"My heart stop-stops
When I get close to you
Like a lightning striking out of the blue."
- Jedward
--
Sobrang dami ng tao nang makarating kami. Dito kami sa dulo pumwesto para di na ulit kami masaktan. Natuto na kami ni Maqui. Nagsslamman kasi sila. Dahil sa sobrang tuwa, hindi na nila namamalayan na nakakasakit na sila kaya dito na kami sa likod lagi pumepwesto pag pumupunta kami sa mga ganito. Hindi pa kami nakakapunta sa solo gig ng SS. Lagi kasi silang may kasamang ibang banda o DJ kaya laging bitin. Tatlo yung pinakaunti at lima yung pinakamadami nilang kinakanta kada event na ganito.
Sumigaw ang lahat kasama kami nang marinig ang intro ng Rebound. Nagkatinginan kami ni Maqui. Isa kasi sa favorite namin ito. Sinabayan namin si Raymund hanggang sa matapos yung kanta. Si Raymund, siya yung vocalist.
"Magandang gabi!!"
Sabi ni Raymund dahilan para maghiyawan yung crowd.
"Gusto nyo pa ba?"
Naghiyawan ulit ang crowd kasama kami at narinig na namin ang intro ng Sa Piling Mo.
"OH MY GHAAAAD!! FAVORITE KO YAAAN. FAVORITE KO YAN. WOHOOO!!"
Sigaw ni Maqui with matching talon pa. Bago nilang kanta 'to at parehas na parehas talaga kami ni Maqui ng taste of music. Favorite ko rin 'to. Ang ganda kasi ng beat. Parang lahat naman ng kanta nila favorite ko.
Sumasabay lahat ng tao sa pagkanta ni Raymund tapos pag chorus, ayan na! Slamman na. Yung iba tumatalon lang katulad namin pero yung iba talaga ang haharot.
Pagtapos nun ay yung Baka Sakali naman. Grabe makipagcooperate yung crowd. Sumasabay talaga sila sa kanta. Pagtingin ko sa likod namin ay madaming tao at nagtutulakan sila. Gustong makapunta nang mga bagong dating sa harapan. Napahiwalay ako kay Maqui. Hindi ko na siya makita.
"Excuse me."
Sabi ko habang pinipilit ang sarili ko makadaan at mahanap si Maqui. Ngunit nastock na ako doon kasi nga sobrang dami ng tao. Kinapkap ko yung phone ko sa bulsa.
"Sht."
"Naiwan ko pa. Kung minamalas ka nga naman."
Sabi ko sa sarili. Hinayaan ko na lang at inenjoy yung event. Magkikita rin naman siguro kami ni Maqui mamaya. Sana.
"Nag-eenjoy pa ba kayo?"
Sabi ni Raymund nang matapos ang kanta nya.
"Wohooo!!"
"Isa pa! Isa pa!"
Sigaw ng crowd.
"We are down to our last song for tonight."
Sabi ni Raymund.
"Awww."
Tugon namin. Last song agad. Bitin nanaman, as usual. At ayan nanaman nagtutulakan nanaman sila. Hobby na ba nila manulak? Nakakainis na!
Dahil sa pagtutulakan nila ay na-out of balance ako. Nasalo naman ako nung lalaki. Haharapin ko sana siya para magpasalamat pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila para makalabas sa magulong crowd na yun. Hindi ko maaninag kung sino siya pero nararamdaman ko nanaman yung kuryente kaya parang kilala ko na kung sino 'to.
"Elmo? Anong ginagawa mo dito?"
Lumiwanag bagong araw
Dahan-dahang natutunaw
Ang aking damdamin
Ikaw na ngang para sa akin
Sasagot na sana siya nang kumanta na ulit si Raymund. Hindi ko rin naman siya maririnig kaya hindi na siguro siya nag-effort magsalita. Ngumiti na lang siya.
Ayoko na munang umibig
Itutulak palayo ang sinuman
Kalilimutan mag mahal
Dibaleng magisa ang puso'y ligtas naman
Kaytagal kong nag-isa at ikaw nga'y dumating
Bagong kanta lang rin nila 'to. Mellow lang siya kaya kalmado ang crowd. Hindi na sila katulad kanina na parang mga hayop na first time makalabas sa hawla.
Habang lumalalim ako'y nahuhulog na
Ika'y gustong laging kasama
Dahil mananahimik na sana ewan ko ba
Ng makilala kita abot langit ang saya
May kakaibang nangyayari. Ngayon ko lang 'to nakita. Sumasayaw sila ng slow dance. Lahat sila. Mapababae man to babae o lalaki to lalaki.
Lahat ng kulang napuno
Binuhay mo ang natulog kong puso
Inikot ko ang mata ko at nakitang kami na lang ni Elmo ang hindi sumasayaw. Tiningnan ko siya. Nakatingin na siya sakin. Nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya at nilahad ang kamay niya. Tinitingnan ko lang yun.
