Relihiyoso itong school namin.
Kaya naman biglaan kaming ipinadala sa ibang school na di kalayuan para sa isang Bible Assembly. Oo, biglaan-- walang preparation o ano pa man. At ang top five lang ng section SSC at top five ng Regular Class ang ipinadala.
Kung ang top one to four ay sila Katja, Nadette, Grace, at Chillian, ako naman ang top five.
Mula first year, ako ang top five.
Silang apat ang mga kasama ko. Ano pa bang ini-expect niyo? Siyempre, OP ako. Ang sama nga, eh. Sana hindi na lang ako napasama dito.
Hindi ko rin naman mapakisamahan ang mga taga-Regular Class. Sa CGU kasi, panget ang relasyon ng SSC section sa Regular Class. Kaya gustuhin ko mang makisama sa kanila, ayaw nila sakin.
In short, I'm alone...
...and bored.
At dahil sa boredom, hindi ko namalayang nakaidlip na ako sa gitna ng speech/lecture/talk (di kasi ako nakikinig dahil sa antok, kaya hindi ko alam kung ano nga talaga yun).
Puyat din naman kasi ako eh. Ayoko mang mapuyat, pero kailangan talaga.
Alam niyo ba ang feeling na may group project. Tapos, by cleaners pa yung groupings. Gaya ng sabi ko noon, groupmates ko ang mga goons/ganster/di grade conscious. Sa tingin niyo ba may maaasahan ako?
Meron nga. Nagamot-amot na lang sila ng bayad at ako na lang ang gagawa. Ayos ano? Kaya naman naiinis ako tuwing may group project.
Mabuti sana kung ang project namin ay yung walang kamatayang pagdidikit ng mga dahon sa bondpaper at lagyan lang ng konting description. Ang kaso, hindi eh. Hindi habang buhay ganun kadali ang haharapin ng isang estudyante.
FLASH!
Para namang nagising ako mula sa pagkakaidlip. Ano ba yun? Akala ko kasi flash ng camera. Guni-guni ko lang yata.
"Lady Dominique, nasan na mga classmates mo?" tanong ni ma'am na nag-chaperone sa amin.
Tumingin ako sa mga kasamahan ko. Pero wala na sila sa mga upuan nila.
"H-hindi ko po alam, ma'am," sagot ko. Naka-idlip nga kasi ako at hindi ko namalayan kung saan pumunta ang apat.
"Ano ba yan, nag-CR lang ako sandali eh," parang naiinis na sabi ni ma'am.
"Okay, let's proceed to the other segment of our program- The Bible Quiz Bee" sabi ng host.
Napalaki ang mga mata ni ma'am.
"Jusko, Dominique, hanapin mo na ang mga classmates mo. Mag-uumpisa na yung quiz bee!" nagpapanic si ma'am.
Luminga-linga naman ako para hanapin ang apat. Kainis naman kasi si ma'am. Bukod sa biglaan na itong pagpunta namin sa event, biglaan din yung quiz bee na ito.
"Each school must have three participants on stage blah blah blah..."
"Three?! Bahala na!" hinawakan ni ma'am ang manggas ng uniform ko.
Kinabahan ako. "Ma'am, don't tell me~ !"
"Punta na sa stage, Dominique," mariing utos nito.
"Pero ma'am!" protesta ko. Ano namang isasagot ko?! Fish bone na naman?!
Hindi na ako pinansin ni ma'am at hinarap nito ang dalawang babaeng students sa Regular Class.
"Akyat na rin kayo dun," sabi ni ma'am.
Nakita kong ngumiti an dalawa. Siyempre, gusto rin ng mga ito na bumida ang section nila at hindi na lang palagi ang SSC.
Halos kaladkarin ako ni ma'am paakyat ng stage.
Sobrang kabado na ako nang maka-upo sa mga upuan sa stage. Ang masama pa, hindi ko man lang kilala ang dalawang babae na kasama ko. Yung isa matangkad at yung isa katamtaman lang.
Ang bawat grupo ay binigyan ng card strip at chalk. Doon namin isusulat ang mga answers namin. Habang hinihintay mag-umpisa ang contest, nagpapa-music naman ng religious song sa sound system.
"Rica, ako yung magusulat ng answers," sabi ng girl na may katamtamang height.
"Sige, Armina. Ako na bahalang mag-raise ng answers natin," sagot naman ng matangkad.
So, Rica at Armina pala mga pangalan nila.
Pero teka, pakiramdam ko naman parang wala lang ako dito.
"Ako nga pala si Dominique. Sana makatulong din ako sa inyo," singit ko.
"Di mo na kailangan magpakilala. We know you already," nakataas ang kilay na sagot ni Armina.
"Kilala kasi namin ang mga tao sa paligid namin. Hindi naman kasi kami gaya nyong mga SSC na masyadong self-centered," mataray na dugtong ni Rica.
Okay. Kami na ang self-centered.
"Gusto ko lang malaman niyo na SSC man ang section ko, hindi pare-pareho ang mga pag-uugali namin. Hindi por que di ko kayo kilala noon pa, self-centered na ako. Please lang, wag naman kayong mag-generalize," nanginginig na pagsasaboses ko.
Kung self-centered ako, eh di sana matagal ko nang pinatulan sila Chillian, Nadette, Katja at Grace dahil palagi nila akong pinag-iinitan.
