

"Anak, 'yung baon mo!" sigaw niya ngunit hindi na siya nito pinansin at dire-diretso lamang. Nakaramdam ng lungkot si Rowena habang tinatanaw ang kanyang anak na papalayo sa kanya. Huminga siya ng malalim saka bumalik sa kanyang sasakyan.

***

Napahinga naman ng malalim ang dalagang si Dia na kanina pa nanonood. Napatanaw siya kay Roger na hindi man lang pinansin ang tawag ng ina nito saka napailing. Nakaramdam siya ng inis sa inakto ni Roger. Ayaw na ayaw ni Dia na makakita ng ganoong mga klaseng anak sa kanilang mga magulang dahil kung alam lamang nila, gustong-gusto ni Dia ang kanilang nararanasan na pag-aaruga.

Tumalikod na si Dia upang magtungo sa kanilang silid dahil malapit na ring mag-ring ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Bumungad naman sa kanya si Dentrix na siyang papalapit sa kanya. Bigla siyang napatitig dito nang may mapansin siyang itim na usok na tila ba sumusunod dito. Hindi niya alam kung guni-guni lang ba niya iyon o isa talaga 'yong elemento. Ngunit kung isa iyong elemento, dapat ay nararamdaman iyon ni Dentrix ngunit base sa kanyang nakikita, mukhang hindi.

"Nasalubong ko si Roger. Sinubukan ko siyang kausapin kaso hindi ako pinansin," ani Dentrix pagkalapit.

Dahil sa malalim na pag-iisip at pagtulala ni Dia sa itim na usok, nagtaka si Dentrix sa hindi pagkibo nito at tila ba pagkawala sa reyalidad.

"Huy," anito sabay tapik sa balikat ni Dia.

Napataas naman ang dalawang kilay ni Dia sa gulat at napatingin kay Dentrix.

"Bakit? Anong nangyayari sa 'yo," nakakunot-noong tanong ni Dentrix.

Bigla namang napailing si Dia at nilagpasan si Dentrix.

"Male-late na tayo," aniya.

Mabilis naman siyang hinabol ni Dentrix at sumabay na sa paglalakad nito. Pasimple siyang nilingon ni Dia upang tignan kung mayroon pa ring itim na usok ngunit wala na. Humarap na lang uli siya saka umiling.

***

Ilang araw na magmula nang malaman ni Dia ang lahat ng tungkol sa magkapatid na sina Razzle at Roger. Ilang araw na rin siyang nagmamasid sa mga aksyon ni Roger at siya'y tila ba napapailing na lang at napapayukom ang kamao. Gaya na lamang ngayon na pinapanood niya si Roger kung paano nito bugbugin ang isang estudyante na lumaban dito nang ito'y paalisin ni Roger sa upuan nito.

Nag-alab ang mga mata ni Dia dahil dito. Sa isip-isip niya, paanong nakakayang gumawa ni Roger ng ganitong mga bagay matapos niyang patayin ang sarili nitong kapatid. Nakayukom ang kamao niyang lalapitan na sana si Roger nang bigla siyang pigilan ng isang tao. Nang nilingon niya kung sino ba 'yon, si Dentrix lang pala.

"Huwag mo akong hawakan," aniya.

"Anong gagawin mo? Makikipagsapakan kay Roger? Adik ka?" ani Dentrix.

Inirapan naman ni Dia si Dentrix at saka pumiglas. Mabilis na nagmartsa si Dia patungo kay Roger na siyang kinataranta ni Dentrix at napamura pa nga ito. Wala nang nagawa ang binata kung hindi ang sundan ang dalaga upang protektahan ito sa kung anumang magiging aksyon ni Roger at 'yon ay kung mapoprotektahan niya nga dahil miski siya, natatakot kay Roger. Sa laki ba naman ng kamao nito at lakas nito sumuntok, aba, uuwi na lang siya. Kaya naman hindi maipinta ang mukha ni Dentrix nang sundan niya si Dia habang nagkakamot ng ulo.

Nagmamakaawa ang estudyanteng binubugbog ni Roger sa kanya na tigilan na siya nito. Ilang beses din itong humingi ng tawad at hindi na mauulit ang kanyang ginawa at kailanman, hindi na raw ito pupunta sa pinagtatambayan ni Roger. Ngunit hindi naman siya pinansin nito.

Lumingon sa paligid si Dentrix upang maghanap ng guard o kahit teacher ngunit bigo siya sapagkat ang parteng ito ng kanilang eskwelahan ay hindi gaanong pinupuntahan ng mga ito sapagkat masyado nang malayo at wala naman talagang tumatambay rito dahil napakainit pa. Isa pa, may sabi-sabi kasing may mga duwende raw sa parteng ito kaya naman takot ang ilan na baka mabati sila nito.

"S-sorry na," ani ng binubugbog ni Roger.

Itataas pa sana ni Roger ang kanyang kamao nang biglang magsalita si Dia.

"'Yan lang ba talaga ang kaya mong gawin?" anito.

