HATBABE?! Season1

By hunnydew

885K 20.3K 4.2K

*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
END...
Published by Life Is Beautiful (LIB)

Forty-Seven

12.3K 317 70
By hunnydew

Pagsapit ng Disyembre, ako na yata ang pinakamasaya, hehe. Lagi naman yata eh kasi kalahati ng buwan, bakasyon! Wuhoo! Tas Pasko… tas bardey ko… tas New Year! Higit sa lahat, tapos na rin sa wakas ang sunod-sunod na entrance tests. Maipapahinga ko ‘yung mga brain cells kong naubos sa kaka-aral. Parang mana lang ‘yan sa DOTA, kailangang mag-regenerate, hehe.

  

Pagkatapos ng huling klase ko para sa taon na ‘yon, masaya akong nagpaalam kila besprens nung sinundo na ako ni Kuya Mac para ihatid sa UP. Wala raw kasing kasama si Mason dahil may pupuntahan naman si Kuya Chino. Tsaka sabi ko kasi, gusto kong makita naman ‘yung version ng Paskuhan ng UP. Sabi kasi nila ‘Ya Marcus, mas maganda raw eh. Sempre, hindi ako papayag. Para sa’kin, mas maganda pa rin sa USTe. Mas malaki lang ang UP campus, hehehe.

Sinama na ako ni Mason nung pumasok siya kinabukasan. Isa na lang naman daw kasi ‘yung klase niya. Kung iiwan daw kasi niya ako sa apartment, baka hindi na niya ako masundo dahil tiyak daw na maraming tao dun kasi may ibang event pa raw bago ‘yung Lantern Parade at hindi na rin magpapapasok ng mga sasakyan.

“Dito ka muna ha. Pwede kang maglibot pero dito tayo magkikita pagsapit ng alas singko,” paalala niya sa’kin. Hindi na kasi niya pinadala ‘yung selpon ko kasi baka madukutan daw ako.

Binigyan din niya ako ng isang daan para may pambili raw ako sakaling gutumin, hehe. Kaya lab na lab ko si Mase eh, lagi niyang sinisigurong busog ako, ahaha. Parehas sila ni bespren Louie na lagi rin akong pinapakain. Si Chan-Chan, nagda-diet yata kaya puro prutas at gulay ang binibigay sa’kin. Tas si Hiro naman, sapilitan pa bago ako bigyan. Hmp!

Sa dalawang oras na paghihintay ko kay Mason, nakakain na ako ng isang malaking monay with cheese sa halagang sampung piso. Nitikman ko rin ‘yung footlong sandwich na tinda ni Mang Mer. ‘Di ko siya kaanu-ano, nakipag-usap lang ako sa kanya. Ayon, natuwa siya sa’kin kaya dinamihan niya ‘yung toppings ng order ko, hehehe. Sabi ko nga kapag pumasa ako sa UP, dadalawin ko siya lagi. Sa gilid lang naman ‘yon ng Palma Hall.

Maraming murang pagkain don. Parang sa Hepa Lane lang din pero sa UP, nagkalat sila. Bawat building yata may kainan eh. Kung hindi canteen, may maliit na stall ng pishbolan sa labas.

Pa’no ko nalaman? Nilibot ko ‘yung paikot na daan kasi nabagot ako kakahintay kay Mason. Wala kasi akong ibang magawa kaya naglakad-lakad muna ako. Kesa naman maubos agad sa isang upuan ‘yung pera kong pambili ng pagkain.

Tapos nakita ko ‘yung van ng ABS CBN tsaka ng GMA sa harap ng Palma Hall! Totoo pala ‘yung  sinabi ni Mase na sobrang daming tao! Nagtutulakan pa talaga sila!

Dun ako tumayo sa kabilang daan kasi baka matapak-tapakan ako ng mga tao dun. Mahirap na. Ang liit ko pa man din. Pero dahil gusto kong malaman kung anong nanyayare, tinapik ko sa balikat ‘yung lalaking nakatayo malapit sa’kin at nakatanaw din sa mga nagkakagulo. Nginitian ko muna siya bago ako nagtanong. “Hello po, anmeron po dito? Sino pong artista ang dumating?”

