Dare with the Beast [COMPLETE...

By LetMeBeThatGirl

5.1M 95.8K 2.8K

COMPLETED More

Dare with the Beast
SIMULA
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
KABANATA XXVI
KABANATA XXVII
KABANATA XXVIII
KABANATA XXIX
KABANATA XXX
KABANATA XXXI
KABANATA XXXII
KABANATA XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
WAKAS

KABANATA XX

79.5K 1.9K 70
By LetMeBeThatGirl


KABANATA XX

Nagising ako sa alarm ng aking cellphone. Nag-unat unat pa ako bago tumayo. Parang napaka-saglit lang nong tatlong oras. Inaantok pa ako. Inayos ko ang aking sarili. Mabuti nalang at may malaking salamin rito. Sayang nga lang at hindi ko nagamit 'yong tv na nakalagay rito sa kwarto.

I was so tired. Nagmaneho ako papunta rito sa Maynila na ngayon ko lang ginawa. Madaling araw pa ako lumayas sa amin. No wonder why I'm still this damn tired. Pagkarating ko kina Klaude ay matutulog agad ako.

Lumabas na ako sa kwarto. Kasabay non ay may isa ring lumabas na lalake sa kanyang kwarto. Nagkatinginan kami. Ngumiti ito sa akin. Nginitian ko rin naman ito at nag-iwas na ng tingin.

Papadaan na ako sa kanyang gawi ng bigla nitong haplusin ang kurba ko. "The f---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko. Mabilis ko itong pinanlisikan ng mata.

"Kasama mo ba ang boyfriend mo ngayon, Miss?" tanong nito sa akin. Tumayo ang balahibo ko. His smile is so creepy. Para itong manyakis na ngayon lang nakakita ng babae.

"Ano naman ngayon sa'yo? Bastos!" parahas akong tumalikod dito ng bigla nitong hawakan ang braso ko. Kumalabog ang dibdib ko sa takot. Shit! Manyak nga ang putragis! "Bitawan mo ko!" impit kong sigaw.

Biglang nitong hinawakan ang dibdib ko. Napalaki ang mata ko. Bago ko pa matuhod ang isang 'to ay may lumabas na babae sa kwartong pinanggalingan nya. Napatingin ito sa amin at awtomaikong pinagtaasan ako ng kilay.

"Sino sya, Mike?" mataray nitong tanong ngunit sa akin naman nakatingin. Mabilis akong binitawan ng lalake at hinawakan sa beywang ang babaeng kasama.

"Hindi ko kilala. Nang-aakit sa akin. Akala ata ay papatulan ko sya. Baka bayaran." sabi nong lalake. Nag-init ang ulo ko at hindi na nakapagpigil pa't mabilis itong sinuntok. Napahawak ito sa kanyang pisngi. Galit na galit ang babaeng kasama nito sa akin.

"Excuse me pero masyado akong maganda para akitin ang isang sugpong katulad mo. Ni wala ka pa nga sa kalingkingan ni Klaude! Kapal ng mukha mo!" buong tapang kong sigaw rito.

"Aba't puta! Walang hiya itong babaeng 'to ah! Ipapa-pulis kita!"

Napa-atras ako. Agad pumintig ang tainga ko ng marinig ang sinabi nyang pulis. Para akong naging kriminal.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng minuto at mabilis ng nilisan ang hotel na iyon. Takot na takot ako. Halos manginig ang kamay ko habang hawak ang manibela ng aking sasakyan. Ilang beses ko pang narinig ang pagmumura sa akin ng babae habang tumatakbo ako paalis.

Agad akong nagpunta sa club kung saan ko binabalak hintayin si Klaude. Lahat ng kaba ko ay ibinuhos ko sa pag-iinom. Lahat ng number ng aking pinsan ay naka-block sa aking cellphone. Kahit gustuhin kong tawagan si Trigger para magsumbong ay hindi ko naman magawa.

