Shotgun Groom

By KimberlyTorio

234K 4.9K 124

SG: 6th For better, or for worse. Till sickness, and in health. Till death for my part. Your's trully, Aidan... More

Shotgun Groom
Prologue
Shotgun Groom: 1
Shotgun Groom: 2
Shotgun Groom: 4
Shotgun Groom: 5
Shotgun Groom: 6
Shotgun Groom: 7
Shotgun Groom: 8
Shotgun Groom: 9
Shotgun Groom: 10
Shotgun Groom: 11
Shotgun Groom: 12
Shotgun Groom: 13
Shotgun Groom: 14
Shotgun Groom: 15
Shotgun Groom: 16
Shotgun Groom: 17
Shotgun Groom: 18
Shotgun Groom: 19
Shotgun Groom: 20
Shotgun Groom: 21
Shotgun Groom: 22
Shotgun Groom: 23
Shotgun Groom: 24
Shotgun Groom: 25
Shotgun Groom: 26

Shotgun Groom: 3

9.2K 232 10
By KimberlyTorio



Decisions are the hardest moves to make, especially when it's a choice between what you want and what is right.
__________

Quin

ANG SANANG wedding rehearsal ay naging parang shooting. Hindi magkamayaw ang mga taong gustong makiusyoso at mayroon na ring dumating na mga media man na gustong i-cover ang insidente.

"Wala si Cory doon.."

Iyon lang ang narinig ko kay Áidan magmula ng tanungin niya ako kung nasaktan ba ako kanina. Naging busy kasi siya sa pag halughog sa buong lugar para mag imbestiga, actually hindi nga ako sure kung tama ba ang ginagawa niya dahil ang alam ko, discharge na siya sa pagiging sundalo at hindi niya rin iyon trabaho.

"Pa-paanong wala? I saw the blood, you saw it too. How come he is not there?" itinago nila ako dito sa isang kuwarto para hindi ako pag piyestahan ng mga reporter.

Isang beses lang akong kinuwesyon ng mga pulis pero ng masyado na silang tanong ng tanong sa akin ay bigla na lang dumating si Tita Freya para itaboy sila at sinamahan niya ako dito habang hawak ang kamay ko na sana ay ang mga kamag anak ko ang kasama ko pero busy sila sa pag papa-interview doon sa labas.

"We still don't know. We are looking at the side of kidnapping and all that blood was just for false pretense." nakita ko muli yung kamay ko. Natuyo na yung dugo na kanina ay nahawakan ko pag bukas ko ng ilaw.

Tumingin ako sa kanya. I know he is Áidan. Kahit pa magkamukha sila ni Aldous madali ko siyang nakikilala. Despite the blood and the fear, during the moment that he'd embraced me—I felt safer with his arms around me.

"Quin, we need more information about you and Cory. Mayroon ba siyang mga kaaway? May nakita ka bang kahina-hinala sa kanya?" I looked at Vander who is now asking me a lot of questions.

"Vander, hayaan muna natin si Quin—"

"No!" I gave Tita Freya an apologetic smile bago ko tinignan sa mata si Vander. "Walang kaaway si Cory. He's still everyone's friend just like—just like college."

Cory, asan ka? What happened to you?

"Then maybe this isn't what it looks like," narinig ko si Aldous, "It looks like a crime scene, maraming dugo, signs of struggle was there. It's obvious that somebody was dragged down." Napalunok ako ng di oras. Kung tama man ang nasa isip ni Aldous, bakit, bakit wala man lang kaming narinig na kaluskos o signs ng panlalaban ni Cory? Bakit wala man lang nakakita ni isa sa kanya at kung papaano siya kinuha?

Naputol ang pag iisip ko ng makarinig ako ng pabalagbag na bukas ng pinto. Saka ko nakita ang nag lilisik na mga mata ni Moira, she's my cousin—anak ni Tita Maita.

"What the hell did you do?!" dumukwang ito saka ako sinampal. Lahat kami hindi naka kilos sa ginawa nito sa akin. Nakita ko si Áidan na lalapit sana pero pinigilan siya ng kapatid.

