Crush Kita Konti Lang

By asherinakenza

2.6M 50.8K 3K

High school life More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
Finale
Epilogue

14

52K 985 20
By asherinakenza





Chapter 14






ABHIE'S P.O.V






Kinabukasan maaga akong nagising! Sabado na ngayon! Kinakabahan ako dahil sabi ni Shane susunduin nalang daw niya ako mamayang 6pm.






Napatingin ako sa cellphone ko ng may magtext.







Shane : See you later Miss.







Napalunok ako, hindi ako sanay sa kasweetan niya, pero ramdam kong namumula ako dahil sa kilig. Tinignan ko ang dress ko na nakasabit sa may gilid ng pinto ko. Yan ang dress na pinapasuot niya saakin.







"Ackkkkk!!" - napapitlag ako ng pumasok si Syril at Elle sa kwarto ko!






"Hoy! Ang aga aga niyong mambulabog!!" - sigaw ko sakanila saka tumayo na ako sa kama ko.






Tumakbo sila palapit saakin!





"Date! Date! Date! May date kayo ni Monster ng kagwapuhan!! Ackkkk!" - sigaw ni Syril saka inalog alog ako sa balikat ko!





Paano niya nalaman?! Tinignan ako ni Elle at nag V sign siya! Grabe close na talaga silang dalawa!






"Kalma!!" - sigaw ko!






Tawa naman ng tawa si Elle.





"Paano ako kakalma kung magkakaboyfriend ka na?!!" - sigaw nanaman ni Syril!





"Ha? Boyfriend ka jan!!" - sigaw ko sakanya.






"Oo! Kaya nandito kami ngayon ni Elle para ayusan ka!" - sabi ni Syril habang ginugulo gulo ang buhok ko.






"Sinong aayusan?" - biglang singit ni Tita Marie.






"Si Abhie Tita! May date kasi siya mamayang 6pm!" - excited na sigaw ni Syril.







Nanlaki ang mata ko, napansin ko namang napangiti si Tita.






"Dalaga ka na Abhie ah.. Basta alam mo na ang tama at mali ha? Kung nandito pa ang Papa mo sigurado ako kakausapin niya pa yung kasama mo mamaya." - sabi ni Tita saka napatingin sa dress na nakasabit.





"Tita naman.." - bulong ko at bigla nalang tumulo yung luha ko.






Lumapit saakin si Tita at pinunasan ang luha ko.






"Iha, magiging masaya ang Papa mo kapag nakita niyang masaya ka. Sigurado ako palagi kang binabantayan ng Papa mo." - tumango tango ako at ngumiti.






"Para kay Papa magiging masaya ako." - bulong ko.





Tumango si Tita.





"Mabuti naman, kumain na tayo halika na. Umagang umaga umiiyak ka." - nakatawang sabi ni Tita.





____________





Alasingko na ng hapon at kaming tatlo nalang nila Elle ang nandito sa bahay, si Tita naman nasa meat shop namin.






"Excited ka na ba Abhie?!" - sigaw ni Syril.





"Eh mukhang mas excited ka pa kay Abhie!" - natatawang sigaw ni Elle.





"Mga adik kayo noh! Kayo kaya sumama kay Shane!" - natatawang sigaw ko.





"No no no.. Ikaw ang gustong makasama ni Shane sa birthday niya." - sabi ni Elle.





Nakaligo na ako at nakabath robe na, inaayusan na ako ni Elle ng buhok habang si Syril sa make up.





"Huy ayoko ng makapal ha!" - sabi ko kay Sy.





"Ano ka ba! Face powder lang 'to saka lip gloss! Kunyare nalang make up artist mo ako!" - parang baliw na tumawa tawa pa si Syril dahil sa pag.fee.feeling make up artist niya!






Pagkatapos nila akong ayusan sinuot ko na ang dress ko na above the knee.





"Wow, ang ganda mo Abhie!" - excited na sigaw nila.





Ngumiti ako, tinignan ko ang sarili ko sa tapat ng salamin at hindi ko maiwasang mamangha sa pag aayos na ginawa saakin nila Elle.






Maya maya lang may nag door bell na rin.






"Ackkkkk!!" - grabe nakakabingi silang sumigaw!





Hinila na nila ako palabas ng bahay.






At hindi ko maiwasang mapangiti kay Shane dahil tingin na ibinibigay niya saakin. Nakasimpleng green polo at pants lang si Shane, ang gwapo niya tignan tinernuhan pa ito ng bonnet.






"Oy Shane ingatan mo si Abhie ha!" - sigaw ni Elle.






"Psh, iingatan ko siya. Hindi mo na kailangang sabihin." - naiinis na sabi niya kay Elle.






Halos magharumentado ang puso ko ng hawakan ni Shane ang kamay ko at pinasakay na ako sa back seat, kasama namin ang driver niya, umupo na rin si Shane sa tabi ko.







