Wizards Chronicles (The Journ...

By TheoMamites

22K 1.2K 130

ULTARA, a world from a far distance. A world so different to ours. A world full of magic and wonders. A world... More

Prologue
Verse 1: Journey Starts
Verse 2: Path of Greatness (Part 1)
Verse 2: Path of Greatness (Part 2)
Verse 3: Adventure into the Woods (1)
Verse 3: Adventure into the Woods (2)
Verse 3: Adventure into the Woods (3)
Verse 3: Herus Dungeon Cave (Final)
Chapter 2: The Rise Of The Six Blades
Verse 2: Strange World (Part 1)
Verse 2: Strange World (Part 2)
Verse 3: Tower of Restriction
Verse 3: Tower Of Restriction (Part2)
Verse 3: Tower of Restriction (Part 3)
Not An Update

Final Verse

1.1K 56 26
By TheoMamites

All Rights Reserved ® TheoMamites Stories 2016

A/N: As a response to all your feedback here's the update for Wizards Chronicles. No POV just narration and less conversation po.

Okay here we go.. :(

      Naging mahirap ang paglabas nilang lahat sa tore ng Diyos ng lupa. But they managed to clear the quest by defeating a mythical beast na isang Wyvern Dragon na nasa level 80 na. After killing the last floor beast ay nakumpleto nila ang sampung relics. Nagpakita kina Ermack ang elemental diety na si Yhag'Nir at ipinagkaloob sa kanilang lahat ang basbas nito.

"Aura of the Earth God" ito ang ginawang basbas ni Yhag'Nir sa kanila kung saan pinapataas ang earth vrahl ability nila. Dahil din dito ay hindi sila inaatake ng mga earth type beast ng basta-basta.

Pawang adept wizards na ang status nilang lima ni Danae, Froy, Elgor at Ryuben ng makarating sa Sular Village. Doon ay namalagi sila ng isa't kalahating linggo. Maiging pinagplanuhan ang mga bagay-bagay na gagawin. Dito ay nagawa nilang ibenta ang mga nakuha nilang mga gamit sa local merchant sa pamilihang bayan ng Sular. Maramirami din ang mga pilak at ginto ang kanilang nalikom.

Ang grupo naman ng mga guardians natin ay nanatili lamang na kasama nila Ermack. Iniba narin nila ang mga gayak para bumagay sa iba. Suspisyoso kasi ang mga taong bayan at nga adventurers na dumadagsa dito. Pag kakaiba ka ay pag-iisipan ka ng masama. Nanunuluyan sila ngayon sa isang bahay paupahan na malapit sa kabilang dulo ng Sular. Wala pang isang linggo ang nakaraan ay may hindi inaasahang pangyayari ang naganap.

        Ang unang pagsalakay ng mga Dark Wizards na muntik ng ikasira ng malaking bahagi ng bayan. Tatlong mga matataas na level na Dark Wizards ang sumalakay kasama ng isang hukbo ng mga undead. Ang tatlong sumalakay kasi ay bihasa sa isang dark vrahl na nakakapagmanipula ng mga bangkay. Puppeteers at dead summoner ang mga abilities ng mga ito.

Hinarap sila ng village protectors ng Sular kasama ng ibang mga malalakas na wizards na naipit sa laban. Kasali narin dito ang grupo nila Ermack at Dirk. Sa labanang naganap sa loob ng Sular ay lumabas ang mga latent vrahl abilities nila Ermack. Ganon din sa grupo ni Dirk..

Nagawa nilang anim na tawagin ang kanilang mga talim o sandata.

Isang URUMI SWORD ang lumabas nasandata ni Michaela. Ito ay isang espada na may maraming flexible na talim. 16 blades na may habang 6 feet ang nakakabit sa hawakan ng espada niya. Parang latigo ang paggamit nito at bumagay sa pagiging gracefull na galaw ng dalaga. A weapon that can wipe out group of enemies with one swing. (Parang weapon ni Renji sa bleach anime).

Kay Dirk naman ay isang malaking kulay pulang espada na may pangalang ZAMORAK SWORD. Ang espadang kayang magbago ng anyo bilang kalasag. It also able to adapt to Dirk's ability na maging Adamantine metal.

Gamit ng dalawang sandatang ito ay napatumba nila ang isa sa tatlong namumuno ng pagsalakay. Samantalang sila Ermack naman at ng mga kasamahan nito ang tumalo sa corpse animator na siyang pinakalider sa tatlo. Ginamit nila ang mga bagong tuklas na latent ability upang talunin ito.

