You're Under Arrest (One Shot)

Galing kay minikanimonika

9.4K 376 90

I'm a police woman, and you're under arrest. Higit pa

You're Under Arrest (One Shot)

9.4K 376 90
Galing kay minikanimonika

It is a usual cloudy day. I'm at a nearby coffee shop, where we first met. Here I am again reminiscing those times, nakatulala at nakapangalumbaba nanaman sa glass window dun sa favorite naming pwesto. I miss his hazel brown eyes, his killer smile, his care, his hugs, his... strong love for me that made him fight for me until the end...


It was 2 years ago...

I'm a strong, tough, and brave police officer. I used to get rewards for being a great one. Maraming nagsasabeng di nila akalaing sa ganda at talino kong to ay pulis ang napili kong profession. Pero ano pa nga bang magagawa ko, pangarap ko to simula bata pa ko. I used to defend myself, yung mga nag aasar sakin dati sinusuntok ko. Kakaiba daw ako, some says I'm cool and some are afraid of me. Ba't sila natatakot sa dyosa?

I'm always the serious one. Kaya ba wala pa ding nagkakagusto sakin? Well, meron naman but I want someone who can fight for me, yung mas matapang saken, yung mas malakas, at yung taong hindi ako sususkuan.

Tanghali noon, pupunta sana akong mall para mag shopping, I'm still a girl after all, naka casual attire lang ako dahil hindi ako nakaduty nung araw na yon dahil may training ng mga baguhang pulis. tatawid na ko nang may makita kong snatcher na nanghablot ng bag ng isang teenager. Sumigaw yung babae. Dali dali kong hinabol at nagkagulo na yung mga tao dun sa street, humawak ako dun sa pinakamamahal kong baril na nakasuksok sa jeans ko.

Dumiretso yung snatcher dun sa isang coffee shop at pinagtinginan naman sya nung mga tao sa loob. Pumasok ako at nagkunwaring customer lang. nung nakita ko na yung totoy na snatcher na nagtatago sa ilalim ng isang bakanteng lamesa ay dahan dahan ko na sanang lalapitan ng biglang may isang gwapong lalake na humila dun sa batang snatcher mula sa ilalim ng mesa at kinabig sya leeg. Nagulat naman yung snatcher at mga customer sa loob.

"Wa-wag po!! I-ibabalik ko na po!" sigaw nung bata, nakaantabay lang ako. Sino ba tong isang dakilang pakielamero na to? Niluwagan nung lalake yung pagkakakapit nya sa leeg nung bata.

"Okay, boy. Masama ang magnakaw, ibalik mo na yang bag, mabuti pa akin na---" malumanay na sabe nung lalake at ang engot bigla tuloy syang kinagat sa braso! "Araaaay!" Gusto ko sanang tumawa, pakielamero kase, ang yabang! Tumakbo papuntang entrance yung pesteng bata kung nasan ako, dun yata planong dumaan sa pagtakas. Walang kamalay malay na dadaan muna sya sakin bago sya makatakas, over my dead body!

Hinarang ko yung kamay ko at gulat na gulat na napahinto yung binatilyo nung hilahin ko yung sando nyang punit punit at madungis, tinaasan ko sya ng kilay at ngumiti sakanya na nang aasar, nasindak naman sya pero mukang di natakot.

"B-bitawan mo ko! Susuntukin kita!" matapang na sabe nung binatilyo saken. Aba aba!

Hinugot ko ng isang kamay yung baril ko na nakasaksak sa jeans ko. Natakot naman yung mga customer sa coffee shop at yung malaking mata nung bata, may ilalake pa pala, di na yata dinaluyan ng dugo.

"Wa-waaaagg po! Sorry po!" tas tuluyan nang umiyak ang mokong. Nginitian ko lang silang lahat na parang humihingi ng paumanhin sa eskandalo. Ibabalik ko na sana yung baril para kuhain yung police license ko at magpakilala sa mga customer ng biglang...

Hinigit ng malakas nung gwapong lalake kanina yung braso ko at kinuha yung baril ko. Di ko namalayang nakalapit na pala sya. Ang hirap naman kase, hawak ko sa isang kamay ko tong bata.

