Marrying The Arrogant-Seducer...

Av Victoria_Kelb

895K 5.2K 208

ADAM OCAMPO RAMIREZ- is a member of the famous Group known as "The San Martin High Romeos". He's known as "T... Mer

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 4

13.9K 315 4
Av Victoria_Kelb

PAKIRAMDAM ni Mando ay tumigil ang pag-ikot ng mundo at bumaba ang isang anghel mula sa langit. Palapit ito sa kinaroroonan niya. Nililipad ng hangin ang mahaba at bahagyang kulot nitong buhok. Mahinhin na naglalakad habang bahagyang nakangiti ito sa kanya. Napakaganda nito sa lampas tuhod na puti at bulaklakin nitong bestida.

"Mando, meet Erlinda, my fiancee. Erlinda this is Mando, my best friend," pagpapakilala ni Kris sa babaeng kasama nito.

Animo nagising naman si Mando sa sandaling pagkakawala sa sarili.

"H-Hi... I-I'm Armando but my friends calls me Mando," nauutal pa niyang paglalahad ng kamay sa dalagang kasama ng matalik na kaibigan.

Nakangiti na inabot ng dalaga ang kamay ni Armando. "Ako naman si Erlinda. Ikinagagalak kong makilala ka, Mando... "

"Tama nga si Kris... Napakaganda mo nga," aniya dito na hindi napigilan ang sarili na paluguran ang magandang dalagang kaharap.

Bigla namang pinamulahan ng pisngi nito si Erlinda.

"S-Salamat!"

Ganoon sila unang nagkakilala ni Erlinda. Hindi man maamin ni Mando ay talagang tinamaan siya sa fiancee ng matalik na kaibigan. Hindi niya akalain na maiinlove siya sa isang babaeng noon lang naman niya nakita. Love at first sight kung tawagin pa nga ng nakararami.

Tama naman kasi si Kris. Iba nga ang kagandahan ni Erlinda. Kahit napakasimple nito ay may kakaiba itong ganda na hindi niya nakita sa ibang mga kababaihan.

Alam niyang mali dahil ikakasal na ito sa matalik niyang kaibigan ngunit hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso niya para kay Erlinda. Sinubukan niyang dumestansiya sa tuwing nasa asyenda ng mga Cordoval si Erlinda ay nakukuntento na lang siya sa pagtanaw dito mula sa malayo. Natatakot din kasi siya sa sariling nararamdaman. Kung bakit naman kasi titibok na rin lang ang puso niya ay sa babae pang hindi niya pwedeng mahalin dahil ikakasal na ito sa matalik niyang kaibigan.

Ngunit pilit man siyang umiwas ay talagang pinagtatagpo sila ng tadhana. Minsan na mangaso siya at mapadpad sa asyenda na pag-aari na pala ng pamilya ni Erlinda natagpuan niya ang dalaga na naliligo sa isang ilog. Napakaganda nito. Para itong isang diwata na naliligo sa napakalinaw na tubig sa gitna ng kagubatan.

Aalis na lang sana siya para umiwas nang may makita siyang bagay na lumalangoy papunta sa direction ng dalaga, ilanng dipa mula dito.

"Shit!" bulalas niya sabay takbo at lundag papunta sa tubig kung saan naroon si Erlinda.

Gulat na gulat naman si Erlinda. Nagsisigaw siya ng may lalaking bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. Walang nangangahas na pumunta sa bahaging iyon ng ilog dahil mahigpit niya iyong ipinagbabawal. Siya lamang ang pwedeng pumunta doon. Ang sino mang lumabag ay may kaakibat na parusa mula sa kanyang Papa. Kaya sa takot ng mga tauhan na saktan ng Papa niya ay walang nangangahas na sumuway sa utos niya. Kaya malaya siyang naliligo doon ng kahit manipis lang na saplot sa katawan ang suot. Kaya ganun na lamang ang pagkagulat niya ng may lalaking bigla nalamang tumalon mula sa kung saan.