"Margarita please." napalingon ako sa babaeng tumabi sa akin. Ininom ko ang cocktail na hawak ko habang pinagmamasdan ang babaeng ito.

Nakasuot ito ng pulang dress. Maganda ang kurba ng kanyang katawan at may pagka-mestisa. Napapatingin ang ilang costumer sa kanya lalo na ang mga lalake.

Nang dumating sa kanya ang inorder na margarita ay napalingon ito sa akin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko ay nakita ko na ang babaeng ito.

Pinag-walang bahala ko nalang iyon at dumuko sa counter. Gusto ko nang makita si Klaude pero alam kong hindi pa iyon tapos sa kanyang trabaho. Nagugutom na rin ako at tanging alak lang ang ginawa kong pananghalian ngayong araw.

"Hello, Klaude?" dumiretso ako ng upo. Tama ba ang pagkakarinig ko? Binanggit ba talaga nitong babaeng katabi ko ang pangalan ni Klaude?

Palihim kong pinakinggan ang kanyang pagsasalita. Dahil sa maingay na tugtog sa loob ng club ay nilalakasan nya ang kanyang boses. Sapat na sapat na iyon para makarating ng malinaw sa pandinig ko.

"Andito ako sa club. Can you pick me up? Hindi na raw kasi tuloy si Valerie. Ikaw nalang ang pumunta rito."

Maraming Klaude sa mundo. Hindi lang naman si Klaude ko ang may pangalang ganoon dito. Bakit ba nakikinig pa ako sa usapan ng ibang tao?

"Please be here as soon as possible. I'm alone. Baka lapitan ako ng mga lalake rito." sinulyapan ko ito. Naka-nguso ang pula nyang labi pero makikitang napapangiti ito dahil sa kausap. Ngumiti ako ng mapangutya. Arte!

"Yes, Klaude. I'll wait for you. Bye! I love you!"

Napa-iling nalang ako. Kinuha ko ang aking cellphone. Inoff ko ang airplane mode at nagtipa ng text kay Klaude.

To Klade:

Pwede mo ba akong puntahan dito sa club? Hihintayin kit...

Hindi ko na natapos ang tinatype ko ng biglang nag-flashback sa utak ko ang mukha ng babaeng katabi ko. I know her! Sya iyong babaeng kasama ni Klaude noong unang beses ko silang nakita rito sa club!

I'm so sure of that! Hindi ako pwedeng magkamali. Muli ko itong pinagmasdan habang tahimik itong umiinom sa kanyang margarita. Palinga linga ito sa paligid at minsanan ay ngumingiti. This bitch! Sya nga iyon! Walang duda!

Don't tell me, kausap nya si Klaude ko! At sinabihan pa nya ng 'I love you'! The fuck! Gustong gusto ko nang basagin ang hawak kong alak sa pagmu-mukha nya!

Tinago ko ang aking cellphone. Binura ko ang message na dapat ay ise-send ko kay Klaude. Inayos ko ng kaunti ang aking buhok at sapilitang ngumiti.

"Excuse me." agaw ko sa kanyang pansin. Lumingon ito sa akin at ngumiti. The way she smiles, halatang isa itong malanding babae! "Sorry, I overheard you talking with your... boyfriend?" lalong lumapad ang ngiti nito.

"Yes?" her eyes are beautiful. Hindi ko maitatanggi iyon. Mas mukha itong matured kaysa sa akin. Balot ng make-up ang kanyang mukha pero maganda ang pagkakalagay rito.

Nanuyo ang lalamunan ko. Ngayon ko lang ito natitigan ng harapan. At ang mas pinaka-kinaiinis ko ay ang hindi nya pag-deny na boyfriend nya si Klaude.

"His name's Klaude, right? Parang may kakilala kasi akong Klaude."

"Oh! You mean Klaude Hendricks?" natatawa nitong usal. No way! Si Klaude ko nga! Nahihirapan na akong huminga. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa isa ko pang katabi na sa akin ibinubuga ang sigarilyo nya o dahil sa pagbanggit ng babaeng kausap ko sa buong pangalan ni Klaude?

