WMAMTG (Unedited)

بواسطة ScarsAreBlind

13.2M 239K 38.7K

WHEN MISS ASSASSIN MEETS THE GANGSTERS PUBLISHED UNDER CLOAK POPFICTION I came from a clan of assassins who... المزيد

When miss ASSASSIN meet the GANGSTERS
CHAPTER 1 - the arrival
CHATER 2 - Oakwood University
CHAPTER 3 - First day Impressions
CHAPTER 4 - Red Night
CHAPTER 5 - I am NOT a GANGSTER!!
CHAPTER 6 - outlaw gangsters
CHAPTER 7 - when his demon awakes
CHAPTER 8 - FRIENDS?
CHAPTER 9 - Ransu~kun
CHAPTER 10 - the Organization
CHAPTER 11 - new friends
CHAPTER 12 -MISUNDERSTOOD
CHAPTER 13 - INVITED
CHAPTER 14 - you messed with the wrong person
CHAPTER 15 - Mysterious Arrow
CHAPTER 16 - Oh no! It's Friday!
CHAPTER 17 - Anino
CHAPTER 18 - Where art thou, Kiyomiko?!
CHAPTER 19 - Mikage Sou!!!
CHAPTER 20 - Gone ...
CHAPTER 21 - Truth behind Lies
CHAPTER 22 - the real her
CHAPTER 23 - trust
CHAPTER 23 - trust PART 2
CHAPTER 24 - Chances
CHAPTER 25 - Dangerous little Secrets
CHAPTER 26 - worst day ever?!
CHAPTER 27 - The Favor
CHAPTER 28 - Here Comes Trouble
CHAPTER 29 - Midnight Madness
CHAPTER 30 -The Witch, The Jerk and The Emperor
CHAPTER 31 - Darker Side of Her Demon
CHAPTER 32 - Evil Plans
CHAPTER 33 - Red Night's 7th Phantom Member
CHAPTER 34 - Back on Tracks
CHAPTER 35 - Drifting Away
CHAPTER 36 - Brother's way
CHAPTER 37 - Saturday Date-saster!
CHATER 38 - Love is Painful
CHAPTER 39 - Saving and Loosing
CHAPTER 40 - Nani wo su beki ka?
CHAPTER 41 - I KILLED HER
CHAPTER 42 - 7th Phantom Member's Challenge
CHAPTER 43 - The Bar Incident
CHAPTER 45 - Knowing the Enemy
CHAPTER 46 - Let the Game Begins
CHARACTER REFERENCE (Not an Update)
CHAPTER 47 - One Last Date
CHAPTER 48 - Boy's Talk
CHAPTER 49 - He's My ... WHAT?!
CHAPTER 50 - Karupi and the Chameleon?
CHAPTER 51 - Hangyaku to Himitsu
CHAPTER 52 - Kimochi to Sobetsu kai
CHAPTER 53 - Compromised
CHAPTER 54 - Painful Farewell
CHAPTER 55 - Seal's Last Gift (Part 1)
CHAPTER 56 - Seal's Last Gift (Part 2)
CHAPTER 57 - The Package, His Letter and She's Missing ... Again?!
CHAPTER 58 - Paying Debts
CHAPTER 59 - Importance and Priorities
CHAPTER 60 - The Night the Crow Deiti Cries Blood
CHAPTER 61 - HK Underground
CHAPTER 62 - Gangster King
CHAPTER 63 - Played
CHAPTER 64 - A New Identity: ZERO
CHAPTER 65 - What the Hell?!
CHAPTER 66 - Another Attempt
CHAPTER 67 - A Birthday Special
CHAPTER 68 - A Decision To Make
CHAPTER 69 - Behind Their Mask
CHAPTER 70 - Start of Mafia War
CHAPTER 71 - This is War
CHAPTER 72 - Unexpected
CHAPTER 73 - Hajime no Owari
CHAPTER 74 - Friends and Foes
CHAPTER 75 - It's not yet Over
CHAPTER 76 - Limitation
ANNOUNCEMENT
CHAPTER 77 - Will To Fight
CHAPTER 78 - New Enemies?
CHAPTER 79 - Red Dragons Triad
CHAPTER 80 - The Trickster's Trick (part 1)
CHAPTER 80 -The Tricker's Trick (Part 2)
CHAPTER 81 - Hide, Seek and Kill
CHAPTER 82 - The Perfect Bait
CHAPTER 83 - The End of War?
EPILOGUE

CHAPTER 44 - Unresolved

138K 2.2K 276
بواسطة ScarsAreBlind

a/n: eto na po ang update guys sana magustuhan niyo.

