Sadako's First Love

By BadReminisce

698K 22.4K 2K

Even the scariest girl in the world has her own love story. More

Sadako's First Love
Teaser
Prologue
Chapter 1. "A knight in a school uniform"
Chapter 2. "Saving Sadako"
Chapter 3. "Nerdy Prince"
Chapter 4. "Somethin' Fishy"
Chapter 6. "My knight is jealous?"
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.
Chapter 36.
Chapter 37.
Chapter 38.
Chapter 39.
Chapter 40.
Chapter 41.
Chapter 42.
Epilogue
Author's Note
Send Your Review!
ANNOUNCEMENT:

Chapter 5. "Love Hunt"

18.5K 654 63
By BadReminisce

                   

Chapter 5. "Love hunt"

Amiko's POV

"Late na ko!" Agad kong kinuha ang bag ko at mabilis na nagsuot ng sapatos at kumaripas na lumabas na ng bahay.  Pero pag labas ko ng bahay.

"Francis?" Bigla kong sabi. Hindi ko pa nasusuot ng maayos ang sapatos ko at napahinto ako nang makita ko si Francis sa tapat ng gate namin.

"Good Morning Amiko!" nakangiting sagot niya sa akin. Aba! Nakakapagtaka? Himala at ang ganda ng umaga nito, teka? Baka set up lang 'to.

Sinuot ko muna ng maayos ang sapatos ko at saka naglakad palabas ng gate.

"Ano naman ang nakain mo Francis at ang ganda ng ngiti mo?" Mataray kong tugon sa kanya't tinitigan ng masama. "Good Morning din" Labas sa ilong kong sabi.

Lumabas na ako ng gate at sumabay na siya sa akin. Naglalakad na kami papuntang school. Imagine, sabay na kami ulit papasok.

"Ikaw talaga Amiko, kaya lalo kang mas naging nakakatakot e. Look, yung appearance mo ay pang—" Huminto siya at tinakip ang maili niyang bangs sa noo niya. "Hoo~( he's acting like that creepy Sadako) Tapos yung ugali mo pang hoo~ (he's doing it again) pa din? Cheer up! Alam mo dapat, maging makatao ka naman at hind imaging makamulto."

Medyo nag-expand ang tenga ko sa huli niyang sinabi, makamulto? Nanlisik ang mata ko't tinitigan siya ng masama.

"Anong sabi mo?" Malakas kong bulyaw sa kanya. Nakakainis talaga siya. Of all people, siya pa talaga.

"Whoa!" Nagulat niyang sabi pero ang mokong natatawa pa. Inaasar niya talaga ako. "Tama na." Aniya't patuloy pa rin sa pagtawa.

Sandali ko siyang tinitigan ng masama saka ko siya inirapan. Hindi ko na lang siya pinansin at nauna na akong maglakad sa kanya. Ang aga-aga sinisira niya ang araw ko.

Habang naglalakad ako bigla kong naalala ang nangyari noong nakaraang araw. Noong kamuntikan na akong masagasaan at niligtas ako ni Francis. Naalala ko rin na mayroong galos noon ang braso niya.

            Huminto ako at nilingon siya sa likod ko pero laking gulat ko nang makita kong may kausap siyang babae. Kanina pa ako lakad ng lakad hindi na pala nakasunod ang mokong sa akin. Kainis siya! Tiningnan ko ang kausap niyang babae, she looks familiar, schoolmate namin siya pero hindi ko siya kilala. Sabagay wala naman akong kilala sa school namin bukod kay Francis.

            Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na pauna. Pero nakakalito itong pakiramdam ko, bakit ako naiinis. Bibilisan ko na sana ang laka ko nang bigla may humawak sa balikat ko. Mabilis akong napalingon at pagtingin ko si Francis.

            "Ba't hindi mo ko hinintay?" Tanong niya habang hinihingal at pinagpapawisan. Hindi ako sumagot sa tanong niya at tinalikuran ko lang siya.         

Napahinto ako sa paglalakad ko nang may tumigil na sasakyan sa gilid ko. Tiningnan ko ang kotse, ang ganda at mukhang pangmayaman. Hinintay ko kung aandar ulit pero nabigla ako nang bumukas ang sliding window ng sasakyan at nagulantang ako sa bumungad sa akin.

"Hi Amiko!"

"Hello Ate!"

Sino ang magagandang nilalang na ito! Napaurong ako dahil sa liwanag na di kinaya ng bangs ko na harangan!

