Vampire City: Not Your Ordina...

By Thyriza

9.1M 213K 16.6K

[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry... More

Foreword
Prologue
Chapter 1 - Escape in my pedestal
Chapter 2 - The Vampire City
Chapter 3 - Hansel Kang
Chapter 4 - His stare
Chapter 5 - Crazy girl + short-tempered guy = Explosion
Chapter 7 - Nightmare
Chapter 8 - The Tournament
Chapter 9 - The Revelation
Chapter 10 - He Loves me. He's a vampire
Chapter 11 - Her warmth
Chapter 12 - The Sanguinarians
Chapter 13 - Jealous Prince
Chapter 14 - The Royal Family
Chapter 15 - Eclipse
Chapter 16 - The Antagonist love
Chapter 17 - His strength is his weakness
Chapter 18 - I love you
Chapter 19 - Pop pop
Chapter 20 - Bitch Please!
Chapter 21
next please>>
Chapter 22 - Endearnment, Love, and Jealousy
Chapter 23 - My Persistent Soon to be Pervert Husband
Chapter 24 - Dancing in the Rain
Chapter 25 - Proclaiming her Defeat
Chapter 26 - Home
Chapter 27 - Boybawang
Chapter 28 - Surprise
Chapter 29 - Confessions
Chapter 30 - Meet the Parents
Chapter 31 - First month of Love
next please>>
Chapter 32 - A Daughter's Cry
Chapter 33 - Leaving
Chapter 34 - Again
Chapter 35 - For her happiness
Chapter 36 - Mourning
Chapter 37 - Her life after
Chapter 38 - Reunion with Erina
Chapter 39 - Arrogant Guy
Chapter 40 - Let us love
Chapter 41 - Signs, Dream & Flashback
Chapter 42 - The Same or Different Person
Chapter 43 - The Island
Chapter 44 - Return to Vampire City
Chapter 45 - Breath
Chapter 46 - She's Psycho
Chapter 47 - Remembering
Chapter 48 - Truth be told
Chapter 49 - Turning
Chapter 50 - Forever and Eternity
Epilogue
TAKE TIME TO READ (Thank you message, FAQ's, Announcement, etc)
This Chapter was Deleted! Proceed to next.
HONEYMOON - Special Chapter
Paranoid Wife (Special Chapter)
Published!

Chapter 6 - His Reason

209K 5.2K 450
By Thyriza

Chapter 6

MABILIS kong nakapalagayan ng loob si Drake. He looks intimidating dahil sa get-up niya pero mabait siya. Isinantabi ko na lang ang naririnig kong boses ni Hansel.

"Saan ka ba ngayon nakatira?" he asked.

"Sa hotel."

Sasabihin ko sanang sa penthouse kasama ni Hansel kaso parang nahiya ako. Eh, kasi pangit tingnan na ang isang babae nakatira sa bahay ng lalaking hindi niya lubos kilala, 'di ba?

"The Scarlett hotel? You sure are rich," nakangiti niyang sabi.

"Ah, hindi naman." Nahihiya kong sabi. "Hey, do you mind if I asked you something?"

"Sure. Ano 'yon?"

"Who is Hansel Kang?" medyo nagulat yata siya sa tanong ko.

"I think, hindi ako ang tamang tao para sagutin 'yan." Nakayukong sabi niya.

"Huh? Bakit naman?"

"Wala lang."

"Ang tipid mo namang magsalita. Para kang si Hansel."

"Don't compare me to him!" natakot ako bigla sa boses niya.

"S-sorry."

"Hehe. Natakot ba kita? Pasensya na. 'Di mo kasi dapat talaga ako ikinukumpara kay Hansel."

"Bakit naman?" curious kong tanong.

"He belongs to a royal family."

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa narinig. "For real? How come? Eh, Pilipinas 'to 'di ba?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Kay Prince Hansel mo na lang itanong."

Napasimangot naman ako. Ang sungit na lalaki na iyon? Ni wala siyang sinasagot sa mga tanong ko! Puro "shut up"' o kaya "retard" naman ang itatawag sa akin!

"Ewan ko. 'Di naman ako no'n sasagutin. Palagi kaming magkaaway," I said pouting.

"Close pala kayo," He said.

"Duh! Close kami sa pag-aaway!"

Tumawa naman siya. "Ang ganda mo. At saka ang bango mo."

Tumawa naman ako ng malakas dahil sa sinabi niya.

"You're the second person to say that. Ano ba'ng ipinagkaiba ng amoy ko sa inyo?" I said cringing my nose.

"You have no idea." Napapailing niyang sabi.

"Wala talaga akong idea lalo na sa lugar na 'to. Bakit ba mas active ang tao rito kapag gabi? At hindi naman halata na mahilig kayo sa red, 'no? Lahat 'ata ng pagkain na nakikita ko ay strawberry flavor," bigla naman siyang tumawa ng malakas. Ano naman kaya nakakatawa sa sinabi ko?

