Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 43

107K 4.1K 989
By Yanalovesyouu




       

"What?!!! Are you fvcking serious?!!" Bulyaw ko kay Neesha. Kakabalik lamang niya dito sa mundo ng mga tao at hindi ko nagustuhan ang balitang dala niya.

"Kung hindi ka ba naman kasi mangmang Alexis, pipili ka lamang ng kaibigan, bakit 'yung katulad pa nila na may kasamaan naman pala ang pag-uugali?"

Pinasadahan ko ng masamang tingin 'yung rakistang bubuyog. "Wow ha! Hiyang-hiya naman ako sa kabaitan at kabutihan ng ugali mo" Natatawang sagot ko. Pero agad ding nawala ang mga ngiti ko nung maalala ko kung ano ang ibinalita niya sa'kin.

"Mabait naman talaga ako—"

"Neesha, sa tingin mo ba ay desidido talaga silang ituloy 'yung pina-plano nila? Balak ba talaga nila akong pagtulungan? Wala ka man lang bang nakitang concern, or kahit awa man lang sa mga nila nung sinasabi nila 'yun? Lalo na si Bes at Samara?" Silang dalawa ang matagal kong nakasama dito sa mundo ng mga tao, magagawa ba talaga nila na traydurin ako?

"Gusto mong makita kung ano'ng nangyari kanina?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. "May replay?" Sossy pwede naman pala 'yun, nagpakahirap pa syang i-kwento sa'kin. Saka dapat live nalang akong nanunuod. Pero kung sabagay, tama rin naman na hindi na. Masyadong masakit kung makikita ko pa mismo at maririnig na sinabi nila iyon. "Maaari naman, ngunit sa sarili mong salamangka"

"Speaking of, sa tingin mo ba kakayanin ko silang talunin? Lalo na sa paligsahan ng mga salamangkero at salamangkera. Paniguradong pinaghandaan nila iyon. At bukod pa dun, wala akong alaala kaya kung icocompare ang kahusayan ko sa salamangka ay di hamak naman na lamang sila sa'kin, diba?" Tanong ko sa hamster.

"May punto ka riyan Alexis, kung ako rin ang nasa posisyon mo ay mangangamba ako kung may tsansa ba akong panalo" Siraulo 'tong dagang 'to, parang alam ko iniisip nito kung bakit ganun ang isinagot sa'kin. "Wag mo akong subukan rakistang uod ah, baka hindi kita matantsa! Akala ko ba magkakampi na tayo?!"

"Magkakampi nga, kaya nga pinababatid ko sa'yo ang aking saloobin, dahil ako ay isang tunay na kaibigan. Kaysa naman sinisiraan kita kapag nakatalikod ka hindi ba?"

Tss. "Point accepted, so ano nga?"

"Bakit ako ang iisip ng paraan?"

"Alangan namang ako? E diba mangmang ako sabi mo? Feel na feel mo naman pagiging matalino, edi sulitin mo na. At isa pa, wala ako masyadong alam sa mundo niyo 'no"

"Kung sabagay, tama ka ulit" Tignan mo 'to. Talagang agree sya sa sinabi ko ah.

"May naiisipan akong paraan, ngunit hindi ba masyadong mapanganib?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, mukhang nilalait na nitong uod na 'to ang buong pagkatao ko sa isip niya. "Ano 'yun?" Tanong ko.

"May isang lugar sa Limehild kung saan matatagpuan ang isang makapangyarihang nilalang na nagngangalang Djinn, maaari kang humiling sa kanya, ngunit isang kahilingan lamang ang maaaring matupad nito"

"Djinn?" I asked curiously. Tumango lang sya kaya nagtanong ulit ako. "Seriously? Kahit anong hilingin ko? Example, hihilingin kong gumanda, sumexy, yumaman--"

"Isang kahilingan lamang ang kayang tuparin"

"Oh edi yumaman na lang! Maganda naman na ako saka sexy, kaya hindi ko na kailangan iyon"

"Hindi na kita sasamahan"

