MILK / seventeen

By saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... More

000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
054
055
056
057
058
059
060
Epilogue
Postscript
♥♥♥
♡♡♡

053

2.4K 130 81
By saltypastry

' Muntikan na nga tayong tagain ng white lady tapos nakuha nyo pang maglandian ! '

--

Milk's POV

Nasa apartment ako kasama si Joshua kasi tinutulungan nya akong mag-impake ng mga dadalhin bukas sa bakasyon nila.

Hindi naman talaga dapat ako kasama sa kanila kaso pinilit nila si Manager Yumi.

May isa din pala akong na-realize.

Naalala nyo si Bianca ? Yung stylist nila ? Kaya pala sya pamilyar kasi sya yung kasama ni Joshua dun sa background ng selfie ng Meanie tsaka ni Hoshi. Yung pinakita nila sakin dati ?

Kaya pala medyo hindi maganda yung pakiramdam ko sa kanya.

' Joshua .. '- pagtawag ko sa kanya kaya natigil sya sa pagtitiklop ng damit at napatingin sakin.

' Close ba kayo ni Bianca ? Ano kase .. naalala ko dati bago mangyari yung aksidente, may pinakita saking picture sila Hoshi. Nahagip kayo sa background at .. '- hindi ko na maituloy yung sasabihin ko kasi nahihiya ako.

Ngumiti naman sya at kinuha yung kamay ko.

' Sorry Soonbyul. Inaamin ko nung mga panahong nagalit ako sayo, humanap ako ng distraction para hindi kita gaanong maisip. Kaya sorry kung sa paningin mo mali yung ginagawa namin ni Bianca noon '- sabi nya.

Ngumiti nalang din ako tsaka tumango.

At least ngayon, alam na namin yung side ng bawat isa.

Unti-unti nang nababawasan ang problema ko.

Pero sa tingin ko may paparating pa.

' Joshua, sa tingin mo ba magandang ideya tong bakasyon na to ? '- tanong ko sa kanya.

' Oo naman. Para makapag-relax naman tayo. Bakit, may problema ba ? '- tanong nya.

Umiling nalang ako. Napa-paranoid lang siguro ako.

Nag-vibrate yung phone ko kaya napatingin ako dun. May nag-text pala.

From: Unknown

She begged, he fought
She cried, he died

Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako nang mabasa ko yung text

Sino naman to ?

Tss. Wrong number lang siguro.

' Sinong nag-text ? '- tanong sakin ni Joshua.

' A-Ah wala. Load balance lang '- sabi ko.

Napatango nalang sya habang sinasara yung bagahe ko.

' Nakapag-impake ka na ba ng sayo ? '- tanong ko sa kanya.

' Kahapon pa. Excited kasi ako '- sabi nya.

Buti pa sya excited. Hay.

Nakarinig kami ng katok sa pinto kaya napatingin kami dun.

' Jisoo ! Tulungan mo akong mag-impake ! '

Kahit kailan hindi ko naisip na pwede palang manira ng moment si Jeonghan.

' Secret lang natin to ah .. '- sabi ni Joshua kaya napatingin ako sa kanya.

' .. crush ako ni Jeonghan '- bulong nya.

Sinamaan ko sya ng tingin.

' So ipagpapalit mo na ako sa kanya ganun ? '- tanong ko.

' Jisoo ! '

Putek na Jeonghan to. Di makahintay ?

Natawa si Joshua.

' Wag kang mag-alala Milk. Kabit ko lang si Jeonghan. Ikaw ang legal wife '- sabi nya tapos lumabas na sya ng apartment.

Hay Jeonghan. Porket mas maganda ka lang sakin eh.

Nahiga ako sa kama ko at naalala ko yung text sakin kanina. Kinuha ko yung cellphone ko at binasa ulit yun.

She begged, he fought
She cried, he died

Ano na naman bang ibig sabihin nito ? Wala ako sa mood mag-translate ulit.