Ermack: Bearer of the indigo gem, siya ay nagkaroon ng isang bagong hybrid vrahl. Ang NULL (element of nothingness) ability na halos kabaliktaran ng kanyang void. The element that absorbs almost everything.

Elgor: Bearer of the blue gem, nakuha naman niya ang hybrid element na Yelo o ice. An element that can manipulate water particles and make it solidify.

Danae: Bearer of the green gem, nagkaroon naman siya ng superior ability to control nature. Dahil dito ay naging level 50 ang Nature Vrahl ability niya.

Froy: Bearer of the yellow gem, sa kanya naman napunta ang ability na manipulahin ang panahon. The power of Storm, ito ay pinaghalong hangin at kidlat na lubhang mapangwasak.

Ryuben: Bearer of the red gem, siya naman ay nagkaroon ng bagong ability. Nagagawa niyang mag shift ng anyo bilang higanteng phoenix na nagliliyab.

Pinagtulungan nilang lima ang kaaway kaya nila ito nagapi at napahinto ang pagsalakay ng mga bankay na pinagagalaw nito.

Ang isang puppeteer naman ay nagdulot ng malalang pinsala sa Sular. Kaya kasi nitong magmanipula ng ibang wizards gamit ng itim na vrahl ability. Marami sa mga adventurers ang nabiktima ng babaeng puppeteer at kinalaban ang mga protector ng bayan. Mabuti na lamang at nakagawa ng paraan sila Felix, Will, Alexis at Arran.

Hindi kasi tumatalab sa kanila ang dark vrahl na istilo ng kalaban. Nahirapan lang sila dahil malalakas din ang mga wizards na nasa control nito. Mabuti na lamang at nagawa na nilang mailabas ang kanilang mga sandata.

Felix: Isang ring-blade ang anyo ng kanyang weapon. Armadyl ang pangalan nito. Ito ay pabilog na blade na walang dulo. Perfect circle na may nakalaang hawakan . Capable on both melee and range attack. Pwedeng itapon palayo na parang boomerang at pwede rin itong paikutin para magsilbing melee weapon. (Refer to Basara Character Motonari Mori)

Will: Sa kanya naman ay isang manipis at magaang espada na kulay puti. Bandos Sword ang tawag dito. Pero ganito man ang anyo nito ay sobra naman nitong talas at tibay. A sword that feeds with his wielder's emotion. Mas tumatalim ito depende sa state of mind ng may hawak sa kanya.

Arran: Dual wield naman ang lumabas na sandata nito. Twin Fire and Wind Wheels. Isang nail type weapon na parehong pwedeng melee at range. Bumagay ito sa pagiging teleporter ng binata.

Alexis: Kagaya ng kay Arran ay dual din ang sandata niya. Deer Horn Knives naman ang nakuha nito. Korteng dalawang baliktarang quarter moon ang itsura nito. Semi-knuckle type weapon.

Anim na level 60-65 adept wizards ang napatumba nila gamit ng kanilang bagong natagpuang lakas. They just basically knock them out para makakawala ang mga ito sa sumpa ng puppeteer. Wala ng nagawa ang kalaban dahil sa ability ni Felix at sa bilis nila Will at Arran. Isang malakas na sipa lang mula kay Alexis ang tumapos sa buhay nito.

That ends their adventure sa unang bayan na kanilang nadaanan. They headed west patungo sa bayan na pinanggalingan ni Danae. Sa bayan ng mga Elves. Later on they found out that Danae Romullan was the lost elf princess. Isang conspiracy ang nangyari at pinapatay ang dalaga. But luckily saved by Ermack and his friends. Dahil sa biglaang pagbalik ni Danae ay muling nagulo ang bayan ng mga elf. Pinalabas kasing namatay ang prinsesa ng kanyang tiyuhin na siya ngayong tumatayong pinuno ng bayan.