Nataranta naman si Dentrix dahil dito.

"Naghahanap yata ng sakit sa katawan ang babaeng 'to!" sa isip-isip ni Dentrix.

Napatigil naman si Roger at nanlilisik na tinignan si Dia. Nakahalukipkip lang naman ang dalaga at seryosong nakatingin dito.

"Hindi ka ba nagsisisi sa mga pinaggagawa mo noon?" dagdag ni Dia.

Napataas naman ang kilay ni Roger at binitawan ang kanyang binubugbog at tumayo nang tuwid. Mabilis namang kumaripas ng takbo ang lalaki nang mabitawan na ito ni Roger.

"Ano bang problema mo?" ani Roger sa kanya sa maangas na tono.

Hinahawakan na ni Dentrix si Dia sa balikat upang pigilan ito. Ngunit pumiglas lang ang dalaga. Dahil do'n, napatingin sa kanya si Roger at agad naman siyang napayuko.

"Binabastos mo ang sarili mong ina. Binubugbog mo ang mga tao sa walang kwentang dahilan. Sinasayang mo lang ang perang binibigay sa 'yo ng nanay mo para lang mambully ka sa eskwelahang 'to? Anong klase kang nilalang?"

Napataas ang kanang kilay ni Roger at nangingiting tumingin kay Dia.

"Nagpapatawa ka ba? Anong pakialam mo sa mga ginagawa ko? Buhay ko 'to," sagot nito habang natatawa pa nga sapagkat hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Dia.

"Iyan na lang ba ang isusukli mo sa lahat ng ginawa mo noon?"

Tawa pa rin nang tawa si Roger dahil hindi talaga siya makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Dia. Sa isip-isip niya, nahihibang na ba ito at kung makapagsalita sa kanya ay parang kilalang-kilala na siya.

Dumapo ang mga mata ni Dia kay Razzle na ngayo'y naglalakad sa tabi ni Roger. Napailing siya. Bumalik ang tingin niya kay Roger at pinanatili ang kanyang seryosong mukha.

"Hindi ka ba man lang magsisisi sa ginawa mo sa kaisa-isa mong kapatid?" seryosong wika ni Dia.

Natigilan si Roger dahil do'n. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatingin kay Dia ngunit agad ding nagbago ito at sinamaan ng tingin ang dalaga.

"Anong pinagsasabi mo?" maangas nitong tanong.

Tumawa naman ng peke si Dia ngunit agad ding tinignan ng seryoso si Roger.

"Pinatay mo si Razzle. Pinatay mo ang kapatid mo!" sigaw niya.

Biglang napahawak si Dentrix sa balikat ni Dia upang pigilan ito habang si Roger ay nanatiling tahimik at tila natigilan na may nakaalam ng kanyang sikreto.

"H-hindi," pagsalungat niya.

"Pinatay mo siya!" sigaw ulit ni Dia.

"Dia," bulong ni Dentrix dito upang pigilan.

"Dahil sa selos, pinatay mo ang sarili mong kapatid," dugtong ni Dia.

Bigla namang napayuko si Roger habang nakayukom ang kamao. Kitang-kita ang pawis na tumutulo sa gilid ng mukha nito.

"Sakim ka, Roger. Makasarili ka! Dinadamay mo ang isang batang walang kamuwang-muwang dahil lang nagseselos ka. Dahil lang 'di mo matanggap na may iba nang kinakasama ang nanay mo. Wala kang utang na loob! Naging bulag ka dahil sa galit mo! Kailanman hindi ka naging mabuting kuya sa kapatid mo. Ang malala, pinatay mo pa siya!" punong-puno ng galit na sigaw ni Dia.

Nag-angat ng ulo si Roger at pinanlisikan ng mata si Dia ngunit gano'n din ang ginawa ng dalaga. Hindi na alam ni Dentrix kung anong gagawin niya dahil alam niyang nag-iinit na si Roger at konti na lang, susugod na ito sa kanila.

"H-hindi... hindi!" galit na sigaw ni Roger at mabilis na tumakbo palapit kay Dia at inangat ang kamao nito, balak suntukin ang mukha ng dalaga.

Nanatiling nakatayo si Dia at hindi man lang gumalaw sa papalapit na si Roger. Si Dentrix naman ay pupunta na sana sa harap ni Dia nang biglang natigilan si Roger nang isang hakbang na lang ay malapit na siya kay Dia.

Gulat na gulat siya sa kanyang nakikita, si Razzle humarang sa harap ni Dia upang pigilan ang kanyang kapatid. Nanlalaki ang mga mata ni Roger at tila ba nanlambot. Napaupo siya habang tinitignan ang kaluluwa ni Razzle na nasa harapan niya ngayon.

"P-paano?" mahinang tanong ni Dentrix kay Dia.

"Naglabas ng malakas na enerhiya ang kaluluwa ni Razzle. Nagsama-sama ang mga natitira niya pang emosyon nang makita niya ang kanyang kapatid. Nais niyang magpakita rito kahit na wala itong third eye. Minsan sa mga kaluluwa, kahit wala kang third eye, basta gusto nilang magpakita sa 'yo dahil may gusto silang ipaalam, makikita mo sila," seryosong saad ni Dia.