Matutulog nalang ako kasi maaga pa pala kami bukas.

--

Pagkagising ko, naligo agad ako tsaka nag-ayos ng sarili.

Nagsuot lang ako ng oversized t-shirt tsaka shorts since medyo mainit yung panahon ngayon.

Binitbit ko na yung bagahe ko tapos lumabas na ako ng dorm.

Nakita ko si Wonwoo at Seungcheol na inaayos yung van na sasakyan namin.

Nga pala, sa Daegu yung punta namin. Three days and two nights daw.

Pumasok ako ng dorm at nakita ko yung iba na naghahanda nang umalis.

' Noona pwede bang pakigising si Mingyu hyung ? Ang hirap nya gisingin '- sabi sakin ni Dino.

' Tulog padin hanggang ngayon ? '- tanong ko.

' Ay hindi Noona. Gising na sya tapos gigisingin mo ulit para masaya '- sabi ni Seungkwan kaya nabatukan ko sya.

Nagpunta ako sa kwarto at nakita ko si Mingyu na nakatalukbong pa ng kumot.

' Mingyu '- sabi ko tapos sinubukan syang alugin.

' Hmm .. Wonwoo hyung .. '- ungol nya.

Nanlaki yung mata ko. Nasa panaginip ba nya si Wonwoo ?

' Hoy Mingyu umayos ka nga '- sabi ko tapos inalog ulit sya.

' Wonwoo hyung .. '- sabi ulit nya.

' Gago ka Mingyu. Si Milk to ! '- sabi ko.

Isa pa sasapakin ko na to.

' SUNOOOOOOOOG ! '- sigaw ko sa may tenga nya.

Nagising naman sya agad at mukhang natataranta.

' Sunog ? Asan ? '- sabi nya kaya natawa ako.

' Ikaw yun shunga ! Bumangon ka na dyan at ikaw nalang hinihintay ! Wonwoo hyung ka pa dyan ha '- natatawang sabi ko tapos lumabas na ako ng kwarto.

Laptrip din yun si higante eh haha.

Hinintay namin si Mingyu makapag-ayos tapos sumakay na kami sa van.

Si Seungcheol yung driver tapos nakaupo sa shotgun seat si Dino.

Wag kayong maingay ha. Shini-ship ko kasi silang dalawa hehe.

Si Vernon, ako, Jeonghan at Joshua naman yung nasa likod nila.

At talagang gumitna pa si Jeonghan samin ni Joshua.

Sa likod namin si Wonwoo, Mingyu, Jun at Minghao tapos sa likod nila si Woozi tsaka yung tatlong bugok.

' Oy patugtog nga kayo '- sabi ni Hoshi.

' Uso earphones '- sabi sa kanya ni Woozi.

' Naiwan ko eh '- sabi ni Hoshi.

Hinalungkat ko yung bag ko at hinanap yung earphones ko tapos hinagis ko kay Hoshi.

' Ayan na. Manahimik ka na '- sabi ko.

' Salamat Noona ! '- rinig kong sabi ni Hoshi.

' Paano ka ? '- tanong sakin ng katabi kong si Vernon.

Napatingin ako sa kanya.

' Ah, hindi naman ako makikinig. Kakain lang ako '- sabi ko habang nagbubukas ng malaking chichirya.

Ayun, kakabukas ko palang, nawala na kaagad sa kamay ko. Nakuha na ni Mingyu. Hays.

' Mingyu akin na nga. Agaw trip to '- sabi ko habang kinukuha yung chichirya kaso ayaw nya talagang ibigay.

' Marami pa dyan Noona '- sabi nya.

Ayaw mong ibagay ha ? Okay.

' Guys alam nyo ba, habang ginigising ko si Mingyu kanina, umuungol sya '- malakas na sabi ko.

' Anong inuungol Noona ? '- natatawang tanong ni Wonwoo.

' Pangalan mo ata ? Hindi ko masyadong narinig eh '- nang-aasar na sabi ko.

