MILK / seventeen

By saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... More

000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
Epilogue
Postscript
♥♥♥
♡♡♡

050

2.4K 158 71
By saltypastry

' Pero kahit na paulit-ulit kong sabihin sayo na mahal kita, kahit kailan hindi mag-iiba ang ibig sabihin nun Milk .. '

--

Milk's POV

Ang lakas ng ulan sa labas. Buti nakabalik agad ako dito sa apartment ko.

Pakiramdam ko wala ako sa sarili ko ngayong gabi. Basta ang high ko. Wala ako sa katinuan. Masyadong akong maraming nalaman ngayong araw.

Ang sakit sa ulo.

Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pintuan.

Syempre lumapit ako at binuksan yun.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Si Joshua.

Nakatayo sa harapan ko, basang-basa, ang messy ng buhok at nakangiti.

Huta, bakit ang gwapo gwapo nya ?!

' Pwede ba akong pumasok ? '- nakangiting tanong nya.

Wala sa sarili akong napatango.

Umiling ako para kahit papaano ay bumalik ako sa katinuan.

Kumuha ako ng tuwalya sa cabinet ko at inabot sa kanya.

' B-Bakit ka basang-basa ? '- tanong ko sa kanya.

' Umuulan diba ? '- natatawang sagot nya.

Napakamot ako ng ulo. Hindi naman ganun yung ibig kong sabihin eh.

' Pauwi na ako ng dorm kaso biglang bumuhos yung ulan. Wala naman akong masilungan kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad '- sabi nya.

Mind reader ba to ?

' I'm not a mind reader. Your face says it all '

Napatingin ako sa kanya.

Ang gwapo nya talaga. Yung buhok nya kasi eh !

Ewan ko ba pero ang lakas ng appeal sakin ng mga lalaking messy yung buhok.

' Uhm .. kukuha lang ako sa dorm nyo ng damit mo .. '- sabi ko at akmang tatalikod na sana nang pigilan nya ako.

' Wag na. May damit naman ako dito eh '

Kumunot yung noo ko. Paano sya magkakadamit dito ?

' Trust me '- sabi nya sabay ngiti.

Napatango nalang ako at lumapit ako sa cabinet ko para maghalungkat.

Meron nga.

Ang daming mga panlalaking damit dito na sa kanya nga ata.

' B-Bakitㅡ '

Nilapat nya yung index finger nya sa labi ko.

' Pwede bang wag kang magtatanong ng kahit ano ngayong gabi ? '- tanong nya.

Tinaasan ko sya ng kilay.

' Just .. don't ask and complain kahit na anong mangyari. Go with the flow. Sundin mo kung anong sinasabi ng puso mo na gawin mo '- sabi nya.

He's weird.

Pero unconsciously, napatango ako.

Nang matapos syang magpatuyo at magbihis, tinulungan nya akong ayusin yung kama ko.

' Pwede ba akong makitulog dito ngayon ? '- tanong nya sakin.

Bakit naman sya makikitulog dito ? Ang lapit-lapit lang ng dorm nila. Pero malakas parin talaga ang ulan.

Sasabihin ko sanang wag nalang kaso iba ang lumabas sa bibig ko.

' Sige '

Natigilan ako. Kino-control ba ako ng lalaking to ?

' Hindi kita kino-control Milk. Sadyang yan talaga ang gusto mo kaya yan ang lumabas sa bibig mo '- sabi nya.

He's really creepy. Binasa nya na naman ata isip ko.

' Paano mo nasasabi lahat yan ? Gaano mo ba ako kilala ? '- tanong ko sa kanya.

Ngumiti sya.

' More than what you think '- sagot nya.

Bumuntong hininga ako.

' Ano ba talagang meron sayo Joshua ? Sabog ka ba ? Naka-drugs ka ba ? '- tanong ko sa kanya.

Pinisil nya yung ilong ko.

' Bawal nga magtanong diba ? Bawal kang magsalita ngayong gabi '- sabi nya.

I stomped my foot. Para saan pa ang freedom of speech kung ganito lang din ?

' Bawal din magdabog. Ikaw ha, ang dami mo nang kasamaan na natutunan nung mga panahong wala ako sa tabi mo '- sabi nya.

Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong masabi kahit isa.

