Switszie Hotel
Time Check: 12:00 am
"Hay! Nandito na tayo!" kanya-kanya sila ng baba ng makarating sila sa condo na pinakuha muna saglit ng kanilang mga manager para mamaya hindi na nga naman sila mahirapan pagkagising nila
Nandun na ang lahat ng kailangan nila. Pinaasikaso kasi talaga iyon ng mga manager nila para sa kanila. Mga bagong damit. Mga pagkain sa refrigerator at kung anu-ano pang kailangan nila. At syempre pinadala na din doon yung mga gagamitin nilang instrumento para mamaya.
"Wow!" na-amazed si Michelle sa ganda ng kwarto paboritong kulay niya kasi ang nakapintura dito kaya nagandahan siya
Nakangiti namang tumingin si Dana sa paligid habang tinitignan ang bawat sulok ng bahay. Dumiretso siya sa kama at bumagsak ng higa.
"Hay! Ang lambot!" tuwang-tuwa si Danang nag-aaldog-aldog sa kama
Nakangiti rin si Edward na pinagmamasdan lang si Dana na matuwa sa lahat ng makikita. Tulad nalang ngayon pinagmamasdan niya si Dana na nakahiga sa kama. Napangiti siyang lalo ng may maisip na kalokohan.
"Sige nga! Patabi para malaman natin kung malambot nga!" humiga din si Edward sa kama
Nakatingin sila parehas sa kisame. Maya-maya ay natawa si Dana ng hindi niya alam din kung bakit siya natuwa.
"Hahaha! Ang saya!" napatingin si Edward sa kanya. Hindi kasi niya matukoy kung ano ang ikinasaya naman ni Dana. Tinitigan lang niya si Dana na tumawa at ngumiti. Para kasi sa kanya yun yung nagpapaalis ng kanyang pagod sa araw-araw
Dana.
Napakaganda mong halimbawa na babae sa lahat.
Napangiti si Edward habang pinagmamasdan si Dana.
Mukhang nakaramdam naman si Dana kaya tumingin siya sa gilid niya kung saan makikita niya ang mukha ni Edward na nakangiti sa kanya. Napangiti din siya sa mga ngiti ni Edward ng biglang nag-ring ang cellphone niya.
"Anong laking hirap kung pagka-iisipin.."
*Dana's Ringtone*
"A-Ay! A-andali nga!" nag-aapurang tumayo naman na si Dana sa kama para hanapin ang cellphone niya
Sa tagal ng paghahagilap ay nakita niya rin sa wakas!
"Hay.." bulong niya
"A-ah hello po Madaam? Nandito na po kami..."
"So? Nakita ninyo na siya?"
"Ah opo.."
"Nagustuhan ninyo ba?"
"Opo naman! Ang ganda nga po ih!"
"Oy! Dana! Si Madaam ba yan?!"
"A-ah oo bakit?!"
"Dana, bakit may nangyayari ba dyan?"
"Ah wala naman po..."
"Eh ano ba yung kailangan ni Michelle?"
Tumatakbong lumapit si Michelle kay Dana para kunin ang cellphone.
"Madaam! Madaam! Salamat po talaga sa condo! Ang ganda po niya!" si Michelle na makikita mo ang saya
Lumakad si Michelle palabas ng kwarto kung nasan sila Dana at Edward.
Michelle's POV
Tuwang-tuwa talaga ako sa kwarto namin ni Erick. Ay este sa kwarto na pinareserve sa akin! Ang ganda talaga niya! Kabisado talaga ni Madaam ang taste ko! Waahh!!! Kaya nong narinig ko na tumawag kay Dana si Madaam ay bigla ko itong kinuha at eto na nga nagpapasalamat.
"Madaam! Madaam! Salamat po talaga sa condo! Ang ganda po niya!"
"Hahaha! Ikaw talaga Michelle!"
"Eh Madaam!" pag-aatungal ko "paborito ko lang naman kasing kulay yung pina-reserve mo sa akin na kwarto!"
"Oo! Alam ko! Alam ko namang paborito mo nga yun..."
Napangiti naman ako.
"Salamat po ah?"
May naramdaman akong kumilos sa may bandang likuran ko. Para kasing may lumabas din. Tumingin ako kung sino yun at nakita kong si Erick lang pala. Napangiti ako sa kanya at ganun din siya. At yun nga nagkangitian lang at bumalik na ulit ako kay Madaam na nagsasalita na.
