THE BAD BOY'S SLAVE

By makiwander

19.5M 535K 94.3K

A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fict... More

Pasakalye
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
KABANATA 24 (2nd Re-posting)
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55.1
Kabanata 55.2
Kabanata 55.3
Huling Kabanata
Epilogue
SELF PUBLISH DETAILS
Please don't have a heart attack yet, Not an update

Kabanata 23

319K 9.6K 1.2K
By makiwander



Turning Tables.


May mga pangyayaring matatauhan ka na lang. Sometimes, you clearly know what is good and bad for you because you were raised that way. You were raised to be prim and proper, you were raised to decide which things should be beneficial.


Pero sa buhay, tables will turn. Ipaglalaban mo ang mga prinsipyo na akala mo ay tama. Sa pakiramdam mo kasi, yon ang maganda. Its consequences? Masasaktan ka. You fought so hard but in the end, hindi pala yon ang tama. Nalinlang ka and at some point, you just have to stop. Lalo na kung gumagawa ka na lang ng mabuti para sa isang tao. Isang tao na lang.


"Umalis ka na Yuki."


"Bakit ako ang aalis? Hindi ba ikaw dapat? Kasalanan mo naman yan lahat eh."


"Bakit ako?"


"Tch, halos sambahin ka ng Keio di ba? Dapat ay inawat mo sila umpisa pa lang pero ano? Wala kang ginawa!"


"Ako lang ba ang halos sambahin dito? Di ba kayo din? Ikaw din?"


"Alam nyo ang ingay nyong dalawa! Magigising si Ria eh... Umalis na nga muna kayo." Naalimpungatan ako sa boses ng nagtatalo at ang panghuli ay ang boses ni Selene. Natatakpan ng kurtina ang hinigaan ko. Nakapagpalit na ako ng damit at maayos na din ang balat ko, malinis na malinis na.


Nanatili lang akong nakahiga at pinagtagpi tagpi ang nangyari kanina. Huli kong natandaan ay yung may bumato sa akin ng soccerball. Ang lakas kasi non. These students became unruly because of hate and they are so young to hate that much. Nakakalungkot.


"Oh my! You are awake!" Halos mapatalon pa si Selene pagdungaw nya sa kurtina.


Ngumiti ako ng tipid.


"Number 1, We're here at Infirmary. Number 2, hindi malala ang inabot mo dahil natakot ka lang sa dugo. Walang bali ang nose, may doktor na tumingin sayo kanina. Number 3, naiganti ka na ng Yukan'na sa mga bumugbog sayo. Naligo silang lahat sa ketchup at french fries. Taray di ba? Ang saya ko kanina!"


"Dapat ay hindi na.. Baka lalo silang magalit sa akin." Napayuko ako dahil sa sinabi ni Selene.


Pinakiramdaman ko ang ilong ko, maayos pa di naman. Buti at wala ng bahid ng dugo. Uuwi na lang siguro ako.


Nilingon ko si Selene. Nakangiti sya sa akin.


"Hindi na galit si Gaelan sayo, hindi ka na ibubully ng school. Pupwede na ulit tayong magkasama!"


Tumango ako kay Selene at ngumiti. Galit pa din yon si Gaelan. Nadamay lang siguro sa pagtulong sa akin ng mga kaibigan nya.


"Sino ang nagdala sa akin dito? Sino ang sumalo sa akin?" Parang may naalala akong sumalo sa akin pero hindi ko tiyak. Parang anino lang kasi. Sumigaw yon ng 'Tama na' o baka naman boses ko yon? Hindi ko lang siguro nakilala.


"Nagdala? Siguro yung Yukan'na. Nandoon kasi ako sa room namin nung nangyari yon sayo. Kung nandon ako baka sinapok ko ang lahat ng nandoon! Bakit ba kasi ang bait mo?" Malakas na tanong ni Selene. Napangiwi ako, dapat ba ay hindi ako mabait?


Sino nga kaya yun? Baka naman guni-guni ko yon. Pero tiyak naman na mayroong nagdala sa akin dito kasi hindi naman ako makakarating ng clinic kung wala.


"Ayos ka na ba? May naghahanap sayo." Sumulpot ang nurse sa aming harapan. Nakangiti sya sa akin at bahagyang hinawi ang kurtina.