Pero may parang bumubulong sakin na wag nang magtanong at makipagtalo dahil alam ni Joshua ang ginagawa nya at mapapagkatiwalaan naman sya.

Sige na nga.

' Nasaan pala yung aso mo ? '- tanong nya.

Tinuro ko naman yung ilalim ng kama ko.

Yumuko sya at binuhat si Cereal.

' Cereal ang pangalan nya diba ? Cute but I prefer Soy Sauce '- sabi nya.

Kumunot ang noo ko. I don't get him.

Soy Sauce ? Pangalan para sa aso ? Gaguhan ?

' Upo ka nga dito sa tabi ko '- sabi nya kaya ginawa ko naman.

' Ang laki ng pinagbago mo '- sabi nya.

Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko kaya na-alarma ako.

' Kalma. Wala akong gagawing masama sayo '- sabi nya.

Bakit ba ganito yung way nya ng pagsasalita ? Parang nahi-hypnotize ako.

Parang lahat ng sinasabi nya, totoo at tama.

' Ang laki ng ipinayat mo. Well, payat ka na naman dati pa pero mas payat ka ngayon '- sabi nya.

Pinisil nya yung pisngi ko.

' Medyo wala naring laman yung pisngi mo. Kumain ka ng marami ha ? '- sabi nya.

Tumango nalang ako.

' Tulog na tayo ? '- tanong nya.

Tumango nalang ulit ako. Bawal magsalita eh.

Binaba na nya si Cereal at bumalik na ito sa ilalim ng kama.

' Tabi tayo ha '- sabi ni Joshua sakin.

Umiling ako ng mabilis.

' Bawal magreklamo '- sabi nya tapos pinatay na nya yung ilaw.

Ano bang gulo tong pinasok ko. Baka ma-reyp ako ng wala sa oras.

Joke. Alam ko namang hindi yun magagawa ni Joshua. Baka nga ako pa mang-reyp sa kanya eh hehe.

' Hoy may binabalak ka bang masama ? Bigla-bigla kang ngumingisi dyan '- sabi nya sabay batok sakin nang makahiga na kami.

Makabatok naman to.

Dun ako sa kabilang side humarap para wala akong nakikitang tahong.

' Oy '- rinig kong pagtawag nya sakin.

Lumingon ako.

' Usod ka dito sa tabi ko '- sabi nya habang naka-pout.

Pwede bang wag syang mag-pout ? Masyado kasi syang cute.

Umusod ako sa tabi nya. Hinawi nya yung buhok na nakaharang sa mukha ko.

' Ganito din tayo dati. Madalas akong pumupunta dito sa apartment mo at magkatabi tayong natutulog '- sabi nya.

S-So sya nga talaga yungㅡ

' Ang sarap mong panoodin matulog. Mukha kang mabait pag tulog pero kapag gising naman ang ingay mo tapos ang sungit '- sabi nya kaya hinampas ko sya ng mahina sa braso.

Biglang kumulog ng malakas kaya napausod ako ng mas malapit pa sa kanya. Narinig ko syang tumawa ng mahina.

' Duwag mo talaga kahit kailan. Pero naalala ko dati noong nagkasugat ako sa kamay. Nakakatuwang isipin na ginamot mo yun kahit na takot ka sa dugo '- sabi nya.

Ngumiti nalang ako.

Parang gusto ko na tuloy maalala lahat. Parang ang dami kasing magagandang nangyari.

Ang dami nya saking kine-kwento habang ako naman ay aliw na aliw na nakikinig sa kanya.

Ang cute nya lang titigan habang nagre-reminisce.

Kaso bigla syang tumigil sa pagsasalita at tumingin sakin.

Agad akong umiwas ng tingin.

Nakakahiya. Nahuli pa nya akong nakatitig sa kanya.

' Pwede bang .. '

Tumingin ulit ako sa kanya kasi may sinasabi nya.

' .. yakapin kita ? '- tanong nya.

Natigilan ako sandali sa sinabi nya.

' Ayos lang kung ayaw mㅡ '

Napatigil sya sa pagsasalita kasi umusod pa ako ng mas malapit sa kanya.

Kinuha ko yung kamay nya at nilagay yun sa may bewang ko.

Siguro naman normal lang to diba ? Boyfriend ko naman sya eh.

Napangiti sya. Ako naman napahikab.

' Inaantok ka na ba ? '- tanong nya sakin.

