Lady in Disguise (Published u...

By blue_maiden

7.3M 181K 19.2K

Unable to move on from the break up, girly and sassy Mika goes through the hoops and pretends to be a boy jus... More

Prologue
CHAPTER 1: HINDI AKO BAKLA!
CHAPTER 3: "LALAKI AKO" TEST
CHAPTER 4: FIRST DAY OF CLASS
CHAPTER 5: ORDER NI BOSS
CHAPTER 6: SI EX-BOYFRIEND 
CHAPTER 7: I'LL TAKE CARE OF YOU
CHAPTER 8: HULI KA BALBON!
CHAPTER 9: CONFUSED KEAN
CHAPTER 10: A DATE WITH MY ENEMY
CHAPTER 11: FREE DAY
CHAPTER 12: A DAY WITH KYLE
CHAPTER 13: K VS. K
CHAPTER 14: SESE'S BIRTHDAY
CHAPTER 15: AMUSEMENT PARK
CHAPTER 16: FERRIS WHEEL
CHAPTER 17: BEAUTY PAGEANT
CHAPTER 18: AND THE WINNER IS...
CHAPTER 19: IT'S OVER NOW
CHAPTER 20: GOODBYE, MIKA
CHAPTER 21: HERE WE COME
CHAPTER 22: JEJU ISLAND
CHAPTER 23: WE'RE OFFICIAL
CHAPTER 24: BACK TO THE DORM
CHAPTER 25: JAGI
CHAPTER 26: REVELATIONS

CHAPTER 2: DORM B

376K 7.9K 1.2K
By blue_maiden

Sumakit ang katawan ko sa paglakad habang buhat ang aking mga bag. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng lalaking 'yon at pinili niyang maglakad lang kami. Pinahirapan yata niya ako. Sarap niyang sampalin sa cheeks. May araw din siya sa 'kin!

"Ang bagal mo, beks! Lalaki ka pa rin, huy!"

Hinayaan ko ang stupid guy na 'yon. I had to be patient and kind para walang maging problema. Ayaw kong mawala ang lahat ng efforts ko dahil sa lalaking 'yon.

"Okay, boss," I said. Binilisan ko ang paglakad kahit na hirap na hirap ako. Wala kasing kuwenta si Kyle. Hindi man lang ako tinulungan, porket nasa isip niyang bakla ako. Sa bagay, hindi kami friends. Kung kilala lang niya talaga ako, baka naglaway pa siya sa 'kin. "Malayo pa ba?"

"Malapit na, kaya 'wag ka nang mag-inarte. Bilisan mo!"

"Ito na nga, 'di ba? Ikaw kaya magbuhat nito? Sampalin kita riyan, e."

"Ano?! May sinasabi ka?!"

"Ah, wala po, boss." Kinalimutan ko muna ang aking pagiging maldita. Kaya ko 'to. Fighting!

Sinundan ko siya hanggang sa nakarating kami sa tapat ng Yonsei University. Walang-wala ang school na 'yon sa school ko sa siyudad, pero pwede na rin. Si Marco lang naman talaga ang habol ko ro'n. After naming magkabalikan, babalik kami sa siyudad. Ang arte kasi ng lalaking 'yon, gusto pang sinusuyo siya.

"Hoy, beks, 'wag kang magpapahalata sa mga ka-dorm natin, ha! Ang lamya mo pa naman."

"Yes, boss." Whatever.

Pumasok kami sa loob. Medyo kinabahan ako nang nakarating kami sa may entrance. Mukha kasing mahigpit ang bantay ng school, pero hindi naman niya ako nahalata. Buti na lang talaga nakapag-practice na akong magpanggap bilang lalaki sa New York. Hindi naman mukhang fake ang mga papers ko.

"Hanapin mo na lang ang dorm," sabi ni Kyle. "May dance practice pa ako."

"What? I don't know where it is!"

Sinamaan niya ako ng tingin (as if naman nakatatakot siya.)