Tumango ako pero ang sumunod ay nagulat ako ng nagpakita sa aking harapan ang mga bodyguards ko.


"Chief Smiths!" Yumukod silang lahat sa akin. Si Selene naman ay mayroong nagtatakang mga mata. Gusto ko silang paalisin pero huli na ang lahat. Si Chief Smiths talaga..


"Young Maiden, nag-alala po kami. Hindi gumalaw ang tracker sa isang lugar, apat na oras na."


"Y-young maiden. W--wait.. R-ria?" Naguguluhang tanong ni Selene.


"Ayos na ako. Lumabas na kayo ulit, baka may makakita. Basta don't tell this to Dad, okay?" Wika ko sa kanila.


"Masusunod po, Young Maiden." Sabay sabay nilang sabi at magkakasunod ding umalis.


"Ria... Bodyguards mo?" Pinanlakihan ng mata si Selene. Ngumiti ako at tumango.


"Secret lang ha.." Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko si Selene. Sya lang naman ang naging mabait sa akin simula umpisa.


"Oh my God. So you are related to FLORESCA EMPIRE?!"


"Daddy ko saka mga kapatid ko." Nagkibit balikat ako.


"REALLY??!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Selene. Nakakatawa talaga sya.


"Eh bakit hinahayaan mong mabully ka dito? Dapat sinasampal mo sila ng pera mo!" Nagpamewang si Selene. Sinenyasan ko sya na wag syang maingay.


"Hindi pa kasi ako nakakaranas ng outside world, Selene." Bulong ko sa kaniya.


"And the world is tough, eh?"


"It makes you stronger.."


"Sus! Takot ka nga sa dugo eh! You won't co-exist if you don't fight back. Kailangan mabait ka saka matapang. Grabe hindi ako makapaniwala! Hinayaan mo ang sarili mong ibully ni Gael! Baka mamaya mawala na lang sa mundo ang kinakapatid ko, Ria ha. Please, kawawa naman si Ninang Blair."


Natawa ako sa sinabi ni Selene. Wala naman akong bad na gagawin kay Gaelan eh. Sumobra na nga ako sa pag-gawa ng mabuti para sa kanya.


I am becoming stubborn just to protect Gaelan. Ang pagiging maalalahanin ko sa kanya, may ibang napapasama. The more I try to protect him, the more I am straying away from who I am. Pakiramdam ko nagbabago ang pagkatao ko. Unti unti akong pinapalitan ng nararamdaman ko kay Gaelan dahil bukod sa kanya, wala na akong iba pang inaalala kahit pa ang aking sarili. Isinasakripisyo ko ang lahat para sa isang tao at ang sabi ni Mommy, dapat daw ang goodness ay para sa lahat. Kung good ako kay Gaelan at bad naman ako sa sarili ko, it means I am not doing it right. I sighed.


Wag kang makulit Maria.


Nalaman ko na pinahiram pala ako ni Selene ng mga damit nya at sila ng nurse ang natulong na maglinis sa akin. Nakakahiya naman pala. Nagpaalam na si Selene kasi may practice sila sa cheering squad. Hindi na din ako makakasali doon kasi dalawang linggo na silang puspusan sa practice samantalang ako, isang linggong pinag-initan ng Keio at one week din na hindi pumasok para kay Kuya Rab.


Bumangon na ako para umuwi, magaan na ang pakiramdam ko at tingin ko wala na ding estudyante sa labas. Nagpasalamat ako sa nurse at kinuha ang bag ko.


"May sundo ka ba?" Nag-angat ng tingin ang nurse sa akin mula sa pagsusulat nya sa maliit na lamesa. Ngumiti ako at umiling. Sya din ba yung nurse na nagpadala ng doctor sa bahay namin nung nakaraan?


"Wala po, pero kaya ko naman na po. Salamat."


"Baka mahilo ka sa daan. Mag-iingat ka." Sabi nya. Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Mas hindi safe sa Keio eh.


Paglabas ko ng pinto ng Infimary, nakita ko agad si Gaelan. Nakasandal sya sa isa sa mga pole ng pathwalk at seryosong nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.


Tumikhim sya at naglakad sya sa likuran ko.