Hindi ko na muna isinama yung laban niya sa susunod nalang .. Hehehe ..

Sino si Nanjiro sa buhay ni Kiyo?

Sino yung dalawa pang nakamasid sa kanya?

Bakit nag balik ulit si Renz ng Shadow?

Anong gusto niyong mangyari sa date ni Hitomi and Kiyo?

daming tanong no?

sana magustuhan niyo .. Enjoy reading guys .. =)

~ScarsAreBlind~

========================================================

CHAPTER 44 – Unresolved

 

 

 

KIYOMIKO’s

 

Pag dating namin sa unit ko ay agad kong pinadala si Martin sa kwarto ko. Sa kanilang anim, si Martin ang may pinaka malalang pinsala. May ilang fractured bones siya at maraming open wounds. Di na ako magtataka kung bakit. Masyadong madadaya ang mga nakalaban nila. Nakakaasar talaga, wag lang talaga mag papakita ulit sa akin ang grupong iyon dahil baka mas malala pa ang abutin nila kaysa sa Shadows.

“Kiyo what happened to them?” salubong na tanong sa akin ni Seal. Napatingin muna ako kila Kei na halatang gulat na gulat sa pagkakita kay Seal dahil sa pag kakaalam nila ay patay na ito.

“Nabugbog sila sa bar. Buti nga at nandun din kami dahil kung hindi ewan ko nalang.” Inis na sagot ko kay Seal.

“K-Kuya? Kuya buhay ka?” Hindi pa makapaniwalang tanong ni Kei kay Jun. Napangiti nalang ako.

“Oo Kei, buhay si kuya. Pasensya na kayo at pinag alala ko pa kayo ah. May dahilan lang talaga ako kaya hindi ako agad lumabas at hanggang ngayon ay hindi pa din ako pwedeng lumabas.” Bakas ang lungkot sa boses ni Seal habang sumasagot sa kapatid niya. I wonder kung alam na din ni Oji~san na buhay pa si Seal.

“Alam ba ni dad?” muling tanong ni Kei sa kuya niya habang nilalapatan ng paunang lunas ni Yujia ang mga sugat niya.

“Hindi ako sigurado kung alam na ni dad pero sigurado akong malalaman at malalaman niya din.” Pilit ang ngiti sa sagot ni Seal.

“Excuse me guys, tawagan ko lang si Mikage.” Paalam ko sa kanila bago lumayo ng bahagya. Kailangan ko si Mikage ngayon para kay Martin.

Kinontak ko na si Mikage gamit ang SIMAN ko. Maya maya lang ay sinagot na niya ang tawag ko.

“Yes baby napatawag ka? Miss mo ko?” Nakakalokong tanong sa akin ni Mikage. Sira ulo talaga tong lalaking to.

“Pag tumawag miss agad? Di ba pwedeng may kailangan lang?” inis na sabi ko sa kanya.

“Sabi ko nga may kailangan ka lang.” malungkot na sabi niya. Nahiya naman tuloy ako bigla. Miss ko na din naman talaga siya. Wala na kasing maingay sa bahay.

“Tsk. Drama naman, haha miss din naman kita pero hindi yun ang dahilan bakit tumawag ako. Ang Red Night kasi napalaban and Martin is severely injured. I need your help. Pwede ka bang pumunta ngayon dito sa bahay?” mahabang paliwanag ko sa kanya ng sitwasyon.

“Sure. Punta na ako ngayon. Bye babes.” Sabi niya sabay pinutol na agad ang tawag. Tsk. Nag mamadali lang? Hayaan na nga.

Matapos ang tawag ay bumalik na ulit ako sa sala para sana tumulong sa pag gamut kila Ryuu pero nagulat ako ng pagbalik ko ay nandoon na sila Kuya Kyohei, Light, Shin at ate Raphie. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari ah?

“Kiyomiko! Seal’s room! Now!” napaayos ako ng tayo sa sigaw ni kuya Kyohei. Patay ako nito! Binuo na ang pangalan ko, matinding sermon to. Sumunod na ako agad kay Kuya Kyohei sa kwarto.

Pagpasok na pagpasok ko palang isang matinding sigaw na agad ang sumalubong sa akin.

