~
Matagal na nakaupo si Gail sa takip ng kubeta sa loob ng C.R. Hindi naman siya naiihi o natatae sadyang wala lang siyang makitang lugar na pwede niyang tambayan para makapg-isip-isip siya sa kung ano nga ba ang desisyon niya sa inaalok sa kanya ni Yohan.
"Ano ng gagawin ko? Pag di ko tinanggap ang hinihingi niyang kasunduan sakin ay si Milee naman ang mahihirapan. Pano na to? Ayoko talaga ayoko! Pero si Milee, sa pagkakataong to ay kailangan niya ng tulong ko. Magisip ka ng mabuti Gail si Milee o sarili mo?" Yun ang patuloy na tumatakbo sa isipan niya. Nahihirapan siyang magdesisyon nang dahil na din sa kabang nararamdaman niya. "Geez, ang hirap naman nito. Can somebody help me?" Bigla niyang sabi sa sarili niya saka niya hinawakan ang noo niya.
Nagulat na lang bigla si Gail ng may biglang kumatok sa kanya. "Miss? Ayos ka lang ba diyan? May kailangan po ba kayo? Ano po bang nangyayari diyan sa loob?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ng janitress. Agad siyang napatayo at dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kubeta.
"Ah wala naman. Pasensya na. Sige po." Sabi ni Gail sa janitress at nahihiyang lumabas. Pagkalabas niya ay naupo naman siya sa upuan sa may hallway.
"Kaibigan ko si Milee at kailangan niya ng tulong ngayon pero, bakit sa ganito pang sitwasyon? Hayss." Sabi ni Gail sa sarili niya saka siya yumuko.
"Ayoko na hindi ko na alam ang gagawin ko magpapanggap na girlfriend? Pano kung hindi lang sa pagiging girlfriend ang mangyayari samin? Yun ang kinatatakot ko." Halos pabulong na sabi ni Gail sa sarili niya.
Hindi napansin ni Gail na nandun na pala si Milee nakatayo sa gilid niya at takang-taka itong nakatingin kay Gail.
"Gail? Bakit nandyan ka?" Tanong ni Milee, gulat naman na napatingin si Gail kay Milee kaya naman agad siyang tumayo at nag-isip ng idadahilan.
"Oh, M-milee? Ikaw pala yan. Kanina ka pa ba diyan?" Tanong naman ni Gail. Pinipilit niyang itago ang kaba niya kay Milee dahil hindi niya inaasahan na makikita niya ang kaibigan na nakatayo sa gilid niya.
"Hindi naman, nga pala bakit nakaupo ka diyan? May problema ka ba? Para kasing naririnig kong may sinasabi ka." Tanong ni Milee sa kanya. Agad na nanlaki ang mga mata ni Gail sa kanya kaya naman kinakabahan siya na baka narinig ng kaibigan niya ang mga sinabi niya kanina.
"Narinig mo?" Gulat na tanong ni Gail sa kaibigan.
"Ah, hindi naman. Hindi malinaw eh. Bakit ano ba yung sinabi mo?" Tanong ni Milee. Agad namang nag-isip ng idadahilan niya si Gail.
"Nakakainis! Hindi ko masabi ang problema ko. Mukhang ngayon lang ako magsisinungaling kay min lee eh! Haist okay! Para sayo min lee, para sayo."
"Ah! Wala akong problema, tsaka wala lang yun, si-si Tan kasi tumawag panira ng araw." Pagdadahilan na lang ni Gail.
"Ikaw talaga, yun lang pala eh para ka ng problemado diyan." Sagot naman ni Milee kaya tipid ngiti na lang ang naibigay ni Gail sa kaibigan.
"Ikaw nga ang problemado diyan eh, kaya naman naisip ko na mukhang kailangan mo ako kaya tutulong ako. Basta para sayo best." Sagot naman ni Gail kaya naman napangiti si Milee at niyakap ang kaibigan.