They almost fell into a trap by the current ruler. Buti na lang at naging tuso din ang panig nila Dirk. Nakutuban nilang may hindi magandang balak ang pinuno ng bayan sa kanilang lahat. Ang tiyo pala ni Danae ang utak ng pagpatay sana sa kanya. Kaya ng mabunyag ang totoong layunin nito ay nagkaroon muli ng labanan. Grupo nila Ermack kasama ng six blades laban sa mga malalakas na mandirigmang elf na nasa panig ng kaaway. Dahil sa dami ng bilang ng mga kaaway ay lubhang nahirapan ang panig nila Ermack mabuti na lanang at nakialam ang Diyos ng Tubig na si Eloria. Dahil sa dagdag nitong basbas sa kanila ay nagawa nilang matalo ang mga kaaway. Nalaman nilang mga itim na wizards parin ang nasa likod nito. The land of elf became peaceful again dahil sa pamumuno ni danae. Isang buwan din niyang pinamunuan ang kanyang bayan bago nagpasyang umalis na muli. Isang panibagong vision na naman kasi ang kanyang nakita at sa nga umuugong na balitang nagkakagulo na ang iba pang mga city at mga banal na lugar.

Binitawan niya ang trono at inihabilin sa heneral ng hukbo ang pamamahala. Siya ang nagtalaga sa pwesto nito at pinagkakatiwalaan niya ang bagong hineral. Madalas narin kasi silang tinatawag ng isang di kilalang boses. Sabi ni Danae ay kinakailangan nilang matagpuan ang iba pang Elemental Dieties at makuha ang basbas ng nga ito. That is for them to attain their ultimate vrahl capability.

Una nilang tinahak ang kalapit na bayan. Tinawid nila ang karagatan going south of Ultara. The Sundired Isle na mas kilala sa tawag na Eldamir. Dito kasi maaaring mamalagi ang Diyos ng Apoy na si Ignis. Pero lingid sa kanilang kaalaman ay naroroon din ang isang grupo ng mga dark wizards. Nauna na nilang masakop ang Eldamir at napadailalim ang lahat sa kapangyarihan nila.

Dahil sa lawak ng isla ay nahati sa dalawang grupo sila Ermack. Sa unang grupo ay sila Elgor, Froy, Dirk, Michaela at Will. Sa pinakamalapit na bayan sila nagtungo. Habang sila Ermack, Danae, Ryuben, Arran, Felix at alexis ay pinasyang puntahan ang lugar na maaaring kinalalagyan ni Ignis.

Sa gitna ng paglilibot ng grupo ni Elgor sa bayan ay naipit silang muli sa isang labanan. Natunugan na sila ng mga dark wizards at tinangka sulang dakpin. Hindi narin kasi lingid sa kaalaman ng mga kaaway ang paglitaw ng limang sugo at ng mga tagapagtanggol nito.

At this time ay malalakas na sila na nasa level 70 at nasa 80+ ang mga guardians nila. Nagawa nilang matakasan ang grupo ng mga dark wizards. They have reunited with the others dahil naramdaman ni Arran na nasa panganib sila. Sinundo na sila ni Arran at dinala sa isang bulkan kung nasaan ang iba.

Hinanap kasi nila ang dalawa sa bulkan na naroon sa Eldamir ngunit bigo silang matagpuan ang Diyos ng Apoy. Nasuong tuloy sila sa pakikipaglaban sa isang legendary beast na fire type. They only managed to slay one out of three beast dahil sa taas ng levels ng mga ito. Inilayo na silang lahat ni Arran at napunta sa ibang lugar.

They accidentaly teleported to the top of a huge mountain. The mountain of Ember. At dito nila nakita ang hinahanap. Hindi lang basbas ang ginawa ni Ignis sa kanila. Pinagkalooban din sila nito ng panibagong baluti. An armour that matches their elemental attribute and colors. Yari sa kakaibang kristal ang mga bago nilang armors. The six blades also had new armors na kulay silver with yellow patches.

"Find the remaining Elemental Gods before darkness take over. Gamitin ninyo ang limang elemento upang mapalabas ang sagradong apoy." ito ang sabi ni Ignis sa kanila.

"Para sa inyo six blades. Ang tunay ninyong lakas ay nasa pagkakaisa. You must fight alongside each other. Walang laban na napagtatagumpayan ng mag-isa." paalala nito kina Ermack.

Ipinadala silang lahat ni Ignis sa isang malayong bayan upang ilayo sila sa pahamak. Lumusob na kasi sa bundok ang isang pulutong na kaaway.

Napunta sila sa bayan na nasa north end of the kingdom. Ang RedLands na tinatawag na Eldroa. Dito ay natagpuan nila ang isa pang Diyos ng Hangin na si Helios. He granted them the ability of flight but with a great cost. May nagbuwis ng buhay sa isa sa mga talim. Napatay si Arran ng pinuno ng mga itim na Wizards pero nagawa naman niyang ilayo sa kapahamakan ang mga kaibigan.

