Montello High

By silentliar15

5.5K 158 1

Isang tagong paaralan kung saan mo mararamdaman ang totoong pagmamahal... *** Pero paano kung doon mo rin mak... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 1

2.2K 36 1
By silentliar15


Laurece POV

"Kuya sure ka ba na dito yung daan? Kanina pa kasi tayo ikot ng ikot dito wala naman tayong nakikitang school ah! Baka niloloko mo lang ulit ako eh!" Pag rereklamo ko

"Alam mo Laurece sure talaga ako eh!" Pagsagot naman niya

"Eh! Sino ba namang tao ang papatayo ng paaralan sa gitna ng kagubtan!" Naiinip kong sagot sa kanya

"Hindi yun basta bastang paaralan. Basta tumulong ka na nga lang!" Sigaw nito sa akin

Sira naman pala sila eh! Sino ba namang tao ang magpapatayo ng paaralan sa gitna ng kagubatan! Akala naman nila maganda yung school siguro nga nabubulok na yun eh! Hello?!

Sa inis ko nag pahinga nalang muna ako habang nakahawag sa isang kahoy...

"Kuya wala pa---" natigil ko yung sasabihin ko ng may napansin ako sa paligid
"Kuya anong nangyayari?" Natataranta kong tanong kay Kuya

"You find it..." Tanging sabi niya lang

"Ang a---" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang nasa harapan ko...
.
.
.
.
.
.
.
.

WOW!!!! Ang ganda!

Kasi ganito yun... Nung hawakan ko yung kahoy na yun biglang humangin at parang may malalaking ugat ang nagsilabasan sa katabing puno and then parang may lagusan...

"Laurece you found it..." Hindi makapaniwalang sabi ni Kuya

Nag Simula ng maglakad si kuya kaya sumunod ako... Pero naramdman kong tumigil siya kaya tumigil din ako...

"Hanggang dito nalang Laurece..." Napalingon ako sa kanya ng sabihin niya iyon

Ha? Anong dito nalang? Akala ko sabay kami? That old hag?!

"Enjoy you're living here Laurece!" Sabay tulak niya sa akin

Ahhhhhhhh!!!! Para akong hinihigop!!! Ang sakit sa ulo ko!!!

Napapikit nalang ako at nang maramdaman ko nang parang nagging maayos na ang pakiramadam ko ay agad akong dumilat

Pagkabukas ko ng mga mata ko ay nakita ko agad ang isang lalaki na tansya ko nasa 50 YO pero ang gwapo parin

"Maligayang pagdating Daniella Laurece George..." Sabi niya

Hala! Bakit niya ako kilala!

"Sino ka?!" Hindi ko napigilan ang sarili ko na pagtaasan siya ng boses

"Manang mana ka talaga sa kanya..." Sabi niya

"Sabi ng sino ka eh?!" Nanginginig kong sabi sa kanya... Natatakot na ako... Gusto ko nang sumigaw... Mag wala... Pero sure naman ako na wala siyang gagawing masama sa akin

"Mr. Montello... Adrian Montello..." pag papakilala niya sa akin....

Teka! Parang pamilyang ang montello ah...

Naku!

"Sorry po! Hindi ko po sinasadyang pagtaasan kayo ng boses... Sorry po talaga... Kinakabahan po kasi ako eh..." pag hingi ko ng paumanhin sa kanya

"Okay lang yun...parehas talaga kayo..." sabi niya pero hindi ko narinig ang huli niyang sinabi

"Okay ipapatawag ko nalng si Nathalie para ipaaundo ka dito..." sabay pindot niya sa isang button.mayamaya lng may kumatok na

*tok tok tok*

"Mukhang adjan sa sya ka pumunta kana doon at para makapahpahinga ka na din" sabi niya kaya pumunta ako sa pinto at binuksan iyon

Isang babaeng golden brown ang buhok, maputi, matangos ang ilong, mapulang labi, at brown ang mata ang sumalubong sa akin.... Pero may eyeglass sya na bagay sa kanya

"Hi!" masigla nitong bati sa akin

"Hi" nahihiya ko pang sabi

Laurece bakit ngayon ka pa nahiya! Ang kapal naman ng mukha mo ah!

Para na akong baliw dito!

"Halika na!" sabay hila niya sa akin

Tumakbo kami papuntang elevator nandito kasi kami sa pinakataas ahhmm... 5th floor ata yun kasi yung nakita ko eh!

