Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XVII : Not so lucky

89.5K 4.2K 3.7K
By Serialsleeper


CHAPTER 17:

Not so lucky

Dana's POV


"F-faceless Dondy?" Kahit ako, hindi napigilang mautal. "Churchill you're kidding right?" Sa sinabi niya, lalo lang tumindi ang kaba ko. Nakakagulat pero sa lahat ng mga pinagdaanan namin, wala nang imposible.


"Where are the others?" Tanong ko na lamang pero.


"H-hindi ko alam, nagising nalang ako bigla sa kabilang classroom." Nanlulumo niyang sambit. It's bad enough that this is happening tapos ngayon nagkahiwa-hiwalay pa kami. Can things get any worse?!


Nakaramdam ako ng hapdi sa palad ko at nang tingnan ko ito ay nakita kong may malaki pala akong hiwa rito. Tumigil na ito sa pagdurugo pero ngayon ko lang naramdaman ang hapdi, siguro sa sobrang tensyon noong hinahabol kami ni Wacky ay hindi ko ito napansin. Lumapit na lamang ako sa mesa, kinuha ang gunting na nakapatong sa ibabaw nito at ginupit ang maliit na bahagi ng sleeve sa jacket ko at ipinulupot na lamang ito sa sugatan kong palad kahit napakahapdi.


"Teka sandali may baril!" Biglang bulalas ni Churchill at agad lumapit sa kinaroroonan ko. Nagulat ako nang binuksan niya ang maliit na compartment sa mesa at tumambad sa amin ang isang baril.


"H-how did you—"


"Chapter 17, nagtago rito sina Jury at Elaine. Muntikan silang mapatay pero nahanap nila ang baril na'to." Sambit ni Churchill at agad na kinilatis ang mga laman nitong bala. I sure hope he knows how to use a gun.


"What chapter are we in?" Tanong ko sabay lingon sa bangkay ng estudyanteng nasa likuran lang namin.


Bago pa man makasagot si Churchill ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang pamilyar at ubod ng lakas na tili. Kilang-kilala ko kung kanino ito nanggagaling kaya taranta kong kinuhang muli ang gunting at nagtatakbo palabas ng silid upang sundan ang pinanggagalingan nito.


"Dana sandali!" Habol ni Church sakin at bigla na lamang hinila ng malakas ang braso ko dahilan para matigil ako sa pagtakbo at bahagyang mapaatras, "Kilala mo ba 'yon?!" Aniya pa.


"I recognize that blood-curdling scream anywhere and there's only one person who could scream like that!" Giit ko at iwinakli ang kamay ni Churchill saka muling kumaripas ng takbo sa paliko-likong pasilyo ng building.


Hindi na ako pinigilan pa ni Churchill, gaya ko ay tumakbo na lamang siya ng tumakbo habang nakasunod sa akin. The whole building seemed deserted, it's still bright everywhere dahil sa sikat ng araw pero nakaka-kaba parin dahil baka hindi kami nag-iisa.


Palakas ng palakas ang naririnig naming tili, it's as if para na namin itong makakasalubong sa susunod na pasilyo. Binigilan ko ng bahagya ang pagtakbo at ganun rin si Churchill. Walang ano-ano'y tuluyan naming nakita ang pagsulpot niya mula sa kabilang pasilyo at patungo sa direksyon namin.


"Shem!!!" Magkasabay kaming nagsigawan ni Churchill, takot man kami ay hindi parin namin mapigilang matuwa nang makita siya kaya muli naming binilisan ang pagtakbo upang salubungin siya. Nakita kong iwinawagay ni Shem ang kamay niya kaya winagayway ko rin ang akin kahit pa pumapatak ang dugo mula rito.


"Takbo!!!" Biglang sumigaw si Shem ng ubod ng lakas, nanlalaki ang mga mata at ngayon ko lang napagtanto ang ibig sabihin ng galaw ng mga kamay niya, iwinawasiwas niya ito na para bang sinasabing bumalik kami sa dinadaanan.


Sa isang iglap ay bigla naming nakita ang dahilan kung bakit tumatakbo at takot na takot na si Shem. Nakita namin ang napakalaking rason na siyang humahabol sa kanya; Malaking lalakeng may mahabang buhok, gula-gulanit at duguan ang hitsura at higit sa lahat mistula itong determinadong saktan at maabutan si Shem.