"Samahan mo na ako! Pagod na pagod na nga ako, e."

"I... don't... care."

Then he walked away.

Argh! Once I was done with my mission, magbabayad din siya sa 'kin.

I tried calling Charlie pero his phone was turned off, kaya naging Dora the Explorer ako habang hinahanap ang dorm. Inisip ko na lang, sa sobrang malas ng araw ko, hindi na siguro siya magiging mas malas pa.

"Pare, ilag!"

Ano raw?

Biglang tinamaan ako sa ulo ng isang bola.

Akala ko natanggal na halos ang ulo ko nang bigla akong tinamaan sa ulo ng isang bola.

"Pare, okay ka lang?" asked a guy who looked kind of like a girl.

"Okay?!" I yelled, holding my aching head. "Kung may sinipa akong bola papunta sa ulo mo, tatanungin pa ba kita kung okay ka lang?!"

"Sorry, pare."

"Sorry?! Anong gagawin ko sa 'sorry' mo, ha?!"

"Aba, ang yabang mo, a. Bago ka pa lang dito."

Susuntukin sana niya ako nang may pumigil sa kanya.

"Liam, tama na 'yan. Ano bang nangyari dito?"

Shet. Hindi pa ako ready na makita siya, pero ngayon pa nagpakita si Marco. Kung kailan ang haggard ng mukha ko at amoy pawis pa ako. Kahit na nagpanggap akong lalaki, dapat hindi ako mukhang gusgusin. Ayoko na!

"Dude, problema mo?" tanong ni Marco.

"Ikaw." Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng problem ko.

"Ha? Okay ka lang ba?"

"Hindi. Sinaktan mo ang puso ko, e..."

"Miko!"

Lumingon kaming tatlo sa tumawag sa 'kin.

"Huy, kanina pa kita hinahanap!" sabi ni Charlie at umakbay sa 'kin. Hindi maipinta ang mga mukha nina Liam at Marco. "Anong problema?"

"Charlie, kilala mo ba 'yan? Ang yabang kasi, e," sabi ni Liam.

"Sorry ah. Bago lang kasi siya rito. Sige, mauna na kami."

Hinila akong palayo ni Charlie pero hindi ko naalis sa paningin ko si Marco.

"Huy, Mika! Maghunos dili ka nga. Baka mabuking tayo niyan, e," binulong niya sa 'kin.

Tumalon ako para batukan ang napakatangkad na si Charlie.

"Alam mo bang muntik na akong mabuking ni Kyle?! Nakita niya kasi akong nakapambabaeng damit. Buti na lang at akala niyang bakla ako!"

Tumawa siya bigla nang sobra-sobra. "Talaga? Napagkamalan ka niyang bakla? Wow, first time 'yon, dude!"

"'Wag kang tumawa, baliw ka! Kasalanan mo 'to! Kapag ako lang ang pumalpak dito, humanda ka sa 'kin!"

"Bakit ako? Wala naman akong ginagawa, e."

"'Yon nga, e, wala kang ginawa! Hindi mo ako sinundo! Stupid best friend."

Nag-pout siya na parang bata. "Sakit naman no'n, best, sa cuteness kong 'to, stupid ako?"

"'Cute' mo mukha mo! Malayo pa ba ang dorm natin?"

"Ito na nga po, e."

Pumasok kami sa isang maganda at malaking building. May isang malaking sala sa gitna nito, at kita ang mga kwarto sa pangalawang palapag mula ro'n.

"Tada!" sabi ni Charlie. "Welcome to Dorm B!"

"Saan naman ako matutulog?"

"Do'n sa room ko. Kaso, kasama natin si Kyle sa room."

Pati ba naman sa kwarto, makakasama ko pala ang lalaking 'yon.

Sinamahan ako ni Charlie papunta sa aming room. In fairness, malaki siya. May isang single bed, tapos isang double decker na kama. I bet do'n ako sa taas. Maganda ro'n kasi may space pa bukod sa kama. Nilagay ko agad ang aking mga gamit do'n.