"Anong ginawa mo kay Cory!" hinampas pa niya ako at pilit pinaaamin sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Pinag hiwalay nila kaming dalawa at awang-awa ako sa hitsura ko. Bakit ba ako ang pinag bibintangan niya? Ako ang fianceé, nawawala ang groom ko pero sa akin parin lahat ang sisi.

"You need to calm down." nakita ko si Áidan na naka hawak sa magkabilang balikat ni Moira.

"Huwag kang makiaalam dito!" Nakita ko ang pag tulak nito kay Áidan na hindi man lang natinag, "I need to know what that bitch did to Cory!"

"What I did with him?" Tumayo ako saka nagkalakas ng loob na harapin ang pinsan ko, pumiksi ito sa pagkakahawak ni Áidan saka nakipag sukatan ng titig sa akin.

"You don't care about him at all, ang gusto mo lang naman ay ang makuha ang lahat ng pera ni Lolo, eh." insulto nitong sabi sa akin, nahuli ko ang mata ni Áidan na nag tatanong kung totoo ba ang sinabi ni Moira pero wala akong isinagot. If that's what they're all thinking to me, then so be it.

Muli ko pang naramdaman ang mabigat na kamay ni Moira ng sampalin niyang muli ako, "Lumaban ka!" Kanti niya sa akin pero hindi ko siya pinatulan. Hindi ito ang tamang oras para ipakita sa lahat kung gaano namin kamahal ang isa't-isang mag pinsan.

Sinasangga ko lang lahat ng hampas niya sa akin hanggang sa mag sawa ito pero bigla na lamang niya akong pinatid pero may sumalo na kaagad sa akin bago pa man ako matumba.

"Enough, Moira!" Narinig namin ang sigaw ni Tita Maita kaya huminto ito sa pananakit sa akin. Puno pa rin ng galit ang mga titig nito sa akin at halos maluha-luha na ito sa pag pipigil.

"Whatever happened to Cory, it's all your fault!" Nang makita ko silang lumabas na mag ina, saka ko lang naramdaman lahat ng sakit ng kaninang pananakit nito sa akin.

Hindi ko na naitago ang sakit at bigat ng dibdib ko ng maramdaman ko na lang ang malayang pag patak ng mga luha ko. More to that, mas masakit ang katotohanang ako ang may kasalanan ng lahat. Tama si Moira, everything that happened now is all my fault. Whatever happens to Cory is entirely my fault.

"I'm sorry you all saw that." Kumalas ako sa nakahawak pa ring mga kamay ni Áidan sa akin. Pinunasan ko ang mukha ko saka tumungo.

"Salamat sa pag tulong sa akin, kung meron man kayong malaman na lead tungkol sa kanya tawagan niyo lang ako. Tita Freya, t-thank you po." Inayos ko ang pagkakatayo ko saka pinakitang hindi ko ininda ang lahat. I want them to leave me alone. The sadness, the humiliation brought by my family is not acceptable. I just want to be alone.

"DNA samples of the blood will release three days from now. Until there is no result, think that it's not Cory's." tumango lang ako kay Vander habang pinapalakas nito ang loob ko. "Hangga't wala pang lead sa pagkawala ni Cory, lahat kayo na malalapit sa kanya ay suspect." dagdag pa nitong sabi.

Hindi na rin ako mag tataka, ako ang nakakita sa duguang silid. Ako ang fianceé ni Cory. Marahil ako ang primary suspect. Nakakatawa lang.

"Just look out for all the possible leads and let them question all of the parties involved—"

"Maging ikaw?"


Inagaw ng tanong ni Áidan ang atensyon naming lahat. Nag sukatan kami ng tingin. He is looking at me like he's more than angry and pissed.

"Diba dapat mas tanungin natin ang pinsan mo? Kung bakit ganun na lang ang inasta niya kanina? Mas parang siya pa ang nawalan ng fiancé kaysa sa'yo." pag susungit ni Aidan na sabi.