Nang mapagtanto kong mukha na siguro akong timang sa naging reaksyon ko ay umayos ako ng tayo at yumuko.

"Amiko, remember me? Rupert, Rupert Fortalejo." Sabi nong lalaki. Inisip ko naman kung may kilala ako ganon, at BINGO! Si Nerdy Prince pala. Tumango-tango ako at narinig ko siyang tumawa. "Wanna take a ride?" He offered. Di sana ako papayag kaso.

"Sige na Amiko, sumabay ka na." Singit naman ni Francis. Nabigla ako nang bigla siyang sumingit. Nawala sa isip ko na nariyan pala siya sa likuran ko. Sandali kong tiningnan si Francis at ngumiti lang siya sa akin. Isang ngiting pang-asar. Wala na akong nagawa kundi sumabay sa kanila sa loob ng isang magandang sasakyan.

Habang nasa sasakyan ako, hindi ako nagsasalita. Natural, ano naman ang sasabihin ko, e para na nga akong naiihing pusa dito na di makaihi e.

"Amiko, sino yung guy kanina? Is he your boyfriend?" Nagulat naman ako sa biglang tanong ni Rupert. Mabilis akong tumanggi sa sinabi niya.

"Hindi!" Sabi ko habang winawagayway ang kamay ko sa harap niya. Ano ba ang nasa isip ko? Bakit kahit na ang haba ng bangs ko, e malinaw ko siyang nakikita. Dati naman si Francis lang ang ganito sa paningin ko, but now with this guy hindi siya natatakot sa akin. At hindi yata normal 'yon para sa akin.

"Ate!" Nagulat naman ako na parang pusang bigla binuhusan ng tubig na malamig nang bigla namang yumakap ang isang babae sa akin, If I'm mistaken siya yung babae na takot na takot sa akin do'n sa hagdan. "Ate, may bibigay ako sayo. Ito oh!"

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang isang pink na hairclip. Agad na nagliwanag ang mata ko nang makita ko ang pink na hairclip, pero ang mas nagpatindig balahibo sa akin ay ang "Hello Kitty" na design sa dulo ng hairclip.

"S-salamat" Utal kong sabi ngunit mayroong ngiti sa akin labi.        

"You're welcome ate, I gave that clip para ma-clip mo yung bangs mo." Mas nilapit niya yung mukha niya sa akin dahilan para umurong ako. "I was just wondering kung maayos mo bang nakikita ang paligid mo with that oww so long bangs?"

"Ah—eh Oo naman." Nahihiya kong sagot.

"Hmm, fine basta use that clip in case of." She smiled. At tumango-tango lang ako. Napatingin naman ako kay Nerdy Prince, pagtingin ko tila nagliwanag ang buong paligid at bumagal ang pag-andar ng sasakyan nang masilayan ko ang kanyang magandang ngiti habang nakatingin sa akin.

At nakarating na kami sa school. Naunang bumaba si Rupert at inalalayan niya ang kapatid niya. Her name is Rhian. At nang bababa na sana ako mag-isa kaso bigla niyang inoffer ang kamay niya. Muling nagliwanag ang buong paligid ko na animoy nasa isa kaming fairytale. Parang beauty and the beast pero ako si Beast. Ano bang 'tong nararamdaman ko? Para bang kinikiliti ang buong kalamnan ko.

Wala akong nagawa kaya binigay ko na lang ang kamay ko. Paglapat pa nga nito sa malambot niyang kamay ay para akong na-high voltage. Ito yata ang unang pagkakataon na may nakahawakan ako ng kamay. At isa pang prinsepeng galing sa isang malayong kaharian. Pagbaba ko ng karuwahe niya este ng kotse umayos ako ng tayo at yumuko dahil pakiramdam ko, any moment matutunaw na ako sa titig niya't mga ngiti.

Pumasok lang kami sa school, pero maraming mata ang nakatingin sa amin. Maraming bulungan akong naririnig.

"Di ba si Rupert Fortalejo yun? At si Rhian? Oww emm gee, ang ganda ng kapatid niya, no doubts, lahi sila ng magaganda at gwapo."

"Yeah! Pero hey girl, sino naman yung ka-look-a-like ni Sadako sa likod nila? Alam mo parang narinig ko na 'yan dito sa campus na may Sadako daw na nag-aaral dito, Isn't she?"

"I don't know girl, pero kung sino man siya, bakit siya nakasunod kila Rupert at Rhian?"