"Tumingin ka sa likod mo" sabi ni... Sino nga to?
"Nathalie Gomez" ahhh yun pala yung pangalan niya. Hindi ba to napapagod kakangiti? Kanina pa kasi sya nakangiti eh!

Ginawa ko naman yung sinabi niya kaya tumingin ako sa likod... Pag talikod ko.
.
.
.
.

As in! Ang ganda! Para akong nasa dream land! Sa left side kasi makikita mo yung mga bahay...pag sinabi kong MGA as in andaming bahay!
Tapos sa right side naman mga naglalakihang building ang makikita mo. Tapos sa makikita mo yung parang paaralan ata nila tapos ang lawak! Tapos ang nagiging boundary lang nila yung sobrang linis na ilog na may tulay!

Oh my gulay! Nananaginip ba ako?!

"Psst." hindi ko namalayan na kanina pa pala niya ako tinatawag kaya nilingon ko siya

Parang naghihintay lang siya ng sagot. Pero parang alam ko naman ano ang ibig niyang sabihin kaya sinagot ko sya

"Sorry. Daniella Laurece George" sabi ko

Hindi ko namalayan na nakababa na pala kaya hinila na naman ako ng kasa- ni Nathalie palabas ng elevator

Paglabas namin sa building na iyon nakita ko ang mga studyante pa ata to eh

"Welcome to Montello High!" sabi niya habang nakangiti sabay taas ng kanyang kamay kaya napatawa ako

Nagtaka naman sya kaya tumahimik ako

"Yesss!!!!" sabi niya. Nakita niya siguro ang mukha kong nagtatanong kaya nagsalita siya

"Alam mo matagal ko na gustong may kasama pero ayaw nila akong kasama sa bahay eh... Pangit daw ako... At nerd" sabi niya

Napantig ang tainga ko sa sinabi niya... Wala siyang kasama? Pangit?nerd? Bahay?

"Oo" sabay ngiti niya

"Nathalie pwede magtanog?" pagtatanong ko sa kanya

"Oo naman no!" masigla niyang sabi

"Hindi ba nangangawit mukha mo sa kaka ngiti?" tanong ko sa kanya

"Hindi naman" sagot niya lang saakin at ngumiti ulit

Hindi nalang ako nagtanong at sumunod ng tumakbo siya

"Hali ka na! Punta na tayo sa bahay! Para malagay muna yang mga gamit mo" sumunod nalang ako sa kanya

'Gosh sino yang kasama nya!'
'Ayan na naman yung pangit!'
'Pre ang ganda oh!'
'Yung nasa likod ba?'
'Oo!'

Rinig kong bulungan ng mga nakakasalubong naming studyante

Bakit parang studyante lang ang andito? At akala ko ba paaralan lang ito? Bakit may mga bahay?

Naalala ko naman ang sinabi ni kuya 'hindi yun basta bastang paaralan' so alam na pala to ni kuya eh! Pero nakapaninibago lang kasi! Ayyyshhh! Kainis naman oh!

Hindi ko namalayang sa kakaisip ko nawala na si Nathalie sa paningin ko. Ay!lagot na!

Patuloy parin ako sa pagtakbo pero sa hindi inasahang pangyayari... Nakabangga ako

Dahilan para matumba kami at nalaglag yun mga dala kong bag..

Pero ang akward ng posisyon namin kasi nasa ibabaw ako tapos nasa ilalim siya...

Pinagmasdan ko siyang mabuti... Matangos ang ilong, maputi, ang ganda ng mata niya, mapulang labi, at may pagkabrown ng buhok niya... Basta ang masasabi ko.... Ang gwapo niya!

Nakita ko siyang ngumisi kaya napatayo ako agad

Hoy! Umayos ka!

"Sorry" nasabi ko nalang khabang nakayuko... Nakakahiya kaya yun noh!