Nakilala ko nga ang tili ni Shem pero nakalimutan ko naman ang laging rason kung bakit siya napapatili ng ganito—si Mang Boris, skunk version ni Mang Boris.


Kahit kami ni Churchill ay napatili nang makita ang skunk na si Mang Boris. Sa sobrang takot namin ay agad kaming napaikot at mas lalo pang kumaripas ng takbo. Kung kanina ay tumatakbo kami upang sumalubong kay Shem, ngayo'y gaya niya ay tumitili narin kami habang tumatakbo palayo.


Hindi kami magkanda-ugaga sa pagkaripas ng takbo. Alam namin kung ano ang mararanasan oras na maabutan man kami ni Mang Boris kaya kahit hirap na hirap na ay hindi kami tumitigil.


"Shit! Shit! Shit!" Narinig ko ang pagsigaw ni Shem at nagulat ako nang makitang magkakatabi na kami sa pagtakbo kahit pa nasa likuran lang siya namin kanina. Halos malaglag na ang kulay yellow niyang helmet pero hinahawakan niya ito na para bang parte na ito ng kanyang buhay.


"Dito!" Biglang sigaw ni Churchill at laking gulat ko nang bigla na lamang siyang tumigil sa pagtakbo at nilapitan ang pader kung saan naroroon ang isang panel na gawa sa bakal. Mabilis niya itong iniangat at mas lalo pa akong nagulat nang bigla na lamang siyang lumusot at tumalon sa loob. Sa sobrang desperasyon, ni hindi na ako nag-isip pa at gumaya ko sa kanya.


Matapos pumasok sa butas ay agad akong nalaglag dahilan para lalo pa akong mapatili. Napakadilim ng paligid, para akong nasa isang tunnel ng water slide kaya pumikit na lamang ako hanggang sa maramdaman kong bumagsak ako sa mga malalambot na telang pinagpatong-patong. Pero kahit malambot ang pinagbagsakan ko, masakit parin ang katawan ko.


"Shit! Buti di mo ako nalandingan!" Narinig kong sambit ni Churchill na nakadapa sa tabi ko. Hahanapin ko sana si Shem ngunit bago pa man ako makapag-organisa ng salita ay bigla kong narinig ang sigaw ni Shem at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita ko agad ang malapad niyang likod na papunta na sa mismong direksyon ko.


Tanging sigaw na lamang ang nagawa ko dahil sa labis na sakit. Ni minsan hindi ko pa naranasang masuntok o masikmuraan pero dahil sa pagbagsak ni Shem sa akin ay parang naranasan ko na ang lahat ng klase ng bugbog ng sabay sabay. The pain is even worse than when Boris and demonic ghost Cielo threw me on the wall.


"Yes! Buhay pa ako!" Narinig kong sumigaw si Shem na para bang tuwang-tuwa. Hindi niya siguro alam na nadadaganan na niya ako.


"Teka si Dana!" Narinig kong sumigaw si Churchill at agad na tinulak si Shem. Hindi ko na maintindihan ang sumunod na nangyari, sa sobrang sakit ng katawan, para akong nahilo at mawawalan na ng ulirat. Napakasakit talaga ng sikmura at mga hita ko, alam kong hindi 'to ang tamang oras para maging maarte pero hindi ko lang talaga makayanan ang sakit. Kahit payat si Shem, mukha namang hindi nagkulang ang mga magulang niya sa calcium at vitamins.


"Gago!" Napaungol na lamang ako sa labis na sakit. Gusto kong sabunutan si Shem pero napakasakit ng braso kong dinaganan niya kanina. Naririnig kong may sinasabi si Shem habang inaalalayan akong bumangon, natataranta siya na ewan, hindi ko man marinig ng maayos ang sinasabi niya, mukha naman siyang humihingi ng tawad.


Makaraan ang ilang sandali ay naging malinaw sa akin ang lahat, bumagsak pala kami sa isang laundry chute at lumanding sa napakalaking hamper na puno ng mga maruruming kurtina ng eskwelahan. Naunang makababa sina Churchill at Shem kaya agad nila akong inalalayang makaalis sa hamper. Mabuti nalang talaga at sa sobrang laki ni Mang Boris, hindi siya magkakasya sa Laundry chute, kung susubukan man niyang sundan kami edi aba congrats sa kanya at tiyak mat-trap lang siya.