“Kiyo! Ano na naman ba itong pinasok mo?” pasigaw na tanong sa akin ni kuya Kyohei. Napayuko nalang ako. Alam kong tungkol ito sa amin ni Hitomi.

“Kuya, kailangan kong gawin yun! Papatayin niya si Seal.” Halos pabulong na sagot ko kay kuya.

“Pero hindi ka pa din dapat nag desisyon sa sarili mo!” Pasigaw pa ding sermon niya sa akin.

“Pero kuya –” hindi na ako pinatapos ni kuya sa sasabihin ko.

“Sa tingin mo ba natutuwa si Seal sa ginawa mo? Kiyo, siya dapat ang nag liligtas sayo! Kahit anong mangyari, kahit mamatay pa siya masiguro niya lang na ligtas ka. Pero sa ginawa mo, parepareho tayong mananagot sa nakatataas pag umabot sa kanila to.”

“Kuya, hindi kita maintindihan. Bakit ba galit na galit ka sa pagligtas ko kay Seal? Kung tutuusin wala pa yun sa lahat lahat ng nagawa niya para sa akin. Tsaka relasyon lang ang hinihinging kapalit ni Hitomi bakit ba big deal sa inyo yon at kailangan pang umabot sa nakatataas?” naguguluhang tanong ko kay Kuya.

“Responsibilidad ni Seal na iligtas ka lagi dahil guardian mo siya! Hindi mo kailangang tanawin na malaking utang na loob sa kanya yon dahil trabaho niya yon. Tsaka nag iisip ka ba Kiyo?! Si Hitomi ang anak ng traydor na si Mouru Takishima natural lang na big deal sa amin ang pakikipag relasyon mo sa kanya! Kung yung relasyon mo nga kay Takihiro na mula lang sa kalabang angkan tinutulan nila yung sa anak pa kaya ng traydor.” Natulala ako sa mga binitawang salita ni kuya pero mas nag iwan ng malaking tanong sa akin ang katotohanang guardian ko si Seal. Kailan pa? Dahil lang ba doon kaya lagi siyang nasa tabi ko? Ginagawa niya lang bay un dahil sa responsibilidad niya ako? Akala ko pa naman …

“Kailan ko pa siya naging guardian kuya? Bakit hindi niya sinabi sa akin? So all this time, nasa tabi ko lang siya dahil sa responsibilidad niya sa akin? Tsaka bakit binigyan pa ako ng guardian? Kaya ko ang sarili ko.” Nanlulumong tanong ko kay kuya. Unti unting nawala ang bahid ng galit sa mga mata niya at napalitan ng kung anong awa.

“Kiyo, I want you to listen carefully. Haay, binigyan ka ng guardian simula ng mapatay mo si Mouru Takishima. Si Seal ang inatasan ni oto~sama na magbantay sayo dahil ayaw niya na mapahamak ka. Ayaw na naming makita ulit yung Kiyo na pumatay kay Mouru at alam ni dad ang koneksiyon niyo ni Seal kaya siya ang naatasan. Siya lang ang may kakayahang pakalmahin ka. Kiyo, sa maniwala ka man o sa hindi, ginawa lang yun ni dad dahil mahal ka niya. And I guess, Seal loves you so much kaya mas minabuti niyang wag nang sabihin sayo dahil baka ganyan ang isipin mo, baka isipin mong responsibilidad ka lang niya kaya siya nasa tabi mo.” Mahabang paliwanag sa akin ni kuya. Gets ko yung point niya pero sadyang mahirap lang tanggapin. Ganun ba ka fragile ang tingin nila sa akin at kailangan ko pa ng tagabantay? Wala ba silang tiwala sa akin? Nakaka inis! Pakiramdam ko sa kabila ng pagsisikap ko wala pa rin silang bilib sa akin. Dahil ba sa babae ako? Dahil ba sa ako lang ang nag iisang babae sa pamilya namin? Hindi ko pa ba napapatunayan yung sarili ko sa kanila at kailangan pang may magbantay sa akin?!

“Kiyo, I want you to understand that everything that we did is for your own good. Now, I want you to break up with that bastard Hitomi.” Firm na sabi ni kuya.