"Ano?!! Bakit naman hindi?! Grabe ha! Pagkatapos mong sabihin ang tungkol kay Djinn papaasahin mo lang pala ako. Kung sabagay, uso naman talaga ang mga paasa nowadays. Pero ano ba! Chance ko na 'tong humiling tapos--"

"Kung aaksayahin mo lang ang isang kahilingan para sa materyal na bagay ay hindi ko iyon mapahihintulutan"

"Naman eh! Oh sige na nga, kahit maganda ako, kagandahan na lang ang hihilingin ko. Para hindi na ako ipagpapalit ni bebe Lucian. Yiii"

"Tss. Mangmang talaga"

"Naniwala ka naman? Syempre seryosong bagay ang hihilingin ko 'no"

"Tulad ng ano?" May pagka-tsismosa talaga tong paru-parong 'to. "Hindi ko pa alam, actually hindi ko talaga alam kung ano ba ang hihilingin ko. Parang ang dami-dami ko kasing gustong hilingin, hindi kasya sa isang wish"

"Kailangan mong pag-isipan ng mabuti, dahil tulad nga ng sinabi ko, masyadong mapanganib itong gagawin natin. Ang bawat isang kahilingan ay may kapalit"

"Magkano?" Mabilis na tanong ko. Tumaas ang kilay nung bubuyog at nag-umpisa ng tumingkad ang pagkapula ng buhok niya. Hahahaha naiinis na naman sya. "Hindi materyal na bagay ang hinihinging kapalit ni Djinn, madalas ay buhay"

"Ahhh. Eh diba tropa-tropa na naman tayo? So, willing ka naman diba? Mahal mo naman ako diba?" Nakangiting tanong ko kaya naman lalo syang nainis.

"Ayoko na, hindi na kita sasamahan"

"Hahahaha joke lang! Ang pikon naman nitong ipis na 'to" Tinignan niya ako ng masama kaya ngitian ko sya. "Seryoso na nga kasi, pero hindi ko kasi alam kung ano eh. At isa pa, diba isang wish lang pwedeng i-grant? Paano kung—hayy saka ko na nga isipin 'yan! For sure naman may iisip agad akong wish, bago tayo makarating dun"

"Sigurado ka ba? Dahil kung hindi, maaari namang hindi tayo tumuloy"

"Oo naman, sayang naman 'yang wish na 'yan" Ang totoo nyan iniisip ko kung hihilingin ko ba na magkaroon kami ng forever ni Lucian babes, kaso naalala ko nasa amin naman talaga ang forever, kaya bakit pa diba? Saka ko na pag-iisipan kung ano'ng iwiwish ko. Siguro pangkontra nalang sa mga plano nila Samara.

"Kung talagang desidido ka ay kailangan na nating maghanda. Mahaba-haba ang lalakbayin na'tin patungo roon"

"Pwede naman siguro tayong magteleport na lang papunta doon para—"

"Maaari, ngunit hanggang doon lamang tayo sa labas ng Limehild. Hindi gumagana ang salamangka sa loob"

"Whoa! Parang Oldewood?" Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Naalala ko 'yung time na hinabol kami ng mga Cerberus. "Siguro naman walang Cerberus sa lugar na 'yun diba?" Paninigurado ko.

"Hindi ko alam, hindi pa naman ako nakakatungtong sa lugar na iyon. Kaya hindi ko masasagot 'yang tanong mo"

Tumango nalamang ako.

"Sa tingin mo Neesha, bakit kaya nila gustong patayin ko si Lucian babes? Nate-threaten ba sila masyado kasi makapangyarihan sya? Alam ko naman kasi sa sarili ko na walang gagawing masama si Lucian"

Lumipad palapit sa'kin 'yung gamu-gamo "Paano ka nakakasiguro sa bagay na iyan Alexis? Prinsipe ng kadiliman si Lord Lucian, kaya hindi malayong mangyari na puro kasamaan ang alam niyang gawin"

"Ang judgmental mo sa part na 'yan ah! Hindi naman porket prinsipe ng kadiliman masama na. Tignan mo ikaw, hindi ka naman tiga Arentsvelt, pero ang sama ng ugali mo" Biro ko sabay tawa. "Joke lang! Highblood ka na naman"

Pumunta ako sa may kusina para mag-init ng tubig pang-kape. "Tayong dalawa lang ba ang aalis?"