Namatay si Arran na naniniwala sa kanilang layunin. Ang nabaling talim ay hindi na maaari pang buuin. But everything happened for a purpose. Dahil sa huling paggamit ni Arran ng kanyang kapangyarihan ay naipadala niya sila Ermack sa kinaroroonan ng huling God.

God of Thunder Rui na ibinigay kaagad sa kanila ang panghuling basbas. Nagpakilala narin ang misteryosong lalake na nakilala nila Dirk noong umpisa. Ito ay walang iba kundi ang ama ni Ermack na si Artem. Siya rin pala ang Bearer of Light na naging tagapagtanggol ng Ultara noon laban sa kaaway na mga dark wizards.

Pumuno sa kawalan nila ng isang kasapi si Artem at sinamahan sila sa City of Ostenia kung saan ay namataan ang dalawang Mythical Dragons. They need to tame them dahil makakatulong ang mga ito sa pagsugpo sa kaaway. 

.

Bumaling naman tayo sa ibang aspeto. Pumunta tayo sa usapin ng puso. Napagtanto din ni Ermack sasarili na may nararamdaman na itong kakaiba para sa prinsesang elf. Bangayan lang sila ng bangayan dati pero habang lumaon ay nagkasundo at nagkamabutihan ang dalawa. Pero sa panahong ito na nagkakagulo ang kanilang mundo ay mas pinili nilang gampanan muna ang tungkuling nakapatong sa kanilang mga balikat. Pilit na pinigilan ng dalawa ang bugso ng damdamin.

Sa panig naman ng mga talim ay may nangyayaring girian sa pagitan nila Felix at Will. Ito ay dahil kay Alexis, parehong nagkagusto ang mga ito sa dalaga. Sa dalawa ay kay Felix mas malapit ang loob ni Alexis kaya naman ganoon na lang ang galit ni Will sa binata. Hindi sila magkasundo at palaging nag-aaway na muntik ng ikapahamak ng isa sa kanila.

Si Dirk naman na tumatayong pinuno nila ay maagap na pumapagitna at pilit na pinagkakasundo ang mga ito. Nagtapat naman ito ng pag-ibig kay Michaela at umayon naman sa kanya ang pagkakataon. Pareho sila ng nararamdaman kaya't madali silang nagkamabutihan. Ipinangako niya sa lahat na wala ng buhay ang magsasakripisyo.

Anyway back to Ostenia na...

Maraming mga nangyari dito sa kanila. Ostenia remained untouched by the dark forces. Nandito kasi sa bayang ito ang mga pinakamalalakas na wizards. Dito din kadalasang idinadaos ang mga tournamenta. Sumali nga sila Ermack, Froy, Elgor at Ryuben sa patimpalak.

Ang ama naman ni Ermack na si Artem ay isinama si Danae na hanapin ang posibleng kinaroroonan ng mga dragon. Hinala nila ay nagtago na ito sa isa sa maraming dungeon ng bayan.

Umabot sa major matches ang apat sa patimpalak at puros malalakas na ang kanilang mga nakaharap. Limang grupo ng mga level 120+ na ang bawat kasapi ang natira. Kung sa level ay malaki ang agwat ng mga ito kina Ermack. Nasa level 90-109 lang kasi ang level nila pero nagagawa nilang higitan ang lakas ng mga nakalabang high levels.

Pero bago pa magsimula ang huling parte ng patimpalak ay nangyari na ang nakasaad sa propisiya.

The sky will cry
Darkness shall rule
The chosen ones shall burn in rage
The six blade will provide protection
Until the sacred fires awaken..

Nagdilim na ang kalangitan at nagsimulang umulan ng itim na apoy. Ito ay mas kilala sa tawag na The Undying Flame na tanging isang Primordial God lang ang makakagawa. Primordial God na kaanib ng mga kaaway. Ang dark God na si Belial o ang God of decay and death.

Kasabay ng pangyayaring ito ay tila nagliyab ang mga katawan ng ating mga sugo. An uncontroled vrahl enveloped them. That made them all exhausted...

Hindi maipaliwanag na sakit at hirap ang kanilang nararamdaman during that moment. Mabuti na lamang at nagawan ni Michaela ng paraan. Binalot niya ng kanyang kapanyarihan ang limang sugo. Sa loob nito ay nalalabanan nila ang sakit na dulot ng puting apoy na tumutupok sa kanila.