"H-Hoy! Yung baril ko!" tinignan ako nung lalake na parang nang aasar, nagsukatan kame ng tingin at bigla syang ngumisi, tinaasan ko sya ng kilay, anong nakakatawa? Baliw na ata. kahit mas matangkad sya sakin di ko sya uurungan kahit pa gwapo siya at hot.

"Miss, di mo ba alam na pwede kang maaresto dahil dito?" itinaas nya yung baril ko, sumeryoso na sya "Wag kang magyayabang at magpupulis pulisan at kung san san lang ilalabas tong baril barilan, maraming natatakot" hawak parin nya yung braso ko, pero teka-whaaat?! Sino ba sya? At sinong nagpupulis pulisan! Sya nga to dyan eh.

"Hoy ika---"

"Marie!" napalingon ako sa tumawag saken sa likod ko mula sa entrance nung shop, si chief, kasama ang ibang pulis.

"Ch-chief!" sasaludo sana ko pero ayaw bitawan ng pesteng lalake nato yung braso ko.

"A-ano ba!"

"Good job marie! Ipaubaya mo na samen yang batang yan, day off mo ngayon dba hija?" tumango ako. nakita ko yung pagkagulat sa muka nung lalake. Hah! Ano ka ngayon ah.

"Oh, Rico, magkakilala pala kayo ni officer Marie? Balik sa training iho, andun na yung mga kasamahan mo, well una na ko sainyo." Dinala na nung mga kasamang pulis ni chief yung batang mangiyak ngiyak padin.

"Ch-chief? Yes chief!" binitawan ako bigla nung lalake at sumaludo sya kay chief na nakatalikod na. Pero teka ha. Ano daw?! Training? Kilala nya si chief? Aba, ako din pala dapat magulat.

Kinuha ko yung police licence ko at iniharap sakanila "Magandang hapon po, police officer po ako, pasensya na sa distorbo."

"Ahm." magsasalita pa sana si kumag pero inunahan ko

"PERO, ewan ko po dito sa isang mayabang na to kung sino sya" medyo malakas kong sabe pero nakatingin ako kay kumag. Nagkamot naman sya ng ulo na parang nahihiya.

"N-nice meeting you officer. I'm Rico, training to be an officer like you. And you are?" di ko sya pinansin, kala mo kung sino! Hah, isa lang naman syang trainee. "I'm so sorry officer. I'll make it up to you. Can I atleast treat you a coffee?" nahihiya nyang sabe.

"Akin na yang baril ko." mataray kong sabe. Nagulat naman sya at dali daling iniabot. Aalis na sana ko pero hinawakan nya yung braso ko. Aalma na sana ko pero pag lingon ko nakangiti sya na parang nagmamakaawa, at titig na titig sa mga mata ko. Nakakalunod yung ganda ng mga mata nya. Okay tunaw nako.

"Please?" umiwas ako ng tingin. Ene be nemen. Nasira na yung day off ko, sulitin ko na.

Naupo kame sa pinakasulok na part nung shop kung san glass window at makikita mo ang street. pinaghila nya ko ng upuan, infaireness..gentle dog. Tinanong nya yung order ko at mataray at matipid ko syang sinagot, natawa lang sya pero inirapan ko lang sya. Sinabi na nya sa waiter yung order namin parehas.

He returned his attention to me na may ngiti sa labi, pinipilit nyang di maging awkward ang sitwasyon "Officer--?"

"Marie" tipid kong sagot

"Marie..Officer Marie!" tuwang tuwa nyang sabe, nag straight body sya at sumaludo. Pinipigil ko lang yung tawa ko. Ang cute kase nya. Napatingin ako sa bintana para doon ituon ang ngiti ko.

Nagulat ako nung tinukod nya yung dalawang braso nya sa table, na kung tutuusin ay magkaharap kame kaya naman anlapit ng muka nya saken. Napatigil ako sa pag tawa, habang sya ngiting ngiti na nakatitig saken.

"Ayan, mas maganda ka pag nakangiti, nakakatakot ka kase eh." bumalik na sya sa pagkakaupo at natatawa. Sinimangutan ko sya.

"Baka gusto mong arestuhin kita?!"