"R-razzle," ani Roger habang dinudungaw ang kapatid.

Nanginig ang mukha ng binata at unti-unti nang tumulo ang luha nito. Tinakpan nito ang mukha nito at umayos ng upo. Dahan-dahan namang lumapit si Razzle sa kanyang kapatid.

"Sorry... sorry!" paulit-ulit na sabi ni Roger. Punong-puno ito ng pagsisi.

"H-hindi ko ginustong mawala ka," dagdag ni Roger.

"Tss. Pero pinatay mo," bulong ni Dia. Napatingin naman sa kanya si Dentrix na para bang sinasabing tumigil na siya. Umirap lamang ang dalaga.

Nakaramdam ng malamig si Roger sa likod ng kanyang palad kaya tinanggal niya ang pagkakatakip niya sa kanyang mata. Nakita niya nang harap-harapan at malapitan ang nakangiting mukha ni Razzle. Kinalabit pala nito ang likod ng palad niya.

Lumayo ng kaunti si Razzle at inabot ang laruan niyang tren sa kanyang kapatid. Muling tumulo ang mga luha ni Roger. Dahan-dahan niyang inabot ang laruan nito. Umatras si Razzle at binigyan ng matamis na ngiti ang kanyang kapatid.

"Mahal kita, Kuya. 'Wag mo na sisihin ang sarili mo. Masaya ako kasi ikaw ang kuya ko," ani Razzle.

Humarap ang bata kila Dia at Dentrix at binigyan ito ng matamis na ngiti.

"Salamat po," anito at tuluyan nang naglaho ang kaluluwa nito.

Sa nakikita ni Dia, bigla itong naging usok at nilipad ng hangin paakyat sa langit. Nilapitan naman ni Dentrix si Roger habang nakatingala si Dia.

"Bro..."

Tumingala si Roger at bumulaga sa kanya ang kamay ni Dentrix upang tulungan siyang tumayo ngunit tumitig lang ang binata at tila nag-alangan.

"Walang may gusto ng nangyari, p're. Bata ka pa at nilamon ka lang ng selos. Aksidente lang din ang lahat 'to. Hindi mo naman alam na 'yon ang mangyayari. Isa pa, nagsisi ka na at pinatawad ka na ng kapatid mo," ani Dentrix.

Inabot ni Roger ang kamay ni Dentrix at saka tumayo. Nagpagpag ito ng damit at diretsong tinignan si Dentrix.

"Hindi ko alam kung paano niyo nalaman ang lahat. Hindi ko alam kung paano ito nangyari pero gusto ko lang magpasalamat, p're," ani Roger.

Ngumiti naman si Dentrix.

"Hindi ko rin naman alam kung paano. Si Dia ang nakakaalam ng lahat," sagot niya saka nilingon si Dia na ngayo'y nakatingala pa rin.

Lumapit si Roger dito kaya napababa ang tingin ni Dia at hinarap ito. Tinaasan naman niya ito ng kilay. Hindi maiwasan ni Dentrix na mapangiti sa kasungitan nito.

"Sorry at salamat," ani Roger.

Humalukipkip naman si Dia at mataray na tinignan si Roger.

"Wala kang dapat ipagpasalamat. Ginawa ko lang naman 'to para wala nang bata na sunod nang sunod sa akin," anito saka tinalikuran ang dalawang binata.

Napailing na lang si Dentrix sa kinilos nito.

"Hindi ko alam na may kakayahan ka."

Natigilan naman si Dia sa winika ni Roger.

"Ngayong alam mo na, sana manahimik ka at sarilinin ito," seryoso nitong sagot.

"Makakaasa ka," sagot naman ni Roger.

Dahil do'n, nagpatuloy na sa paglalakad si Dia paalis sa lugar na 'yon. Sumunod naman si Dentrix ngunit bago 'yon, nagpaalam muna siya kay Roger at saka hinabol si Dia.

Tumingala si Roger sa langit at pinagmasdan ang ulap. Matapos no'n ay tinignan niya ang laruang tren ng kanyang bunsong kapatid. Napangiti na lamang siya. Ito na yata ang pinakaunang beses na ngumiti siya nang totoo sa loob ng ilang taon.


Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

535K 19.4K 67
Status: COMPLETED. EDITING (ON HIATUS) Zypher Venus Halmington was destined for greatness. But doubts and fears stop her from being the person who s...
1.7M 7.5K 5
Rain is a Half dark magic & light magic. Being rejected from her family because of her different blood doesn't help her as they abuse and blame her...
2.1M 57.7K 98
She was adopted by Master Lee. She knew from the very start that she is not ordinary girl. Master Lee thought her everything including martial arts...
179K 5.8K 37
[Unedited] Affinity High is not your ordinary magic school. Only Girls rule this school. The Girls need to make a contract to the Boys as their partn...