"Maria."


Hindi ako lumingon kahit namimiss ko na din yung mahinahon na boses nya. Nung nakaraang dalawang linggo kasi lagi syang nakasigaw sa akin eh. When he's calm, it calms my senses too. Pakiramdam ko ay ligtas ako at hindi nya talaga ako papatayin.


"Maria..." Tawag nya ulit ako.


"Maria, pansinin mo ako." Ulit nya.


Napahinto ako, nagsusumamo kasi ang boses nyang yon. Nilingon ko sya, parang pagod ang mga mata nya. Nakatingin sya sa akin at nagpuppy eyes. Hindi ako dapat magpalinlang. Kasi si Gaelan magaling talagang mag-puppy eyes tapos lolokohin na naman nya ako para mayroon ulit syang awayin.


"Bakit?" Tanong ko sa kanya pero nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit. Sobrang higpit.


"G-gaelan." Mas humigpit pa ang yakap nya, balak nya ata akong gawing Mashed Maria.


"Wag kang gagalaw." Sumiksik sya sa leeg ko. Paano ako makakagalaw eh iniipit nya ako ng sobra. Nagtataka naman ako. Ano kaya ang nangyayari kay Gaelan?


"Galit ako sayo. Alam mo ba yon?" Tanong nya. Tumango ako.


"Lagi naman.." Bulong ko. Umiling sya.


"I am mad at you because I thought you chose your principles over me. I want you to choose me above anything else. But fck---"


Tinapik ko ang likod ni Gaelan, "Bad ang magmura!" Angil ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin.


"--And you did. Pinili mo nga ako, Maria and I don't like it. Y-you are starting to be like us." Hindi binitawan ni Gaelan ang yakap nya sa akin.


Ang gulo naman nya! Gusto nya itago ko ang secret nya pero nung nagsinungaling ako para ipagtanggol sya, ayaw nya din?


"Sinabi ko sayo sayo noon, don't be bad. Wag kang mapasama dahil masama ang nasa paligid mo. Sinaktan ka nila dahil doon—"


"Wala naman akong ginawang masama—" Protesta ko.


"You lied. For me." Pagpupunto nya. Hindi ako nakasagot.


"I was never scared of blood until I saw you bleed." Napapaos na bulong ni Gaelan. Parang hinang hina ang boses nya habang nagsasalita.


Dahan dahang ibinaba ni Gaelan ang kamay nya patungo doon sa kamay ko. I can feel his sweaty palm in my right hand, bahagyang nanginginig ang kamay nya. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung para saan. Humakbang ng isa si Gaelan paatras sa akin. Tiningnan nya ako sa mata, iniwas ko ang mukha ko pero hinawakan nya ako sa pisngi para ibaling ang atensyon ko sa kanya.


"Im sorry." He sincerely said. Pakiramdam ko tumigil ang lahat ng bagay sa paligid namin at kami na lang ang humihinga. Nanlambot ang tuhod ko, tumuwid ako para umaayos ang pagtayo ko, gusto kong bumalik sa yakap nya pero alam kong hindi tama.


"I forgive you, Gaelan. You don't even have to say sorry. Yun ang pinili ko and we shouldn't feel bad for our choices right? H-hindi ko kasi kaya na malungkot kayo ni Miss Farrah, a love like that---"


"We broke up. Bago pa ang kumalat na email, nakipaghiwalay na ako sa kanya." It's almost a murmur. "That's why I got mad at you dahil itinigil ko na ang relasyong bawal bago ka pa mag-sumbong, but fck you're not the culprit and if I will find out who, I will wring his neck--" Bumilis ang kanyang paghinga sa galit.


"Do not say bad words, Gaelan and do not attempt murder!" Suway ko sa kanya. Dahan dahan nyang niluwangan ang kanyang kamao at huminga ng malalim.


"B-bakit kayo magkasama nung isang araw ni Miss Farrah?" Di ko napigilan ang aking sarili na magtanong.


"Because she's sad. Pakiramdam ko may malaki din akong kasalanan sa kanya at may pinagsamahan din naman kami..." Tumingin sa malayo si Gaelan at nahihirapan din na magpaliwanag. Gusto ko pa sana tanungin kung bakit sila nagkahiwalay pero masyado nang panghihimasok iyon. Nakuntento na lang ako sa nalaman ko.