"You amuse me every second, Ingrid. But I suggest that you ignore whatever unusual things you see. Matatakot ka lang sa malalaman mo."

"Ano naman ang katatakutan ko dito?"

"Kung ano man 'yon, sana—"

"INGRID!"

Sabay kaming napalingon ni Drake. Halos mamilog ang mga mata ko nang makita ko ang galit na mukha ni Hansel. Waah! Nakakatakot ang mga mata niya! Nakita ko ang death glare ni Hansel at Drake sa isa't-isa

Wait! Tama ba ang nakikita ko?! May pangil silang dalawa? Tama yata sabi sa akin ni Hansel na may deperensiya na ang mgamata ko. Kinusot ko ang mga mata ko para makasigurado. Eh? Wala na. Sanabi ko na, may problema na talaga ang mga mata ko.

"Sige, Ingrid. See you when I see you." Nag-bow siya sa akin.

"She won't see you anymore!" Hansel said between gritted teeth. Drake just grinned.

"Hansel, be nice!" pinandilatan ko siya.

Tiningnan lang niya ako nang masama.

"Drake, pasen—" Paglingon ko sa pwesto ni Drake, wala na siya. "Ikaw! Bakit ang sama mo sa kanya?" Dinuro ko siya.

"You don't know him!" sinigawan na naman niya ako!

"And you do?!"

"I already warned you na huwag makikipag-usap kahit kanino!"

"I'm not your prisoner, Prince Hansel!" I emphasized the word para malaman niya na alam ko na kung sino talaga siya.

"That man told you, huh?"

"Yes, Drake told me. Mabuti pa siya, mabait! 'Di gaya mo! Masungit! Lagi akong binubulyawan! Always calling me a retard! 'Yon lang ba mga bagay na nakikita mo sa akin, ha, Hansel?" Naluluha ko nang sabi. "Umalis ako sa amin kasi gusto kong isalba ang freedom ko. 'Tapos ikaw, ikukulong mo ako? Anong klase kang tao?"

Bigla na lang pumatak ang luha sa mga mata ko. Natulala lang siya sa harapan ko at nanlambot ang expression sa mukha niya. Ramdam ko ang guilt sa loob niya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

"I-I'm sorry, Ingrid. I only did that to protect you," mahinahon niyang sabi habang yakap-yakap ako.

"You always say that. To protect me from what?" Inilayo niya ang kanyang katawan sa akin saka pinunasan ang mga luha ko.

"It's my first time to see a girl cry," he said beaming.

"You're weird," I muttered.

"I know." Natawa lang ako sa sinabi niya.

"You have a lot of explaining to do" I said.

Inakbayan niya ako.

"Yeah. So brace yourself for my revelation."

Napatango lang ako. Nakaakbay siya sa akin habang pabalik kami sa hotel.

* * *

Hansel's POV

I FELT something weird upon seeing Ingrid with another vampire. I wanted to kill the bastard and rip off his heart out of his chest. I'm not really sure about this feeling, butI know I shouldn't entertain this. Hindi puwede! Delikado para sa lahat.

Ngayon, nakatitig lang kami sa isa't-isa at hinihintay niya ang sasabihin ko. Ayaw ko pang umamin. Not now, not ever! Balak kong iuwi na siya sa pamilya niya. Hindi ko na hihintayin na mas lumawak pa ang kaalaman niya sa mga 'tulad namin.

"Akala ko ba mag-e-explain ka na?" she said pouting.

How I love seeing her like that. Nakakagigil.

"I can't find my words to tell you everything." I said.

She smiled at me warmly. "Then I'll help you find every letters to fill in your lost words."

I chuckled. Ingrid is really smart. I regret calling her names.

"Ganito na lang. Ask me about what has been bothering you. And I'll answer it."

"Okay." She paused saka nag-isip. "Are you really a prince?" she asked.

"I am."

"Paano nangyari 'yon?"

"Because my parents are the king and queen in this city."

"The Philippines is a country governed by a republic. Not monarchs."

"Yeah. But like I said before, this is a secret City."

"How come this is a secret City?"

"Because nobody knows this City exists, that's why."

"Why don't you want me to talk to anyone?"

"Because... M-masyado kang maganda..."

* * *

Ingrid's POV

"BECAUSE... M-masyado kang maganda."

"Ha?" Pakiramdam ko may paru-paru sa tiyan ko. "Ano'ng konek n'on?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko rin alam. Ayoko nitong nararamdman ko pero gusto talaga kitang ipagdamot sa iba. Ayokong makilala ka nila nang lubusan kasi baka maagaw ka nila sa akin. You are an extraordinary girl I've ever known and I want you all for myself."

Nakatingin lang siya sa akin. I tried to suppress my smile but my lips twitch involountarily. Bakit gusto kong maniwala sa lahat ng sinasabi niya?

"H-Hansel..."

"I already told you many times, Ingrid. Please trust me. Please?" Iyong mga mata niya, nagmamakaawa.