"You don't need to interrogate her, I can tell you whatever Moira can." iling ko na sabi. Alam ko na dati pang mahal ni Moira si Cory. Pero dahil nga sa kasunduan at utos narin ni Lolo, hindi niya naipag laban si Moira.

"Then tell me, why she thinks you're just using Cory?" Natigagal ako sa tanong nito sa puntong hindi ako nakahinga ng ilang segundo. Kinagat ko na lamang ang loob ng bibig ko para hindi lang mapahikbi.

"Vince!" Narinig ko ang sabay-sabay na tawag ni Vander at Tita Freya sa kanya.

"What about that inheritance?" nakapamulsa pa nitong tanong.

"Easy, Vince. We are out of this problem." Vander muttered but I knew him. He wouldn't stop until he has his answer.

"Then she must be the primary suspect." Kita ko ang pangungunot ng mga kilay nito ng sinabi niya iyon. Galit siya sa akin.

Siguro nga. Wala man lang ako sa kalingkingan ng pag aalala at pag wawala ni Moira kanina na dapat sana sa isang katulad kong in-love sa groom ko mas mag aalala ako sa kanya. Pero dahil sa pananahimik ko, nabigyan niya iyon ng maling kahulugan. Sakto pang inungkat ni Moira ang tungkol sa mamanahin ko.

"I'm not using Cory." buong tapang kong sagot sa kanya pabalik. "I will have my inheritance just like what Moira said pero hindi sa ngayon." Huminga ako ng malalim saka nakahawak sa nananakit kong pisngi.

"Not unless she will marry Cory." I looked straight into Áidan's eyes ng may tumapos sa sasabihin ko. It was Attorney Salas. "Neither she nor Moira will inherit until they'll get married." pag uulit ni Attorney Salas. Nakayuko lang ako ng siya na ang gumawa ng lahat ng paliwanag.

He was not in the position to talk for me pero napapagod na akong depensahan pa ang sarili ko. Wala akong kakampi. All of them think that I am the bad guy here when all I want to have is my freedom. At ng ma-realize ko iyon, huli na. May nasaktan na.

"Benedict Gazis wants the best for his granddaughters. Mahal nito ang mga apo niya." Dinig kong dagdag pa nito.

"He doesn't have the heart."

Moira. I saw her entered again the room. This time she is more relaxed at mas nakatingin siya kay Attorney.

"The only reason he wanted us married was that he didn't think a female had enough brains to handle the kind of money he was leaving to us."

Kagaya ko, minanipula din ni Lolo ang buhay ni Moira. Iniwan sila ng ama niya dahil na rin sa kagustuhan ni Lolo. Tita Maita got scared when Lolo threatened her that he will disown her if she will remain married to Moira's father.

"That is his will." malungkot na pahayag ni Attorney Salas sa amin, "Kung hindi makakasal si Moira o si Quin, hindi mapupunta sa kanila ang mana."

"Is there a way around the will?" tanong ko kay Attorney pero nakita ko ang paniningkit muli ng mga mata ni Moira sa akin.

"Pera na naman!? We don't even know what's happened to Cory and all you care about is the money?!" bintang na naman nito sa akin.

"I care about him! Kaya nga mas kailangan ko ng pera ngayon! Paano kung na-kidnap nga talaga siya? Papaano ko babayaran ang ransom kung sakaling hihingi sila?" asik ko sa kanya. Wala akong pera, wala akong magiging silbi kay Cory dahil hindi ko siya maililigtas kung wala sa akin yung mana ko. Though, Cory's familyis as wealthy as my grandfather, I don't want them to be burden of my problems.

"There is no way to inherit that money unless you're married, Quin. And...you only have a few more days.." Buntong hiningang pag bibigay alam nito sa akin. Hindi ako naka imik kaagad ng sabihin niya iyon.

"Why only a few more days?" Narinig ko si Áidan na nag tanong. I'm not surprised that he's still here.

"She will turn 25 a week from now. Sa will na iniwan ng Lolo niya, when she turned 25 and she's still not married, she...forfeits her half of the inheritance." Moira mumbled. "Then I'll get it all when I marry."