"I don't know either, maybe maid nila"

"Yeah right"

Ano raw? KA-TU-LONG? Di ko na lang sila pinansin at pumasok na lang ako sa room ko at tulad ng nakasanayan. And just like the old times, tahimik sila pagbukas ko ng pinto ng room at parang nakakita ng multo, cosplay ni Sadako.

Naupo na ako sa seat ko. At alam niyo bang ako lang mag-isa sa seat ko na dapat e dalawa kami? Wala e, walang gustong tumabi sa isang real life Sadako. Pero ayos lang, mas maganda na 'yon. Malayo sa issue kahit na feeling ko araw-araw na nasa tabloid ang mukha ko dahil kung tingnan nila ako daig ko pa ang Hollywood star.

Pumasok na ang teacher namin.

"Good morning class, I have a little announcement to all of you. Next week will be our school festival. So, I'm asking for your cooperation, and you need to have a class meeting at pagusapan kung anong booth ang gagawin niyo, maybe later sa homeroom natin pagusapan. So next week maiayos niyo na ang dapat gawin at..."

Napahinto si Mr. Valdez sa pagsasalita nang bumukas ang pinto. At isa na namang magandang nilalang ang pumasok sa room. Pumunta siya sa tabi ni Mr. Valdez at may sinabi. Nakita ko sa expression ni Mr. Valdez ang gulat at pag-sang-ayon.

"Okay class, I guess may daragdag sa class natin." Ani Mr. Valdez. Nagsigawan naman ang mga lalaki kong kaklase at marami namang nabuong komosyon sa mga kaklase kong babae. Tiningnan ko naman ang babae, maganda siya. Mukhang artista.

"Hi! I'm Ayesha Marie Park, I am your new classmate, I'm from Korea and I hope maging friends ko kayong lahat." Kaswal na pagpapakilala nito sa buong klase at nag-bow pa. Halata sa tono boses ng babae ang pagiging Koreana base sa accent nito.

Nagpalakpakan naman ang buong klase. At nangungunan si Francis sa pagpapalakpak. Inirapan ko lang siya. Mga lalaki nga naman.

"Hmm, wala ka ng upuan ah." Napapaisip si Mr. Valdez kung saan uupo ang transfery student.

"Sir! Sa tabi po ni Amiko!" Nagulat ang lahat sa sinigaw ni Francis. Napatingin ako sa kanya, gulat na gulat at inis na inis. Ano bang pinagsasabi ng mokong na 'to?

"Oo nga pala, ahm Ms. Park, doon ka sa tabi ni Ms. Gonzales." Sabi ni Mr. Valdez kaso may binulong pa siya sa transfery na sa tingin ko isang warning sign tungkol sa akin.

Naglakad na papunta sa seat ko ang transfery student. Tahimik ang buong klase na tila nagaantay ng sunod na mangyayari. Naningkit na lang ang mga mata ko. Ano naman ang akala niyo? Kakainin ko siya? Mga baliw.

Flok!

Nasa harap na ng table ko ang transfery student. Ano pa ang tinatayo niya diyan? Tinanggal ko na nga ang bag ko sa vacant seat e, sayang! Bag ko ang nakaupo diyan e.

"Hi! I'm Ayesha, nice meeting you" She offer her hands to me. Medyo shock pa ang mukha ko sa ginawa niya. Pero bigla akong kinabahan sa ginawa niya kaya napatayo ako sa gulat.

Di ko namalayan na may nahulog na bagay sa akin. Kaya naman pinulot ito ng babaeng nasa harap ko.

"Wow! Hello Kitty Hairclip, cute!" Anito. Gulat na gulat ang mga kaklase ko sa narinig nila. Si Francis naman napangiti nalang sa nangyari. Tse! Gilitan kita ng leeg diyan e.

"Ito na yung hairclip mo, I guess you like Hello Kitty too." She politely said. Tumango lang ako at kinuha ang hairclip ko.

"Pwede ba akong maupo?" Tanong niya. Tumango naman ako pero deep in my mind.

Natural!  Diyan ka nga uupo e, umalis na nga yung bag ko diyan e.

"Thanks!"

Lunchbreak. Nandito kami ni Francis sa rooftop at kanina niya pa ako pinagtatawanan.

"Tigilan mo ko Francis." Banta ko rito sabay kain ng kanin. Nakakainis siya!