Ngumiti ako, kailangan ko na sabihin sa kanya ang napagtanto ko. Iiwas ako para hindi na kami parehas napapahamak.


"Sige Gaelan, uuwi na ako. Wag mong iisiping galit ako at tama ka, I have to stick with my principles from now on. Didistansya ako sayo, Gaelan."


Mas mahalaga ka na kasi kaysa sa prinsipyo ko ngayon..


"T-teka—"


"It is for the better, isa pa, masanay na din tayo sa ganito. I am about to face expulsion---"


"I will tell the truth! Hindi ko man alam kung sino ang gumawa ng email na yon, but at least I will say that it is not you at totoo ang laman ng email. Sasabihin ko na lang na mayroong galit sa akin.. I will apologize to your brother if I have to--" Hinawakan ni Gaelan ang braso ko habang sunod sunod nyang dinidikta ang kanyang plano, umiling ako.


"Please don't. Wag na Gaelan. Wag mong sayangin ang isinakripisyo ko sayo. I choose to bend my principles for the first time, it doesn't feel good kaya wag mong sayangin." Matigas kong sabi. Natulala si Gaelan sa mukha ko. Kinuha ko ang pagkakataon para lumayo sa kanya.


Kung mabibigyan pa din ako ng pagkakataon na ulitin ang mga bagay na ginawa ko para sa kanya, ganoon pa din ang gagawin ko. Gaelan cannot be expelled. Importante sa kanya ang Yukan'na. Nakita ko ang kanyang training para maging agent. He deserves it. Maliit na bagay lang ang sa akin. Kahit hindi naman ako mag-aral, walang magbabago. I am still the heiress and I don't need Keio to help me with it.


Mabilis pa din ang tibok ng puso ko habang humahakbang ako. I will do it right this time, makakabuti na rin siguro na mag-iwasan kami ni Gaelan. Mayroong galit sa kanya o sa akin o sa aming dalawa. Hindi ko na naman maiiwasan ang protektahan sya kapag nagkataon. Kung magkalayo kami, I won't trigger the hate. Hindi madadamay si Gaelan. I might break the principles again, just for him.


Sumakay ako ng jeep papauwing bahay, papadilim na kasi. Gabi na ng makarating ako at naabutan ko si Mama Buding na nagtatahi ng pantalon ni Papa. Doon lang ako bumalik sa realidad na mapanatag sa parang roller coaster na nangyari sa akin nung mga nakaraang araw. Gusto kong magkulong sa kwarto at magpahinga.


"Nagtungo ako kay Rab, naglalambing nga na doon muna tayo matulog." Tumawa si Mama Buding. Si Kuya Rab kasi matagal bago nadettach kay Mama. Napagkamalan pa nga daw nya na si Mama Buding ang nanay nya kay niloloko namin sya na ampon.


"Pahinga po muna ako, Mama." Umakyat ako sa kwarto ko. Nilapag ko ang cellphone ko sa side table at nagshower muna. Pagbalik ko napansin ko ang sunod sunod na pag-ilaw ng aking cellphone.


Napakunot ang noo ko ng makita kung sino ang nagtetext.


Yabs Ko: Bakit mo ako iiwasan?

Yabs Ko: Kasi hindi ako mabait?

Yabs Ko: Itatama ko na lang kasi yung ginawa ko para tapos na.

Yabs Ko: Tabs, sorry na.


Napataas ang aking kilay. Paano ako nagkaroon ng numero nya? At may pangalan pa talaga.


Ako: Paano mo nalaman ang number ko?

Yabs Ko: Nung wala kang malay, inilagay ko.

Ako: Bakit?

Yabs Ko: Para maitext kita.. Saka maitext mo ako.

Ako: Bakit?

Yabs Ko: Bati mo na ako, sorry na..

Ako: Hindi naman ako galit. Basta wag mong babawiin ang mga sinabi ko sa school. Hayaan mo ako, maayos din ang lahat..


Humiga ako sa aking kama, sa baba ay naririnig ko na si Mama Buding na naghahanda ng plato para sa hapunan. Wala pa din akong ganang kumain.