"Mas mainam siguro kung hindi na tayo magsasama ng iba pa?"

"Bakit naman hindi? Sayang naman ang opportunity namin na makapag-outing ni Lucian babes diba?" Mabilis na tumingin sa'kin 'yung rakistang butiki. Omygosh! What did I just say? "I mean, sayang  naman kung hindi natin isasama si Lucian my loves, baka kasi may mga Cerberus din dun tapos ano makikipaghabulan na naman tayo? Baka ayun pa ikamatay nating dalawa. Lalo ka na. Diba sabi sa kapalaran niyo mamamatay na kayong tatlo?" Tapos aayain ko sya mag-camping, magtatayo kami tent dun at magbo-bonfire.

"Hindi maganda ang ibig ipabatid ng mga ngiti mo Alexis"

"Bakit ba?! Ano bang masama sa pagcacamping at bonfire? Wala naman diba?"

**

Sinipa ko ang maliit na bato na nakita ko sa daan. Nakakainis naman kasi eh! Gusto ko kasama si Lucian babes eh. Wala akong ibang iniisip na kalandian, mas okay naman kasi talaga diba? Ang hamog-hamog dito sa lugar, kaya hindi masyado kita ang dinadaanan. Tapos ang boring kasi 'yung rakistang alitaptap lang ang kasama ko. E sadista pa naman 'to. Saka syempre mas safe kaya kapag kasama—"Bakit tila yata malalim ang iniisip mo Alexis? May bumabagabag ba sa'yo?"

"Wow! Kailan ka pa natutong maging concern? In fairness ha, hindi bagay sa'yo" Sarkastikong sagot ko.

"Sino ba may sabing nag-aalala ako sa'yo? Nais lang sana kita makausap bago ka tuluyang mahulog dyan sa bangin na nasa harap mo" Gulat na gulat ako sa sinabi niya kaya mabilis akong tumingin sa may paa ko. Nahulong ang ilang piraso ng bato sa bangin mula tinutungtungan "Oh shit!" Humakbang kaagad ako paatras hanggang sa tuluyan na akong mapasalampak sa sahig sa kaba.

"Gago ka talagang gusto mo akong mamatay ah!" Bulyaw ko sa impaktong surot.

"Hahahaha"

Ilang oras pa ang nakalipas ng paglalakad naming unti-unti ng nahahawi ang fog kaya medyo nakikita ko na ang daan, ang kaso nga lang nagugutom na ako.

Tumigil sa paglipad 'yung salagubang at saka umupo sa may balikat ko. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya.

"Oy daga, kala ko ba walang mga salamangkero at salamangkera dito? Bakit parang bayan naman pala 'tong Limehild?" Bulong ko sa surot. Pinagmamasdan ko ang mga babae na masaya at busyng-busy sa kani-kanilang ginagawa. Merong may dala ng isang basket ng prutas, may mga magkakausap. Yung isa pa nga kinakalikot 'yung buhok nung isa, feeling ko nagkukutuhan silang dalawa. Bakit ganun? Parang may kakaiba sa kanila, pero hindi ko matukoy kung ano.

May mga bahay rin naman, kaya mukhang siyudad talaga, oh well, maliit nga lang, sige na, baryo na lang.

"Wala pa tayo sa Limehild mangmang, nasa Welsh Isle pa lamang tayo, at iyang nakikita mo ay ang Welsh tribe. Hindi sila mga salamangkera. Sila 'yung tinatawag na nymph, mga nature spirits sila, pero dito sa Welsh Isle namumuhay sila ng normal. Sila rin ang nagsisilbing bantay dito,"

"Ahhh" Kaya pala may kakaiba sa kanila. Omygosh! Alam ko na kung ano! Pare-parehas 'yung itsura nila, kulay lang pala ng damit ang pinagkaiba. "Eh ano pala ginagawa natin dito? Akala ko ba sa Limehild tayo pupunta?" Tanong ko ulit.