Nagsilabasan narin ang maraming dark wizards at kinalaban naman ito ng mga talim kasama ng ilang mga malalakas na kakamping mga wizards ng Ostenia. Nahanap naman ni Artem ang puting dragon at nagawang paamuin ito at sakyan pabalik sa bayan. Subalit hinarang siya ni Belial bago pa siya makatulong sa anak.

Along the battle ay nagkaroon ng isang major turn of event. Isa sa mga blades ang pumanig sa mga kaaway. Si Wilson ay tuluyan ng nilamon ng galit at pagkainggit kaya naman madali siyang napasailalim ng kapangyarihan ng pinuno ng mga itim. Kinalaban niya ang sariling mga kasama.

Isang oras ang lumipas at madami na ang nasawi at sugatan sa bawat panig. Si Artem ay may malalang sugat sa dibdib dulot ng kapangyarihan ni Belial. Samantalang bagsak naman sa lupa si Felix at malubha ang lagay. Mas lalo kasing naging malakas ang ability ni Wilson dahil sa ginawa ng pinuno ng mga dark wizard.

Dahil naman sa bugso ng damdamin at sa kagustuhang wakasan na ang digmaan ay nagising nila Ermack ang kapangyarihang tatalo sa hukbo ng kaaway. Ang sacred flame o mas kilala sa tawag na Cleansing Flame.

Pinasabog ng mga sugo ang sagradong apoy na sumisingaw sa kanilang katawan sa magkakaibang lokasyon ng bayan. Ito ang nagwakas ng lahat. Tinupok ng apoy nila ang lahat ng mga negatibong enerhiya sa paligid at tinapos ang buhay ni Belial.

Umabot din hanggang sa ibang parte ng ULTARA ang sagradong apoy at pinakawalan ang lahat na ginamitang ng itim na vrahl ng mga dark wizards. Totaly releasing them from the curse...

Ang ating mga sugo naman ay missing in action pagkatapos ng mga nangyari. Hindi na sila mahanap pa nila Dirk at ni Artem. Tila kasabay ng pagkawala ng sacred fire ay nawala din ang mga sugo.

The land of ULTARA became at peace once again. The five remaining blades returned back to their world with no memory of what happened. Aa if this whole adventure did not happen at all.

Pero ang tanong..

Nasaan na sila Ermack?

Bakit ang puting dragon lang ang nagpakita?

Bakit hindi natagpuan ang katawan ng pinuno ng mga kaaway?

Is everything really over, o umpisa pa lang ito ng lahat?

A/N:

Final message ko na ito for this story. Ang mga nabasa niyo ngayon ay buod lang ng dapat kong isusulat para sana sa mga VERSES ng story. Yan po ang buong plot kung saan iikot ang storyang ito. This story is supposed to be a TRILOGY (Book1, Book2 at Book3). But then shit happens all the time. Kaya cancelled na ang balak kong yan for this story.

Very unfair naman kasi kung basta ko nalang ihihinto ang story na ito without prior clarifications and explaination. Kaya ganito ginawa ko, and write the summary of the supposed BOOK1 of WC.

Sa mga readers na kahit paano ay binasa ang kwentong ito "MARAMING SALAMAT PO!" and "SORRY, KASI HINDI KO NA KAYANG IPAGPATULOY PA ANG PAGSUSULAT NITO"

Sa dami kong story na sinusulat ngayon mas uunahin ko pa bang pagtuunan ng pagod ang isang story na wala naman masyadong tumangkilik? COME TO THINK OF THAT ONE..

"SO I GUESS THIS IS FAREWELL , THANKS AT MAY NAGTYAGANG BASAHIN TO."

PS: I may still write the continuation of the verses but not gonna publish it here at wattpad. Hanggang draft nalang siguro or on my other websites/blog.

I migh also take a rest on writing Lit-RPG/vrmmorpg theme story. Nawalan lang po ako ng gana I think. And might just need to be inspire again. I hope I will be soon..

Your author: TheoMamites

Continue Reading

You'll Also Like

144K 4.7K 54
Ang Arcanum Incorporation isang inkorporasyon na naglabas ng isang laro na natatanging sa Asia lamang nalalaro. Si Jhap Orehcah Oyort isang binatilyo...
153K 7.6K 68
Isang nakakatakot na alamat tungkol sa isang nilalang na kayang wasakin ang mundo at ibigay sa mga tao ang isang kalunoslunos na kamatayan, ang mabil...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
9.8K 186 19
She's been rejected by their expectations, she can't cope up with her brother who loves her dearly. Parents' decision can't decide her freedom. She r...