"Okay ka lang?" Narinig kong tanong ni Shem.


"Ang bigat mo!" Muli akong napasigaw at napahawak sa sikmura ko.


"Sorry na—"


"Oh my God! Andiyan lang pala kayong mga leche kayo!" Gulat na gulat kami nang bigla na lamang may sumigaw mula sa pinto at nang ibaling namin ang tingin rito ay nakita namin si Mira na duguan habang umiiyak. Takot na takot niyang sinara ang pinto at agad na nagtatakbo sa direksyon namin at isa-isa kaming niyakap ng napakahigpit.


"Mira I love you but don't hug me my body hurts like hell." Pigil ko agad sa kanya nang ako na ang yayakapin niya.


"What the hell's happening? Where are we?!" Muli, umiiyak na sambit ni Mira.


"We don't know too." Sabi ko na lamang kasi ayokong mas lalo siyang matakot kung sasabihin kong nasa isa kaming nakakatakot na mundo kung saan nabubuhay ang mga karakter sa pinaka-ayaw niyang libro.


"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Churchill nang makitang umaagos na ang dugo mula sa ulo ni Mira.


"Ugly evil clowns!" Napahagulgol si Mira at humikbi pa siya ng humikbi bago makapagsalitang muli, "They're out there! They were chasing the hell out of me while laughing like shit and even honking their noses! I was right! I was fucking right! Clowns are evil! One of them even pushed me down the stairs!"


Awang-awa ako kay Mira. Hirap na hirap na siyang huminga kaiiyak at mukhang magha-hyperventilate na siya. I know Mira, she hates clowns, she has an insane fear for them ever since we were young. Masakit man ang katawan ko, lumapit na lamang ako't niyakap siya.


"Teka kanina si Boris tapos ngayon clowns? Wala namang—" Gulong-gulong sambit ni Churchill na nasapo na lamang ang kanyang noo.


"We're here okay? Gaya ng dati magtutulungan tayong makaligtas okay? As long as we're together—" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang bumitaw mula si Mira sakin at lalo pang umiyak.


"But I got stabbed by a skunk and died back then." Katwiran ng luhaang si Mira kaya napangiwi na lamang ako at muli siyang niyakap.


"This time you won't, this time no one dies." Pagdidiin ko at isa-isang tiningnan sina Shem at Churchill, "Walang magsasakripisyo, walang magpapaka-bayani, walang mamamatay at lahat tayo makakauwi ng magkakasama."


****


"Guys please dito nalang tayo, there are four bloodthirsty clowns out there and they'll kill us!" Umiiyak na pakiusap ni Mira habang dahan-dahang binubuksan ni Churchill ang pinto sa silid na kinaroroonan namin.


"We can't stay here, Churchill has a gun, we'll be okay." Giit ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya, "Stop crying okay? We have to stay quiet. You don't want to die right?"


Napapikit na lamang si Mira at tumango-tango. I know she's scared, all of us are but we have to survive this together.


"It's clear... let's go." Mahinang sambit ni Churchill at mas naunang lumabas, sumunod ako at si Mira, si Shem naman ang nasa hulihan.


Mabilis ang naging paglalakad namin sa pasilyo ng eskwelahan. We're surrounded with rooms and according to the signs, mga utility rooms ito at narito ang mga generator at control panels ng buong building, narito nga rin ang CCTV surveillance room nila ayon sa nakapaskil. Wala sa aming nagsasalita o nagkakatinginan, dere-deretso lamang kami hanggang sa bigla na lamang kaming may marinig mula sa intercom.


"Nakikita namin kayo!" Bigla naming narinig ang isang boses na humahagikgik. Marami kaming naririnig na naghahagikgikan mula sa intercom at nahahaluan pa ito ng squeaky sounds, para bang pinipisil ng isa sa kanila ang props niya.


Kung kanina ay naglalakad lang kami, matapos ang narinig ay kumaripas na agad kami ng takbo. Kung nakikita nila kami, malamang nasa surveillance room lang ang mga payasong nanakit at humahabol kay Mira.