“Yeah, I know that. Pero kuya, I cant break up with him. I need to finish this. Kailangan kong gawin ang napangako ko na. Isang buwan lang kuya, isang buwan lang. Please naman, magtiwala kayo sa akin. Hindi ko hahayaang mapahamak ako.” Firm din na sagot ko kay Kuya. Hindi ako pwedeng bumitaw ngayon, para kay Seal, para sa akin at para kay Lance. Alam kong konektado na rin siya dito base sa kilos niya at sa pagkuha sa kanya ni Hitomi. Una na akong naghinala noong sinabi niya sa aking dapat maging masaya ako dahil nag balik na si Seal tapos yung pag iwas niya sa akin at lalong tumibay ang hinala ko ng kunin siya ni Hitomi kanina. Kailangang iligtas ko din si Lance.

“Haay, ang tigas ng ulo mo. Isang buwan lang Kiyo. Pagbibigyan kita sa loob ng isang buwan. Pero gusto kong ipangako mo sa akin na dapat alam ko ang lahat ng kilos mo! Hindi dahil saw ala akong tiwala sa yo, Kiyo, nag aalala lang ako. Kuya mo ako at natural lang sakin na mag alala lalo na’t hindi natin alam kung anong balak sayo ng Hitomi na yun.”

“Salamat sa tiwala kuya.” Halos pabulong na sagot ko. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni kuya Kyohei.

“Aish. Ikaw talaga. Alam mo bang halos mamatay na ako sa kaba simula ng sabihin sa akin ng kuya Kisune mo na si Hitomi ang boyfriend mo? Mahal ka namin okay? Mahal ka ni dad, ni Kisune, ni Seal, ni Light, ni Shin, ni Yujia. Mahal kita kaya ganto kami sayo, sobra sobra ang tiwala namin sayo pero sabra sobra rin ang takot namin na mawala ka sa min kaya ganto kami kahigpit. Naiintindihan mo ba yun Kiyo? Ikaw ang nag iisang prinsesa namin nila dad kaya naman ayaw naming mapahamak ka. Natatakot kami na baka sa susunod na hindi mo makontrol yang demonyo sa katawan mo eh mapahamak ka. Iyon ang ayaw naming mangyari. Naiintindihan mo ba?” mahabang paliwanag ni kuya. Ramdam ko yung pagmamahal sa kin ni kuya kaya hindi ko naiwasan ang maluha. Siguro nga masyado lang akong nag iisip kaya nakaligtaan ko yung nag iisang dahilan nila bakit sila ganto sa akin. May tiwala sila sa akin kaya dapat lang na mag tiwala din ako sa kanila.

“Wakarimashita onii~chan. Moshi wa kearimasen ga totemo ganko sare te i masu. Watsahi wa tsuneni anzen ni nari masu anata kore iixyou no shinpai wa koto wo yakuso kushimasu.” (I understood. Sorry for being so stubborn. I promise I will always be safe so that you will worry no more.) Sincere na sabi ko kay kuya.

“Oo na. Wag ka na mag pa cute. Tara na sa labas at tulungan na natin silang gamutin ang mga kaibigan mo.” Sabi ni kuya na ginulo pa ng bahagya ang buhok ko bago kumalas sa pagkakayakap at hinila na akong palabas.

Paglabas namin sa kwarto ay naabutan namin sila na nag kukwentuhan na s sala. Mukhang tapos na nilang gamutin sila Ryuu dahil may mga benda na sila sa mukha at braso. Nakiupo na din ako sa kanila. Tumabi ako kay Seal at isiniksik ang sarili ko sa gilid niya. Nasa one seater kasi siya naka upo. Kasya naman kaming dalawa kaya ayus lang. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya, ramdam kong napatingin siya sa akin.

“Salamat Seal.” Bulong ko sa kanya.

“Wag mo sanang isipin na responsibilidad ka lang sa akin kasi mas malalim pa doon ang dahil ko.” Bulong niya din sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya. Nginitian ko siya bago sumagot.

“Alam ko Seal. Alam ko.” Sagot ko sa kanya.

“Ehem! Nandito pa kami oh.” Biglang singit ni Kurt kaya naman napabaling ang tingin namin ni Seal sa kanya.

“Relax. Wag niyo naman ako patayin sa tingin.” Alangang sabi ulit ni Kurt kaya naman napatawa nalang kami. Loko talaga. Nagpatuloy nalang kami sa kwentuhan. Pero ilang sandal lang ay bumukas ang pinto ng kwarto ko at lumabas mula doon si Mikage na kanina pa daw nandoon. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya.

“ Mikage, kamusta na si Martin? Okay na ba siya?” Agad kong tanong kay Mikage.

