~
Nang makarating sila sa resort ay nakita ni Yohan na dire-diretso lang si Gail na naglakad
"Teka sandali lang, san ka pupunta?" Tanong ni Yohan kay Gail, Kaya naman hinarap siya ni Gail.
"Matutulog lang muna ako ulit." Walang ganang sagot ni Gail. Napansin ni Yohan na para bang napagod si Gail kaya naman naiintindihan niya yun. Nag-nod siya kay Gail.
"Okay sige." Sagot naman ni Yohan saka siya naglakad papuntang tabing-dagat, kaya naman si Gail naman ang nagtanong sa kanya.
"Sandali Yohan, hindi ka ba matutulog ulit?" Tanong ni Gail.
Lumingon si Yohan sa direksyon niya saka ngumiti.
"Hindi na, babantayan na lang kita." Sagot naman ni Yiohan.
Nagulat si Gail sa isinagot ni Yohan at nakaramdam siya ng hiya at pagkailang, pero hindi niya yun pinahalata at mas pinili na lang ang maging plain expression kay Yohan.
"Okay sige, bahala ka." Plain na sagot ni Gail kay Yohan saka na ito naglakad paalis.
Tiningnan naman ni Yohan si Gail hanggang sa makapasok na ito sa kwarto niya. Konti lang ang agwat ng bahay ni Yohan sa kwarto ni Gail at parehong malapit sa tabing dagat kaya naman mabilis lang nakarating si Gail sa kwarto niya. Mayamaya pa ay naglakad na din si Yohan papuntang tabing-dagat.
Kinabukasan ay maagang nagising si Yohan at nagluto. Matapos ay naisipan niya ang lumabas para tumambay o maglakad-lakad sa tabing dagat at since madadaanan niya ang kwarto ni Gail ay sinilip niya muna kung bukas na ba ang pintuan ng kwarto ni Gail. Nakita niya na nakasara pa ito kaya malamang na natutulog pa ito. Nagkibit-balikat lang siya saka na naglakad papuntang tabing Dagat.
Makalipas ang halos 1 hour ay tumigil na si Yohan sa paglalakad-lakad sa tabing-dagat. Naisip niya na baka gising na si Gail kaya naman pumunta siya sa harapan ng kwarto ni Gail pero mukhang tulog pa din si Gail kaya naman kumatok na siya.
Samantalang, sa loob ay nagising si Gail sa katok, inaantok man ay bumangon siya para tingnan kung sino ang kumakatok.
"Sino yan?" Tanong ni Gail sa loob habang tinatanggal ang lock ng kwarto niya.
Nang mabuksan na niya ang pinto ay tumambad sa kanya si Yohan na ngayon ay nakangiti. Ganun na lang ang pagkagulat ni Gail at biglang nawala ang antok niya.
"Si-Sir Yohan?"
"Gising na po, tanghali na." Bati sa kanya ni Yohan na merong halong tono ng pang-aasar. Biglang pumasok sa isipan ni Gail na nakita siya ni Yohan sa itsura niya ngayon na bagong gising. Sa sobrang hiya ng nararamdaman ay bigla niyang naisara ang pinto at napasandal siya sa likod ng pintuan. Halos gusto na niyang tumili sa sobrang kahihiyan na nararamdaman niya ngayon.
"Nakahanda na yung breakfast. Punta ka na lang ah." Narinig niya na sinabi sa kanya ni Yohan. Walang naisagot si Gail dahil di pa din siya makapaniwala sa nangyayari. Naglakad na lang siya papasok sa banyo at naligo. Samantala, natatawang napapailing na lang si Yohan dahil sa nakitang expression ng mukha ni Gail. Naglakad na lang siya pabalik sa mansyon niya.
After an hour ay hindi umiimik si Gail habang naghahanda ng makakain nila si Yohan. si Yohan na ang nag-asikaso dahil gusto niya talaga ang palaging nagtatrabaho sa kusina kaya naman hinayaan na lang siya ni Gail.
"Gail? Bakit hindi ka nagsasalita?" Tanong bigla ni Yohan dahil napansin niya ang pananahimik ni Gail.
Narinig naman yun ni Gail, pero ang totoo ay naubusan kasi siya ng sasabihin at hindi niya alam kung paano magsasalita dahil nahihiya pa din siya kapag naaalala yung nangyari.
Mukha namang na-gets na ni Yohan ang dahilan kaya napangiti siya.
"Kung iniisip mo pa din yung nangyari kanina, wag kang mag-alala. Cute ka pa din naman kahit bagong gising ka." Sagot ni Yohan saka na ito naghawak ng kutsara at kumain.
Mas lalo tuloy nailang si Gail kaya naman nagsungit siya dahil hindi na talaga niya gusto ang awkward na nangyayari. At ang ikinaiinis pa niya ay masyado ata siyang nagpapaapekto kay Yohan.
"Wag mo nga akong daanin sa mga paganyan-ganyan mo." Sagot ni Gail saka na siya kumain at itinuon ang isip sa pagkain.
Natuwa pa tuloy lalo si Yohan sa naging expression ni Gail. Halata naman kasi ang pagkailang niya pero si Gail ay itinatago pa. Kaya naman,
"Kasalanan mo din naman yun eh, hindi ka kasi nagising ng maaga." Paninimula ni Yohan ng pang-aasar kay Gail, naningkit tuloy ang mga tingin ni Gail kay Yohan.
Pero ang makulit na si Yohan ay nilagyan pa siya ng pagkain sa plato niya sabay wink.
"Nakakaasar talaga itong lalaking ito." Sabi na lang ni Gail sa sarili niya saka siya napa-rolled eyes.
"Bilisan mo kumain dahil pupuntahan pa tayo ngayon." Pag-iiba ni Yohan.
"Saan naman?" Tanong ni Gail.
"Basta. Kumain ka muna." Sagot ni Yohan
Kumain na lang sina Gail at Yohan. Matapos kumain ay naghanda na sila paalis. Dinala naman ni Yohan si Gail sa isang model tutor na magtuturo kay Gail.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Gail.
"Eto na ang simula ng training mo, kailangan marunong ka ng tamang paglalakad at kailangan ang kilos mo ay mukha talagang galing sa mayamang pamilya." Sagot naman sa kanya ni Yohan.
"Teka? Kailangan pa ba talaga ng ganun? Paano kung di ko magawa?" Tanong ni Gail. Medyo kinakabahan siya dahil yun ang unang beses na gagawin niya iyon para lang sa isang bagay. Yun ay ang napagkasunduan nila ni Yohan.
"Isipin mo na lang yung napagkasunduan natin. Kaya mo naman yan eh." Sagot sa kanya ni Yohan.
"Ang daya talaga, o sige na nga. Gagawin ko na." Walang ganang sagot naman ni Gail. Napangiti na lang si Yohan sa inasal ni Gail.
Mayamaya pa ay nagsimula na si Gail turuan ng proper gestures, chin up, etc. ng model tutor. Nahihirapan man siya pero ang ang kaibigan niyang si Milee ang nagbibigay sa kanya ng lakas-loob para gawin ang training niya. Matapos ang ilang oras ay nagpahinga na si Gail. Tumabi siya kay Yohan na ngayon ay nagbabasa lang ng magazine habang nakaupo sa sofa.
"Hay, nakakapagod. Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong bigla ni Gail.
"Wag ka ng magreklamo. Nagagawa mo na nga ng maayos eh, hindi ka naman pala mahirap turuan." Ngiting sagot ni Yohan.
"Ngumiti na naman siya." Sabi na lang ni Gail sa isipan niya.
~
REVISED!