"Okay, I'll trust you."

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. I feel goosebumps everytime he holds my hand. Or was it because his skin was cold? I don't know, it's just weird.

"And one thing..."

"Ano 'yon?"

"Stay away from Drake. I have a bad feeling about him."

"Oh, no. Mabait si Drake." Pagtatanggol ko sa kanya.

Hansel sighed. "What did I tell you?" he asked.

"To trust you," nakayukong sabi ko.

"Right. So kapag sinabi kong layuan mo and Drake na 'yon, layuan mo siya, okay?" Napatango ako kahit labag iyon sa loob ko. "Dito sa lugar na 'to, ako lang ang puwede mong pagkatiwalaan, Ingrid." He looked at me so seriously, parang gustong tumambling ng tiyan ko.

Nginitian ko lang siya. Kung ano man ang rason niya sa lahat, naiintindihan ko na at papaniwalaan ko na lang siya.

* * *

BUMISITA ang kapatid ni Hansel sa penthouse. Hinayaan niya kaming mag-usap sa kuwarto ko at siya ay nasa living room lang. Masasabi kong kabaliktaran ni Hansel si Erina. She's so hyper, bubbly, at ang kulit-kulit. Ang dami-dami niyang tanong at mga kuwento.

"Bakit ka ba kasi umalis sa inyo?"

"My parents want me to marry a guy whom I don't love," I said.

"Oh, marriage for convenience? How bad. Uso pa pala 'yon?"

"Unfortunately, yes." Napangiti lang ako ng mapait.

"When you go back, can I go with you?" pabulong niyang sabi.

Siguro para hindi marinig ni Hansel na nasa living room.

"Kung papayagan ka ng parents niyo." Nakangiti kong sabi. Alam ko ng isang Hari at Reyna ang magulang nina Hansel at Erina pero hindi ako nagtatanong tungkol sa pamilya nila.

Umiling siya. "Hindi nila ako papayagan. Lalo na si Kuya," nakanguso niyang sabi.

"Hindi ka pa ba nakapunta sa Manila?" tanong ko.

"Isang beses lang. Pero 'di naman ako nag-enjoy. Takot kasi ako. At saka ito ang first time na may kausap akong human— I mean taga Manila." She laugh awkwardly.

"Don't worry isasama kita." I said and tapped her shoulder to assure her.

"Yay! Thank you, Ate."

Bigla-bigla niya akong niyakap. Kahit malamig katawan niya dahil siguro sa weather, niyakap ko rin siya. Nakakatuwang kasama si Erina. Isip bata drin ako pero parang nagma-matured ako kapag kausap ko siya.

"Ayy, Ate Ing, bukas pala, may archery tournament sa school. Gusto mong sabay na lang tayo manood?"

Natuwa naman ako sa balita niya. Atleast my activity akong mapupuntahan sa school.

"Really? Wow. Manonood talaga ako. First time kong makanood ng archery kung sakali."

"Yeah. Si Kuya nga kasali, eh. Defending champion siya at wala pang nakatalo sa kanya ever since."

I smiled inwardly nang malaman ko na magaling sa archery si Hansel. May talent pala siya. Kunsabagay, he's a prince.

"Gabi rin ba 'yon gaganapin?" I asked.

"Of course. Atually, hating gabi siya ginaganap. Sa akin ka na lang Ate sumama, ha? Ayokong mag-isa ka."

Pati si Erina ayaw din akong mag-isa? They're wierd. Pero okay lang. Hindi ba na-explain na sa akin ni Hansel kung bakit ayaw niya akong mag-isa o may ibang kasama.

"Sino'ng makakalaban niya?" tanong ko.

"'Yong kalabang school ng SMU. The Sanguinarian Academy."

"Never heard of it. But I'll surely cheer for our school."

"Si Kuya dapat ang i-cheer mo nang bongga, ha? Gagawa tayo ng placard para ma-surprise siya."

"Ako magdo-drawing, ah? Doon ako magaling." tuwang-tuwa kong sabi.

"Talaga, Ate, magaling ka mag-drawing?" amused niyang tanong.

"Oo. Fashion design student ako before, eh."

"Cool. Can you draw me?" she said with puppy eyes. How can I resist a cute girl like her?

"Ofcourse. Iyon lang pala, eh." Nakangiti kong sabi.

Continue Reading

You'll Also Like

859K 2.6K 7
THIS STORY WILL BE REMOVED FROM WATTPAD SOON :(
3.5M 55.8K 27
Revenge is a dish best served cold. "Sleep with one eye open, honey. Your time has come..." - Andrea Montenegro Book cover made by @Lena0209 Note:...
21.4M 412K 68
[The Walkers Trilogy #1] Simple at tahimik ang pamumuhay ni Kisha Louise Madrigal hanggang sa makilala niya ang ubod ng manyak na bampira na nangngan...
575K 17.4K 31
[[THE QUEENS SERIES III: The Noble Queen]] She's the epitome of a queen. - This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events a...