Agad siyang lumangoy papunta sa pangpang at nagkukumahog na kinuha ang tuwalyang nasa ibabaw ng bato at ipinulupot niya sa katawan. Tapos ay pumulot siya ng bato at ibinato sa kung sino mang pangahas na lalaking nasa tubig parin hanggang ngayon. Tinamaan naman niya ito sa likod na nagpasigaw.

"Araaayyyy!" hiya nito.

Muli siyang pumulot ng bato. "Sino ka at bakit ka nandito?" magkasunod na tanong niya habang nakahamba na muling batohin ito ng mas malaking bato sa pagkakataong ito.

Nagulat siya ng humarap ang lalaki sa kanya. Hawak nito sa isang kamay ang isang walang buhay na ahas, mga isang dipa yata ang haba.

"Iniligtas na nga kita mula sa ahas na 'to. Papatayin mo pa ako?" anito at inihagis malapit sa kanya ang makamandag na ahas na hawak nito kanina.

"Mamaaaa..." takot naman niyang sigaw at napatalon pa palayo.

Umaaray naman na umahon si Mando dahil sa sakit ng tama ng bato sa likod niya. May hinala siya na malaki talaga ang batong tumama sa likod niya.

"M-Mando? I-ikaw iyong kaibigan ni Kris, diba?" si Erlinda ng maging klaro sa kanya ang mukha ng lalaki.

Masama naman ang tingin na tumango lang si Mando habang kinakapa ang masakit na bahagi ng likod niya.

"Anong ginagawa mo dito? Malayo na ito sa Asyenda ng mga Cordoval. Hindi ka dapat nagpunta dito. Magpasalamat ka at walang nakakita sayong tauhan ni Papa. Baka napagkamalan ka pa nilang magnanakaw at nabaril," litanya ni Erlinda na hindi alam kung saan matatakot. Kung sa muntikan na niyang pagkatuklaw ng ahas o ang posibilidad na mabaril si Mando ng mga tauhan ng asyenda.

"Magpasalamat ka at napadpad ako dito. Kung hindi baka sa ating dalawa ay ikaw ang paglamayan ng mga tauhan niyo dahil sa pagkatulaw ng ahas na 'yan!"

"S-Salamat! M-Masakit ba ang likod mo?" napapangiwing tanong ni Erlinda. Sigurado kasi siyang masakit ang likod ng binata dahil malaki ang batong ibinato niya dito at malakas din iyon. Mabuti na ngalang at sa likod lang ito ng binata tumama.

"Ano sa palagay mo?" masungit na sagot ni Mando. Hindi niya kasi maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ng dalaga at naliligo ito sa ilog sa gitna ng gubat. Paano na lang pala kung hindi siya dumating? Eh di natuklaw ito noong ahas. Isa pa, sa ayos nito kanina. Kung ibang lalaki lang siya ay baka nahalay na ito.

Agad na lumapit sa kanya si Erlinda. "T-Tingnan ko ang likod mo..." aniya. Nakalimutan na maliban nakataping tuwalya ay tanging ang mga basang panloob lang niya ang suot niya. Wala naman kasi siyang balak talaga maligo kanina. Balak niya lang sana tumambay at mag-isip isip tungkol sa nalalapit niyang kasal. Kasal na tanging mga magulang lang niya ang may gusto. Para siyang robot na kinakailangan lang sumunod sa mga utos ng mga ito. Ni hindi manlang siya tinatanong kung okay lang ba sa kanya ang gagawing pagpapakasal nila ni Kris.

"Huwag na. Malayo to sa bituka. Magbihis ka na lang at baka..." hindi nito tinuloy ang sasabihin.

"B-Baka?" nauutal na tanong ni Erlinda at hinigpitan ang hawak sa tuwalya sa katawan niya at humakbang palayo sa binata.

"Ah basta..." yamot na sagot ni Mando.