“He will be fine pero for now, he need rest. Saan ba ang unit niya? Kailangan na natin siyang ilipat doon para makapag pahinga na siya ng maayos.” Sabi ni Mikage na ikinatuwa naming lahat.

“Samahan ka na namin sa unit niya. Uwi na rin kami para makapag pahinga na.” sabi ni Kei na sinang ayunan naman ng iba. Masyado na ngang malalim ang gabi.

Pinagtulungan na nga nilang buhatin si Martin gamit ang improvised stretcher na ginawa ni Mikage mula sa kumot at dalawang steel rod ko. Nang makaalis na sila ay sumunod na ding umuwi sila kuya.

Nagpasya na din kami ni Seal na mag pahinga na. Masyadong marami ang nangyari ngayon at paniguradong marami na namang mangyayari bukas. Kailangan ko pa ding maghanda dahil magkikita kami bukas ni Hitomi. Kamusta na din kaya si Lance? Sana naman ayus lang siya.

Kinabukasan, maaga akong nagising at napag pasyahan kong ako nalang mag hahanda ng agahan namin. Matapos kong magluto ng masarap na hotdog at itlog ay agad na akong kumain at nag asikaso sa pag pasok sa school.

Pagdating ko sa school, ay agad akong bumaba sa kotse ko. Gusto ko silang makausap. Si Lance, si Ryuu, si Raven, gusto ko silang makausap. Naglalakad na ako papunta sa building namin ng may biglang humarang sa akin. Napatigil ako ng makita kung sino iyon.

“Long time no see, my witch.” Bati niya sa akin. Biruin mo nga naman, buhay pa pala ang isang to.

“Prince of jerk, anong masamang hangin ang nag dala sayo dito?” nakakalokong tanong ko sa kanya.

“Wala naman, kinakamusta ko lang naman yung taong dahilan ng pagkakaospital ko.” Nakangising sagot sakin ni Renz. Ang dakilang lider ng Shadow. Pasalamat siya, lumipas na ang galit ko sa kanila dahil kung hindi baka bumalik ulit siya sa ospital.

“Well as you can see, I’m fine. Ready to kick your ass again.” Nakangisi ring sagot ko sa kanya.

“Oh good to hear that. See yah around. Ingat ka nga pala, maraming naghahangad na matalo ka.” Makahulugang sabi niya bago ako nilagpasan at nag lakad na palayo. Napataas nalang ang kilay ko sa sinabi niya. Malamang tinutukoy niya yung tungkol sa challenge ko bukas. Sorry to disappoint you prince of jerk, I’m born ready to fight.

Nag patuloy na ako sa pag lalakad ko hanggang makarating ako sa room. Wala pa masyadong tao. Naglakad na ako papasok patungo sa pwesto ko pero bago ako makarating sa upuan ko ay hinarang ako ng isang grupo ng mga lalaki. Mga kaklase ko ata to. Well I don’t give a damn.

“What do you need?” Bored na tanong ko sa kanila.

“Tutal naman wala pa ang Red Night, wala pang magtatanggol sayo. Sumama ka muna sa amin, maglaro tayo.” Sabi sa akin nung nasa harap ko. Red Night tagapagtanggol ko? Nagpapatawa ba sila?

“Sorry, I’m not interested so if I were you, move.” Walang gana pa ring sabi ko sa kanila.

“Hahaha, nag papatawa ka ba? Sino ka para utusan kami?” sabi nung isa.

“Sumama ka nalang sa amin. Saglit lang naman tayo eh.” sabi pa nung isa.

“Alin ba sa salitang hindi ako interesado ang hindi niyo maintindihan?” inis na tanong ko sa kanila. Kairita naman tong mga to. Hindi naman mga gwapo pero kung makapag pa cute wagas.

“Tamang mo ah? Napasama ka lang sa mga mayayabang na Red Night yumabang ka na din. Hahaha. Sorry miss pero wala dito ang mga tagapagtanggol mo. Wala kang laban sa amin kaya sumama ka nalang.” Sabi ulit nung nasa harap ko.

“Ikaw ata ang nag papatawa mister. Kayo? Hindi ko kaya? Hahaha ikaw ang nag papatawa. Tabi nga diyan ang papangit niyo!” Pang aasar ko sa kanila. Mukhang makakapag exercise pa ako ngayon ah.

“Loko ka ah!” Sigaw nung isa at akmang hahawakan ako sa kamay. Pipigilan ko na sana siya pero may isang kamay na naunang pumigil dun sa lalaki. Pag lingon ko, yung bagong prof pala.