Natawa naman siya. “Walang artista. Ite-televise lang ‘yung Oblation Run.”

Dahil sa sinabi niya, namilog ‘yung mga mata ko! “Talaga?! Pa’no sumali don? Gusto ko rin non!”

Bigla nalang siyang humagalpak sa tawa. Tas nung nahimasmasan na, saka lang niya pinaliwanang kung ano ‘yon.

Malay ko bang ‘yun ‘yung tawag sa mga kasama sa isang frat na tatakbong nakahubad. Akala ko kasi parang ‘yung mga marathon marathon lang. ‘Yung bibigyan ka pa ng t-shirt bago tumakbo ng ilang kilometro.

“Hindi ka taga-rito noh? I mean, hindi ka taga-UP,” kumento niya.

Umiling ako. “Hinihintay ko ‘yung Kuya ko eh. May klase pa kasi siya. Manonood ako ng Lantern Parade. Ikaw ba? Taga-rito ka?”

Hindi rin daw. Sinama lang din daw siya ng pinsan niyang dun din nag-aaral. Pangalawang beses na raw niyang manonood ng Lantern Parade.

Niyaya niya akong maglakad-lakad para pampalipas ng oras kaya pumayag ako. Sino nga ba naman ang gustong manood ng mga tumatakbong nakahubad? Tsaka nakita ko na sila Kuya kong ganun nung mga bata pa kami, ays na ‘yon! Ayoko nang madagdagan.

“Anong pangalan mo?”

“Ako si Charlie,” malapad ang ngiti kong balik sa kanya. Tas nagsalubong ‘yung kilay niyang sinulyapan ako mula ulo hanggang paa tapos nakailang ulit pa siya. Parang alam ko na ‘yung iniisip niya. “Babae ako ah. Charlotte ang tunay kong pangalan.”

Tinanong pa talaga niya kung tomboy ako. Edi sempre sabi ko hindi. Hindi naman dahil mas kumportable akong magsuot ng maluluwag o kaya ng panlalaking damit, ibig sabihin tomboy na ako. Diba nga may kasabihan na 'Don’t judge a book by its cover’? Tsaka, nagkamali na ako minsan kay Chan-Chan, kaya nag-iingat na ako, hehehe.

Ayon, sorry siya nang sorry sa’kin. ‘Di naman ako nagalit sa kanya kasi sanay naman na ako. Mukha naman kasi talaga akong tibo kaya hindi ko siya masisi.

Naikot namin nang isang beses ‘yung pa-oblong na daan. Academic oval daw ang tawag dun. Nakita pa nga namin ‘yun mga higanteng parol! May sarimanok tsaka dragon na bumubuga ng usok! Tas may mga naka-cosplay pa! Gusto ko sanang lapitan lalo na ‘yung naka-cosplay ng Byakuya tsaka Naruto eh kaso malapit nang mag-alas singko nun.

Magpapaalam na sana ako dun sa kasama ko kaso paglingon ko, wala na siya. Hinanap ko pa siya pero di ko na siya makita. “HOOOYYY!!! KUNG NASAAN KA MAAAANN!!! SI CHARLIE TOOOOO!!! ALIS NA KO AAAAHHH!!! SALAMAT SA PAGSAMA SAKEEEN!!!” Wala akong pakialam kung pinagtatawanan ako nung mga tao. Kesa naman hindi ako makapagpasalamat sa kanya. Sana lang narinig niya.

Buti nalang hindi nag-alala si Mason. ‘Yon din ang gusto ko sa kanya, may konting tiwala pa rin naman siya sa’kin, hehehe. Pumuwesto na kami sa gilid ng daan dahil magsisimula na ‘yung parada saka niya ako nitanong kung saan ako galing. Edi sabi ko naglibot-libot lang kasama nung bago kong kaibigan.