"Oo. Ikaw pa. Alam mo namang mahal na mahal ko kayo..."
"Ashuu! Madaam! Hahaha!"
"Oh sige! Maya nalang. Magkikita-kita rin naman tayo mamaya. Magpahinga muna kayo dyan..."
"Opo..."
Pabalik na sana ako sa loob ng makita ko nga si Erick na nandun pa rin.
"Oh? Bakit nandito ka pa?" napangiti ako napakagwapo talaga ng mahal ko. Oo mahal ko! Bakit may angal kayo?! Akin lang yan kahit ba di ko pa sinasagot yan. Tinitigan ko siyang mabuti napagmasdan ko ang buhok niyang gulo na bumaba papunta sa katawan niya. Napalunok ako. Naku po! Michelle minamanyak mo na naman ng palihim si Erick.
Nangiti lang siya. Andali? Nahalata niya kayang minamanyak ko siya ng palihim?
"Hindi kasi ako makatulog na wala ka sa tabi ko eh.."
A-Andali? Bakit ata parang papunta siya sa akin? Ng makalapit siya ay bigla niya akong hinalikan sa labi ng mariin nakahawak siyang sa aking mga batok na naging dahilan pa ng aking pagkakiliti. Hindi ako nakaimik. Nagulat ako. Pero mga ilang minuto ay sinuklian ko rin ang mga halik na iyon mula sa kanya.
"E-Erick..." bulong ko bumababa na kasi ang halik niya mula sa labi ay napunta na sa leeg ko. Napapikit ako sa pakiramdam na nararamdaman ko ngayon
"E-Erick..." pag-ungol ko sa pangalan niya
Nang nararamdaman na niyang pumapayag ako sa ginagawa niya ay tumigil na siya at tinawanan ako.
"Hahaha!" napadilat ako
Pinagtatawanan pa rin ako. Inirapan ko siya. Langya to! Binibitin ako ih? Siya kaya bitinin ko minsan? Bweset! Padabog akong pumasok sa loob.
"Oy! Babe, Andali!" nagdire-diretso ako hindi ko pa rin siya pinapansin
Papunta ako ngayon sa kwarto nila Dana.
"Dana!" kumakatok ako sa pinto.
"Dana!" nag-aapura na ako! Ayokong maabutan ako ni Erick
"Oh bakit?" bumukas yung pinto at iniabot ko na sa kanya ang cellphone niya
Inis akong umirap kay Dana.
"Oh ano na naman bang problema?" natatawa siya sa akin. Eh pano kasi siguro yung itsura ko?
"Si Erick kasi! Grrrr!!!" inis akong napasabunot sa buhok ko at nagpapadyak-padyak
"Hahaha! Okey lang yan! Lagi naman kayong ganyan pero nagkaka-ayos parin kaso ih.." oo nga no? Hahaha! Pero talagang inis ako! Ikaw ba naman kasi gaguhin ng ganun
Sharlot's POV
(Sa wakas! Ako na rin ang POV)
Nagising ako sa mga naririnig kong kalampag sa kabilang kwarto. Langya! Sino naman ba kasing katabi naming kwarto? Napakamot ako sa ulo ko nong bumangon ako. Naisipan kong tignan kaya nagpatuloy na ako sa pagbangon. Tinanggal ang kumot at aaktong tatayo na ng biglang hinila ako sa braso ni Eziquel na katabi ko lang.
"Hmm..." ungol niya
Napatingin naman ako sa kanya.
Ano bang problema nito?
Aaktong tatayo na ulit ako ng biglang hinila na niya ako tuluyan palapit sa kanya.
"A-ano ba Eziquel?"
"Hmm..D-dito ka lang..." nakayakap siya sa akin mula sa likod. Di ko alam kung ano ang gagawin ko nag-iinit na rin ang pisngi ko
"Eh?" pagrereact ko
Lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin. Kaya hindi ko na naituloy ang plano kong umalis. Nakatulog ako na ganun na ang pwesto namin.
Mikaela's POV
Naalimpungatan ako sa paggalaw ni Marvin. Yumakap siya sa akin. Napatingin ako sa mukha niya. Napakacute talaga niya.
Grr... Sarap panggigilan!
"Oy! Baby ko anong tingin iyan?" ay? Gising pala siya?