I'm sacrificing alot- yun ang di nila alam tungkol sa campus nerd.
Natahimik naman ang dalawa.
Ang awkward.
"F-fine," pasang-ayon na lang ni Rica.
Nahiya rin naman ako bigla. "S-sorry."
Tumango tango lang ang dalawa. Malamang, nabigla lang din sila sa pag-burst out ko.
Nag-start na ang contest at naka-tulong naman ako kahit papano.
FLASH!
Napatingin naman ako sa mga tao sa harap namin.
Kanina pa ako nakakaramda nito. Parang flash ng camera. Anyway, baka kasi kino-cover lang talaga ng mga student edia ang event na ito kaya maya't maya ang flash ng camera.
Pero iba ang sinasabi ng insticts ko.
Ang kapal naman yata ng mukha ko kung feeling ko ako ang kinukunan!
"Yes! Tayo ang lamang sa round 1!" masayang pinagsisigaw ni Armina. "Yes! Yes!"
Nagulat naman ako nang hinawakan ni Rica ang palad ni Armina pati ang palad ko at sinabing "Kaya natin to!"
Napatulala ako.
I felt like I belonged.
Ewan.
Nakita kong nag-thumbs up sa ain si ma'am. At nagthumbs-up din kami sa kanya.
Mula sa stage, parang kinabahan ulit ako nang makita kong kababalik lang ng apat mula sa stage.
At lahat sila naka-killer look sa akin.
"Kanino ba sila nakatingin? Sa ating dalawa ba Rica o kay Dominique?" tanong ni Arina habang nire-record pa yung mga scores namin para sa round 1. Nakakahalata rin pala ito.
"Sa akin," mahina kong sagot.
"H-ha?" naguguluhang si Armina. Kasi naman siguro, isip na ito ay friends ko ang apat na yun.
"Di talaga kayo friends ano?" puna ni Rica.
Napatingin ako kay Rica. Paano kaya niya nalaman?
Si Rica naman, parang nabasa kung ano ang nasa isip ko.
"Di kasi kayo nagpapansinan simula pa sa sasakyan. Parang nawi-wirdohan ako," paliwanag nito.
Kaya pala. Oo, parang anino lang ako kanina sa sasakyan. Di nila ako pinapansin.
May sasabihin pa sana si Rica kaso lumabas muli ang next question. Pero nasagutan pa rin namin iyon ng tama.
Nakita kong nagdilim ang mukha ng apat. Kami naman kasi ang leading.
"Don't worry Doms. Ipanalo natin to," at naka-evil smile pa talaga si Rica.
"Oo nga. For sure, maiinis sila," dugtong ni Armina.
At nanalo nga kami.
Nung nakabalik na kami nila Armina at Rica sa pwesto ng school namin, ang boses agad ni Chillian ang dinig-na-dinig namin.
"Ma'am, you should have called us! Hindi yung kung sinu-sino ang isasabak niyo sa contest in exchange of us!" reklamo nito.
"Excuse me lang, ha? Hindi naman kasi kami kung sinu-sino eh," sagot ni Armina mula sa likod ni Chillian at iniabot kay ma'am ang certificate na napalanunan namin. "Kami lang naman kasi yung nagstay put sa event na to kahit nagiging boring na. Kaya naman kami ang sumali sa contest."
"Worth it naman kasi nag-champion kami together with your very own classmate," pang-iinis pa ni Rica.
Alam kong nagtitimpi lang ang apat at gustong sumagot. Pero dahil nga 'good girl' yung image na gusto nilang ipakita (kahit di nila mapanindigan), hindi na rin sila sumagot.
"Sa'n nga ba kayo galing?" usisa ni ma'am.
"Sa... sa clinic lang ma'am. Sumama kasi bigla yung pakiramdam ni Grace eh," maagap na sagot ni Nadette.
"H-ha?!" gulat naman si Grace.
Okay. Nahahalata niyo na rin naman siguro na fishy ang 'clinic' part , di ba? Ang lame naman kasi magrason ni Nadette.
"Kailan pa ba naging clinic ang canteen?" biglang sagot ng taga-Regular Class. "Nakita ko kayo dun eh!"
Nagtwanan at nag-apir yung mga taga-Regular Calss. Pati ang ibang schools na nakatingin sa amin ay natawa rin.
Mabuti pa ang ga taga-Regular Class- sinusuportahan yung mga kasama nila. Kami kasi sa SSC, palagi na lang nagtutulakan at nag-uunahan. Marami sa classmates ko ang ganun, hindi lang ang apat na ito.
Pinatahimik na lang ni ma'am ang dalawang panig dahil nakakagawa na ito ng eskandalo.
Pero hindi na ako sumaa sa mga classmates ko sa usupuan. Hinila na kasi ako nila Armina at Rica sa kanilang pwesto.
Ewan ko ba pero...
Masaya ako sa sitwasyon kong ito ngayon.
---
A/N:
LALAKI PO SI CARLYLE-- lilinawin ko lang po. :)
Hahaha. di ako naka-update kahapon kaya heto na naman ako! Comment naman kayo sa kung ano ang pwede kong baguhin, please! :) bahala na kayo sa votes, basta may comments. At pasensya na talaga sa mga spelling errors. Thanks for dropping by!
kachuinmybreath