"Wag naman." Natatawa nyang sabe. "I just wanna say sorry for my actions kanina, if only I knew." nakayukong sabe nya at napakamot sa ulo. Di ko napigilang mapangiti kahit anong pigil ko. Umaliwalas naman yung mukha nya nung sa tingin nyang napatawad ko na sya.

Hindi naman pala nasira ang araw ko dahil nagpatuloy pa ang usapan namin... Sobrang kulet nya, tuwing tatawa ako tuwang tuwa sya, nakakahiya tuloy tumawa. at talagang isang syang gentleman, pinagtawanan ko pa nga sya nung kinagat sya nung bata, at sinabe nyang nakakaawa daw kase, naalala daw nya nung ganung edad sya at nag iipon daw sya ng bote dyaryo para daw pambili ng gamot sa mama nya, kahit daw mahapdi ang sikmura nya buong hapon.

At nagpatuloy pa ang kwentuhan namin nung araw na yon, na nag enjoy talaga ko. Hanggang sa pagpasok ko kinabukasan nagulat ako nung malaman kong pinagalitan pala sya ni chief at ako din..

"Wag ka kaseng masyadong mag papaganda! Mukang nainlove ata sayo si Rico, di na sya bumalik sa training kahapon at magkasama pala kayo." pabirong sabe ni chief

"Chief naman eh!" nahihiya kong sabe. Kinantyawan tuloy ako ng mga loko kong kasamahan.

"At dahil dyan, ikaw ang ina assign ko para mag train sakanya sa pag asinta ng bala." asus! Kahit naman hindi ako napagalitan baka ako pa din ang magtrain sakanila. I'm one of the best shooters, nagkaron pa ko ng award dahil dyan.

Ako yung nagtrain sakanya sa shooting that day, madali syang maka cope up, pero dahil siguro sa awkwardness ay madalas di asintado yung target. Simula non, there's always something about him. Lage na rin syang nag yaya-ya pag day off di na tuloy ako lage mag isa, he always give me flowers and stuffs. kilig naman ako! Hihi.

A few months later he asked me if he can court me. Ang ganda ko naman para hindi pumayag diba? Syempre, kilig! And I think, I'd fell for him. Kaya naman after a month sinagot ko rin sya. Nasa coffee shop kame nung gabing yon, ako na yata yung pinakamasayang babae nung mga oras na yon.

Akala ko wala nang lalakeng makakapag bigay ng gantong feeling saken. Nagtatatalon pa sya sa tuwa, naiiyak nako katatawa non at sa saya syempre. Akala ko i ki-kiss nya ko, na pag nagkataon ay first kiss ko. But he hugged me and kissed the top of my hair instead. Sobrang bilis ng heartbeat ko non, at nakaramdam ng sobrang respeto.

Inilabas nya yung sweet side ko na hindi ko akalaing meron pala ko nun. Dati masuka suka ako pag nakakakita ko ng couples na sweet, pero ngayon ansarap sa feeling na answeet namin sa isa't isa. Rico always make me feel special. Marami akong natutunan sakanya, at marami akong narealize na bagay bagay.

Minsan sumasama sya sa duty at operation, yung mga di ganon kalaking kaso, mababantayan daw nya ko at isa pa ay parang training na rin nya yon.

Ilang months ang nakalipas, we're still stuck together and seems no one can ever separate us from each other. But something bothers me..

Ilang buwan na nga rin ang nakalipas pero he kept on failing the training. Siguro, na didistract sya saken, naging selfish ba ko at di ko napansin yon? It's his dream, kahit nung wala pa ko sa buhay nya pangarap nya nang maging pulis. Tinanong ko na sya tungkol sa bagay na to, nginingitian lang nya ko pero nakakakita ko ng lungkot at frustrations sa mga mata nya. Ilang linggo ko ring pinag isipan at nakapagdesisyon na ko...


One time, sumama sya sa isang operation... may mga baril yung kalaban, nasa kalagitnaan na ng raid, hindi ko sya pinayagang sumali pero nagulat ako nung hinugot nya yung isa kong baril at umasinta.. hindi tinamaan. Nakita tuloy yung pwesto namin. Nakita ko yung takot sa mga mata nya. Bumaril naman yung isang tauhan, halos di na ko daluyan ng dugo nung makitang muntik na syang tamaan ng bala, tinulak ko sya agad! sobrang nagulat sya at nanginig sa nangyari.