Ang bilis ng mga reply ni Gaelan, minsan nga ay dalawang mensahe ang pinapadala nya, hindi pa ako nakakareply doon sa una. Wala kaya syang ginagawa? I realized that I am texting him casually at di ko napansin ang oras.


Yabs Ko: Paanong magiging maayos? Kanina nga nahimatay ka, kung hindi pa kita nasalo, babagsak ka doon sa lupa.

Ako: Ikaw ang sumalo sa akin?


Di ko mapigilan ang pagngiti kahit sinubukan kong pigilan.


Yabs Ko: MAY IBA KA BANG INAASAHAN?


Napanguso ako, nagsusungit na naman sya. Para tinatanong lang eh.


Ako: Wala, hindi ko lang inaasahan na ikaw.

Yabs Ko: Ganoon din yon, may iba kang inaasahan!

Yabs Ko: Galit ka pa ba sa akin?

Ako: Hindi naman nga ako galit sayo..

Yabs Ko: I missed you.


Napa-facepalm ako. Ang init nang pisngi ko! Bakit biglang ang daming sinasabi ni Gaelan na kakaiba? Natakot ba talaga sya na tinamaan ako ng bola na yun? Hindi pa ako nakakaisip ng isasagot, tumunog muli ang cellphone ko.


Yabs Ko: Baba ka.. Please.


Baba? Bakit nya ako pinabababa? Ibig bang sabihin-- Kinabahan ako ng husto! Gumapang ako papunta sa may study table ko na nakaharap sa bintana. Hinawi ko ang kurtina at nakita ko si Gaelan na nandoon. He's still wearing his faded jeans and his black vneck shirt, this time he is wearing a beanie. Bahagya syang kumaway sa akin at alanganin na nakangiti. Nakasandal sya sa kanyang pulang sasakyan habang hawak ang kanyang cellphone.


Humarap ako sa salamin, nakasuot na ako ng terno na pajama na kulay pink. Hinawi ko lang ang aking buhok at kinapa ang aking mata kung mayroong kakaiba doon pagkatapos ay nagmadali ng bumaba.


"Ria, kakain na..." Narinig ko si Mama mula sa kusina habang pabagsak akong bumababa sa hagdan.


"Una na po kayo, may kakausapin lang po ako dito sa may gate." Halos kumaripas ako para tunguhin si Gaelan. Binuksan ko ang gate. Huminga ng malalim si Gaelan pagkakita sa akin. Ganoon din ako. Unti-unting naging panatag ang pagtibok ng puso ko pagkakita ko sa kanya.


"Hindi ka pa umuuwi?" Nagtataka kong tanong sa kanya.


Umiling sya.


"Bakit hindi pa? Eh gabi na.. Halika sa loob. Kain tayo." Aya ko sa kanya pero hinila na naman nya ang kamay ko at nahila nya ako papalapit sa kanya, bumagsak na naman ako sa dibdib nya.


Ano ba ang nangyayari kay Gaelan?


"When the world is bad, I just want to breathe." Sambit nya. Naririnig ko ang mabilis na pagtibok ng puso nya. Gumaya na naman ang puso ko, bumilis din ang akin!


Nag-angat ako ng tingin kay Gaelan. Napalunok ako ng makita ko ang pagpungay ng mga mata nya.


"Wag mo akong iiwasan, magpapakabait na ako." Pakiusap nya. His voice is husky and  pleading.


Iniangat ko ang kamay ko at nilagay ko sa likod nya. Kinuha nya ang pagkakataon para sikupin ako sa mas malawak na yakap. I rested my chin in his arms dahil yun lang ang abot ko. It was a bear hug and it is comforting.


"This is my peace, Maria. Do not take it back. I will bend this time. I promise."


And just like that, the tables were turned again, Gaelan at the advantage. This time he'll be the one changing the ground rule. 


Kung bakit at para saan, hindi ko alam...

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
352K 23.9K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
278K 6K 52
Gabriel Smith, the known adopted son of two of the prominent people in the country and in Asia. He's not just rich at such a young age because of his...
10.5K 960 28
When destiny decided to play, Carly found herself back in their province in her new university- a state university a matter of fact. Having to deal w...