Nagtawanan naman yung ibang members.

' Pauso ka Noona ! '- sabi ni Mingyu.

' Totoo naman eh ! '- sabi ko.

Ngumuso lang sya tapos inabot na sakin yung chichirya ko.

Paano kaya kung kinuhanan ko ng video si Mingyu kanina habang ginigising ko sya tapos ibenta ko sa mga fans ? Yayaman siguro ako.

Joke lang haha.

Nasa kalagitnaan ako ng paglamon nang masamid ako.

Ang bilis talaga ng karma.

' Yan kase katakawan '- sabi ni Vernon tapos inabutan ako ng tubig.

Kinuha ko naman yun at ininom kaso muntikan ko nang maibuga.

' Bat di mo sinabing Sprite pala to ? '- sabi ko.

' Sorry na '- sabi nya habang nagkakamot ng ulo.

Alam nyo yung umasa kayong tubig lang yun tapos pag-inom mo Sprite pala ?

Sakit tuloy sa lalamunan, dineretso ko pa naman yung inom.

Hindi ko na nga aasarin si Mingyu. Nakakarma ako.

Maya-maya pa, nakaramdam ako ng antok kaya umunan ako sa katabi ko.

Hindi kay Vernon ha. Asa pa kayo. Baka magselos si tahong kaya kay Jeonghan ako umunan.

Come to think of it, magseselos padin naman sya kasi nakaunan ako sa Jeonghan labs nya.

Bahala na nga.

Hindi ko alam kung ilang oras ako natulog. Basta nagising ako ng nakatigil na yung van.

Tumingala ako at nakita kong hindi na ako kay Jeonghan nakaunan. Kay Joshua na.

Wala akong naririnig na ingay at pagtingin ko sa paligid ay wala ng tao except sakin at kay Joshua.

' Gising ka na pala '- sabi nya sakin.

Ang husky nung boses nya. Kakagising lang din ata nya.

' Bakit nandito pa tayo ? Nasaan na sila ? '- tanong ko.

' Kanina pa tayo nakarating dito. Ayoko namang gisingin ka kaya nagpaiwan muna ako para bantayan ka '- sabi nya.

Naramdaman kong nag-init yung pisngi ko.

' Matagal ba akong natulog ? '- tanong ko.

' Hindi naman. Ano, tara na ? '- sabi nya kaya tumango ako.

Tinulungan ako ni Joshua na buhatin yung bagahe ko tapos lumapit na kami dun sa ibang members na nakatanga sa harapan nung malaking resort.

' Bat ayaw nyo pang pumasok ? '- tanong ko sa kanila.

' Nakakatakot dito Noona. Wag na kaya tayong tumuloy ? '- sabi ni Wonwoo.

' Oo nga ! Baka may multo dyan ! '- sabi ni DK.

Eh kung binabalibag ko kaya sa kanila tong mga bagahe ?

' Ilang taon na ba kayo at naniniwala padin kayo sa multo ? '- tanong ko.

Hindi sila sumagot at binaling lang nila yung tingin dun sa gate nung resort. To be honest, medyo ang creepy nga tingnan netong resort sa labas.

Pero malay nyo naman maganda sa loob diba ?

' Tara na guys. Wala namang multo dito eh. Kasama natin si God '- sabi ni Joshua.

Tumango naman ako. Beyb ko yan !

Pumasok na din kami sa loob at tumingin-tingin sa paligid.

' Bakit walang tao ?! Bakit tayo lang ang nandito ?! '- OA na sabi ni Seungkwan kaya nabatukan sya ni Vernon.

' Shunga lang ? Malamang kasi inarkila natin to ! '- sabi ni Vernon.

' WAAAAAAAAAAAAAH ! '- sigaw ni Hoshi kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

' Ano na naman bang meron ? '- tanong ko.

' MAY WHITE LADY ! '- sabi ni Hoshi habang may tinuturo sa malayo.

Tumingin naman kami dun sa tinuturo nya at may nakita kaming babaeng nakaputi at mahaba yung buhok.