Tumango ako.

' Mas madali kang nakakatulog kapag ginagawa ko to '- sabi nya tapos marahan nyang sinuklay ng paulit-ulit yung buhok ko gamit yung kamay nya.

Ang sarap sa pakiramdam. Ang gaan ng kamay nya. Hindi ako magsasawa kung ganito kaming dalawa palagi.

Binaon ko yung ulo ko sa dibdib ni Joshua. Ang bango nya. Amoy downy haha.

Naramdaman kong medyo bumibigat na yung mga mata ko. Idagdag mo pa yung pagbuhos ng ulan at yung lamig ng aircon kaya nakaka-antok talaga.

' Matulog ka na Milk '- rinig kong sabi ni Joshua.

' Goodnight Joshua '- mahinang sabi ko.

' Goodnight '

Pumikit na ako. Naramdaman kong hinalikan nya ako sa noo.

Hindi na ako nagreklamo. Kasi alam ko sa sarili ko na ito ang nakasanayan ko.

' Saranghae '- bulong nya sakin.

--

Third Person's POV

Nakangiti si Joshua habang pinagmamasdan si Milk na yakap-yakap nya.

Hindi nya akalain na magiging ganito kalapit ulit sila sa isa't-isa simula nung magka-amnesia si Milk.

Pero hanggang ngayon, sinisisi padin nya yung sarili nya kung bakit naaksidente si Milk.

Sinubukan nyang alisin muna sa isip yung thought na yun. Dapat maging masaya sya sa pagkakataong ito kasi yakap-yakap nya ang taong mahal nya.

Sinubukan nyang itigil yung pagsuklay ng marahan sa buhok ni Milk. Natawa sya ng mahina nang hawakan ni Milk yung kamay nya at binalik yun sa ulo nya.

Para talaga syang bata.

' Psst. Soonbyul '

Hindi kumibo si Milk.

Ilang beses pang tinawag ni Joshua si Milk at nang makasigurado syang tulog na ito ay nagsalita sya.

' Hindi man ako kasing galing kumanta ni DK, kasing galing sumayaw ni Hoshi, kasing gwapo ni Mingyu at kasing galing mag-rap ni Vernon, magaling naman ako sa isang bagay. Ang mahalin ka '

Hindi nakita ni Joshua na napangiti si Milk.

' Aish. Ang corny talaga ni Seungcheol hyung. Sya nagturo sakin nun eh. Ngayon alam ko na kung bakit palagi syang binabasted ni Jeonghan '

Gustong matawa ni Milk kaso pinigilan nya yung sarili nya. Baka mabatukan sya ni Joshua kapag nalaman nitong gising pa pala sya.

' I love you .. '- bulong sa kanya ni Joshua.

Naramdaman ni Milk na bumilis ang tibok na puso nya.

' Sya na nga talaga '- isip-isip ni Milk.

' Sabi ng iba kapag daw palaging inuulit ang isang bagay, parang nawawala na ang true meaning nito. Pero kahit na paulit-ulit kong sabihin sayo na mahal kita, kahit kailan hindi mag-iiba ang ibig sabihin nun Milk .. '

' Hindi din ako mapapagod sabihin yun. Kahit ilang beses. Kahit paulit-ulit pa '- sabi ni Joshua.

Naramdaman nyang hinigpitan ni Milk yung pagkakayakap nya.

' Hindi din ako magsasawang pakinggan yan Joshua '- bulong ni Milk.

Hinawi ni Joshua yung buhok na nakaharang sa mukha ni Milk. Nagulat si Milk kaya agad syang pumikit.

Natawa nalang si Joshua. Gising pa nga siya.

' Sana maalala mo na ako Soonbyul '- huling sabi ni Joshua bago nya ipikit yung mata nya at natulog na.

--

RIP Breakfast Couple. You will always be remembered. Chos.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 376 108
There are 7.98 billion people in the world, 108.77 people in the Philippines, and two fated soulmates. Welcome to Claveria National University! The p...
4.2M 91.3K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
14.8K 906 71
"It's just a game, and you're my toy. Nothing more, nothing less." - She just wants to have a simple life, but everything turns upside down when the...
4.1K 407 47
This is the first installment of No Name Series. Pain. Grief. Anger. Frustration. Who wouldn't feel those if you found out that someone you love, som...