"Dito ang daan patungo roon kung kaya't kailangan muna natin sila makapulong" Ahh, now I know. 

Mukhang napukaw naming dalawa nung tutubi 'yung atensyon nila dahil lahat sila ngayon ay nakatingin na samin.

"Salamangkera" Wika nung isa sa kanila, habang palapit ng palapit sa aming dalawa nung hamster. "Ano ang inyong sadya?" Dugtong pa niya. Sya lang nagsasalita, ang ibang nymphs ay tahimik lang nakatingin sa'min.

"Sabihin mo hinahanap natin 'yung nagngangalang Creirwy"

"Bakit ako? Bakit hindi ikaw ang magsabi?" Lakas makautos nitong bulateng 'to eh.

"Mangmang! Hindi niya ako naririnig, kaya ikaw ang magsabi"

"Ahmm hinahanap namin 'yung nagngangalang Creirwy" Umpisa ko. Ang creepy ng mga tingin nila sa'kin in fairness hindi na ako natutuwa ah.

"Sabihin mo patungo tayo sa Limehild kung kaya't nais sana nating makausap si Creirwy" Utos na naman nung daga.

"Patungo kasi kami nitong kasama kong lamok sa Limehild kaya naman nais sana naming makausap si Creirwy" Mamaya talaga sa'kin 'tong higad na 'to aba! Gawin ba akong spokesperson.

"Sumunod kayo sa'kin" Nakangiting sagot niya.

Palinga-linga ako habang nakasunod dun sa nymph. Nakatingin kasi lahat ng nilalang na nandito sa amin, hindi ko ba alam kung natatakot sila sa'kin o na-starstruck sila sa ganda ko? Parang mas gusto ko 'yung pangalawa kong naisip.

Nakarating kami sa isa sa mga kubo dito sa Welsh Isle. Kumpara sa ibang kubo ay mas malaki ang isang ito at mas maraming palamuting mga bulaklak. "Creirwy, patungo silang dalawa sa Limehild" Wika nung nymph na hanggang ngayon ay di ko pa alam ang pangalan.

Nakatalikod sa'min ang isa pang nymph, kulay puti at gray na ang buhok niya kaya sigurado akong matanda na s—"Omygosh ang ganda niya" Napatakip ako ng bibig dahil tumingin sa'kin 'yung nymph na nagdala sa'min dito, pati na rin ang tatlo pang nandirito sa loob ng kubo. "Ay sorry po, ako nga pala si Alexis, itong daga naman na kasama ko ay si Neesha, gusto po sana namin pumuntang Limehild, ang sabi kasi nitong ipis kailangan ka raw po muna namin makausap"

"Ako si Creirwy, ang pinakamatandang nymph dito sa Welsh Isle. Maaari ko kayong samahan papunta sa bukana ng Thyme ngunit nalalapit ng magdilim, mas mainam siguro kung bukas bago magbukang-liwayway tayo tumungo sa Limehild" Nakangiti sa amin si Creirwy kaya ngumiti rin ako sa kanya. Hindi halata sa ganda niya na sya ang pinakamatanda ah.

"Magandang ideya 'yan!" Dahil putek kanina pa ako gutom na gutom! Sana meron din sila kahit fries man lang.

"Kung hindi ninyo mamasamain ang aking itatanong, bakit ninyo nais tumungo sa Limehild?" Tanong niya.

Napako ang tingin ko sa isang lalaki na nakadungaw mula sa labas nitong kubo at masama ang tingin sa akin. Syet! Nakakapangilabot naman ang tingin niya. Sabi ko na kasi dapat sinama namin si bebe Lucian eh. Ang kulit kasi nitong paru-parong 'to eh.

Narinig kong tumikhim si Creirwy kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. "Ahhh-ano kasi, pupuntahan namin si Djinn" Nauutal na sagot ko, hindi ko pa rin mapigilan ni hindi sumulyap dun sa lalaking nakatingin.