Nung tinanong niya kung sino, doon ko nalaalalang ‘di ko pala natanong ‘yung pangalan nung kasama ko kanina! Eh kase naman, para siyang tour guide kaninang naglilibot kami. Salita siya nang salita kaya nakalimutan ko nang tanungin ‘yung pangalan niya.

Maganda ba ‘yung Lantern Parade? Hmmm.. Ays lang. Patas lang sila ng Paskuhan namin, hehe. Napasama pa nga kami sa mga naglalakad dahil hinatak kami ni Ate Clarisse sa parang club nila na may parol din. Natuwa din ako sa fireworks display!

Pero sobrang nakakapagod kasi puro lakad nga ang ginawa namin. Hindi nga kami nakaupo kahit minsan. Kaya pagkauwi namin sa apartment, plakda talaga ako sa kama. Matutulog na sana ako pero pinagalitan ako ni Mason.

“Ikaw, kung sino-sino ang kinakausap mo,” pagbabawal niya sa’kin pagtapos niyang magbihis. “Tsaka, sigurado ka bang tao ‘yun? Baka naman multo. Marami kayang multo sa UP. Sabi mo biglang nawala diba?”

Napaisip ako nun. Ang astig siguro kung nakasalamuha ako ng mumu! Pero sana makita ko ulit siya kahit sa panaginip lang para matanong ko ‘yung pangalan niya para maipagdasal ko siya. Magtitirik pa ako ng kandila para matahimik na ang kaluluwa niya.

Dahil dun kaya ako nagsimulang manood ng mga series tungkol sa mga multo. Gusto ko kasi talagang malaman kung paano ko ulit makakausap si Casper—‘yun na ang itinawag ko sa lalaking nakasabay ko sa Lantern Parade.

Ilan sa mga nahanap ko ay ‘yung Ghost Lab tsaka yung Scariest Places on Earth. Pero pinakapaborito ko ‘yung Ghost Adventures! Ang angas kasi ni Zak Bagans! Hinahamon talaga niya kahit demonyo! Tas nakakatawa si Aaron kapag natatakot, ahahaha. Basta! Ang astig!

Kahit nga nung Pasko, ‘yun pa rin ang minaraton ko kasi pinan-download ako ni Kuya Mac. Pinagamit din sa’kin ni ‘Ya Marcus ‘yung laptop niya para makanood. Sabi nga nila Mama, himala raw dahil hindi ako nag-iingay. Hanggang sa naintriga na rin sila at nakinood na rin, heheh.

Pero masaya ‘yung Pasko namin kasi mas maraming pagkain kasi tumaas daw ‘yung sweldo ni Kuya Mac kaya may lechon kami, hehehe. Kaya kahit tig-iisa pa rin kaming lahat ng regalo, ays lang. Mas masaya ‘yung salo-salo ang pamilyang kumakain habang nanonood ng paranormal documentary, hehehe.

Sayang nga wala si Chan-Chan. Ansarap pa man ding takutin non, hahaha. Nasa’n siya? Nasa Hong Kong. Hanggang New Year sila don. Si Louie naman, hindi ko rin mahagilap. ‘Di ko nga makontak e. Sabi ni Mase, hayaan ko muna raw na magdiwang si bespren kasama ng pamilya niya.

Pagsapit ng bardey ko, take two lang ulit lahat ng ulam, pero ayos lang naman sa’ming lahat. ‘Di naman kami pihikan. Mabuti nga meron kaming pagkain diba?

Bandang tanghalian, may dumating na package galing kay Chan-Chan! At nung binuksan ko, bonet siya na Stitch! Pumunta raw kasi siya sa Disneyland! Magdamag ko talagang sinuot ‘yon tas ni-post ko na rin ‘yung pichurs ko para makita ni bespren na nagustuhan ko talaga ‘yung gip niya.