"Klaude Hendricks? No, I mean... Klaude Santos. Nagkamali lang pala ako." pagsisinungaling ko. Tumawa ako ng peke at pinakitang mukha akong nahihiya sa aking sinabi. "But I know Klaude Hendricks. Boyfriend mo pala sya? He's a billionaire. Ang swerte mo naman."

Tumango ito na parang proud syang girlfriend ni Klaude. Onti nalang ay mahuhulog na ako sa aking upuan. Hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan. Gusto kong makausap si Klaude. I want to confront him. Marami akong problema nitong mga nakaraang araw.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang paghingi ba ng pabor sa kanya tungkol sa problema ng pamilya namin? Ang pagpapa-alis sa akin ni Daddy papuntang ibang bansa? Ang paglalayas ko sa amin para makasama sya? O ang pagtatanong kung totoo bang girlfriend nya ang babaeng ito ngayon?

"Klaude Hendricks don't do relationships." umiiling sa sabi nito sa akin. Humigop ito mula sa kanyang inumin at ngumiti. "Sana nga ay kami nalang katulad ng sinasabi mo."

Nakitawa ako sa kanya kahit hindi ko makuha ang kanyang sinabi. Uminom din ako sa aking baso para mabasa ang nanunuyo kong lalamunan. "What do you mean by that? Mukha naman syang mabait. He got so many articles in internet that's praising him. Wala pa akong nakikitang masamang balita tungkol sa kanya."

Inayos nya ang kanyang buhok at tumingin sa akin. "I guess, you don't know him that well." kumunot ang noo ko. Alam kong mabait si Klaude. Ramdam ko. Ilang buwan ko na syang araw araw na kasama. Ni hindi ito kailanman nagalit sa akin o pinagsalitaan ako ng masama. He treated me like a Queen. "He's not a God you should praise. Kung kilala mo lang talaga ang ugali nya, I don't think masasabi mo pang mabait sya."

Nakagat ko ang aking labi. Kulang nalang ay nabugbog ito sa kaka-kagat ko. "You seem close to him. Still, you're lucky. Mayaman sya, gwapo---"

"He's a beast." napatigil ako. Seryoso itong tumingin sa akin. Tamang tama sa puso ko ang sinabi nya. Klaude's not a beast! He's a prince! "He made me fall inlove to get infos about our business. And guess what? He won. Isa na ngayon ang business nila sa tumatalo sa companya namin. Pero wala akong pakealam na ginamit nya ako. I fell for him hard na pumayag akong magpabitag sa patibong nya. See? I'm still chasing him."

Napatawa ako ng malakas. Isang pekeng tawa. "No, hindi nya kayang gawin 'yon."

"He already did." she said as a matter of fact. I was stunned. Hindi ko na alam kung paano pa ipagtatanggol si Klaude. "His next targer is farming. I don't know what trick is he pulling this time pero kung katulad iyon ng ginawa nya sa akin ay hindi ako magdadalawang isip para pabagsakin ang babaeng aagaw sa kanya sa akin."

Hindi na ako makagalaw ng maayos. Bigla itong ngumiti ng matamis sa akin. "What was your name again?"

Gusto kong magsalita. Ipakilala ang sarili ko bilang Thyrile na nililigawan ni Klaude pero hindi na ako makapagsalitang muli. Pakiramdam ko ay kapag nagsalita ako, bigla nalang tutulo ang luha sa mga mata ko.

I've come this far for Klaude. Ayokong sumuko pero sa mga nalaman ko ngayon ay parang sinasabi sa akin na mali ang lahat ng pagsa-sakripisyong ginawa ko.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Bakit nga ba ako ang pipiliin ni Klaude kaysa sa magandang babaeng ito? I'm nowhere near her. Kahit ipagpilitan ko ang sarili ko kay Klaude ay siguradong hindi ako ang pipiliin nya. Because he just played me. Isa lang akong props para sa kanya.