"E kasi naman." Wala pa rin siyang tigil sa kakatawa na halos mangiyak na't magpagulong-gulong sa sahig.

"Sige tawa pa!" Bulyaw ko rito.

"Sorry naman pero nakakatawa talaga eh" Tumatawa pa rin siya.

"Isa pang tawa!" Inis kong sabi. At tumawa pa nga siya.

Sinalpak ko ang kamay ko sa mukha niya at napahiga siya at ako sa taas niya. Pero tawa pa rin siya ng tawa.

"Amiko, tama na! Ang bigat mong sadako ka!" Natatawa pa rin siya. Kainis talaga!

Para kaming batang naghaharutang dalawa. Nagulat kami ni Francis nang biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Sabay kaming napatingin ni Francis sa pinto.

"Ayesha?" Sabi ni Francis nang makita naming niluwa ng pinto iyong transfery student.

"Mianhaeyo, I'm sorry to interrupt you two." Tumalikod ito sa amin. Nagtaka naman kami ni Francis sa reaksyon niya. Nagkatinginan kami ni Francis at doon lang namin napagtanto na ang awkward at ang sagwa ng posisyon namin! Siya nasa ilalim ko habang ako naman ay nakadagan sa kanya.

Tumayo kami agad ni Francis sa awkward position namin.

"Hey, its not what you think." Explaination ni Francis.

"Huh?" Nagtatakang lingon ni Ayesha.

Sumabay na siya sa pagkain naming at sinabi ni Francis ang lahat sa kanya. Kung bakit ganyan, kung bakit ganto chechebureche ang daldal ng lalaking 'to.

"Ah" 'Yun lang ang nasabi ng Koreanang labanos. Labanos kasi ang puti niya, SUPER!

"Pero Ayesha, bakit ka naman dito kakain sa rooftop?" Tanong ni Francis. Kung tutuusin bakit ko ba sila nina-narate eh tahimik lang naman ako dito.

"Ah—eh kasi basta!" Sagot ni Ayesha saka ngumiti na tila ba may tinatago.

"Ah...ok."

Natapos na ang lunch at mabilis din natapos ang klase. Pauwi na sana ako kaso.

"Amiko!" Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin at si Rupert pala. Kung sinuswerte ka nga naman.

"Uuwi ka na?" Tanong niya.

"Oo" Mahina kong tugon.

"Tara! Sabay na tayo"

Wala na kong nagawa, sabay kaming naglakad palabas ng school. Sinabi niya rin kung bakit di niya kasabay si Rhian, nauna na raw at iniwan siya dahil daw sa busy siya sa gawain sa Student Council. Oo, si Nedry Prince a.k.a Rupert Fortalejo ang President ng Student Council, di lang 'yon, honor student pa siya. Napagalaman ko lang nang minsan akong mang-stalk sa tapat ng student council office at sa room nila.

Nakalabas na kami ng school. Pero di ako nagsasalita, siya lang at ang dami niyang sinasabi. Pero di ko naman naiintindihan. Ang daldal din tulad ni Francis. Teka? Speaking of the devil? Nasan na yon?

"Ha?" Nagulat ako nang may humatak sa braso ko. Paglingon, It's him, the devil pero hindi maganda ang aura sa paligid nito.

"Amiko?" Tanong ni Rupert.

"Hey, dude stay away to her." Maangas na sabi ni Francis. Nabigla si Rupert sa sinabi ni Francis. Teka sandali wait nga? Ano bang nangyayari?

"What? And why I'm gonna do that?" Seryosong sagot ni Rupert kay Francis.

"Coz she's my girlfriend? And you better keep off your hands to my girl." Sigang sagot ni Francis. Natahimik si Rupert. Nagulat si Rupert sa sinabi ni Francis. Nakatingin lang ako kay Rupert nang tumingin din siya sa akin at ngumiti.

"Bye Amiko, take care." Naglakad na paalis si Rupert. Anong nangyayari?

Nang makalayo si Rupert napagtanto kong nakahawak pa rin ang kamay ni Francis sa akin. Agad ko itong hinila sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Hoy—" Magsasalita pa lang ako nang di ko natuloy nang mabilis siyang nagsalita.          

"Amiko, wag kang lalapit sa kanya." Seryosong sabi niya habang iwas ang tingin sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
484K 11.5K 25
Book Five of Bachelorette Series ✔️ Completed I am living in the present he's living in the past. He's not yet over her. For him, she is his one grea...
8.1M 484K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]