"Mika—este, Miko pala," said Charlie as we sat on the single bed. That meant Kyle would sleep on the bed under mine. Yuck. "Bakla ang tingin ni Kyle sa 'yo?"

"Yeah! Ako, mukhang bakla?! Argh! the nerve of that guy!"

Binatukan ako ni Charlie. "Sira! Sinabihan na kitang tanggalin mo 'yang pagkamaldita mo!"

Binatukan ko rin siya. Hindi siya ngumiti.

"Buti na lang inakala niyang bakla ka. Kung hindi, patay na tayo!"

"I know, right?"

"Kailangan mong magpanggap na bakla around Kyle, tapos magpanggap na lalaki around our dormmates."

Napahiga ako sa kanyang kama. Nanlumo ako sa super dami kong persona: girl, boy, bakla, at baka tomboy pa.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo, hayaan mo na si Marco," sabi ni Charlie.

"No way!" Tiningnan ko siya nang masama. "Magiging bakla muna ako before mangyari 'yon!"

"Bakla ka na naman ngayon, e!"

Biglang bumukas ang pinto nang malakas and a cute blonde guy yelled: "Bakla?! Sinong bakla?!"

"Kean! Kanina ka pa?" said a nervous-looking Charlie.

"Sino 'yan, Charlie?" he said, looking at me. "Siya ba ang bakla?" 

Isa pa 'tong lalaking na 'to.

Lumapit siya sa akin. I couldn't believe he was even taller than Charlie. "Hoy, ikaw, bakla ka ba?"

"Hindi ako bakla," sagot ko. "Gusto mong sampalin—este, suntukin kita?"

"Aba, ang yabang mo, ah!" he shouted, grabbing me by the shirt collar. "Tara, suntukan tayo!"

Oh, shit, seryoso pala siya. Nagbibiro lang ako!

"Kean, tama na!" sabi ni Charlie at inalis ang kamay ni Kean mula sa damit ko. "Best friend ko 'yan, si Miko."

"Pagsabihan mo siya, a, Charlie. Siguraduhin mong hindi 'yan bakla!"

"Ako, bakla? Ha!" Lumayo ako sa kanya. "Baka ma-in love ka sa 'kin kapag nakilala mo ako."

"Anong sinabi mo?"

"Wala, brad," sagot ko with a manly voice. "Sabi ko, pasensya na."

"A, wala 'yon. Sensya na rin. Sige," sabi ni Kean bago umalis.

"Muntik na tayo ro'n, a," sabi ni Charlie.

Binatukan ko siya.

"Ouch!" he said. "Napakabayolente mo, 'no?"

"Ang lakas kasi ng boses mo. Narinig tuloy tayo!"

"Sorry na! Mabuti pa, ipakilala na kita sa kanilang lahat."

"Sige, susunod ako. Mag-ready muna ako."

Pagkalabas ni Charlie, nagpalit ako kaagad ng damit at inayos ang aking sarili. Tinanim ko sa aking utak na lalaki ako. Ako ay si Miko. This was it. I mentally slapped myself on the head. Kailangan lalaki ako pati sa pag-iisip. Goodbye, girl side. Goodbye, pagiging maarte.

Huminga ako nang malalim bago lumabas sa kwarto only to be greeted by three guys who stared at me.

"Bro, si Miko nga pala," Charlie started. "Best friend ko galing States. Siya ang bago nating ka-dorm."

"Nice to meet you," I said. Baka dapat dinagdagan ko ng "pare" para mas tunog lalaki.

"Hello, Miko!" said a handsome and rich-looking kid. "Ako nga pala si Sanjie, ang leader ng Dorm B." Lumapit siya sa 'kin at nakipagkamay nang mahigpit. Ouch, ha!

"Uhm... salamat, p're." Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Parang may tumingin sa 'kin nang masama.

"Hi, Miko!" said another cute guy. "Ako naman si Akon." Inabot niya sa 'kin ang kanyang malambot na kamay at nag-shake hands kami.