"Ayos lang yun... Andy... Andy Stephens" sabay abot ng kamay niya sa akin

"Daniella Laurece George" nasabi ko nalang sabay abot ng kamay nya

"Laurece! Naku akala ko nawala ka na!" rinig kong sabing isang babae

"Nathalie! Saan ka ba nagpunta!? Kanina pa kita hinahanap!" Tanong ko agad sa kanya

Nakita kong huminto sya na parang shock na shock kaya tinawag ko sya at pinakilala ko sya kay andy

"Nathalie I would like you to meet Andy, Andy meet Nathalie" pag papakilala ko sa kanilang dalawa saka sila nag shake hands

Shock parin ang mukha ni Nathalie kaya tinanong ko na sya

"Oh! Bakit parang shock ka jan nakakita ka ba ng multo?" tanong ko sa kanya

"O sige girls i gotta go, Bye" sabay alis niya na may ngiti sa labi

"S-si A-a-andy ba t-alaga yun?!" nauutal niyang tanong sa akin

Pumurma naman ang mukha kong nagtatanong

"Waaaaahhhh!!!!!siya nga!" nagulat ako ng bigla nalang siyang sumigaw at nag tatatalon sa tuwa
"Laurece nahawakan ko kamay niya!" sabi niya sabay talon talon pa

"Hoy ano ba nangya--" hindi na nya ako pinatapos at kinuha na nya ang iba ko pang mga gamit at hinila nya ako paalis dun

Wierd.

***

*Montello Village*

Basa ko sa parang sign sa labas nong sinabi ko sa inyong mga bahay bahay sa left side

So parang subdivision sya..

Naglakad pa kami ni Nathalie bago marating yung bahay daw namin

Habang naglalakad kami napapansin kung tinitignan kami or ako ng mga madadaanan naming mga studyante...

Bakit parang studyante lahat nakikita ko except kay Mr. Montello?

Tatanungin ko nalang si Nathalie mamaya...

Huminto kami sa tapat ng isang... Two storey at may veranda sa harap tapos parang kasya ang isang pamilya... Seryoso ba to?

Nakita kong pumasok si Nathalie kaya pumasok na rin ako. Pagkapasok ko ang ganda sa loob?! Sala agad bubulaga sa yo tapos sa likod non makikita mo ang kitchen pero may nakaharang na lamesa na may bulaklak at libro tapos sa gilid nun makikita mo ang dinning table. Pag akyat mo sa hagdanan makikita mo agad ang dalawang pinto na magkaharap.

"Halika dito yung kwarto mo" tawag saakin ni Nathalie. Pumasok sya sa left door kaya sumunod ako.

Hindi gaano malaki tong kwarto pero maluwag at wala kang kalat na makikita

Napapansin ko lang kanina pa to good mood si Nathalie ah?

Matanong nga...

"Nathalie may gusto ka ba kay Andy?"

Nakita ko sa mata nya na nagulat sya kaya na komperma ko na....

Hahahahaha...!!!! Sang pula ng pisngi nya! Hahahaha!!!

"Shhhh.... Wag kang maingay" pagsita nya sa akin

"So ano totoo nga?" Nakayuko lang sya tumango siguro nagiging kamatis nato hahahaha!!!

Nagkwentuhan lang kami hanggang mag gabi. Sabi niya simula nong nakita nya si Andy nong pumasok sya dito na 'Love at first Sight' daw sya. Corny nya!. Nagtaka nga ako bakit walang nakatira sa right side nitong bahay dun banda sa may kwarto niya sabi nya di daw nya alam. Tapos nag tanong pa ako. Bakit ganito tong napasukan kong paaralan. Sabi nya lang para raw itong training na sa amin paanu mabuhay ng hindi umaasa sa magulang.

Pinag kaisahan ba naman ako ng pamilya ko?! Planado na pala nila to?!

Natanong ko naman sa kanya kung saan namin kukunin yung allowance namin. Sabi daw sa kanila depende sa performance mo yung matatanggap mo every month at ikaw na ang bahalang mag tipid.

Hanep no!

Nang nakaramdam kami ng gutom naginit nalang kami ng pagkain sa ref. Ako na nag hugas ng pinagkainan namin at nauna na si Nathalie natulog.

Nang matapos kung naghugas ng pinggan umakyat na ako at natulog narin.

Naku! Malaking araw to bukas. Bukas na kasi mag sisimula ko dito sa Montello High. Wish me luck!

***

Yo! First chapter palang to pero feel ko sabaw na huhuhu!!! Pero gagawin ko ang lahat para lang mas maging masaya to! at first story ko pala to! Sana suportahan nyo! Salamat! Mwuah!

Continue Reading

You'll Also Like

174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
21K 591 43
Ekaanta Amora Flores, Ang babaeng tahimik at parang hindi nage-exist sa school. Walang mga kaibigan. A girl who loves being alone, she doesn't care i...
261K 17.8K 84
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...