"Let's go Manong." - sabi niya saka nagmaneho na ang Driver.







Naramdaman kong inilapit ni Shane ang bibig niya sa tenga ko.






"You're so beautiful.." - puri niya saakin, napalunok ako. Grabe nagwawala yung puso ko!







"Ah..te..thank you!" - nauutal na sabi ko, lumingon ako sakanya at dun ko lang napansin na titig na titig siya saakin!






Nginitian niya ako at napatingin ako sa kamay niya ng hawakan niya ang kamay ko.






"Ang lamig ng kamay mo, kinakabahan ka ba?" - nakangising sabi niya.






"Kasi ikaw eh! Hindi ka naman ganyan dati!" - sigaw ko, napansin ko sa rear mirror na napangiti ang driver nila.







"Dati yon. Iba na ngayon, gusto kita kaya masanay ka na." - seryosong sabi niya. Napalunok ako at idineretso ko nalang ang tingin ko sa kalsada, naramdaman ko ang marahan na pagpisil niya sa kamay ko.





________






"Manong dito nalang tayo magkita mamayang 9pm." - sabi ni Shane, tumango naman yung driver nila na iniwan namin sa isang restaurant.







Bumaba si Shane, pinagbukasan niya ako ng pinto ng kotse para lumipat sa passenger seat.






Nagulat ako ng magdrive siya.





"Hindi kaya mahuli tayo Shane?" - kinakabahan na tanong ko.





Umiling iling siya.





"Jan lang naman tayo, hindi ako papayagan ng driver ko kung malayo." - sabi niya.





Tumango nalang ako, tinignan ko siya habang nagdadrive ang gwapo lang niya.






Medyo madilim na rin, tumigil kami sa isang mataas na lugar, napawow pa ako ng makita ko yung city light mula dito sa taas.





Binuksan niya yung compartment ng kotse niya at kinuha niya yung mga pagkain dun.





Tinulungan niya akong umakyat sa taas ng kotse niya, napapangiti ako.





Sunod siyang umakyat, umupo siya sa tabi ko.






"Ang ganda dito Shane." - sabi ko, inabutan niya ako ng softdrinks in can.






"Thank you..madalas ka ba dito?" - tanong ko sakanya saka uminom ako, binuksan niya muna yung mga pagkain sa harapan namin.





"Yeah." - matipid na sagot niya.





"Happy Birthday Shane." - bati ko sakanya.





Nginitian niya ako at nagulat ako ng halikan niya ang pisngi ko!





"Thank you!" - nakangiting sabi niya, nag init yung mukha ko dahil sa ginawa niya.





Napahawak ako sa pisngi ko, shete ka Shane.





"Here, si Mama nagluto niyan." - sabi niya saka inabot saakin yung isang maliit na tupperware ng white spaghetti.





Kumain kaming dalawa, habang tinitignan yung city lights.





Pagkatapos naming kumain nagkwentuhan kami tungkol kay Papa, gusto niya daw kasi akong makilala, nakatitig lang siya saakin habang nagkukwento ako.






"Lahat ng gusto ko binibigay ni Papa basta alam niyang makakabuti saakin, miss na miss ko na nga siya eh. Alam mo ba nung araw na nakita kita sa sinehan, isang buwan palang patay nun si Papa." - kwento ko.






"Kaya ba iyak tawa ka sa sinehan?" - pang aasar niya, hinampas ko siya sa braso niya!






"Nakakainis ka Shane!" - natatawang sabi ko.





"Ang weird mo nga non Abhie. Pero nakakatawa ka naman at the same time, biruin mo galit na galit ka saakin dahil pinapasinga kita." - hindi naalis ang pagtawa ni Shane habang nagkukwento!






Grabe nakakahiya! Ang sama nitong si Shane pinaalala pa yon!





"Eh kasi naman hindi mo naman sipon yun eh! Nakakinis ka!" - naiinis na sigaw ko, wala siyang ginawa kundi ang tawanan ako!





Hahampasin ko pa sana siya pero hinuli niya ang kamay ko, at napalunok ako ng paglapitin niya ang mukha naming dalawa.


*****

Continue Reading

You'll Also Like

190K 3.2K 16
Dahil sa kagustuhan ni Alexander na makabalik sa America ay naisip nyang gumawa ng hakbang para maipakita sa mama nya na mas makabubuti sa kanya ang...
72.3K 2.2K 23
CROSSROADS SERIES #2 Based on psychologic study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love. All...
109K 2.7K 23
After two years of hiding, what is X's next act? Will she find the truth? Seek vengeance and make the people who made her life miserable pay for what...
76.2K 2.3K 10
HELLO Band Series 1: Antenna fell in love with Shark the moment she saw him cry. Naniniwala kasi siyang iba magmahal ang mga lalaking iniiyakan ang m...