Hindi ko siya pinansin. Bumaling lang ako sa kanan ko para hindi na niya makita ang reaksyon ng mukha ko at syempre ng mga ngiti ko hahaha!
"Krookkkk!" napabaling ako sa kaliwa ko kung nasan siya. Napatitig sa kanya at natawa
"Hahaha!!!"
"Baby! Nagugutom na ako! Pakainin mo na ako!" para siyang batang nanghihingi ng pagkain ang itsura! At tsaka umakto pa siyang sumasakit ang tyan niya
Naalala ko nga pala? Hindi na kami nag-lunch.
"Ayoko nga!" nakatayo na ako at binuksan ang lampshade na kanina ay nakapatay
"Ayaw mo ah? Halika dito!"
"Hahaha! Blee!!! Ayoko nga!"
"Halika!!!"
Naghahabulan kami at naghahagisan ng unan sa loob ng kwarto. Kahit ba madilim dito tuloy pa rin kami.
Tumigil lang kami ng makaramdam kami ng pagod.
"Hay..."
"Hahaha! Lagot tayo n-niyan keyla Ate Sharlot at Dana.."
"B-bakit naman?"
"Sila yung nasa magkabilang kwarto ih..."
Hingal na hingal pa rin kami kaya parehas pa rin kaming naghahabol ng hininga
"Hahaha.. Yaan mo na.." nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko
"Halika kain na tayo?" siya na tumayo na
"Sige..."
Bababa na kami para makapagluto na ng available sa ref.
"Baby, anong gusto mo?"
"Ikaw..." si baby na seryosong nanlilikot ang kamay sa lamesa
"Ehhh!!! Baby naman eh!!!" ako na kinikilig hahaha! ('∀`)♡
"Ikaw nga kasi..." tumingin siya sa akin at ngumiti ng sobrang cute
Waaahh! Baka lalo akong mainlove sayo Marvin! (♥ω♥*) Kainis ka!
"Ehhh! Baby naman! Yung ulam na gusto mo! Hindi tao!" pag aatungal ko
"Ah hehehe. Kahit ano baby. Yung kung anong meron dyan..."
"Ah sige.." nakangiti kong sabi sa kanya
Michelle's POV
Nagising ako na nasa braso ni Erick ang ulo ko at nakapatong ang braso niya sa bewang ko. Nakaamoy din ako ng? Mukhang may nagluluto sa baba ah? Makababa nga. Tatayo na ako ng maalala kong nandito nga pala ang braso ni Erick. Hayss! Ano ba naman yan?
"Krookk!" nakaramdam ako ng pagrereklamo ng tyan ko kaya napahawak ako dito
Binuhat ko ang braso niya na nakapatong sa tyan ko at inalis ito sa pagkakapatong. At nang makaalis na ko ay dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Sh*t! Nakalimutan ko nga palang hindi pa pala kami nagtatanghalian. Sa sobrang pagod hindi na namin namalayan.
Bumaba ako. Grabe! Takam na takam na ako! Sino kaya ang nagluluto? Sa pagbaba ko ay nakita ko si Mikaela na nagluluto at si Marvin na nakaupo dun sa hapag kainan. Mukhang hinihintay ata ni Marvin ang luto ni Mikaela. Natanaw ako ni Mikaela at nginitian ako.
"Good Morning Ate Michelle!!!"
Ngumiti ako.
"Good Morning din bebe ko!"
Dumiretso ako sa hapag-kainan at umupo doon.
"Ahmm.. Be ano yang niluluto mo?"
"Ah bacon,egg then hotdog..."
"Ah be? Pwede ako rin? Nakakagutom ih? Nakalimutan pala natin kumain kanina..."
"Oo nga Ate ih.. Gutom na rin kami. Pero Ate wag ka ng mag alala kasama ka na dito. Marami naman na kasi akong niluto. Kasi baka nga magising kayo ganun..."
"Salamat bebe!" nakangiti kong saad
Time Check: 4:00 pm
Nagising si Dana. Nagmuni-muni ng biglang may naalala siya.
"Ay! Sh*t! Anong oras na?!" napatingin siya sa relong nasa gilid nila ni Edward
"Oy! Edward! Edward! Gising na!" pinagkakalabit niya si Edward para magising
"Hmm... A-ano ba?" nagkukusot ng mata si Edward habang tinitignan si Dana na nagmamadaling nag-aayos ng mukha sa salamin
"Oy! Gumising ka na dyan! Edward!" tumabi ulit si Dana ngunit nakaupo lang ito
"Eh yoko pa! Halika muna dito..." hinila siya ni Edward para mahalikan ito saglit. Yung smuck lang.