"Bilis dito!" Sigaw ni Churchill na ngayo'y mahigpit na ang hawak sa baril niya. Imbes na makahinga ng maluwag, lalong bumilis ang kabog ng puso ko nang makita ang elevator. Sa sobrang kaba ko, pawang kaba nalang ang nararamdaman ko.


Nang makarating kami sa harapan ng elevator ay taranta na kaming lahat, sa sobrang taranta kinakalampag at panay na ang pagsandal namin rito samantalang si Churchill ay halos magwala na kakapindot ang elevator button.


"Nalintikan na!!!" Narinig kong sumigaw si Shem na ngayo'y nasa tabi ko lang. Lumingon ako at kahit ako'y napasigaw narin nang makita ang apat na mga payasong naglalakad sa direksyon namin. Mabagal lamang ang paglalakad nila pero bakas sa mga mata at ngisi nila ang kanilang layunin at 'yon ay ang saktan kami.


"Gusto lang naming makipaglaro." Tumatawang sambit ng isa sa mga payaso habang ang isa namin ay panay ang pagpapatunog ng kanyang torotot.


"No! No!" Lalong nagwala si Mira sa takot at nanatili na lamang nakaharap sa pinto ng elevator habang kinakalampag ito.


Gustuhin man naming tumakbo sa ibang direksyon, hindi na namin magagawa pa lalo't malayo kami sa daanan ng ibang pasilyo. Dead end na ang kinaroroonan namin, maliban lamang sa elevator na patuloy naming kinakalampag.


"Layuan niyo kami!" Sigaw ni Churchill nang makitang nagsisimula nang tumakbo ang isa sa mga payaso patungo sa amin, sa sobrang takot ni Churchill ay agad niya itong binaril. Tinamaan ito sa tiyan pero imbes na matumba ay nahinto lamang ito sa kinatatayuan at humalakhak.


"Iniinis mo ako kaya ikaw ang pahihirapan ko." Humahalakhak na sambit nito dahilan para lalo kaming mataranta at magsigawan. Takot na takot kaming lahat lalo na si Churchill na muling pinagbabaril ang payasong animo'y hindi man lang naapektohan.


Walang ano-ano'y bigla silang nagtakbuhan lahat patungo sa mga direksyon namin na animo'y mga hayop na susugod na sa kanilang mga biktima.


Napapikit na lamang ako sa takot nang tuluyang makaabot sa amin ang isa sa mga payaso't sinugod si Churchill na katabi lang namin. Sa takot ay napahawak na lamang ako kay Shem. Sa gitna ng mga sigawan naming lahat ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang matinis na tunog at sabay-sabay kaming bumagsak sa sahig—sa loob ng elevator na tuluyang bumukas.


"Pasok bilis!" Narinig ko ang mga boses mula sa likuran namin at naramdaman kong may kumaladkad sa akin papasok ng elevator. Napakabilis ng mga pangyayari, naririnig ko parin silang nagsisigawan kaya naman unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.


Unang tumambad sa akin ang pagtilapon ng ulo ng payasong sumugod kay Church, may nagtalsikang mga dugo sa amin kaya naman mas lalo pa kaming nagsigawan. Bago tuluyang magsara ang mga pinto ng elevator ay kitang-kita namin ang tatlo pang mga payasong sumusugod, takot na takot kami sa pag-aakalang makakapasok sila pero bigla na lamang tumama sa kanila ang isang boteng agad na sumabog at dahilan para sumiklab sila. Nag-aapoy man ang kanilang mga mukha at katawan, nagpatuloy sila sa pagtakbo pero mabuti nalang at tuluyan nang nagsara ang mga pinto.


Nararamdaman ko man ang tuluyang pag-angat ng kinaroroonan namin, hindi parin maalis sa sistema ko ang matinding takot at kaba. Napakabilis parin ng tibok ng puso ko, labis ang panginginig ko at hindi parin ako makahinga ng maayos, ni hindi ko nga magawang tumayo o maupo man lang.


Habang bagsak parin sa sahig ay unti-unti akong napatingala upang makita ang mga mukha ng nagligtas sa amin.



"Raze? Axel?"



END OF CHAPTER 17!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...
KAHIMANAWARI By talesofdemi

Mystery / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...