At take note, papalapit samin habang may hawak na itak.

' Putek Joshua akala ko ba kasama natin si God ?! '- sabi ni Jeonghan kay Joshua.

Hindi sumagot si Joshua at hinawakan lang yung kamay ko.

Bakit ba biglang may anggulong horror dito ? Akala ko ba fanfiction ang category ng storyang to ?

' PAPALAPIT NA SYA ! '- sigaw ni Dino kaya tumakbo na kami palayo.

Hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip ni Vernon kasi habang palayo kami dun sa white lady, palapit naman sya !

Juice colored naman.

' VERNON WAG ! PAPAKASALAN PA KITA ! '- sigaw ni Seungkwan.

Hindi sya pinansin ni Vernon at tuluyan na syang lumapit dun sa white lady.

' Kayo na pong bahala kay Vernon .. '- rinig kong sabi ni Joshua.

Teka ..

Bumitaw ako sa pagkakahawak kay Joshua tapos nilapitan ko si Vernon tsaka yung white lady.

' NOONA WAAAAAAAG ! '

Hindi ko sila pinansin.

Sabay naming hinawi ni Vernon yung buhok nung white lady at bumungad samin ang nakangiting mukha nya.

Sabi na nga ba kaya parang pamilyar to. Si Yna na naman. Hays.

' Ikaw yung tumulong dati kay Noona na paalisin yung fan na nage-eskandalo diba ? Ano nga ulit yung pangalan mo ? '- tanong ni Vernon.

' Ako si Yna. Anong problema nung ibang members ? Bakit sila sumisigaw ? '- tanong ni Yna habang nakaturo sa ibang members gamit yung itak nya.

' Natatakot. Akala nila white lady ka '- sabi ko.

' Bakit ka nga pala may dalang itak ? Tsaka bakit ganyan ka maglakad ? '- tanong ni Vernon kay Yna.

Napakamot naman si Yna ng ulo.

' Pinuputol ko kasi yung mga sanga ng puno dun sa may pool kasi masyado nang mahaba at baka makadali tapos nadulas ako hehe '- sabi nya.

Kaya naman pala. Hays.

Lumapit na kaming tatlo dun sa ibang members.

' WAG KAYONG LALAPIT ! '- sabay-sabay na sigaw nila.

' Guys ano ba. Hindi sya white lady '- sabi ko.

' Eh ano sya ? Manananggal ? '- tanong ni DK.

Natawa naman si Yna.

' Ako nga pala si Yna. Caretaker ako ng resort na to '- sabi nya.

Caretaker sya dito pero bakit sya nasa Pledis nung isang araw ? Hays.

' Kilala kita ah ? Basta nakita na kita sa isang fanmeet eh '- sabi ni Wonwoo.

Ngumiti nalang si Yna.

' Tara, ililibot ko kayo dito tapos ipapakita ko na din kung saan kayo magse-stay '- sabi ni Yna kaya sumunod kami sa kanya.

Lumapit ako kay Joshua at hinawakan yung kamay nya.

' Kasama nga natin si God '- sabi ko.

Ngumiti naman sya at hinigpitan yung hawak sa kamay ko.

' Hoy ano ba ! Muntikan na nga tayong tagain ng white lady tapos nakuha nyo pang maglandian ! '- sabi samin ni Seungkwan.

Natawa nalang kami ng mahina. Inggit lang tong diva boo na to eh.

Continue Reading

You'll Also Like

146K 5.3K 48
Seventeen Scenarios and more!
441 97 11
Date Started: 01/10/24 Date Ended: 01/14/24 [PART 1]
3.6K 249 34
[BOOK 1] They say life is not perfect; it is not easy, it is never fair. But does it mean that her life should be this miserable? This painful? This...
965 482 14
(Six Shades of Red Series #1) An irresistible man catches the eye of many female admirers, but his obsession is on a girl he cannot have. She's 15 ye...