Di akalain manunumbalik kung paano magmahal
Kung paano masabik, natuyo na ang luha
Dahil nandyan ka na
Kinuha niya yung dalawang kamay ko at nilagay niya sa batok niya. Nilagay naman niya yung dalawang kamay niya sa bewang ko. Hindi ako nakahinga sa ginawa niyang yun. Nagulat kasi ako. Oo tama Julie. Nagulat ka lang.
Habang lumalalim ako'y nahuhulog na
Ika'y gustong laging kasama
Gumagalaw na siya. Hindi ko maialis yung kamay ko sa batok niya. Hindi ko maintindihan 'tong nararamdaman ko pero ang sarap sa feeling.
Dahil mananahimik na sana ewan ko ba
Ng makilala kita abot langit
Nakatitig lang siya sakin. Iniwas ko yung tingin ko. Pero hinawakan niya ang baba ko at pinatingin ako muli sa mga mata niya at sinabayan niya ang kanta.
Habang lumalalim ako'y nahuhulog na
Ika'y gustong laging kasama
Dahil mananahimik na sana ewan ko ba
Nang makilala kita abot langit ang saya
Ang ganda ng boses niya. Ang sarap pakinggan. Yung puso ko parang gusto ng lumabas sa dibdib ko. Bakit ganito? Nagagandahan ka lang talaga sa boses niya Julie. Oo tama.
Abot langit ang saya
Abot langit ang saya
Abot langit ang saya
Pagtapos ng kanta ay ngumiti siya sakin. Ngumiti naman ako pabalik. Teka, bakit ko siya nginitian? Tinanggal ko na yung kamay ko sa batok niya at naglakad patungong exit. Paglabas ko ay hinawakan ko ang dibdib ko. Ganun pa rin. Ang bilis pa rin ng tibok. May kung ano talaga kay Elmo. Kung ano-anong kakaiba ang nararamdaman ko pag nandyan siya. Baka kinukulam na niya ako. Baka may lahi siyang aswang.
"Ay aswang!"
Sigaw ko nang may humawak sa balikat ko. Hindi ko siya nilingon.
"Kuya, maawa ka! Jusko. Bata pa po ako. Huhu. Kuya, parang awa mo na. Gusto ko pang makatapos ng pag-aaral. Madami pa po akong pangarap sa buhay."
Drama ko. Kinuha ko yung pamasahe ko sa bulsa.
"Kuya, ito lang po ang meron ko. Please kuya maawa ka. Bata pa po ako!"
Hinarap ko siya nang nakapikit at nagmakaawa. Bigla naman siyang tumawa. Minulat ko yung isang mata ko at nakita si Elmo na mamamatay na ata sa kakatawa. Pinalo ko siya nang pinalo sa braso.
"Aray! Aray!"
Tawa pa rin siya ng tawa.
"You should see your face."
Tawa niya ulit.
"Kuya parang awa mo na. Bata pa po ako."
He mimic me. Inirapan ko lang siya at naglakad palayo.
"Teka! Teka!"
He held my elbow to stop me. I looked at it and then to him. He's wearing his serious face.
"Bakit ba?"
I raised my eyebrow and clicked my tongue.
"Uuwi ka na?"
He eyed me curiously while still holding my elbow, then his hands make its way down slowly which made me shiver. So I get my arm from his touch before it reaches my hand.
"Obvious ba?"
I rolled my eyes and did not look at him again.
"Sure ka?"
His voice sounds worried.
"Oo. Sure na sure! Sure pa sa sure."
Tinalikuran ko siya at naglakad ulit.
"DEAD END NA DYAN EH!"
Sigaw niya. Pagtingin ko sa harap ay isang malaking pader at wala na ngang daan. Napahinto naman ako. Nilingon ko siya at ayun tawa nanaman ng tawa ang mokong. Bwisit! Mamamatay ka na sana sa kakatawa. Nilagpasan ko lang siya at nakita si Maqui na parang may hinahanap. Tumakbo ako palapit sa kanya.
"Maq! Gaga ka. Bigla ka na lang nawala."
Hinampas ko siya sa braso para makita niya ang presensya ko. Napaaray siya kahit hindi naman malakas. OA talaga eh.
"Sino kaya dyan? Tumatalon-talon lang ako tapos pagtingin ko sa tabi ko, ibang mukha na."
She explained while disappointment, sadness and concern are shouting in her eyes. Then napatingin siya sa likod ko that made her expression change real quick. Her eyes are now shouting madness and annoyance.
"At anong ginagawa mo dito Elmaw?!"
She placed her hand on her hips and threw death glares to Elmo. I looked back to see his expression and he is wearing that ngiting aso. Inirapan ko siya at hinila si Maqui.