"Ehh!!! Edward kasi!" nagpupumiglas si Dana sa yakap ni Edward
"Hmm... Ang bango talaga ng BabySungit ko!" nasa leeg na ni Dana si Edward at inaamoy amoy to
"Ano ba Edward! Nakikiliti ako! Hahaha!"
"Hmm.. Ang bango bango!" hindi pa rin tinitigilan ni Edward si Dana kahit ba kiliting kiliti na ito
Napahinto lang sila ng magkatitigan sila na pinutol naman ni Dana. Tumayo na siya at hinahatak patayo si Edward.
"Halika na kasi!" hinihila ni Dana si Edward na tamad na tamad bumangon
"Eh kiss muna!" ngumunguso namang sabi ni Edward
"Heh! Magtigil ka! Nagugutom na ako!" binitawan na ni Dana si Edward at iniwanan si Edward
"Oy! BabySungit! Hintayin mo ako!" nangiti si Dana dahil narinig pa niya ang sigaw ni Edward mula sa kwarto
Nagmadali naman si Edward na lumabas sa kwarto. Hinahabol si Dana. Samantalang si Erick naman ay nagising na rin. Kinapa-kapa yung katabi niya. Nagulat siya ng wala siyang makapa.
"M-Michelle!" napaupo siya bigla ng makitang wala na dun ang dalaga
"M-Michelle! Babe ko!" dagli-dagling nagbihis si Erick ng t-shirt at lumabas ng kwarto
"Michelle! Babe ko!" parang gag* si Erick na naglililingon sa paligid nasa taas kasi siya
Natatawang sumagot si Michelle galing sa baba.
"BABE! ANDITO AKO!" sigaw ni Michelle mula sa baba. Napapangisi pa nga siya kasi nagsisimula na namang maging paranoid si Erick ih
Nagmamadaling bumaba si Erick.
"Babe ko!" nagtatatakbo si Erick para lang makalapit kay Michelle. Nabunggo pa nga niya si Edward ih na halos kasabay niya lang
Napatanaw nalang si Edward kay Erick. Pinagmasdan itong tumakbo. Natawa siya nong nakita niya yung ginawa ni Erick kay Michelle.
"Babe ko! Akala ko iniwan mo na ako!" yumakap si Erick kay Michelle na parang wala ng bukas. Natawa si Edward at Ezy.
"Pare! Hahaha! Bakit natatakot ka bang maunahan ka ng iba?" si Edward na may kasamang ngisi at umupo na rin doon.
"Hahahaha! Oo nga!" Si Ezy na kasama si Sharlot na kabababa lang galing sa taas. Napansin kasi niya yung nangyayari
"Mga gag*!" lalong yumakap si Erick kay Michelle na ikinabweset naman ni Michelle
"Ano ba Erick?! Kumakain ako eh!" inis na sabi niya sa lalaki
"Babe, sorry na..." bumitaw na si Erick sa pagkakayakap niya kay Michelle dahil alam niyan na pag tinawag na siya sa pangalan. Ay naku! Galit na si Michelle niyan
Umirap si Michelle kay Erick.
"Kagabi ka pa ah?" tumingin si Michelle sa gilid na inis pa rin kay Erick
"Naku! Lagot ka na niyan Erick! Mukhang walang tabi-tabi mamaya..."
Sinamaan naman ng tingin ni Erick si Ezy na nagsalita ng ganun sa kanya. Natawa nalang si Ezy sa inasal ng kaibigan at napailing. Inalalayan naman ni Ezy si Sharlot na umupo. At syempre umupo na rin siya.
AN:
Ah! Hello readers! 👋👋👋 Hanggang dito muna po ulit! Sensya na po kung pabitin ako ah? Mamaya nalang po ulit yung kadugtong? Next chapter na po ang kadugtong.
So? Yun lang! Sa mga silent readers ko dyan na minimessage lang ako! Comment naman kayo! Wag puro votes or reads lang! Hindi naman ako nangangagat na Author ih! So yun lang!
Lovelots 😘😘😘
-Dayeyeng17