Napaupo sya sa sahig, tinignan ko sya ng masama, nagagalit ako sa ginawa nya. napayuko sya. Nakarinig kami ng kasa ng baril, napatingin sya sakin at dobleng takot ang nakita ko sakanya, takot sa maaring mangyari. But I stayed still and calm, humarap ako sa kalaban at bago pa man maka asinta ay kinabig ko na yung isa ko pang baril at nasapul sya. Tapos ang kaso!

Kinongratulate ako ng mga kasamahan ko. Nakaramdam ako ng awa kay Rico nung nakita ko sya kanina. nanginginig sya, takot na takot, takot sya para saken. At may isa pa kong nakita sa mga mata nya...disappointment para sa sarili nya. Gusto ko syang yakapin, pero tulad nga ng sabi ko, nakapag desisyon nako at tingin ko ay magandang opportunity to para mas mabawasan yung sakit na mararamdaman nya sa desisyong yon.

Hindi ko sya pinapansin nung naglalakad na kame papuntang sasakyan. Nakayuko lang sya, alam rin nyang may mali sya at nahihiya sya saken...

"Ahm.. Marie" huminto kame "M-marie, I'm sorry and thankyou k-kanin--" nakayuko nyang sabe hawak pa nya yung kamay ko. Pinutol ko yung sasabihin nya.

"para san?" walang emosyon kong sabe. nagulat sya, hindi sya nakasagot. "Dahil ba hindi ka marunong makinig saken? Dahil ba muntik na kong mabaril dahil sa pangengealam mo?! At dahil rin ba muntik na tayong mabaril pero ni hindi mo ko naipaglaban?!" nasasaktan ako sa mga sinasabe ko pero mas makakabuti to. Nakita ko yung disbelief sa mga mata nya, pero di ko sya kayang tignan

"Dahil ba mas matapang ako sayo? O, Dahil ba duwag ka?!" Dagdag ko, nagulat sya sa sinabi ko, namumuo na yung mga luha sa mata nya, miski ako nagulat. hinde, hinde ko kayang makita syang umiyak, pero mas makakabuti to para mas maging matapang sya. Alam ko.. alam kong hindi sya duwag.

"Gusto ko yung taong mas matapang saken, yung taong kaya akong ipaglaban." I said with intensity.

"A-anong ibig mong s-sabihin?" Mukhang nataranta siya sa huli kong sinabe.

"I-im s-sorry Rico" kasabay non tumulo na yung luha nya at di makapaniwalang reaksyon nya, napako lang sya sa pwesto nya. Tumuloy nako sa paglakad dahil ayokong makita nya kong umiiyak sa mga kagagawan ko.

Puro missed calls at text nya nung gabing yon. Mag l-leave sana ko pero ayokong ipakitang apektado ko, mas mahihirapan sya. Di sya pumasok kinabukasan at nung mga sumunod pang araw at nung mga sumunod pa. Miss na miss ko sya. Hindi ito ang gusto kong mangyari, pinapatunayan ba nyang mahina sya? Pano na yung training nya? No more texts and missed calls from him. Sumuko na ba sya? So hindi pala nya talaga ko kayang ipaglaban?

Nakatulala lang ako mag isa sa apartment na nirerent ko, when i received a phone call, kala ko sya, pero hinde. Pinapatawag ako para sa isang delikadong operation, matagal nang iniimbestigahan ang kaso neto and ngayon isasagawa yung plano. Para kong robot na papunta sa station hanggang sa makarating kame ng mga kasamahan ko sa lugar, lutang. Tinanong pa nila kung okay lang daw ba ko.

Later on, I found myself hiding, puro putok ng baril yung naririnig ko, mga gumagawa ng illegal na baril ang hinuhuli namin. Nasa kalagitnaan na kame ng operation. Bigla akong ginapangan ng takot.. hindi ko alam kung bakit. May tumapik sa balikat ko, tinutok ko naman agad yung baril ko na kanina ko pa hawak sa kung sino man yon.. paglingon ko, I saw him, nakayuko din sya at seryoso lang na nakatingin sa mga mata ko kahit nakatutok pa rin yung baril ko sakanya, na ibinaba ko naman agad, b-bakit sya nandito?