“What’s the commotion here?” seryosong tanong nung bagong prof sa mga lalaki sa harap ko.

“Wag ka ngang makialam dito, prof ka lang. Baka gusto mong masaktan?” mayabang na sabi nung pinaka lider nila. Bastos eh. walang galang sa prof.

Nagulat ako ng bigla nalang silang tumumba isa isa. Woah! Ang bilis. Ang astig naman nitong prof na to. Ala niyo ba ginawa niya? Pinaghahampas niya sa leeg isa isa yung mga lalaking humarang sa akin. Walang pakundangan na prof din eh.

“Okay ka lang Kiyo?” Tanong niya sa akin. Teka, bakit ako kilala nito?

“Kilala mo ko?” tanong ko sa kanya.

“Oo naman. Wag mo sabihing di mo ko kilala? Hindi pa ba nila nasasabi sayo?” Nakakunot ang noong tanong niya sa akin. Ano daw? Di ko siya maintindihan.

“Ano bang sinasabi mo sir? Di kita ma gets eh.” alangang tanong ko sa kanya.

“Kiyo!” napatingin ako sa may pinto ng may biglang tumawag sa akin.

“Kuya Kisune? Anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko sa kanya.

“Nanjiro, not now.” Imbes na sagutin ako ni Kuya ay kay prof siya tumingin. Nanjiro? Ay tama, yun ang pangalan nitong bago naming prof pero anong not now ang pinag sasasabi nitong si Kuya? Magkakilala sila?

“Why not? Malalaman at malalaman rin naman niya. Bakit ba pinapatagal niyo pa?” inis na sabi ni prof Nanjiro kay Kuya.

“Give us more time para ihanda siya.” Sabi naman ni Kuya. Teka nga. Naguguluhan na talaga ako eh.

“Kuya. Ano bang pinag uusapan niyo? Di ako makarelate eh. Tsaka bakit Nanjiro lang tawag mo kay Prof?” Singit ko sa usapan nila. Nagkatinginan naman silang dalawa at para bang nag uusap sa mata.

“Saka ko na ipapaliwanag Kiyo. Tara samahan mo muna ako sa cafeteria. Ibre kita.” Sabi ni kuya Kisune sabay hinila na ako palabas. Nagtataka man ay wala na akong nagawa kung hindi magpahila sa kanya lilibre naman daw niya ako eh.

AUTHOR’s

 

Sa pag alis ni Kisune at Kiyomiko, tatlong pares nang mata ang matiim na nakatingin sa kanila.

“Masyado niyo pang pinapatagal. Mas mahihirapan siyang tanggapin pag pinatagal niyo pa.” Pabulong na usal ng binatang naiwan sa loob ng room na pinanggalingan nila.   

Sa di kalayuan naman, puno ng galit at pagnanasang makitil ang buhay ni Kiyo ang mababasa sa mata ng isa pang binatang matiim ding nakamasid sa kanya.

“Mahuhulog ka din sa mga kamay ko Mayonaka. Sa muli nating pagkikita sisiguraduhin kong wala ng ibang makakapagligtas sayo.” Sambit ng binata at tuluyan na din nilisan ang punong pinagtataguan.

Mula naman sa opisina ng director ng paaralan ay nakatayo malapit sa bintana ang isang ginoong nakamasid din sa bawat kilos ni Kiyomiko. Batid niya ag nalalapit na labang kakaharapin ng dalaga.

“Kayanin mo sana ang lahat Kiyo. Malapit ng magsimula ang totoong laban mo.”

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

194K 4.9K 24
Pag nerd ba pangit na agad? Pag nerd ba may pimples na agad? Pag nerd ba losyang? pag nerd ba wala ng confidence? Pag nerd ba AKO na agad? Agad-agad...
540K 19.3K 28
EMPIRE HIGH Book II "He died. I died. They'll die."-Empress Fuschia M. Morrigan Death is always upon her. Hunting and Dragging her there. She's used...
85.1K 5.1K 35
[Completed] Highest Rank Achieved: #3 in Historical fiction. May 23, 2021 Isang lumang aparador ang nagdala saakin sa nakaraan, sa taon ilang dekada...
1.4M 27.2K 46
[Editing] 'Cold-Hearted' walang emosyon o walang pakiramdam sabi nila. Para saakin may nararamdaman din sila, tao yan eh =__= hindi lang nila pinapak...