"Siya si Morfran, ang aking kapatid" He gave me the most terrifying glare than you can possibly imagine, bago sya umalis at tuluyang naglaho sa paningin ko. "Hindi sya mahilig makisalamuha sa iba pang nilalang kaya pagpasensyahan niyo na" Dagdag pa ni Creirwy.

**

Hindi ko alam kung gaano pa katagal bago mag-umaga, naalimpungatan lang naman ako, eh hindi na ako makatulog uli kaya bumangon na ako. Hindi talaga ako sanay na natutulog ng gabi, kaya siguro hindi na ako makatulog.

Lumabas ako mula sa isang kubo ng isa sa mga nymph. Dito kasi kami pinatuloy ni Creirwy kanina para magpalipas ng gabi. Hindi maipagkakailang mababait ng mga nymph ha. Feeling ko nga turista kami tapos nagbabakasyon kami dito sa kanila eh. Kung hindi lang siguro namin kailangan magmadali nung salaginto, baka inaya ko sya ng mag-stay pa dito ng ilang araw.

"Ang lamig" Bulong ko pagkalabas ko ng kubo. I crossed my arms habang naglalakad at naglilibot dito sa Welsh Isle. Sobrang peaceful naman ng gabi at ang fresh ng hangin. Bigla ko tuloy na-miss ang polusyon sa mundo ng mga tao.

Naglakad-lakad pa ako, until I saw a light coming from one of the huts. Kung hindi ako nagkakamali, ayun ang kubo na tinutuluyan ni Creirwy, pero bakit may ilaw? Gising pa kaya sya? Naglakad ako palapit sa kubo, maaya nga mag-kape 'to if ever na gising pa.

"Maraming salamat sa impormasyon na inihatid mo sa amin Creirwy"

Teka—that sounds familiar. Instead of going inside the hut, sumilip ako sa isang bintana na bahagyang nakabukas. Nagmumula ang liwanag sa isang salamin at kitang-kita ko doon ang repleksyon ni Samara. 

"Walang anuman, makakaasa kayong ang buong Welsh tribe ay mananatiling tapat sa kaharian ng Queinsville" Aba't! Siraulo 'tong Creirwy na 'to! Gandang-ganda pa naman ako sa kanya. Buong akala ko mabait at mapagkakatiwalaan. 'Yun pala may pagka-hudhudera.

"Maraming salamat ulit, ikaw na ang bahala sa kanilang dalawa"

"Balak niya kayong linlangin at iligaw ng landas" Halos mapasubsob ako sa bintana sa sobrang gulat nung may magsalita sa likuran ko. At mas lalo akong nagulat nung makita ko kung sino iyon. "M-Morfran" I stuttered.

Pero teka. Trip kaming iligaw nung babaeng 'yon? Aba'y tarantula!

Papasok sana ako sa loob nung kubo niya pero pinigilan ako ni Morfran. Huminto ako. Nakakatakot talaga ang mga tingin niya.

"Hindi ko alam kung ano ang pakay ninyo kay Djinn, ngunit hindi naman kayo mukhang masasamang nilalang, kung kaya't sasamahan ko na kayong tumungo sa Thyme, ngayon"

"Ngayon?! As in ngayon na?!" Napalakas ang boses ko kaya mabilis niya akong hinila palayo para magtago. Shit! Muntik na kami makita ni Creirwy. Pero teka, mapagkakatiwalaan ko ba ang isang 'to?

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 50.2K 82
"A girl who's trying to be strong because she ended up CRYING ALONE ." [PUBLISHED]
91.2K 3K 46
What will you do when you suddenly got reincarnated in second time? What will happen if a man got reincarnated as a woman in his second reincarnation...
6.7K 587 23
Legend says that if you call out his name at exactly 11:11, he'll appear infront of you and will grant your wish. Althea Morales is an independent s...
122K 5.6K 44
Hindi ko siya gusto no'ng una dahil alam kong hindi kami magtutugma. Pero loko-loko talaga ang tadhana. Ngayon, ayaw ko na siyang mawala.