~
Nakarating sila sa mall ng saktong mga 6pm. Nang nakapag-park na sila ng sasakyan ay sandaling pinigilan ni Gail si Yohan.
"Sandali lang, baka naman may media diyan sa loob? Baka mamaya pag may nakakita satin eh pagkaguluhan ka." Kabadong sabi ni Gail kay Yohan.
"Gail, hindi ako actor business man po ako. Kung may nakakakilala sakin sa loob hindi naman lahat na as in pagkakaguluhan ako." Paliwanag naman si Yohan.
"Sigurado ka ah. Pag tayo dinumog ng mga tao siyan? Iiwanan talaga kita." Paninigurado naman ni Gail.
Napangiti naman si Yohan sa naging sagot ni Gail.
"Ikaw talaga, kung anu-anong pinagiisip mo. Bumaba ka na nga." Utos sa kanya ni Yohan saka na din ito bumaba sa sasakyan niya. Umirap lang sa kanya si Gail saka na din siya bumaba.
Hindi siya pinagbuksan ni Yohan ng sasakyan kaya naman nadagdagan lang ang inis ni Gail kay Yohan. Padabog niyang isinara ang sasakyan ni Yohan.
"Di man lang gentleman? Kaasar siya." Sa isip ni Gail.
Napansin naman ni Yohan ang pagkainis sa kanya ni Gail. Napangiti na lang siya.
"Ayos, mukhang nagiging close na kami ah. hahaha." Sa isip naman ni Yohan. "Sungit!"
Pero hindi siya pinansin ni Gail. Pagkapasok nila sa loob ng mall.
"Wow, ngayon na lang ako ulit nakapunta ng mall. Medyo andaming nagbago." Sabi ni Gail saka siya tinabihan ni Yohan
"Tara, mamimili pa tayo ng mga kakailanganin mo." Utos ni Yohan kaya sumunod na lang siya dito.
Dinala ni Yohan si Gail sa dress shop, kahit anong magandang dress na makikita niya doon ay binibili niya kay Gail. Kahit accessories, bags, shoes, ay binibili sa kanya. Napansin ni Gail na parang ang dami atang pinamimili sa kanya ni Yohan kaya naman hindi na siya nakatiis at nagtanong.
"Dahan-dahan ka nga sa mga pinagbibili mo. Ano 'to? Pangmatagalang kasunduan? Diba bukas lang naman yung event?" Tanong ni Gail.
"Wag ka na ngang magreklamo. Mag thank you ka na lang pwede? Saka hindi naman ikaw ang magbabayad ng mga ito kung yun ang pinoproblema mo." Sagot naman sa kanya ni Yohan.
"Eh parang masyado naman marami yan. Bukas lang naman ako magpapanggap eh, bakit kung makapag bili ka eh pang matagalan." Tanong ulit ni Gail.
"Malay mo, yung iba dito ay magamit mo ulit hindi lang sa birthday ni mama." Sagot ni Yohan saka na ito lumakad at tumingin sa mga nakahilerang dress.
"Ha?" Naiwan doon si Gail, na puno ng pagtataka sa isinagot ni Yohan. Hindi niya ata nakuha ang point o baka naman may mali sa sinabi ni Yohan.
"Tara, kain muna tayo. Nagugutom na ako." Biglang sabi sa kanya ni Yohan. Nag-nod lang siya. Binayaran na nila lahat ng mga pinamili nila at naghanap na ng makakainan.
Nanag makarating sila sa Restaurant ay hindi naiwasan ni Gail ang mapakain ng marami. Sobra na ang gutom niya dahil late na ng nag-dinner sila.
"Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Gutom na pala di man lang nagsasalita." Sabi ni Yohan kay Gail ng mapansin ang sunod-sunod na pagkain ni Gail.
"Kumain ka na. Wag mo na akong pansinin." Sagot ni Gail saka pinagpatuloy ang pagkain.
Napangiti na naman si Yohan sa inasal ni Gail. Siguro ay naiilang pa ito sa kanya kaya dinadaan na lang sa pagsusungit.
"Teka, may sauce ka sa bibig." Pagputol ni Yohan sa pagkain ni Gail. "Dahan-dahan lang kasi."
Nagulat naman si Gail doon at the same time ay nailang siyang lumingon o tumingin kay Yohan.
"Ayan, wala na. Maganda ka na ulit." Ngiting sagot sa kanya ni Yohan kaya naman nagising ang diwa ni Gail at saka kumuha ng tubig at uminom.
"Ah bilisan na nating kumain. Gabi na kasi eh saka inaantok na ako.." Ang nasabi na lang ni Gail. Kahit alam niyang inaasar na naman siya ni Yohan.
Nag-nod lang sa kanya si Yohan sabay ngumiti ng nakakaloko. Di malaman ni Gail ang mararamdaman basta ang alam niya, may naramdaman siyang kakaiba sa mga ngiting yun ni Yohan. Higit pa sa pagkailang.
~
REVISED!