"Ako naman si Sese," sabi ng isang young-looking guy na naka-poker face. Gwapo siya, pero mukhang masungit.

"Nice to meet you," I said before bowing. Pagka-angat ng ulo ko, nakita ko si Kean na nakatingin nang masama sa 'kin.

"Miko," he said. Bawal bakla rito, a..."

Kinabahan ako bigla.

"... kaya mabuti naman at hindi ka bakla." 

Huminga ako nang maluwag, pero may narinig akong pamilyar at nakaiiritang tawa.

"Haha! Hindi bakla, a," sabi ni Kyle.

"Hoy, Kyle, anong problema mo?" tanong ni Charlie.

"Ha? Wala lang," sagot ni Kyle. "Oy, pare, 'musta? Ako nga pala si Kyle." 

Inabot niya sa 'kin ang kanyang kamay. Kung mahigpit ang pagkahawak sa 'kin ni Sanjie, parang sinadya ni Kyle na gawing mas mahigpit pa. Ang sarap niyang sampalin!

"O-okay lang," sagot ko.

"O, ayan, kumpleto na pala tayo. Mabuti pa, kumain na tayo at gutom na ako!" sabi ni Charlie. Lumapit silang lahat sa kanya at binatukan siya.

"Takaw mo talaga!" sabi nila bago nagtawanan.

Lumapit naman sa 'kin si Kean at inakbayan ako. "Tara na, Miko!"

Sumunod ako sa kanila sa malaking cafeteria ng school. Hindi ko alam kung ano ang mga pagkain nila r'on, kaya salad na lang ang binili ko. Lahat sila, kumuha ng mga bundok na kanin.

"Miko, bakit 'yan lang kinakain mo?" tanong ni Sese sa 'kin.

"Hindi ako nagugutom, e."

Napatingin ako kay Kyle. Inisip siguro niya na normal sa 'kin ang gano'ng pagkain kasi bakla ako.

Ang dami nilang pinag-usapan: basketball, soccer at kung anu-ano pang mga boring na bagay, tulad ng mga kwento tungkol sa mga chicks. Ang gulo talaga ng mga mga lalaki. Tama nga ang kasabihang "boys will be boys."

"Uy, alam niyo ba? Si Victoria na raw at si Marco," sabi ni Sanjie. "Ang swerte talaga ng lalaking 'yon, palaging maganda ang nagiging syota."

Biglang nabulunan si Charlie.

"Sinong Marco?" tanong ko. "Marco Cruz ba?"

"Oo," sagot ni Sanjie. "Kilala mo siya?"

Nagulat silang lahat nang napatayo ako. Sasabunutan ko ang mang-aagaw na Victoria na 'yon hanggang makalbo siya!

"Miko!" Charlie called. "Saan ka pupunta?"

All of them were looking at me. Pinaalala ko sa sarili ko na maghunos-dili at baka mabuking nila ako.

"Ah... Naalala ko kasi na hindi ko pala natawagan ang parents ko. Sige, balik na 'ko sa dorm."

Umalis ako't pumunta sa dorm. Humiga ako sa aking kama bago umiyak. I didn't understand why it hurts so much. I put so much effort to come here, tapos nalaman ko pang may girlfriend na siya.

Tumigil ako as pag-iyak nang narinig ko silang mag-usap sa labas ng dorm. Parang narinig ko ang pangalan. Pumunta ako sa pintuan para makinig sa kanila.

"Hindi nga siya bakla, mga dude," sabi ni Charlie.

"Isa lang naman ang sagot sa mga tanong natin, guys," said Kean.

"Ano 'yon?" tanong nilang lahat.

"Ang 'Lalaki Ako' Test!" 

Continue Reading

You'll Also Like

21.2K 638 7
"The best things are those that are not seen."
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
636K 14K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
17.2K 625 15
Basahin ito mabuti dahil ito ay istorya mo. Kasunod na istorya ito ng Seen 10:27pm