Everything is clear now. Tama nga ang sinabi ni Hanzen. Ginamit lang ako ni Klaude for his selfish needs. For his company. May mga tao talagang gagawin ang lahat makuha lang ang gusto nila. And I'm too blinded to see his true self. Kung sino ba talaga si Klaude sa likod ng kanyang pagka-misteryoso.

Kahit ngayon ay isa pa rin syang pala-isipan sa akin. He won't open that much about himself. We talked for hours. Isa sa mga bitag ng mga lalake sa aming mga babae na palagi naming kinakagat.

"Y-yeah. Nasusuka lang ako sa alak." hindi ako makangiti ng maayos. "E-excuse me." tumango ito. Tumayo na ako at naglakad papunta sa cr. Parang hindi ako tinamaan sa alak na ininom ko. I need something hard. Iyong makakalimutan kong may ginawa akong katangahan ngayong araw.

Pagpasok ko sa isang cubicle doon ay humagulgol na ako ng iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang sakit para sa akin ang magamit ng lalakeng una kong minahal. I thought love should be something magical. It shouldn't feel this painful.

Bakit ako nasasaktan gayong nagmahal lang naman ako? Hindi ko maintindihan.

"Hoy! May gagamit ng cr! Huwag ka r'yan mag-drama!" kumalabog ang pinto ng cubicle. Hindi ko ininda iyon. Iyak lang ako ng iyak. Saan na ako pupunta nito? Matatanggap pa ba ako ng magulang ko? Ang Lolo at mga pinsan ko? How would I explain this to them?

"Ihing ihi na ako! Magpa-gamit ka naman ng cr!"

Sa inis ko ay padabog kong binuksan ang pintuan ng cubicle ko. Nakipagtagisan ako ng tingin sa babaeng nasa labas. Pagod ako. Pagod na pagod na akong makipag-away.

"Tabi nga!" tinulak ako nito palayo roon at pumasok na sa loob. Nakatingin sa amin ang ibang naroroon kaya mabilis akong lumabas ng cr. Hilong hilo ako. Pinaghalong alak at problema. Ano bang pwede pang idagdag para mapasabog ko na itong ulo ko?

Lahat ng taong nadaraanan ko ay binabangga ako. Hindi ko alam kung sinasadya dahil may problema ako o masyado na talaga akong lutang para hindi mapansin ang paglapit nila sa akin.

And there, I saw the man who caused so much havoc to my life.

Nakatayo lang ako sa madilim na sulok samantalang sya ay nakangiting dinaluhan ang babaeng kausap ko kanina. They kissed.

Saglit lang iyon pero tama lang para mabasag ng tuluyan ang pagmamahal na ipinundar ko sa kanya. Muli na namang lumandas ang luha ko sa aking mata.

Nakatitig pa rin ako sa kanila. Puno na ng galit ang puso ko. Klaude, hindi ako makapaniwalang magagawa mo sa akin 'to. You betrayed me!

"I'll study hard to surpass you, to be a better person and to be the best to shut you down!" pagsisisihan mong sinaktan mo ako!

And I dare you to break my heart once more the next time we meet. I'll play your game, Klaude Hendricks. Let's see who will chase who after I came back.

Continue Reading

You'll Also Like

82.3K 1.5K 43
Jerk. That's how you will describe Steve Alex Gonzales 4 years ago. Nakukuha niya ang babaeng gusto niya in a blink of an eye. Pero mukhang mapaglaro...
473K 8.3K 42
(Sequel of A drive to find the bride. Tim's story) I'm old and a bit insecure. I have never been kissed, held and loved. I am pathetic. Do I hear the...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

102K 2.8K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
5.6M 28.8K 15
This is UNEDITED version. BLURB Shanna Theresa Real. Dangerous. Savage. Calloused. Anton Austen. Happy-go-lucky. Playboy. Gorgeous. Can love begins i...