Habang si Louie, hindi ko pa rin makontak. Sobrang nag-aalala na ako nun, kasi ang usapan, bago maghapunan dapat nandun na siya. Kahit isama pa niya sila Kuya J at K at L, M, N, O, P, hehehe. Nakanta ko na yata lahat ng nasa nirentahan naming videoke machine wala pa rin siya.

Nung dumating si Hiro, saktong tumawag si bespren. 'Yun pala, NASA CANADA SIYA! Hindi man lang nagsasabi! Ahuhuhu. Pero sinabihan niya akong abangan si Tatay Tonyo, ‘yung drayber nila. May pinadala daw siya para sa’kin. Alam niyo ba kung anong pinadala niya para sa’kin?

ISANG BAGONG-BAGONG GITARA! Na may nakasulat na message sa soundboard! Sobrang tuwang-tuwa talaga ako sa gip niya sa’kin kaya ginanahan akong mag-aral mag-plucking. Sobrang luma na kasi nung gitara ko, hindi na rin maganda ang tunog. Pati nga sila kuya, tuwang-tuwa para sa’kin eh.

“Asan na pala ang regalo mo sa’kin?” pabiro kong tanong kay Hiro. Ays lang naman kung wala, pero tatanggapin ko kung meron, hahaha.

 “Doon sa garden. Doon mo na rin buksan. Follow the instructions ha.”

Edi pumunta naman ako sa maliit naming garden habang nagtataka kung bakit may instructions pa. Sobrang na-excite ako nung nakita ko ‘yung malaki at magandang kahon na may magandang ribbon! Sabi ko sa sarili ko habang dahan-dahang binubuksan ‘yon, eto na yata ang pagkakataong magkakabati kami ni Hiro.

Pero grabe! Pagbukas ko nun, may isa pang kahon sa loob! At isa pa! At isa pa! Sampu yata lahat nung kahon na ‘yun eh. Kahit medyo malamig non, pinagpawisan ako dahil ayokong masira ‘yung ribbon tsaka ‘yung kahon kaya natagalan ako. Tas pagbukas ko nung pinakahuli at pinakamaliit na kahon, malapad ang ngiti ko. Sempre, iniisip kong pinag-isipan pang mabuti ni Hiro ‘yung regalo niya sa’kin at nagawa niyang gumastos para sa sampung kahon.

‘Yun pala, CHERIFER SYRUP ANG LAMAN!

Sobrang nag-init na ang ulo ko nun! Pinagod niya ako sa pagbukas ng kahon tapos ‘yun lang?! Mas mahal pa yata ‘yung kahon kesa dun sa ikinahon.

“Kailangan mo naman yan! Para lumaki ka na!” depensa pa talaga niya. Hmp! Lakas talagang maka-asar non! Walang pinipili kung bardey o hindi.

Inisip ko nalang na ‘yung mga kahon ang gip niya. Buti nalang ‘di ko sinira. May paglalagyan tuloy ako ng mga origami tsaka mga sulat na nakalap ko noon.

Anong nangyari sa Cherifer? Ayon, ininom ko rin. Tumangkad ako pero isang pulgada lang yata. Kaya salamat pa rin kay Hiro.

Ganun ba talaga ako kaliit?

=====

A/N: YEEESSS.. ang haba ng kwento ni Tarlie! Nagulat din meee! Hahaha. Tumatalas na yata ang utak niya dahil marami na siyang naaalala? Hmm.. tingin niyo? Panoorin niyo pala ang Ghost Adventures, adik na adik kami nila Diwata, Mau at Erin don! Hahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 366 47
Wattys 2022 and 2023 Shortlisted "'Wag muna," mahina niyang pakiusap habang nakatulala sa harapan. Nakatitig lamang siya sa kawalan. "'Wag muna, plea...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
973K 23.5K 56
"Even the coldest heart has a beat." Laarni Saldivar's life was simple and she is contended for what she is having now. But her life will change when...
35.5K 370 63
I lived my life knowing that I was born only to die soon. I was unlucky in so many ways I could not even fathom to understand God's reasoning. I have...