Agad namang kinuha ni Erlinda ang mga kasuotan niya at nagmamadaling isinuot habang nakatalikod si Mando sa kanya.

"Umuwi ka na... Babalik na ako sa kabilang asyenda," paalam ni Mando sa dalaga.

"Sandali..." pigil ni Erlinda. "Delikado kung uuwi kang mag-isa. Hindi ka kilala ng mga tauhan ni Papa. Tulad ng sabi ko sayo baka mapagkamalan ka nilang magnanaw.

Doon naman nagsimulang magkalapit sila ng dalaga at lumalim ang tinatagong damdamin nila para sa isat-isa.

"Run away with me, Erlinda! Huwag kang magpakasal sa matalik kung kaibigan kung ako naman talaga ang mahal mo," aya niya sa dalaga. Isang hapon ng muli silang magkita sa ilog na 'yun na ginawa nilang tagpuan sa nakalipas na mga araw.

Sunod-sunod na umiling si Erlinda. "Mahal kita, Mando! Mahal na mahal. Ngayon lang ako nakadama ng ganitong klaseng damdamin sa buong buhay ko. Pero hindi maari ang gusto mo. Papatayin ka ni papa kapag nalaman niya ang lihim nating relasyon," nakayapakap ito ng mahigpit kay Mando habang sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha.

"Mahal na mahal din kita Erlinda! At hindi ko kayang makita kang ikakasal sa iba. Sumama ka na sa akin. Doon sa bayan namin mabubuhay tayo ng masaya. Hindi man kami kasing yaman ng mga Cordoval. Magsusumikap naman ako sa buhay para mabigyan ka ng magandang buhay. Kayo ng mga magiging mga anak natin!" madamdaming turan ni Mando.

"Paano si Kris? Matalik mo siyang kaibigan... Paano natin sasabihin sa kanya?"

"Ikaw narin ang nagsabi na matalik ko siyang kaibigan. Maiintindihan niya ako. Kakausapin ko siya mamaya para ipaalam ang relasyon natin," determenadong turan ni Mando.

"Natatakot ako,Mando! Natatakot akong saktan ka ni Papa... Kilala ko ang papa ko. Hindi siya papayag sa relasyon nating dalawa."

"Hindi ako natatakot sa Papa mo. Basta ba ipangako mo sa akin na ipaglalaban natin ang pag-iibigan natin!"

Marahan na tumango si Erlinda. Bagay na lalong nagpalakas ng loob ni Mando na harapin ang mga taong hahadlang sa pag-iibigan nilang dalawa. Una na doon ang matalik na kaibigan.

Tulak ng konsensya ay kinausap ni Mando si Kris at sinabi dito ang nararamdaman niya para kay Erlinda.

"Pütang ina ka, Mando! Isa kang ahas!" galit na galit na sinuntok ulit siya ni Kris. Pulang-pula ang mukha nito sa galit sa kanya. "Hindi ko akalain na ikaw pa talaga ang gagawa nito sa akin. Pinagkatiwalaan kita ngunit isa ka palang hayop!"

Hindi siya umilag. Muli niyang tinanggap ang kamao ng matalik na kaibigan na dumapo sa pisngi niya. Sumadsad siya sa puno ng mangga. Narito kasi sila ngayon sa Manggahan ng mga Cordoval.

Muli namang napasigaw si Erlinda. Hindi alam kung paano aawat. "Please, tama na. Tumigil na kayong dalawa..."

"Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko, Kris. Pero mahal ko talaga siya. Mahal namin ang isa't isa," paliwanag ni Mando.

Anyong muling lalapit si Kris kay Mando para muli itong suntukin ngunit pumagitna si Erlinda. "Parang awa mo na Kris. Tama na... Kung sasaktan mo siya, Saktan mo narin ako! Dalawa naman kaming nagkasala sayo eh," lumuluhang pagmamakaawa ni Erlinda. "Sinubukan kong sumunod sa kagustuhan ng mga magulang natin at magpakasal sayo katulad ng napagkasunduan. Pero si Mando ang mahal ko. Paano akong magpapakasal sayo kung iba naman ang laman ng puso ko?" paliwanag ni Erlinda habang niyayakap ng mahigpit si Mando para hindi na ito masaktan ni Kris.