"Salamat Gail ah, napakaswerte ko talaga at ikaw ang naging best friend ko. Salamat talaga." Sabi ni Milee habang mapapaiyak na sa sobrang tuwa.
"Milee, sana maintindihan mo ang gagawin ko, para sayo ito." Sabi ni Gail sa kanyang isipan. Mahalaga talaga sa kanya ang kaibigan kaya naman, hangga't alam niya na meron siyang maitutulong ay tutulungan niya ang bestfriend niya.
Kaya naman ng sumapit ang hapon ay nagkita sina Gail at Yohan sa park at doon ay nag-usap.
"Pwede ko na bang malaman kung anong desisyon mo?" Tanong ni Yohan kay Gail habang si Gail ay nakatingin lang sa sunset dahil ang park ay malapit sa dagat kaya maganda iyong pagmasdan. Napabuntong-hininga si Gail bago harapin si Yohan.
"Sige, papayag na ako, pero pangako mo sakin na han ggang doon lang ang lahat. Gagawin ko ito ara sa bestfriend ko." Sagot naman ni Gail.
"Okay, deal na yan ah? Ngayon ako naman ang may instructions sayo. Sa party wala kang ibang gagawin kundi ang magsinungaling sa lahat ng itatanong nila." Seryosong sagot naman ni Yohan. Takang tumingin si Gail kay Yohan.
"Teka? Itatanong? Anong ibig mong sabihin?"
"Maraming media ang magtatanong sayo sa birthday ni mama, pero magsinungaling ka lang ha."
"O-o-okay, deal, pero sasabihin ko muna kay Milee ang tungkol dito." Aakama ng hahakbang si Gail paalis pero pinigilan siya ni Yohan.
"Teka, sandali lang Gail. Wag mong sasabihin ito kay Milee, at sa iba pa. Sikreto lang dapat ito."
"Ano? Pero si Milee naman ang-"
"Oo nga, pero kailangan nating magsinungaling sa kanya. Para din naman ito sa kanya eh."
"Sige, pero ngayon lang talaga, para sa kanya." Sagot ni Gail.
"Susunduin kita bukas ara sa training mo."
"Training? Para saan?" Takang tanong ni Gail.
"Oo, ah basta makinig ka na lang at sumunod okay?"
Kinagabihan ay sinabayan ni Gail na kumain sina Milee at Terrence.
"Min? Bukas na ang opera ng papa mo diba? May alam ka na ba na mapagkukuhaan mo ng perang pamabayad?" Tanong ni Terrence, kaya naman natigilan si Milee at ngumiti.
"Ah oo meron na."
"Talaga? Saan naman galing?"
"Ahm, inipon ko sa pagtatrabaho ko, medyo kulang nga lang kaya nanghiram na din ako."
"Ganun ba? Sana may maitulong man lang ako sayo."
"Meron Terrence, pwede mo siyang bantayan bukas." Singit naman sa kanila ni Gail.
"Bakit Gail? May lakad ka ba bukas?" Tanong ni Milee.
"Ah, sa resort lang magsisimula na kong magtrabaho at tsaka sabi ni sir Yohan pwede ka daw mag file muna ng lived." Paliwanag ni Gail.
"Ganun ba? Pakisabi sa kanya, maraming salamat." Ngiti naman ang itinugon doon ni Gail.
Kinabukasan ay naharap na sa operasyon ang papa ni Milee, nagpaalam naman si Gail na aalis na siya dahil sinundo na siya ni Yohan, para nga sa nangyaring kasunduan nila.
"Hay, sana nasa tabi ako ngayon ni Milee." Bulong ni Gail, pero narinig yun ni Yohan.
"Naiintindihan kita pero, para din naman sa kanya itong gagawin mo ngayon." Sagot ni Yohan.
Mayamaya pa ay nakaalis na sina Yohan at Gail papuntang resort.
~
REVISED!