"R-rico.." walang emosyon yung mukha nya, basta nakatingin sya sa mga mata ko. Yung sobrang lapit namin ngayon made me realized how I missed him.. Just when I am about to hug him halos makalimutan ko na ang sitwasyon, i heard heavy footsteps toward us... huli na..

Biglang bumagsak yung ply wood na pinagtataguan namin. I saw an unfamiliar face, di sya isa sa kasamahan ko. di agad ako nakareact when that person made an evilish smile and point a gun at me.. then..


I heard a gunshot.

Napapikit ako at naghintay ng saket na maramdaman, pero puro bigat lang ang naramdaman ko. Just when i opened my eyes.. I saw rico on top of me. M-may dugo.

P-panong.. b-baket? Di agad ako nakagalaw. Di ako makapagsalita. Nanginginig ako. Tanging init lang ng mga luhang lumalabas sa mata ko yung nararamdaman ko.

Naramdaman kong gumalaw siya, hirap na hirap nyang iniangat yung ulo nya at nanginginig na hinawakan yung magkabilang pisngi ko, may mga dugo pa ang kamay nya.

"I t-told.. yyou.. I-i'm w-willing to f-fight fooor y-you" halos pabulong nyang sabe sa pagitan ng hirap na hirap nyang paghinga. nakatingin kame sa mata ng isa't isa, parehong may luhang walang tigil sa pag agos. I can't talk. I can feel my lips tremble as if i'm preventing myself to sob. Just seeing him like this. It's killing me two times.

"B-bec-cause.. I l-love y-y---" naramdaman kong nawala yung pagkakahawak ng kamay nya sa pisngi ko at bumagsak sa magkabilang gilid ng mukha ko, naksubsob narin yung ulo nya sa may leeg ko. A-anong nangyari?

Nakadilat ako pero wala kong maramdaman, nakatulala lang ako... naririnig ko lang yung mga pagpapanic ng mga kasamahan naming sa paligid at yung mga pagtawag nila sa pangalan ko at ni Rico, kinakausap pa nila ko pero walang sagot galing saken, I'm still in shock.

---- - - - - -

I took another sip of coffee na inorder ko dun sa coffee shop and looked at the cloudy skies again. They are smiling at me. I also smiled back to myself. He's the Perfect guy for me, The guy who's willing to fight for me, the guy who's willing to save me even if it takes his own life because of his love for me. I knew it, he's a strong person, stronger than me, braver and tougher.

The only guy that I loved, I have always loved and I will always love.

May tumapik sa balikat ko.

"Officer Marie Cruz, Chief Rico commanded us to arrest you" sabe nung isang kasamahan kong pulis, nasa likod pa nya yung iba kong kasamahan.

"Arrest me?"

Then umatras yung mga pulis and there I saw him. Looking so handsome with his 3 piece suit holding bouquet of flowers, smiling and walking towards me. Namumuo na yung mga luha sa mata ko. What good I have done to deserve him?

Nang makarating na sya sa harapan ko, bigla syang lumuhod. Nakangiti ako sakanya at naririnig ko pa ang mga kinikilig na customer sa shop.

May kinuha sya sa pocket nung suit nya. A ring.

"You are under arrest my love" he said smiling

"At baket?" tinaasan ko sya ng kilay kahit nagbabadya na yung mga luha sa mata ko. Natawa naman sya sa reaksyon ko.

"You are under arrest for stealing my heart" Dun na tuluyang tumulo ang mga luha ko. Natawa yung mga tao sa shop at yung iba naiiyak narin.

"well. Chief, if that's the case. I am more than willing to come with you, even for the rest of my life" I saw tears falling from his eyes too and his smile became even more wider.


The End~


A/N: This is dedicated to one of my favorite authors, Sweetmagnolia ♥ I made this even before I have read Ang Alalay Kong Astig. But still, sobrang sakanya pa rin ako kumukuha ng inspiration, she's one of a kind :) I'm still young when I made this and I want it to be as it is now, I'm not making any changes. Credits to the owner of the cover. Thanks for reading! ♥

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

10.4M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...