Napapikit si Kris. Animo ninanamnam ang sakit ng pag traydor sa kanya ng matalik na kaibigan at ang sakit ng pagtalikod ng isang minamahal.

Tumalikod siya. Nasasaktan siya at hindi niya kayang makita ang pagyayakapan ng dalawa. Pero dahil mahal niya si Erlinda at mahalaga sa kanya ang pagkakaibigan nila ni Mando. Kung dito liligaya ang dalaga ay magpaparaya siya kahit na ba masakit iyon sa kanya.

"Hindi ako hahadlang sa inyong dalawa. Kung ikaw Mando ang pinipili ni Erlinda ay wala akong magagawa kundi ang magpaubaya."

"Salamat, Kris! Tatanawin kong malaking utang na loob ito sayo!" pasasalamat ni Mando sa matalik na kaibigan.

Humarap si Kris. "Huwag ka munang magpasalamat, Mando. Hindi ako ang malaking hadlang sa inyong dalawa," humarap ito kay Erlinda. "Paano ang Papa mo? Siguradong hindi siya papayag sa relasyon ninyong dalawa."

Hindi nakasagot si Erlinda. Tama si Kris, kilala niya ang ama. Siguradong dadaan sila sa butas ng karayom ni Mando.

Hindi nga sila nagkamali. Nang ipagtapat nila sa Papa niya ang pag atras niya sa kasunduan ng kasal nila ni Kris at ang desisyon na piliin si Mando ay lubha itong nagalit. Bugbog sarado ang inabot ni Mando sa Papa niya.

"Lumayas ka sa bayang ito lalaki. Dahil sa susunod na makita ko ang pagmumukha mo ay hindi ko naipapangakong makakaalis kapa ng buhay!" iyon ang mga salita na binitawan nito bago siya ipinatapon sa mga tauhan nito palabas ng asyenda. Ikinulong din nito sa loob ng malaking bahay ng mga ito si Erlinda at mahigpit na ipinag-uutos na hindi ito pwedeng lumabas ng bahay.

"Tulungan mo ako,Kris! Hindi ako aalis sa bayang ito ng hindi ko kasama si Erlinda," pakiusap ni Mando sa matalik na kaibigan.

Napailing si Kris sa kanya. "Binalaan na kita, Mando. Pero itinuloy niyo parin," naiiling na turan ni Kris. "Hindi nagbibiro si Senyor Rolando. Papatayin ka talaga niya na parang isang hayop lang sa asyenda nila at palalabasin na isa kang magnanakaw," turan ni Kris. Hindi alam kung maaawa sa matalik na kaibigan. Punong-puno ito ng pasa sa katawan at mukha dahil sa pananakit dito ni Senyor Rolando pero kitang kita parin ang determinasyon nitong makuha si Erlinda sa kabilang asyenda.

"Alam ko! Kaya nga hinihingi ko ang tulong mo. Ikaw lang ang pwedeng makatulong sa amin, Kris!" pakiusap ni Mando sa matalik na kaibigan. Alam niyang wala siyang karapatan na humingi dito ng tulong dahil sa ginawa niyang pag-agaw kay Erlinda dito ngunit kinapalan niya ang mukha niya dahil ito lang ang alam niyang makakatulong sa kanila.

"Bakit ko naman gagawin 'yun, gayong kapag nagkataon ay sa akin ang magiging bagsak ni Erlinda?"

"Dahil kung talagang mahal mo siya. Palalayain mo siya at hahayaan na maging masaya, Kris," sagot ni Mando. 

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
86.3K 3.9K 27
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
147K 5.9K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
7.7M 227K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...