Napapikit ako ng marinig iyon mula sa bibig niya. Clearly, Moira gets herself to the lists of people who have a motive for getting rid of her groom.

"I need that money!" mariin kong wika. More than anything now. Kailangan ko ng pera. Kahit ngayon lang. May mabuting maidudulot iyon para sa iba. It's for Cory. It's for my friend.

"The only way you can access your funds is to marry," mariing pag papaalala ni Attorney Salas bago ito nag paalam at umalis.

"Then she'll have to marry," nagulat ako ng biglang sumabat si Tita Freya. All this time, nakikinig lamang ito sa pag uusap.

"Pero wala si Cory, kung na-kidnap siya wala akong maipapambayad sa kanya dahil wala pa sa akin ang pera." Naiintindihan ba nila ang laki ng problema ko? Madaling sabihing mag pakasal pero nawawala nga ang groom ko?!

"So, you'll marry someone else," kaswal na sabi ulit ni Tita Freya na ikina uwang ng bibig ko.

"Who?" Iyon din sana ang itatanong ko ng naunahan na ako ni Vander.

"Si Áidan." Tumingin si Tita Freya kay Áidan, nanlaki ang mga mata nito ng hindi ata pa naiintindihan ng anak ang ibig niyang sabihin.

"There is no way in hell that I am marrying her." mariing bigkas ni Áidan na ikinatahimik ng lahat.

"Áidan Vince!" pagalit na tawag ni Mrs. Saavedra.

"Mommy naman!" he retorted. "You've been pushing me to attend this wedding since I came back. Ginawa niyo pa akong best man. You are not pushing me to the altar as her groom now." mariin nitong tanggi. Nanatili lamang akong tahimik.

Mabigat sa pakiramdam ang ma-reject, katulad ng ginawa ko sa kanya noon. Parang nakarinig ito ng masamang balita sa suggestion ng mommy niya. Malinaw sa akin na wala talagang balak si Aidan na dumalo sa kasal ko, I get it. Wala ako dapat angal dahil sa una pa lang, wala naman kaming relasyon.

"Thank you po sa concerned Mrs. Saavedra, pero hindi ninyo problema ang problema ko. Hindi ninyo kailangang pilitin si Áidan." tumayo ako saka magalang na nag paalam. Lumabas ako sa likurang bahagi ng function hall para na rin makaiwas sa mga tanong ng mga tao.

As soon as I stepped outside, nakaramdam ako ng panlalamig. I know that Cory is here somewhere. But without him, I can't even save him.

There is no way in hell that I am marrying her!

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang sinasalag ng masakit kong katawan ang lamig ng gabi. Madilim yung nilalalaran ko kaya hindi ko napansin na may nakausling bato sanhi para mapauklo ako. Namanhid bigla ang katawan ko ng bumalik sa isip ko ang nakita kong dugo.

Cory had been dragged down the aisle so that he couldn't become my groom. She is going to lose her inheritance—worst—she is going to lose a friend.

Suddenly, a car drove slowly past her, tinted ang mga bintana nito kaya hindi ko maaninag kung sino ang sakay nito. Nag mamadali akong tumayo saka sa nanginginig na tuhod pinilit kong mag lakad ng mabilis.

Then she remembered those threats...

The promises that she would lose her life before she would ever inherit her money.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

A/N

Arte mo Áidan ah! Ikaw pa ang pakipot. Umayos ka! 💋

Ms.Therapeutic*

Continue Reading

You'll Also Like

156K 4.1K 26
'Young Dumb and Broke' sabi nga sa kanta. Sabi nila ang Relasyon, It takes risk. Angel entered into a relationship at a very young age. She was just...
973 208 28
Every one has a dream, some are already working on reaching theirs, but Catherine Orihuela is still wondering. When she was a kid, she believed that...
249K 5.2K 30
Lyza fell in love when she was 11 years old to her best friend. She kept it to herself for two years. When she decided to confess her feelings, a big...
439K 9.6K 44
The bestfriends love.. Enzo is a guy who has everything, a well known player who has a girl bestfriend. Si Tricia, a boyish girl na nainlove sa bestf...